Sunday, June 1, 2008

Kumplikasyon sa pagtatapat ng pag ibig

Sunday, June 1, 2008
Pano mo masasabi sa isang tao na mahal mo sya? Marahil sa iba nga e napakadali neto, ngunit pano kung ang pagmamahal na iyon ay mas kumplikado pa sa isang rubix cube? Ito ang ilang halimbawa na maaaring maging kumplikasyon sa pag-ibig:

1. Mahal mo sya pero may mahal syang iba

Oh diba? Ansaket no? E sa dinami dami ba naman ng tao na nakakakiskisan mo ng siko eh sya pa ang napili mo. E ano magagawa mo kung di ka gusto nung tao na yun? "Move on" ang sabi nila... E PANO KA MAKAKAMOVE ON KUNG WALA NAMAN DAPAT IPAGMOVE ON? Di man lang kayo nagbreak, di man lang kayo nagkarelasyon. Basted in an instant ka lang! Sus. Kung di mo kayang kalimutan ang nararamdaman mo, pede bang maglason ka na lang?

2. Ang "Kapatid lang tingin ko sa yo" Lines

Pano mo nga naman masasabi ang nararamdaman mo kung sa tuwing magkikita kayo eh laging ang maririnig mo eh "kamusta bunsoy?" o "Cute ng little brother ko" etc. etc.... etchapwera ka na! Dalawa lang naman pede mong gawin jan eh. It's either suklian mo ang "sisterly" love nya o kaya maglason ka na lang.

3. May ex syang lagpas 5 years ang pinagsamahan

Aminin man natin o nde, di basta basta nawawala or nakakamove on yang mga taong nasa ganyang situasyon. Hello? 5 years kaya un? 5 taon kayong mukha nyo lagi ang nakikita nyo. Di maiiwasang makumpara ka sa ex nya. Mahirap pa nyan eh kung may chance pang magkabalikan. Ung mga tipong cool off muna, or break-breakan lang... Sasabihin mo pa rin ba? Handa ka pa rin bang sumugal kahit ang chance mo lang eh .00001%? La ka laban sa relasyong pinagtibay na ng panahon. Para ka nga lang singaw sa buhay nya. Either itago mo na lang nararamdaman mo or magbigti ka na (Overused na kasi ung lason)

4. Ang mga "Friends lang tingin ko sa yo" lines

Parang showbiz.... "friends lang kami". Parang ikaw si macho gwapitong artista na nanliligaw kay super gandang artista pero paginterview sa babae ang sagot nya lang ay "We're just friends". Pano nga ba ang gagawin mo kung sa tuwing magkikita or magkasama kayo, laging bukambibig nya eh "ayokong mainlab sa tropa" o di kaya "Di tayo talo"? Magkakaroon ka pa ba ng lakas ng loob para magtapat? Dito mo titimbangin ung tropa o panliligaw? Kahit ano man maging desisyon mo, pareho ka lang din naman masasaktan. So ano ngaun ang gagawin mo? Oo! Tama! Maglaslas ka na.

5. Pagbibigay ng mga senyales ng pag-ayaw sa yo

Bakit ba sa tuwing magkasama kayo eh laging "di tayo pede" o di kaya eh "Magkamukha tayo kaya di tayo pede" ang bukambibig nya? May occasional ding pagbanggit sa mga nanliligaw sa kanya o kaya sa mga past lablayp nya? So ano na ngaun ang plano mo? Wala ka pa nga sinasabi, binabasted ka na. Wala pa nga ung matatamis na tingin, basted ka na. Siguro naman alam mo na ung gagawin mo. Kung di pa, read mo ung dapat mong gawin sa number 1-4.

6. Masyado lang syang malambing

Aminin na natin, may mga tao talagang super maglambing at sobrang makahawak sa taong feeling nila e komportable sila. Sa totoo lang, ito ang pinakamahirap na situation... Minsan kasi na mimisinterpret natin ung pagiging super sweet at sobrang malambing nila. Makikita mo na lang na aba, sa lahat ng tao ganun sila, kahit sa alaga nyang aso eh ganun na lang nya lambingin. Magagawa mo pa rin bang magtapat? Syempre maiisip mo "Pano kung mali ako at bigla na lang sya mawala pagkatapos kong magtapat"? Ang hirap no? Kaya mag esep-esep kang mabuti.


Pero sa totoo lang, di mo naman talaga kelangang basahin lahat ng sinulat ko eh. Kung mahal mo ung tao, ipaglaban mo (di bagay kay malungkutin no? haha). Kahit makuha lahat ng sinasabi kong kumplikasyon (yun bang mga tipon 5 in 1) sa taong mahal mo, go lang! At least nasabi mo na nagmahal ka. Wala namang mawawala diba? Kesa naman sa huli e mapuno ka ng "what ifs" diba?....




Pero kung di mo talaga kaya, Iumpog mo na lang ulo mo sa pader. Yung tipong lalabas ung utak...Luluwa ung mata...

0 comments: