Monday, August 20, 2007

Sad goodbye na nga ba?

Monday, August 20, 2007
Nagutom na ko kaya niyaya ko ang isa kong barkada kumain sa pares. Letseng mga katropa ko naadik sa DOTA. Dota dota dota... ayaw ako samahang kumain hayy buhay. Buti pa tong niyaya ko sumama agad

So habang naglalakad kami nagkakuwentuhan kami about games in general. Mejo maangas kasi ung nayaya ko. Parang "diyos" sya sa maraming bagay. Nagulat na lng ako ng bigla na namang tumawag sa ken (Mejo sikat kasi ako eh ehehe).

Czarina: OI!!!!!!

Ang lakas ng tawag nya. Nasa kabilang side sya ng kalsada pero parang sa tenga pa rin nya ko sinigawan.

Lumapit na lng ako kesa tumawid sya. Right thing to do diba? Gentleman Law. Pagtawid ko nakita ko kasama nya si Jen, Marie (mga besprens nya) at si.... Mark. Wala na kong nararamdamang kahit ano. Numb na siguro ako. Nagkumustahan na lng kami at nagpaalam na ko na kakain kami. Sinulyapan ko sila for the last time at nakita ko na magkaholding hands sila. Oh well thats life.

Naalala kong bukas next day, aalis na nga pala sya. Bigla na namang nalungkut si malungkutin. Nagdecide akong gumawa ng sulat. Sulat na naglalaman ng lahat lahat ng nararamdaman ko. Sakto meron pa kong isang araw para sabhin lahat lahat...

Kinabukasan...

Halos wala pa ko tulog. Holiday kasi kaya napagpasyahan naming mag overnyt sa shop. almost 12 hours ako naglaro. San ka pa? Natulog lang ako siguro mga 3 hours at bumalik sa shop. May "misyon" pa kong gagawin. Handa na ang lahat. Kakausapin ko na sya for the last time. Tinext ko sya na pumunta ngaun, kasi may ibibigay ako.

"Baby come back.." astig msg alert ko ngaun, bagay na bagay. Nagtext si Cza
Czarina: Punta ko jan ngaun ah?

Nagreply ako ng "Sige" Tpos hinintay ko sya sa tindahan. Bumili muna ako yosi. After 10 mins dumating sya.

Czarina: Dude, saglit lang ako ha? Kasi nag eempake pa ko
Ako: UU. May ibibigay lang naman ako kaya kita pinapunta.

Inabot ko ung sulat.

Czarina: No.. NO!! NO!!!

Nagulat ako sa reaksyon nya. Sulat lang to ale! sulat lang.

Czarina: May trauma na kasi ako sa mga ganyan. Karamihan ng nagbbigay sa ken nyan, nagkakaroon ng gap sa kin... Please wag ka magbigay ng sulat sa kin. Bakit ba kasi lahat na lang ng tao alalang alala sa kin. 1 week lang ako mawawala.

Right. There she goes again. Dapat nga maramdaman nya na special sya kasi dami nag aalala.

Czarina: Ganyan din ginawa sa kin ni Art dati. We never spoke since then.

Ano ba to tinatakot nya ko?

Ako: Ano ka ba? la na ko paki kung magalit sa kin (sabay smile na bitter). Pinaghirapan ko yan. Dumugo ilong ko jan

Czarina: English ba?

Ako: UU

Mejo ngumiti sya. Tapos tinabi nya ung sulat. Di ko alam kung babasahin nya. Pero sana basahin nya

Czarina: Tara ******* (first name ko) lakad lakad muna tayo.

Mukhang lilibutin na namin ung buong barangay namin.

Czarina: Alam mo, nde ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nawala lahat ng control ko. I must admit I made love with Leo (Malungkutin vs. BFs part 4). God! Even Mark took 4 yrs before He and I well.. you know. That's how much respect I got from Mark. Pero ngaun, ano tong ginawa ko...

Gusto ko umiyak. Gusto ko talaga umiyak. Pero kelangan kong maging malakas para sa kanya...

Czarina: I'm not emotionally, psychologically, spiritually and physically ready yet. I mean, kung magkakababy ako ngaun, kawawa naman ung bata. I dont want my baby suffer as much as I do. You know the saying "Shit happens?" Eto na pinakmalaking shit na nagawa ko... Sabi nga ni Mark I'm now at my limits.

Yeah. Sasabhin ko rin sana un... Pero tinago ko nalang, sabhin gaya gaya pa ko.

Talagang di ko kaya hilumin lahat ng sugat nya. Kahit sa problema nya ngaun ala ako magawa. "Mind Boggling" talaga.

Czarina: Masamang tao na ba ako?

Ako: Alam mo Czarina... Nasa stage ka lang na confused ka. Ung stage na nde mo alam ang dapat gawin sa buhay mo. Di ba kaya ka nga punta ng province para maclear ung utak mo. Umpog ko kaya ulo mo sa pader ng matauhan ka!

Mejo nangiti si Czarina. Akala ko sa joke ko nde pala....

Czarina: Know what, ngaun mo lang ako tinawag na Czarina...

Mejo napaisip ako... ngaun lang ba? sabagay laging Cza tawag ko sa kanya. Naapreciate nya kaya?

Ako: Ako rin naman nagulat din kasi first time mo ko tawaging *******.

Nagkatinginan kami tapos nag smile kami.

Czarina: *sigh* bakit ganito ang nangyari sa buhay ko? All I want is to have my family reconcile. Gus2 ko lang magkaayos kami lahat. Si ate lang kasundo ko dun. Si dad naman tagal na kami di nag uusap ng maayos.

Binatukan ko sya.

Czarina: AWWW! What for!

Ako: Aalis ka na nga lang kasi puro problema pa iniisip mo. Nakakainis ka Czarina... Don't burden yourself with all these problems...

Czarina: I know... madaming naiinis sa kin... Gotta go... Malapit na kami umalis papuntang airport.

Ako: Pwede bang mag stay ka kahit for 5 minutes? 10 maybe?

Tumango lang sya. Parang alam rin nya na baka nga eto na huli naming pagkikita kaya pinagbigyan nya ko. I'm proud to say na sa dinami daming lalake na dumaan sa kanya, ako ang huling kasama nya bago sya umalis.

Czarina: Pano dude, salamat sa oras ha? Mag iingat kaung lahat dito. I mean it. Take care of yourself. Salamat sa lahat lahat.

Tinitigan ko ng matagal si Czarina. Sana magfreeze ulit ung time. Sana sana sana....

Pinanood ko umalis si Czarina. Kung magkikita tau ulit, promise kong pagagalingin ko ung mga natirang sugat jan sa puso mo. Sana bumalik ka d2. Hihintayin kita.

D2 muling nagtapos ang aming relasyon.....

To be Continued.....

0 comments: