Sunday, October 28, 2007

Sorry, Blame it on me, Malungkutin version T_T

Sunday, October 28, 2007
Subukan kong gumawa ng sorry, blame it on me version ni Akon. Tingnan ko muna kung masasabi ko lahat ng sorry sa isang entry hehehe.

Gusto ko gumawa nito para magsorry sa lahat lahat ng mga pinag gagawa ko. Sa lahat ng taong nasaktan ko, sa lahat ng taong umiyak at sa mga kasalanan na gagawin ko pa lang

Gus2 ko magsorry sa aking mga magulang. Sorry kung naging suwail ako. Sorry kung nde ko nameet ang expectations nyo. Sorry kung nde ako naging ka special di tulad ng kuya ko at ng sumunod sa kin. Sorry kung naging matigas ang loob ko sa inyo. Isa lang akong normal na bata na nais na mapasaya kau. Pero sorry kung kulang.... sorry kung di ako yung anak na pwede nyo ipagmalaki. Sorry, dapat nakinig ako.

Sorry sa mga nakababata kong mga kapatid. Alam kong tinitingala nyo ko bilang kuya. Pero sinira ko lahat yon. Ako lang ang naging kasundo nyo. Pag pinapagalitan kayo nina nanay, sinasalo lahat para sa inyo... pero kulang pa rin. Wala akong napatuyan sa inyo na dapat akong igalang. Gus2 ko lang kayong maging masaya... pero sorry... nde ako ang taong dapat nyong igalang...

Sa kuya ko, gus2 ko rin magsorry. Alam kong minsan nasira ang buhay mo dahil sa droga. Pero imbes na intindihin kita, nilayo ko pa sarili ko sa yo. Nagtanim ako ng galit sa yo. Nakaramdam din ako ng selos sa yo. Kahit na nagkaganyan ka, nde ka iniwan nina Nanay. Ngaung ayos ka na, pinipilit mong ayusin ang lahat sa ting dalawa. Pero pilit ko pa ring nilalayo sarili ko. Sorry tol, nasira kasi ung pagtingin ko sa yo. Sorry sobrang tigas ng ulo ko. Aayusin natin to...

Gus2 ko rin humingi sa aking kababata. Mga bata pa tayo nun, makukulit. Nde natin alam na mangyayari sa iyo ito. Nde kita nagawang iligtas... Hanggang ngaun pag naiisip ko ito, nde ko pa rin matanggap. Sorry talaga sa yo... kasalanan ko nangyari ang mga ito. Sana lang masaya ka na kung asan ka man. Huwag kang mag alala.. lagi kitang pinagdarasal.

Sorry sa mga kaibigan ko sa probinsya. Alam kong matagal nyo ko hinihintay. Alam kong gus2 nyong gawin ulit ung mga ginagawa natin nung mga bata tayo. Sorry kung minsan naiwan ko kau sa ere ng minsan mapaaway tayo. Ayaw ko magpalusot dahil di dapat nag iiwanan ang mga magkakaibigan. Aaminin ko, simula nang nangyari ang mga bagay na yon, nawalan na ko ng mukhang ihaharap sa inyo. Hindi dapat ako nagpaawat sa mga magulang ko, sana masaya pa rin tayo hanggang ngaun. Sorry kung nde na ko umuuwi jan sa lugar natin. Hanggang ngaun kasi naiisip ko pa rin kung gano ako naduwag... Sorry talaga mga tsong....

Sorry rin sa mga classmates ko nung college. Masaya rin tayo nun, pero sadyang special child lang ata talaga ako. Sorry kung mas binibigyan ko ng importansya ang pagbubulakbol kesa mag aral. Sorry sa mga teachers na minsan kong nasagot dahil sa baluktot nyong systema. Sorry, alam kong mali un so dapat di ko na ginawa. Sorry sa naging thesis partner ko. Nde ka nakagraduate ng dahil sa kin... Iniwan din kita sa ere. Alam kong masama pa rin ang loob mo sa kin kaya humihingi ako ng tawad...

Sorry rin sa yo Richelle. Alam kong naging masaya ang relasyon natin kahit saglit lang. Kahit na nawalan ako ng pera dahil pinabayaan mo kong umuwi ng lasing, dapat nde ko sinisi ito lahat sayo. Pasensya ka na, bata pa ko nun... naghahanap ng masisisi. Sorry sa mga masasakit na sinabi ko sa yo. Sorry at naghiwalay tayo ng may hinanakit sa isat isa... Dapat di ako nagpadala sa nararamdaman ko at dapat inintindi ko na nde mo iyon kasalanan. Kasalanan ko yon, kaya humihingi rin ako ng tawad

Gus2 ko rin magsorry sa naging tatay tatayan ko d2 sa makati. Alam kong tinuring mo kaming tunay na anak.. kaming dalawa ng kuya ko. Kahit napariwara ang utol ko, nde nagbago pagtingin mo sa kin. Lagi mo tinatanong ang mga nangyayari sa buhay ko, kahit lovelyp nasasabi ko sa inyo. Pero dumating ung panahon na nagbago ako. Sorry kasi biglang nawala ung tiwala mo sa kin. Nilayo ko ang loob ko sa inyo. Sorry di ko natupad ung mga pangako kong papainumin kita pagkasweldo ko. Sorry at lumayo ako ng indi nagpapaalam sa inyo. Alam kong masama ang loob mo sa akin, pero sorry talaga sa inasal ko.....

Sorry rin sa yo... nde ko naparamdam sa yo na minahal kita. Sorry kung madami akong rason at madami akong kasinungalingang sinabi sayo. Minahal talaga kita kahit nde mo naramdaman. Siguro sobrang tigas lang ng damdamin ko kaya di ko to napakita ng tama. Sorry kung paulit ulit kitang nasaktan. Sorry wala akong nasabing maganda. Sorry at minsan nasabhan kita ng maraming masasakit na salita. Tama ka naman ng sinabi mong wag kong ibunton sa iba ang init ng ulo ko. At dahil dun, im really sorry...

Czarina... sorry kung nde ko nagampanan ung mga pangako ko sa yo. Sorry kung naghangad ako ng higit pa. Sorry kung minsan nde ko sinasagot ang mga text at tawag mo. Nasasaktan kasi ako at nde ko matanggap dati. Sorry kung minsan pinagtawanan ko ung suot mo. Alam kong nainsulto ka nun, kaya nagsosorry ako. Sorry kung di ko pa natutupad ung mga pangako ko sa yo... Magaling lang ako sa pangako siguro pero kulang sa gawa. Balang araw gagawin ko rin lahat yan. Sa ngayon, sana sumaya ka at sorry ulit...

Sa yo bff... sorry kung naghangad din ako ng mas higit pa. Dapat noon ko pa alam na nde na dapat pero pinilit ko pa. Sorry kung minsan nagiging makulit ako. Sorry kung minsan bigla na lang ako umaalis. Alam kong nasasaktan ka rin sa ginagawa ko, kaya humihingi rin ako ng sorry. Sorry kung naging madrama ako minsan. Sorry kung kahit alam kong wala ka sa mood, pilit pa rin ako ng pilit magtanong. Sorry kung di ko magampanan ng tama ang pagiging magkaibigan natin. Blame me for still loving you despite all these... Sorry kung minsan walang kwenta mga sinasabi ko, na minsan tinatawa ko na lang. Sorry rin dahil wala akong ibang magawa kundi panoorin kang masaktan ng paulit ulit.... Sorry rin kasi napupuyat ka ng kakakausap sa kin. Sorry sa yo bff... gus2 lang kitang makausap lagi... sorry kung di ko talaga makalimutan ung naramdaman ko sa yo. Sorry kung di ako ganun kagaling sa game na nilalaro natin, mabagal akong mag isip eh hehe. Higit sa lahat, gus2 kong mag sorry kung makita mo kong laging nasa likod mo. Nde ako aalis sa likod mo. Babantayan kita hanggang huli... Kung iiyak ka ngaun dahil d2, sorry kailangan ko lang talagang sabhin ang mga to.

Sa ibang taong nde ko nahingian ng tawad, Nagsosorry ako sa inyong lahat. May memory gap kasi ako. Sincere ako sa lahat ng mga sinasabi kong ito. Gus2 ko nang alisin lahat ng nasa dibdib ko. Sabi nga ni bff, walang kwenta ang pride. Tatanggalin ko na ang lahat ng pride ko to say sorry sa inyong lahat. Sana dumating ang araw na mapatawad nyo kong lahat...

0 comments: