Saturday, October 20, 2007

Emoticons ni Malungkutin :D

Saturday, October 20, 2007
Muli kaming nag usap nitong girl na nakilala ko thru chat. Sa totoo lang halos araw araw kami nag uusap hanggang sa punto na wala na kami talagang mapag usapan. Same as before, ayun ang walang kamatayang "Kumain ka na ba?" at "kain ka na" lines ang ginagamit kong panimula ng usapan. Minsan nga naiimagine ko na mukha nya. Mejo nakataas na yata kasi paulit ulit ata tanong ko. Parang copy paste na lng. E pano ba naman ayaw kumain minsan. Tsk. Kakain na lng sandwich pa na ang palaman e umurong na ham sa sobrang luto. Tanghalian un ah?

Marami rami rin kaming napag usapan. Marami kaming emoticons na napag usapan. Sa totoo lang, puro EMOTICONS ang sagot nya hehehe. Masungit na naman sya. Tsk. Pag masungit kasi sya ni nde mo makausap ng ayos. Minsan nagtype ako ng mahaba, parang "Oi alam mo bang... blah blah blah... at ...blah blah blah." Siguro mga 5 lines un. Alam nyo sagot nya sa kin? :) at :D. Biglang nahulog ako sa upuan ko. Ang effort neng, ang effort ko nasayang. hahaha. Pero naintindhan ko naman. Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.... well sa case nya, magbiro ka na sa lasing wag lang sa kanya.

Napag usapan rin namin ung tungkol sa isang nagkakagus2 sa kanya. Kinausap ko yung lalakeng un. Nag usap kami man to man. boy talk. usapang macho lolx. Nabasa ko pa sa main room na sinabi nya na "Hoy! wag nyo ko pag usapan." Dapat maiinis ako sa kanya kasi nga dahil sa una, ung ginawa nya dun sa isa kong ex at pangalawa, dahil sa babaeng kausap ko lagi. Alam ko hahalungkatin nyo ung issue bout sa ex ko, pero wag na. Mahaba haba usapan namin at sa tingin ko nagkaintindihan kami. Mabait sya kaya di ko nagawang magalit. Sasabhin ko pa lang sana ung tungkol sa girl, ng sinabi nya na alam na raw nya. Alam nya na gus2 ko ung girl na gus2 nya rin. Sinabi nya sa kin, kung ako daw pipiliin nung babae, mas mahalin ko daw sya kesa sa pagmamahal nya sa girl. O dba martir din. Pede na syang malungkutin II. Dahil dun saludo ako. Pareho kaming macho tumanggap ng pagkabasted. Un din sinagot ko sa kanya. Wag nya higitan ang pagmamahal ko sa girl na un, kundi triplehen o 10x pa. Napag usapan rin namin ang sakit nya... Ayaw nya sabihn kung ano ung sakit pero alam kong malala to. Tumaas ang respeto ko sa kanya. Dun ko rin naisip na siguro dapat ko nang iwasan muna ung babae. Hayaan ko na lng sila...

Isang araw nagpm sya sa kin. Pinaste nya ung sinabi sa kanya nung unang lalakeng nagustuhan nya. Ung minahal nya. Nabasa ko rin dun na umiyak sya dahil sa lalakeng un. Masakit mabasa ung mga un. Parang guguho ung RCBC plaza. Sinabi nya sa kin na gus2 nyang maging honest sa kin. gus2 nyang maging open ang lahat para sa ming dalawa. SInasabi nyang sorry for hurting me. Bah, sorry ba? masakit nga talaga eh. Pero kakayanin ko yan. Kay Czarina nga nagawa ko, sa kanya pa? Atleast open kami sa isat isa. Atleast may first base na ko... pero masakit pa rin eh hehehe

Bigla ko naisip ung sinabi sa kin nung friend ko na ipaglaban ko raw kung ano man gus2 ko. Kumbaga sa show dati sa tv, "Kapag may katwiran, Ipaglaban mo!". Bigla ko ring naisip, napanood ko somewhere sa tv na dapat mong ipaglaban ang nararamdaman mo. Di baleng masaktan ka, Di baleng balewalain ka nya, ang mahalaga pinaglaban mo. Ang mahalaga lumaban ka. Ang mahalaga nasabi mo sa kanya kung ano man nararamadaman mo. Sa maikling pagkakakilanlan namin, natutunan ko na syang mahalin. Handa akong ipaglaban sya ngaun, di gaya ng kay Czarina na naging bulak at shock absorber lang ako. Kahit umabot pa sila ng 100+, bah, bring it on! Go bordz! Laban kung laban. Mamahalin ko sya kahit na kung sinong ponsyo pilato pa humarang. Lahat ng babangga magigiba lolx para na kong rebolusyonista. Kaya ngaun, nde ko sya pede ipamigay ng basta dun sa naka boy talk ko. Mahal ko na sya. Mahal ko na sya.

Kaya lang.... dinaan na naman nya ko sa emoticons hahahaha. Atleast naiintindhan ko na sya. Alam ko na rin kung kelan ako dapat magsalita at kung kelan di dapat. Alam ko na kung kelan sya masungit at kelan sya masaya. Sabi ko nga sa kanya minsan dadalawin ko sya, kasi sabi nya lilinisin nya ung garahe nila lolx. "Tamang tama" sabi ko, kasi dadalaw ako sa kanila lolx. Dinaan lang sa hose at tubig ung mga dumi tsk. Naisip ba nya kung ilang mga tao ang nauuhaw? Naisip rin ba nya ung damdamin nung mga dumi na hinose nya? Na ang tanging gus2 lamang e mawalis sila ng mapayapa? Nde! nde nya naintindihan yun hehehehe.

Eto na ko ngaun, everyday lagi ko syang hinihintay. Nagiging alarm clock ko na rin sya ngaun hehehe. Sa gabi hinhintay ko mag umaga para makapag usap kami ulit. Sa umaga gus2 ko i pause ang araw.... nakaka sira ng bait hehehe. Pero masaya ako. Kinuwento nya sa kin na masakit ang puso nya, sabi ko tapon na nya ung puso nya at palitan na lang nya. Nasabi nya lang na "sana.... sana". Kung pwede nga lang ako na mismo magpapalit nun, tapos pangalan ko nakalagay dun sa puso na un para ako naman mahalin nya. Sana lang mahalin nya ko.... sana...

0 comments: