Friday, August 31, 2007

Ang desisyon ni Malungkutin

Friday, August 31, 2007
Lintik na mga kanta yan. Sasakay ako ng dyip, pinapatugtog "Paano" ng shamrock. Pagdaan ko sa tindahan "Paano" rin tugtog. Pagpunta ko sa kinakainan ko un ung tugtog.... parang pinapatamaan talaga ako.... Paano mo maiiintindihan... ang tibok ng puso ko... Subukan mong magmahal o giliw ko ohh... Pakshet....



Almost 1 week na nung umalis si Czarina. Siguro nag eenjoy sya ngaun dun. Siguro di na sya babalik pa. Siguro ending na talaga. Bah isang araw biglang nagtext ang bruha. Nak ng tokwa, alam ko na ang laman ng text na un...



Czarina: hey... bakit ang lungkot ng buhay ko?



Ayaw ko na sya sagutin... ayaw ko na maawa sa kanya. Ayaw ko na maawa sa sarili ko. Ginagawa na kong katatawanan ng mga tropa ko. Pero la ko paki sa kanila. Putulin man nila mga pututoy nila la na ko paki sa kanila. Sa ayaw ko man at sa gusto... andun pa rin ang pag aalala ko sa kanya.



Ako: Bakit? ano na naman problema?



Yun lang ang nasagot ko.



Czarina: Uuwi na ko sa monday. Mas dumami problema ko. Si Leo kasi... alam ko ayaw na nya dun sa office namin pero ayaw umalis kasi hihintayin daw ako.

Hmmm... So?

Ako: Uwi ka na kagad? teka alam na ba to ng pamilya mo? May susundo ba sa yO?

naghintay ako ng 10 mins... 20 mins... 1 hour... di na sya sumagot. Nagkibit balikat na lang ako at inaliw ang sarili sa panonood ng youporn... este youtube

The next day nag online sya sa msn. Di ko natiis pinm ko ung babaeng eng eng

Ako: (takatak tak tak - tunog ng keyboard ko hehe) oi! ano nang balita tuloy ka na bang umuwi bukas?

After 10 mins....

Czarina: uu

10 mins nya ko pinaghintay uu lang pala sagot.

Czarina: salamat nga pala sa lahat ng pag aalala mo sa kin naapreciate ko

Tapos biglang nag offline sya. Yun lang un? salamat lang....

Napansin ko ung stat msg nya sa msn. "I love you Leo"

W-T-F! ayus. Kung meron mang nakakainis kay Cza, un ung pagiging inconsistent nya. She proved it a lot na sa mga huli kong posts... Ayaw na nya pero I love you Leo? Di ba sya marunong magsabi ng totoo... ung mga salitang walang masasaktan?

Monday came, wala man lang syang text. siguro nga nakalimutan na nya ko. Ok na lang sa kin un... Yaw ko na umasa. Bakit ba kasi pumasok ka pa sa buhay ko? May nakita akong tali... Mejo mataas ung kisame namin ah! HMmm... Naisip ko masakit magbigti wag na lang hehe

Afternoon came then nakareceive ako ng text sa kanya

Czarina: Im home na! Lol.

Lol? lol mo mukha mo....

Ako: Bah! pasalubong ko! ok ka na ba?

naghintay ako ng 10 mins... 20 mins... 1 hour... di na sya sumagot. Paulit ulit na lang... Sinabi ko na lang sa sarili ko na its time na. Its time to move on na!!!

Tamang senti ako sa shop. Pinakinggan ko ung "Paano" at "One Last Cry". Tinatawanan pa rin ako ng mga tropa ko. @#!%# nyo. Sana mangyari rin senyo nangyayari sa kin mga hudyo kayo!

Napasulyap ako sa bintana ng shop. Napansin kong sumisilip si Mark dun. Magkikita na naman siguro sila... tapos di nagtetext sa kin. I couldn't care less! I couldn't... I couldn't....

STOP FROM CRYING!!!!

empre sa loob loob lang un! ang macho at gwapo kong image iiyak? no way!

Malapit ko na syang burahin sa phonebook ko... Sisimulan ko na sya kalimutan. Ayoko na kasi ng ganito. Ayko na makakita ng mga malatelenovelang eksena. Kung masaya sya dun sa Leo o Mark nya, dun na sya. Tandaan mo lang to Czarina... di ka na mabubura d2 (tinuturo ung dibdib). Korni naman... Kasalanan mo to bat ako naging korni ako.

Naisip ko na ring mag dubai kasama ng utol ko, magsimula ng panibago. Good luck na lng sana sa buhay buhay nya... Sana pag nawala na ko sa buhay nya, mamiss nya ko ng sobra. Nang maramdaman nya ung mga kalokohang ginawa nya sa kin! Sumpain ka!!!! hehehe

Gabi na....Simula bukas, bagong Malungkutin na ang makikita nila...

The end? or to be continued....?

0 comments: