Tuesday, August 14, 2007

Malungkutin vs. BFs ni Czarina Part I

Tuesday, August 14, 2007
O diba ang ganda ng title ko? Parang pang pelikula ung title. Parang “Spiderman” vs. Sandman,Venom at Green Goblin! Sana nga lang naging si Spiderman na lng ako. Gusto kong upakan yang mga lalake sa buhay ni Czarina.

(Flashback….)

Ang sarap makinig ng music habang nagtatrabaho. Nde mo kelangang marinig ang mga bunganga ng mga bossing d2. Last Kiss ng Pearl Jam download nyo maganda to (nagpromote pa). Biglang may nagtext sa kin. Lokong cellphone di ko man lang nasilence. As usual pinandilatan ako ng boss ko. Nag smile ako (Ung smile na plastic). Bah ang lokong boss ko tinalikuran lang ako. Gus2 ko na talagang igapos sya tapos ihulog sa tulay na may anchor na nakasabit sa pwet nya. Grr….

Anyways, so ayun binasa ko ung text:
Czarina: Tara kain tau ng pizza hut. Hati tau.

Hmm… buti na lng kakasweldo ko lang. Leche, malas ng mapapangasawa ni Cza. Magrereply pa sana ako kaso ubos na naman unli ko. Pisting Globe to, pinapahirapan lang lalo mga tao sa unli unli kuno nila. Buti na lng sakto 1pm na lunch break namin.

Siguro after 10 mins nakarating na ko dun sa pizza hut. Nakita ko si Cza na naghihintay sa labas ng Pizza Hut. Sa mga nagtataka kung pano ako nakarating agad, Walking distance lang ung pizza hat sa min.

Ako: Matagal ka ba naghintay?
Czarina: Mejo lang naman tara order na tayo! Im starving!

I kinda got used to… este nahahawa ako sa inglis nya. Mejo natututo na rin ako mag English kasi kakakausap sa kanya

So ayun, umorder kami after 30 mins, dumating na ung order namin. Yung value meal ba na tig 500+. Value meal un ah? Hehehe. Di pa kami nag sstart ng napansin kong nakatingin sya sa labas. Napalingon ako sa tinitingnan nya. Shet. Si Mark at bitbit bitbit pa nya ung asong gusgusin ni Cza.

Czarina: Excuse me ha, si Mark kasi nakalimutan ko magkikita nga pala kami.
Wow. Sarap sa pakiramdam.

Siguro mga 5-7 mins din sila nagusap sa labas. Tapos sinenyasan nya ko na wait daw. Iuuwi lang daw nila ung asong gusgusin. After 10 more agonizing minutes bumalik na sya sa Pizza hut, ngaun kasama na nya si Mark

E ako plastic akong tao kaya…

Ako: Oi Mark! Tara kain tayo! Dami inorder ni Czarina.
Mark: Nde sige ok lang kakakain ko lang naman talaga eh.

Good. Marunong din palang mahiya. Naisip ko bigla tuloy na kaya nya siguro ako niinvite para kumain sa pizza hut eh para mailibre ung Mark na un. Buti tumanggi ung Mark. Konyot sana sa kin si Czarina.

Ganito ang set up. Ako nasa isang side ng mesa tapos silang dalawa, magkatabi. Ang sweet no? Shet….

Habang kumakain ako, Ang ganda ng tinginan nila. Pinupunasan pa ni Mark ang labi ni Czarina kasi kumakalat sa bibig nya ung sauce nung spag. Tapos ung buhok nya inaayos pa ni Mark. Hello??!!? Si Fanny Serano ka ba? Wala ako magawa talaga… parang naetchapwera ako. Kumain na lng ako ng kumain.

Czarina: Oi! Ayus ka lang ba?? Dahan dahan sa pagkain

Ngumiti lang ako. Ngiting orocan. Ex pala ha. Taena… kung lahat ng mag ex eh ganyan ka sweet, wala na sigurong magkakagus2 na magkaroon ng bagong relasyon.

So ayun tapos na kami kumain. Nauna ako lumabas. Empre kasi naiinis talaga ako. Bigla akong nagpasyang lumingon. Shet na malagket… Saktong sakto. Kitang kita ko na hinalikan ni Czarina si Mark sa lips. Biglang nag freeze ung paligid ko. Kahit ako nagulat eh. Ung building nung Pizza Hut parang gumuho sa kin. Gus2 ko magpasagasa sa kalsada. Bakit ba kasi kelangang ako ang maipit sa ganitong sitwasyon? Bakit ba kelangan nyang ipamukha sa kin na “Oi tingnan mo ko! Nde mo matitikman ang mga halik ko” WTF!

Nagpaalam na ko. Sabi ko malalate na ko. 1:30 pa lang nun pero sabi ko late na ko. Nde man lang nya din NAPANSIN NA 1:30 pa lang! Basta na lng nya sinabi na “Sige bye!” Ang saya diba? Pero pagkaupo ko… nawala bigla ung sama ng loob ko. Ampanget talaga ng nararamdaman ko. Parang feeling ko nagiging martir na ko. Pede na ko siguro maging santo sa sobrang pagkamartir.. gedemit….

(End of Flashback….)

Papakita ko sa susunod ung iba pang misadventures ko sa mga lalake sa buhay ni Czarina. Papakita ko rin kung bakit lagi akong naiipit sa gitna ng mga ex, manliligaw at nagfefeeling manligaw sa kanya.

To be continued...

0 comments: