Saturday, March 15, 2008

Emo ako ulit oh?

Saturday, March 15, 2008
ayan pangalawang entry ko sa araw na to. Andaming ideas na pumapasok sa utak ko di ko naman alam kung pano sabihin. Parang naghahalukay ube ung mga naiisip ko sa utak ko. Siguro naguguluhan lang ako sa buhay ko kaya ganun. O sadyang abnormal lang talaga ako

Gulong gulo na talaga ako ngaun. Yung utak ko bineblender na nga d2 sa office, pati sa labas chinachop chop pa. Parang pakiramdam ko, andaming tumutusok sa dibdib ko. Unang una, ung kay Czarina. Di ko alam pero eto unang beses na talagang sumama ng ganito ang loob ko sa isang tao. Pangalawa kay Jamie.... mejo may karayom pa rin sa dibdib eh. hihihih.

Di ko kaya pangatawanan talaga mga sinasabi ko tungkol sa kanya. Kala ko napagod na ko pero nde pa pala. Kahit ilang beses kong ulit ulitin na tama na, na wala namang silbi ang pagpipilit ko, ayoko ap rin eh. Napakaironic nga ng mga bagay bagay eh. Di ba nakwento ko kung gano ako naging masaya dahil nakasama ko sa isang kwarto ang dalawa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko at kung pano ko sila nde pinatulog sa lakas ng hilik ko? Ngaun naman, nakikita ko na pareho na ngaun silang nawawala sa buhay ko. Kung gano ako kasaya nung mga panahong un, ay sya namang kinalungkot ko ngaun. Di ko tatawaging Malungkutin sarili ko kung lagi lang akong nakabungisngis diba? Minsan pinipitk ko na lang ung ilong hanggang sa sumakit para meron akong ibang isipin...

Kung titimbangin mo silang dalawa, mas gugustuhin ko pang makasama si jamie. Si Czarina kasi, naging shock absorber lang ako nun. Si Jamie naman, di ko naramdaman na ganun. Hanggat maaari nga ayaw magsalita nyan eh. Siguraduhin mo lang na tatawa ka sa mga jokes nya, sure magiging ayos ang lahat. Bigla tuloy ako nainggit dun sa gusto ni jamie hehehe. Pero no hard feelings sa kanya. Alam kong alam ni Jamie na gusto ko lang syang sumaya ng lubusan, at kung sa tingin nya dun sya sa lalakeng un sya sasaya, e di go. Pero eto lang sasabhin ko, alam ko mababasa at mababasa mo rin to, wag na wag mong lolokohin si jamie. Ayan nagbabanta na ko. Muntik na kong magpabarang lol.

Kung iisipin naman, ako lang din naman talaga nagpapakomplika ng buhay ko eh. E bakit ba kasi pinipilit ko sarili ko? Minsan nga gusto ko iuntog ulo ko sa pader eh kaso baka mahulog pa ung kakaunting laman ng utak ko, sayang naman. Nde ko kasi maintindihan kung bakit sa tuwing makikita ko ung code names nila, bigla nalang akong sisibatin sa dibdib.Kung may sakit nga lang ako sa puso, matagal na ko inatake. kelan kaya mababalik ung dati? Ung dati namin setup kung san halos lahat pede naming pag usapan? Talaga nga kayang malabo na mangyari un? Sabi nga nya, things change, people change. Siguro nga marami na nga nagbago sa kin, pero nde lang naman siguro ako diba? Sabi ko nga kung di pareho ung effort, useless lang talaga. Ayaw ko na manisi. Ayaw ko na manumbat...

Natawa na lang ako sa sarili ko kasi nga biglang sinabi ko na mabuti pang di na kami magkita. Pagpupunta ko ng park, andun sya. Pagpupunta ko ng swing, andun sya. Parang nagkaroon lang ng invisible wall sa pagitan namin hehehe. Napa what the hell na lang ako. Time na ulit para kainin ang pride.

Pano ko nga ba maaayus ang relasyon namin? Nauubusan ako ng option. Siguro naghahanap lang din ako ng masisisi sa mga nangyari. Ang totoo nyan, bigger part of me ang may kulang. Bigla ko napakinggan ung kantang "kabet". Napaisip tuloy ako. maging kabet na lang kaya nya ko? LOL biro lang.

Gusto ko na lang talaga mabalik sa dati kami... gusto ko na lang bumalik sa panahon na sobrang saya kami. Libre ko ng pizza makakapagbigay ng magandang solusyon sa kin ^_^

0 comments: