Tuesday, August 14, 2007

Nang umibig si Malungkutin

Tuesday, August 14, 2007
Ayan unang entry ko. title pa lang nakakaakit na ^_^. Unang una ako nga pala si Malungkutin. Wag nyo na itanong kung bakit, basta ako si Malungkutin. Nagsimula ang lahat nung...

(sabay flashback...)

Tahimik akong naglalaro sa isang computer shop. Napapamura na naman ako kasi bakit ang hina hina pa rin ng character ko. 3 buwan na ko naglalaro. badtrip badtrip....Nag iinit pa tenga ko kasi ang iingay ng mga naglalaro ng Dota! gus2 ko i uppercut lahat ng tao dun. (buntong hininga). Nagpasya na lng muna ako lumabas at magyosi. 2 sticks... ilang taon na lng kaya ako mabubuhay?

Pagpasok ko ulit sa shop napansin ko na may nakaupo sa upuan ko. Mahaba ang buhok, payat. Well, naisip ko na babae sya (hehe). Napansin ko rin na mejo tumatawa sya habang nakatingin sa monitor ko. Biglang nag "ting!!!" ang ulo ko. Abah! pinagtatawanan nya ang character ko!

Ako: umm.. miss excuse po!
Babae: (Tumatawa pa rin) ay sa yo ba to sorry ha?
Ako: Sorry san?

Babae: Natawa kasi ako. Pinatay ka ng low level

(sabay taas kilay ko. Syempre mamatay yun, iniwan ko sa labas ng kampo ng mga kalaban sa sobrang inis)

Ako: Pede paexcuse na lang?

Tumayo na ung babae. Yung mga damuhong nag dodota pinagtatawanan pa ako. Mga walang kwenta

Babae: Ako nga pala si Czarina. Ano name mo?

Gumilid lang ang mata ko. sabay sabi ng aking pangalan (empre code name: Malungkutin ^_^). Binuksan nya ang pc sa tabi ko. WALA AKONG PAKE! sabi ko sa utak ko. Basta ako maglalaro na lng dito. Napansin ko na niclick nya ung game na nilalaro ko. Tapos nilogin nya ung character nya. Nakanampucha... mas mataas pa sa ken T_T

Empre dahil sa ako'y lalakeng pilipino, bawal ang mas mahigitan ng mga babae! Kaya bumaba ang aking moral... napilitan akong magout

Ako: Out na nga ko! Ate bayad ko

Napatingin ako dun kay Czarina. Nde na sya nakangiti. Parang ewan ang tingin nya sa ken
Empre nahiya ako sabay tingin sa ibang lugar. Umupo na lng ako sa isang tabi habang pinapanood ung mga nag dodota. Mga katropa ko nga pala ung mga nag dodota. Mga walang kwentang tao nga lang.

Sa dinami daming upuan, bat dun pa sa likod ni Czarina napaupo. Lagi nya ko tinatawag at nagtatanong tungkol dun sa game. Nak ng teteng... gusto ko nang sabhin na "tama na! tigilan na! sobra na! Tama na ang pagtapak sa pagkatao ko!!! E mas mukhang may alam pa sya ken, tinatanong pa opinyon ko. Nakngteteng talaga....

Ang weird ng babaeng yon talaga. Alam kong marami ring naglalarong babae ng mga online games pero sya lang ung nakita kong adik talaga. Bah! sumisigaw pa un tuwing may nakukuhang magandang item o kaya nakakapatay ng ibang character.

Czarina: Oi!!! kitamo napatay ko sya! ung pumatay sa yo kanina hahaha!!!!
yeah... sure. Sige lang tapakan mo pa pagkatao ko >.<

First impression last nga daw. Eto na siguro first impression ko sa kanya... isa syang epal na babae. Oo maganda sya. Pero epal sya. Sana di ko na sya makita ulet.

(End of Flashback...)

tutututoot... tututoot... tututututoot... tututoot...
Lintek na message alert yan. Makabili na nga ng bagong cell phone
May message pala ako...

Czarina: Asan ka na? daan pa ba ako jan?

Nagtext na si Czarina.. grrr gabing gabi na gus2 pa lumabas. Waaaa. Sabagay la na ko magagawa. Nagpromise ako sa kanya. Kung anong promise yun... sa susunod na lang ^_^

To be continued...

0 comments: