Wednesday, September 12, 2007

Mga bagay na dapat malaman tungkol kay Czarina

Wednesday, September 12, 2007
Mga bagay na dapat mong malaman kung nais mong mapalapit kay Czarina....

1. Kelangan mong matutunang i-appreciate ang kahit anong sabhin nya... Maaaring "childish" at mababaw ang kanyang mga sinasabi, pero siguradong mararamdaman nyang importante sya

2. Kung ano ang mapagtripan nyang gawin, dapat mong matutunang sakyan ito.

3. Kapag sinisigawan at minumura ka nya, tumahimik ka lang. Saluhin mo ang lahat ng galit nya.

4. Matuto kang makinig. Marami syang problema na kailangang pakinggan. Di bale nang wala kang sabhin, ang mahalaga, bigyan mo sya ng sapat na atensyon at pakinggan lahat ng sinasabi nya.

5. Hayaan mo lang syang magsigarilyo. Di bale nang mamatay kau pareho sa yosi, pero ito ay isa nyang paraan para mabawasan ang tensyon sa utak nya...

6. Lagi mo syang ilibre ng ice cream

7. Dapat masanay ka na sa mahabang lakaran. Ang paglalakad ay isa nyang hobby

8. Matuto kang gumamit ng chopstick

9. Matuto kang magmahal ng mga hayop, lalo ng mga aso

10. Kapag sinuntok ka nya, tanggapin mo lang. Kahit gano ito kalakas at kasakit, isipin mo na lng, kiniliti ka lang.

11. May problema sya sa pagtanggi. Kaya wag mong aabusuhin ang pagyaya ng date or ng kung ano pa man sa kanya...

12. Wag na wag mo syang isasakay sa jeep. Ayaw mo makitang badtrip sya diba?

13. Yayain mo rin minsan magkape. Kahit sa ministop lang ok na

14. Huwag mong sasabhing "I can't live without you" or "Susundan kita san ka man magpunta". Mas nahihirapan syang makitang nagkakaganyan kayo....

15. Lastly, Pag nakuha mo syang mapangiti, pilitin mong mapanatili ito. Sa sobrang bihira nyang ngumiti, wag mong hayaang mawala ito...


0 comments: