Wednesday, August 15, 2007

Malungkutin vs. BFs ni Czarina Part IV

Wednesday, August 15, 2007
Pahabol pa diba? Ano ba tawag sa movie na may part 4? fourology ba? hehehe. Para tuloy akong commercial sa Home TV shopping na laging may sinasabing "But wait, there's more!!!". Hayzz...

Anyways, tuwang tuwa pa ko sa nilalaro kong game sa isang internet cafe. Mejo nasisigawan ko na ung mga bantay ng shop kasi ang lag ng internet nila. Grr talaga. Maya maya biglang nag ring ang fone ko (empre ung sa "Transformers" na message alert! uso eh).

"San ka? Punta ka naman d2 sa Yellow cab - Cza"

Wow sosyal. After how many days na di kami nagtetext sya tapos niyayaya pa nya ko mag yellow cab.

"Nde ba maasyadong late na? mag 12 am na" sagot ko

Maya maya...

"Basta punta ka d2 please? parang despedida party ko na rin to. Sama mo na rin sina den at patrick. Kasama ko rin nga pala ung boyfriend at isa kong friend"

Da pak! Pero kahit inis nagreply ako...

"Madami kami d2 eh, nakakahiya naman yayain lahat ng tropa d2. Next time na lng"

Empre nagreply sya...

"I might not see you in two weeks. Please????"

Litsing mga babae. Alam na alam kung ano weakness ng mga lalake. Wala ako nagawa kundi umoo sa kanya.

"Sama ko si Den, Patrick at Jay"

After 2 mins...

"Sige. Please punta ka"

So ayun nag taxi na kami para mas mabilis. Yung panlaro ko naipambayad ko pa sa taxi. Si Den napakakunat ayaw maglabas ng pera. Sinagot ko tuloy ung sa taxi. After mga 15 mins, nakarating na kami sa Yellow Cab. Nagpasya kami ni Den na magyosi muna at silipin sila sa labas.

Den: nakakahiya naman pumasok

Ako: Takte to ngaun ka pa nahiya! Pero nung binayaran ko yung taxi di ka nahiya!

Lokong Den. Tinawanan lang ako

Jay: Ako kita mo suot ko nakapambahay lang Si Patrick lang mejo disente

Patrick: No ba kayo ayus lang yan mahalaga libre kakainin natin

Nagtawanan sila. Ako hanggang ngiti lang kaya ko. Hinahanda ko pa sarili ko sa makikita ko. Tinapon na namin ang yosi namin at nilaksan ko na ang loob ko. Pagpasok pa lang nakita ko na sila. Si Czarina at ang BF nya daw. Sumikip na agad ang dibdib ko.

Jay: Wag mo isipin puso mo. Nurse ako! kung sakaling atakehin ka sa puso ako bahala sa yo.

Grabe. Nde sya nakakatawa. T_T

Pinakilala kami isa isa sa boyfriend nya at sa friend nyang kasama. Leo daw pangalan. Paki ko naman....

Czarina: Buti naman dumating ka!

Ako: Eh nakakaawa ka eh. nagmamakaawa ka sa kin.

Nagtawanan sila. Nde naman ako nagpapatawa pero nagtawanan sila. Seryoso ako.

Czarina: Sira ka talaga!

So ayun. Kwentuhan kami. Kwento d2. Kwento doon. Sina Patrick at Jay RF lang pinag uusapan. Si Den lumbas agad kasi may tumawg sa kanya. Ung isa nilang kasama kuntento na sa pagkain ng pizza. So kami ni Czarina at ni Leo ang magkakausap. Pero tuwing kakausapin ko si Czarina, laging kadikit si Leo. Shet na malagket... di ko makayang tingnan sila. Nakikita kong magkaholding hands sila.... ano sa tingin nyo mararamdaman ko? Sigh....

Czarina: (pabulong) nabobored ka no?

Ako: Ako? nde ah.

Czarina: Nde mo naman kaya itago eh. Napakatransparent mo eh.

Transparency.... Marami nga nagsasabi na masyado daw ako transparent sa nararamdaman ko. Madali makita sa mukha ko raw ung mga nararamdaman ko. Maybe tama sya na alam nya na transparent ako, pero nde nya alam na ignorante sya. Nde nya napapansin na masyado akong nasasaktan sa nakikita ko.

Nagpasya na lang ako magyosi sa labas. Si Den nasa labas, kaso nde ko rin makausap kasi may kausap na namang chix sa fone. walang silbi. Nagyosi na lng ako mag isa. Mula sa kinatatayuan ko, di ko sinasadyang sumilip sa loob. Wowowee! saktong sakto. Magkadikit ang mga labi nila..........

Sadya ba to o pagkakataon lang? Sino pa ba ang nde ko nakikitang hahalik sa kanya? Parang pinana, shinatgun at tinusok ng sibat ang puso ko. Para ring dinaanan ng pison ang puso ko... Pagpasok ko, nakatingin lang ako kay Czarina. Tapos tumingin ako kay Jay... alam ni Jay nararamdaman ko. alam nya na sobrang sakit ng mga nangyari....

Pinilit kong maging masaya na lang ang gabing un. Pinilit kong ngumiti kasi ayaw ko na mapansin nya na nasasaktan ako ngaun. Ayaw ko na mailang na naman sya sa ken dahil sa pesteng pag ibig na to. Mawawala sya for 3 weeks kasi pupunta sya ng province para magbakasyon kaya ayaw ko magkaroon kami ng conflict.

Czarina: Ok ka lang ba?

Please. Wag mo na itanong....

Ako: Oo naman sarap talaga ng libre!

Ngumiti sya sa kin. Ngaun ko lang sya nakitang ngumiti ng ganun. Ung tipong pure na ngiti na walang halong kaplastikan. Ask nya ko picturan sila nung isa nyang friend kaya pinicturan ko sila. Nde ko napigilang tumawa

Czarina: Bakeett??? baket ka tumatawa???

Ako: Mukha ka kasing adik d2 sa kuhang to HAHAAHA!!!!

Pagtingin nya sa picture, tumayo sya tapos sinabunutan nya ko. Tapos pinagsusuntok nya ko sa balikat. Parang naramdaman ko pa ngang sinipa nya ko eh. Di ko na mabilang kung pang ilang beses na nya ko pinahiya sa maraming tao. Pero natawa na lng ako. Pagtingin ko sa likod tumatawa rin sila. Olrayt! namanhid na ko sa kahihiyan ng dahil sa kanya.

Ang sakit man sa pakiramdam, natuwa na rin ako para sa kanya. Ngaun ko lang sya ulit nakitang masaya. Siguro one of these days kakausapin ko ung lalake. Dapat na di nya na ulit paluhain si Cza.

Basta ako mamahalin ko pa rin sya. Siguro nde ko na asahan na masusuklian to. Unconditional love nga daw tawag d2 sabi ni Jay eh. Sana lang maging masaya na sya dahil ayaw ko makita syang umiiyak.

To be continued....

0 comments: