Tuesday, August 14, 2007

Ang Cellphone at ang Aso

Tuesday, August 14, 2007
So nagkita na kami. 12:30 na ng gabi. Ang eyebag ko abot na hanggang baba... watdapak

Czarina: Ay matagal ka bang naghintay? Shet na malagket.... ano pa ba isasagot ko?
Ako: hindi naman gano...

Tiningnan ko ung gutter sa kalsada... may 9 na filter.... isipin nu na lng kung gano katagal ako naghintay >.<

Napansin ko na hila hila nya ung gusgusin nyang aso. May lahi daw pero mukha pa rin syang basahan. Dun lang ako nakakaganti sa kanya. Sa aso nyang gusgusin hehehe

Ako: May dala ka palang basahan? (sabay tawa ng malakas)Pinandilatan ako ng mata.
Sa laki ng mata nya para akong tinutunaw. Tama na nga at baka mauppercut pa ko

Ako: Ano pala problema? Ano kelangan mo sa poging ito? (sabay smile ng pagkalaki laki)Czarina: yeah right! (sabay ngiti ng napakaplastik na ngiti)

Ang bruhang ito. Sya na tong may kailangan, ni nde man lang sumakay

Czarina: Newayz, Peram naman battery ng cell mo. Nawala ko kasi ung charger at ung usb ko eh.Sabi ko na nga ba... dapat talaga nagpalit na ko ng cell phone.

Eto lang naman silbi ko sa kanya. Tagapagcharge ng battery. Tagapag pahiram ng battery. Tagapagtanggal ng battery nya. Dati naputol pa ung kuko ko sa hinliliit (ung pangkulangot) pagtanggal lang ng battery nya. Da pain.... da pain.... T_T

Czarina: Alam mo... ang dami kong problema talaga... Nagpatong patong. sa office, sa bahay pati sa buhay ko. etong baby ko na lng nagpapaligaya sa kin....

Kala nyo ako ung sinasabi nyang baby? ung aso nyang gawa sa basahan. Buti pa ung aso binebaby...

(flash back......)

Ako: Huwag kau magulo nagpapalvl ako d2. Ayaw ko magdota. tigilan nyo ko

Ang mga damuho kong mga tropa.... taena walang alam kundi magdota. Gus2 ko lng magpalevel kasi ayaw ko mapahiya dun sa babaeng yon. hahabulin ko level nya. Yong kilay ko nagsasalubong na sa sobrang seryoso. Maya maya may tumapik sa kin. Sapakin ko sana. Kaso si Czarina pala...

Czarina: Oi. And2 ka pala! kamusta pagpapalvl?Ang pride ko sobra sobra nang natatapakan. epal ka talagang babae ka.....

Ako: Eto... malapit na magquitCzarina: What?? why naman????Shet.... the sarcasm talaga....lumilipad sa buong paligid

Czarina: Hey, matagal tagal tayo di nagkita ah? siguro mga 1 month din diba?Ako: (kamot ulo) ah, 1 month na ba un? di ko ramdam eh...

Czarina: May trabaho ka na ba? Gus2 mo mag apply dun sa work ko?

Bah! ngaun ko lang nagustuhan ung sinabi nya. tamang tama kelangan ko na magtrabaho.

Czarina: Ano? gus2 mo ba? pasa ka lang sa kin ng resume mo para ipasa ko dun

Ako: Sure Sure! sige sama ko ung iba kong tropa! Ngaun lang ako natuwa sa kanya. Sana matanggap ako para naman may pera na ko ng sarili ko. Sawa na ko manlimos sa mga magulang ko.

(End of Flashback...)

Ako: Alam mo paulit ulit ko sinasabi sa yo, text lang naman or punta ka sa shop pag may problema ka diba? At sana naman pag sinabihan kita ng payo makinig ka naman. Pinagpapagalala mo lang ako eh

Czarina: E di ko naman sinabing mag alala ka sa ken eh.I'm just fine.Ako nde ok. Tama bang sabhin un sa taong nag aalala sa yo? di ko alam kung manhid o nagmamanhid manhidan lang tong babaeng to. Pero di ko alam.... kinakaya ko lahat lahat para sa kanya. Di nya siguro napapansin pero lahat ng kaya ko ginagawa ko para sa kanya. Kasi nakita ko na ang mga weak moments nya (nax) kaya ko napagdesisyunan na gus2 ko ako ang tutulong sa kanya makalimot sa problema nya. Gus2 kong ako ang gagamot sa lahat ng sakit na nararamdaman nya (oh diba parang My Sassy Girl? pero di ko sadyang gayahin yon ha! hehe) Sa tagal na naming magkakilala, parang kelan ko lang sya nakikilala. Kaya kasabay ng pagkilala ko sa totoong sya ay ang paghilom ng lahat ng pain sa dibdib nya...

Czarina: Oh bat natahimik ka jan? Wag ka nga mag inarte jan!

Seryoso, di ko na magawang magalit. natatawa na lng ako pag sinusubukan nyang tapakan pagkalalake ko.

Czarina: Sige salamat sa battery. Libre kita bukas! promise!

Ako: Kulang pa isang libre para mabayaran mo ko! Pero ok... sarapan mo libre mo ha!

Czarina: Ayt!!! say bye bye to RicaPromise, maganda pa pangalan ng aso nya sa kanya... Hinatid ko sya sa kanto. Tpos hinatid ko papuntang bahay nila... ng tingin.

Ako: kahit binasted mo ko dati... Ok lang. Sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao dapat handa ka magparaya...Pano kamo ako nabasted? Yan ang abangan sa susunod na issue(

To be continued....)

0 comments: