tag:blogger.com,1999:blog-43131793600722573442024-03-12T18:11:11.925-07:00Mga Kwento ng Buhay ni MalungkutinMalungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.comBlogger79125tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-24803004165550756142018-12-08T11:14:00.000-08:002018-12-08T11:14:42.579-08:00Hindi na kita mahal"Sa isang relasyon, dalawa lang na mga kataga ang dudurog, kakatay, susunog lulusaw, pipitpit sa puso mo. Una ang mga salitang "its not you, its me". Pesteng mga salita yan. Gawin pa ba tayong tanga?

Ang pangalawa, yung " hindi na kita mahal..."

Durog. Mas durog pa sa dinurog na paminta. Mas durog pa sa mga hinihithit ng mga durugista. Durog. Wasak.

Yan ang mararamdaman mo lalo nat mahal na mahal mo ang tao na iyon. Yung tipong sa kanya na lang umiikot yung mundo mo. Yung tipong itinapon mo na ang lahat ng tao sa paligid para sa kanya. Yung tipong isinuko mo ang lahat lahat, pati nga ang bataan isinuko na. Tapos maririnig mo lang sa kanya ay "hindi nakita mahal"

Grabehan lang. Pra pa ngang mas masakit pa to sa sakit ng ipin. Mas masakit pa sa pumutok na pigsa. Mas masakit pa nung pukpok ng labaha nung tinuli ako.

Kasi minsan pag nagmahl tayo, nagiging selfish tayo. Minsan hindi natin nararamdaman nasasakal natin ang mga partner natin. Minsan hindi natin alam na marami na pala tayo naisuko parang lang mapasaya sya. Nagiging maramot tayo sa pag unlad ng isang tao individually. Wala e mahal natin e. Ayaw natin ipaagaw ang taong nagpapasaya sa tin.

Minsan din nagiging bulag tayo sa katotohanan. Sabi nga nila pag ang selos pumasok ninoman, hahamakin ang lahat... Literal na hahamakin talaga ang lahat. Nawawala na yung kakayanan nating mag isip... Yung tinatawag na common sense e nililipad ng hangin. Kahit anong paliwanag hindi na magreregister sa utak. Basta ang nasave lang e" TAENA MO MANLOLOKO KAAAA"

Ang saklap lang. Minsan kasi sa kagustuhan mo ng kapayapaan ay susundin mo na lang ang gusto nya. Bawal this, bawal that. Bawal these. Bawal those. Susubukan mo pero minsan talaga ay nakakalimot tayo. Kasi nga hindi tayo sanay na laging may pulis na pipito na lang pag may nagawang mali. Pero hindi ibig sabihin na ginawa ang isang bagay na ayaw ng parnter mo, hindi mo na mahal ito. Lalo na kung maliliit na bagay lang naman ito. Ang problema nga lang sa tigreng galit, maliit, malaki isa lang ang galit.

Sa limitadong galaw mo, gusto mo pa rin ipakita at iparamdam na nag iisa lang sya sa buhay mo. Gusto mong sungkitin ang mga bituwin para lang sa kanya. Kahit na ikaw ay binibingkis ng mga kadena ay gusto mo pa ring tumakbo para sa kanya. Gusto mong maging masaya, kahit mahirap, kahit masakit. Kasi mahal mo ang taong ito. Kahiy hindi nya marinig ung puso mo dahil sa nakaloudspeaker nyang damdamin, pilit mo pa rin sinisigaw ang pagmamahal mo sa kanya. Yan daw yung love e. Kulang na lang e sumama ako kay rizal magpabaril na lang sa luneta.

Tapos ang maririnig mo lang sa kanya ay "HINDI NA KITA MAHAL".

Nakakadurog. Nakakalusaw.

Oo may mga pagkakamali siguro tayong ginagawa, intentionally man o hindi. Pero sana bago nyo man lang banggitin yung mga salita na yan, isipin nyo ang hirap ng partner nyo. Yung pagtatyaga nya sa mga tantrums mo. Yung mga sakripisyo nya.. Mga pagod na dinadanas nya mapasaya ka lang. Sana maramdaman nyo yung mga bagay na sayo nya lamang shinashare. Tatandaan mo lagi na ang tao kapag labis ang mga sakripisyo para sa yo ay hindi yan kelan man magagawa kang saktan o ipagpalit. Kasi nga namuhunan na yan e. Namuhunan yan ng sandamakmak na emosyon at pag ibig para humanp ng iba. Bakit tyo mag eexert ng sobra aobra kung wala tayong balak na maganda? Diba? Diba? May mga bagay kasi na minsan hindi na kailangang gawing big deal.

Kaya sana naman hinay hinay sa pagsasabi nyan. Kasi nakakawala ng bait sarili.

Malungkutin na naman tuloy ako.

Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-36504213291365867222017-09-11T12:17:00.001-07:002017-09-11T12:17:59.826-07:00Kapit
"Oo mahal din kita"

Yan na yata ang pinakamasarap na salita na narinig ko sa buong buhay ko. Tila umikot ng doble.. hindi.. triple ang mundo ko nung narinig ko ito. Sabi ko pa sa sarili ko, ako na nga yata ang pinakamasayang tao (o hayop) sa buong mundo.

Akalain mo sa milyong katao sa bansang to, ako pa yung napili mo. Isang napaka ordinaryong tao. Isang invisible man. Yung tipong kahit ako na lang ang pagpipilian, mukang maiitchapuwera pa rin ako. Hindi ako mahihiyang umakyat sa overpass at ipagsigawan ang saya na nararamadaman ko. Mahal kita. Mahal mo ko. Kilig mats.

Mahal. Mahal. Mahal. Anong nangyari?

Lumipas ang mga araw.. mga buwan.. mga taon. Bakit tila ang salitang mahal ay kayhirap nang bigkasin. Bakit ang mga tingin mo ay makakabuo ng yelo sa sobrang lamig? Bakit ang pag aaway ay tumatagal ng dalawa... tatlong araw bago maayos? Bakit ang salitang mahal ay napalitan ng galit?

Ano nga ba ang nangyari?

Sa paglipas ng taon, unti unti tayong naging kampante. Nasanay tayong andito ako.. andyan ka. Nasanay tayong sa huli, tayo pa rin naman.

Sa sobrang nasanay tayo, nagkasawaan tayo.

Naalala ko pa nung unang naging tayo. Hindi natin mabitawan ang kamay ng isat isa. Inaabot tayo ng umaga sa kaka skype kahit na isang bahay lang naman ang pagitan natin. Naalala ko yung saya mo tuwing susunduin kita sa trabaho mo. Naalala ko yung umiyak ka sa tuwa ng sinupresa kita nung birthday mo. Pero parang haggang alaala na lang yata ito..

Naalala ko nung una tayo nag away. Muntik na gumuho ang mundo ko pero kumapit tayo. Kumapit tayo kasi nangibabaw yung pagmamahalan natin. Hanggang sa naulit ng naulit ng naulit ng naulit ang di natin pagkakaunawaan.

Mahal, kumapit ako na may pag asang maaayos natin ulit ang lahat. Anim taon na tayo ngayon pa ba tayo susuko? Kumapit ako sa pangako natin na walang aayaw.. na tayo pa rin hanggang sa huli. Pero mahal, ang sakit sakit na.

Ang sakit sakit na na makita kang gabi na lagi umuwi pero hindi ako ang kasama. Ang sakit na masaya ka kasama ang mga kaibigan mo kesa sa akin. Ang sakit nung nagpaalam ka na pupunta ka lang sa pinsan mo, pero iba ang iyong pinuntahan. Ang sakit nung nalaman ko na lihim ka na palang nagkakagusto sa iba. Ang sakit sakit.

Pero kumapit pa rin ako. Kumapit parin ako nung humhingi ka ng tawad. Kumapit kaai ako sa pangakong tayo pa rin sa huli. Na kahit marami nang nangyari.. mahal pa rin kita. Pero ang tanong ko sa yo.. bakit kelangan mo ulit ulitin??? Bakit kailangan mo kong iputan ng paulit ulit?? At bakit kita pinapatawad kahit paulit ulit din??

Hanggang kelan ba ako kakapit? Hanggang kelan ako maniniwala sa ating pangako? Mahal kita. Mahal mo ko. Yun lang naman importante diba?

Pero siguro kailangan ko na rin bumitaw. Kailangan ko na rin siguro palayain ka sa pangako natin na tayo pa rin hanggang huli. Hindi ka na masaya, ramdam ko yan matagal na. Kailangan ko na siguro bitawan ang kadena na nagbibigkis sa ting dalawa. Kailangan ko nang tanggapin na hindi na tyo para sa isat isa.

Mahal kita, mahal mo ko pero kelangan na natin putulin ang lubid na kinakapitan natin.

Mahal kita.. mahal mo ko.. paalam sa yo.

Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-8291210666842906152014-08-25T15:15:00.000-07:002014-08-25T15:15:46.497-07:00Relationship StatusMasarap ang feeling ng nagmamahal ano? Yung tipong ok lang kahit ano mangyari sa yo basta mahal mo yung isang tao. Yung tipong kaya mong lumipad sa alapaap kahit walang tulong nung bato o damo.

Ganyan tayo e. Matututo kang maniwala na love will keep us alive. Lagi kang excited gumising para lang magkasama kayo. Makakalimutan mo yung ibang parte ng buhay mo para lang sa mahal mo. Sinasabi nila na magtira ka para sa sarili mo pag nagmamahal ka. Pero ganyan naman lahat ng payo e. Puro ideal words lang pero mahirap i apply sa totoong buhay. Pag nagmahal ka ng tunay kasi isusuko mo lahat yun. Paggising mo sya ang una mong maiisip. Isusubo mo na lang yung pagkain e ibibigay mo pa sa kanya. Natututo kang magtipid para lang may pang date kayo. Kahit wala kang tulog, pupuntahan mo sya para lang magkasama kayo. Ganyan ang pag ibig. Gagawin kang tanga, para lang sumaya ka.

Bibilang ng ilang taon, mapapatunayan mo na worth it naman pala ung mga ginagawa mo. Kumbaga sa mga love team na tulad nina KathNiel, nagclick ang pagsasama nyo. Magiging masaya kayo ng ilang taon. Sabi nga nila e pag umabot kayo ng 2 years, aba may potensyal. Sa loob kasi ng 2 taon, makikilala nyo na ang lahat ng baho nyo. At pag umabot kayong magkasama pa rin, maswerte ka. Kapag umabot naman daw ng 5 taon, mejo sure ka na raw nyan. Kumbaga true love na daw talaga yan. Kakasalin na raw. Wala na raw makakasira nyan kasi malalim na pundasyon. E limang taon na kayong nagmamahalan, nagmumurahan, naghahagisan ng plato, ngayon pa ba naman aayaw? Kaya siguro nga may punto naman nga.

Pero may kaakibat na takot ang pagtagal ng isang relasyon. Aabot kayo sa puntong magkakasawaan kayo. Yung tipong pag gising mo e tropa na agad ang hinahanap mo. Yung pagkain sunod sunod mo nang isusubo.. may bulos pa. Nakasanayan nyo na ang isat isa kaya nawawala na rin yung tinatawag ni optimus prime na spark. Yung away nyo lalo lang lumalala, kasi nga, hindi na kayo natatakot na mawala ang isat isa. Dadating ka rin sa puntong magtatanong ka na sa sarili mo kung mahal mo pa nga ba yang damuho na yan. Magtatanong ka na kung pagmamahal o panghihinayang na lang ang nararamdaman mo. Minsan may makikilala ka pang iba. Makakahanap ka ng kilig sa ibang tao na hindi mo na maramdaman ngayon.

Ngayon, pano mo masasabing sigurado na ang matagal na pagsasama? Pano mo mababalik ang dati kung tadtad na ng lamat ang relasyon nyo? Bigla ko naisip yung kasabihang "asawa nga nasusulot, jowa pa kaya?". Sa lahat ng kasabihan tungkol sa relasyon, parang ito lang ang mas malapit sa katotohanan.

Ang tanong ngayon, paano naman kung isa lang ang nagsawa?Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-79968141987861482292014-08-21T13:24:00.000-07:002014-08-21T13:24:28.717-07:00Lasing sa lablaypMatagal tagal ko na rin pala hindi ito nabibisita. Yung mga plano ko isulat, ayun nabulok na lang. Kaya wala rin gano nagbabasa na dito kasi nga naman, ningas kugon lang ako. Puro simula, walang natatapos. Hayaan nyo na lang ako magsimula ulit. Ngayon lang.

E kasi naman itong si Malungkutin aba, bigla na lang sumaya. Lahat ng mga akala ko dati e imposibleng mangyari e nangyari sa kin. Totoo ata nga ata yung mga fairy godmother. Hindi ako sanay sa mga magagandang bagay. Ang alam ko lang, pinagsakluban ako ng langit at lupa. Ang alam ko lang, ginawa ang salitang malungkutin para sa kin.

Bakit nakakaranas ako ng mga makatulo na ihing kilig? Yung mga bulate ko sa tyan, parang sabay sabay nagbobody slam at nagbavibrate sa tyan ko (yun din ata yung tawag nilang butterflies in the tummy). Lahat ng nakikita ko magaganda. Kahit yung tindera na mukhang mangkukulam na binibilhan ko ng pop cola e parang nagiging kamukha ni marian rivera. Nawiwili ako makinig sa mga love song at may pasayaw sayaw pa. Yung kwarto ko na kasama ko lagi nagseselos na kasi bihira na ko tumambay dun. Hay.

Ganito ba ang feeling ng in love?

Lahat ng sama ng loob ko e parang naflush ko sa inidoro. Nawala na ang bitterness, kahit ampalaya ang kinakain ko ay parang asukal ang nalalasahan ko. Yung pusoo ko na dinaanan ng pison, chinop chop, dineep fried, pinakain sa mga aso ay bigla na lang bumangon galing hukay.

Eto ba feeling nung mga nakikita kong magjowa na gusto ko tirisin dati?

Masarap sa pakiramdam. May rason ka ngayon lagi na ngumiti. Akala ko dati, yung mga muscle ko sa bibig e sa pagkain ko na lang magagamit. Nakakatakot lang sa umpisa kasi hindi mo naman inakala e. Andyan ang takot na bigla na lang matapos yung kaligayahan mo. Tapos maririnig mo pa sa radyo yung kanta ni cookie chua na may lyrics na "ang lahat ay may katapusan". Kasi nasanay ka nang mag isa tapos biglang magkakaroon ka na ng kadamay sa lahat. Hindi mo na kailangang umiyak mag isa. Meron ka nang isang fan na sisigaw sa tuwa. Meron nang bibilib sa mga ginagawa mong kalokohan. Kasi tinanggap ka nya kung ano ka. Tinanggap nya ang pagiging malungkutin ko. Kaya masarap talaga mainlove.

Hindi na po si malungkutin tong nagsusulat. Sorry po sa kakornihan. Lasing lang ako. Lasing sa pagmamahal.

Ayiii...

Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-30922811974202770522013-05-04T12:35:00.001-07:002013-05-04T12:35:58.498-07:00Ang Hiling sa mga BituinMasarap din palang mag stargazing. Kahit na parang magkakastiff neck ka kakatingala, ewan ko ba, parang gustong gusto kong gawin yun. Minsan hihiga ako dun sa labas para lang tingnan sila. Marami kasi siguro ako gustong iwish kaya ganun. Wala na kasi yung Wish ko lang kaya hanggang panonood na lang ako sa mga tala. Napapangiti ako tuwing maaalala ko ang mga wish ko na hindi natutupad kahit ilang beses ko na sya hiniling. ...

"You have received a new text message"

Astig no? imaginin mo yan ang message alert ko tapos robot yung boses. Kausuhan ng transformers e kaya yan ang message alert ko. Tiningnan ko kung sino yung nagtext. Number lang. Sino kaya tong mokong na to.

"Hi! Kamusta ka na?"

Yun lang ang sabi. hindi man lang nagpakilala. Malay ko ba kung sino. Nireplayan ko sya ng "Hu u?" haha.

"Kainis ka! Si Tina to! che!"

Muntik na mapatapon ang fone ko. Hindi dahil nagulat ako sa text nya, kundi biglang preno ang erpats ko. Papunta kami sa asawa ng kapatid ko. Lagi sya nagagalit pag kaskasero kami pero samantalang sya, ang layo pa kung makatapak sa preno e wagas. Pero nagulat nga din ako sa text nya. Nireplayan ko sya

"Ui! Kamusta? Napatext ka?"

Parang ang pangit ng text ko. Parang ang pogi ko lang sa text na yan. Maya maya ay nagreply na sya.

"Ok lang. Hindi ka man lang nagtext sa kin"

Hindi ko pala nasave number nya. Kinuha lang nung kasama nya number ko, pero di ko nakuha number nya. Sorry sorry ako ng marami kasi nga hindi naman ako mahilig mag text. Sa dami ng heartaches ko wala na ko gana pa makipag usap sa text. Nanay ko nga di ko tinetext e.

Humaba ng humaba ang usapan namin. Kung san san kami nakarating. Nakakatuwa lang kausap si Tina kasi napaka kalog nya. Weakness ko yun mga pards. Pag sobrang masayahin ang tao, madali akong nahuhulog (at lumalagapak). Yung image nya nung pumasok sya sa bahay nina Ronnie ang tumatak sa isip ko. Iniimagine ko yun habang magkatext kaming dalawa. Nagugulat nga ang mga kapamilya ko kasi daw nangiti at natawa raw ako mag isa. Gusto ko nga sila sagutin na "aba, napapansin nyo pala ako?" pero wag na. Masisira pa ang magandang mood ko.

Hanggang sa makabalik na kami sa bahay namin ay magkatext pa rin kami ni Tina. Humiga ako saglit sa mahabang upuan sa labas ng bahay namin. Iniisip ko kasi si Tina. Napaka assuming ko kasi. Kaya ako nababasted kasi feeling ko pag mabait ang babae sa kin e gusto ako. Oo gusto. Gustong gawing tropa :(

Binale wala ko na lang yung iniisip ko at tumingin ako sa langit. Ang daming stars. Ngayon ko lang kasi sila tiningnan ng matagal. Bigla kong naalala ang mga kwento tungkol sa pagwiwish sa stars. Nang hindi ko namamalayan, nagwiwish na pala ako na sana maging close kami ni Tina. Gusto ko sya. Yun lang ang alam ko. Maya maya, biglang may tinanong sya sa kin.

"Kung meron kang gustong isang tao, pero babae ka, sasabihin mo ba to sa kanya?"

Nag aassume na ko. Pero kasi haller??? Pano naman nya magugustuhan sa isang tulad ko? Gusto kong sabihin na, "Huwag mo na sabihin sa kin, kasi gusto rin naman kita." Pero sa dami ko nang pinagdaanan, pinigilan ko sarili ko. Masasaktan lang ako sa huli.

"Hoy magreply ka tinatanong kita!!"

Biglang bumalik kaluluwa ko. Para kasing lumipad na ito sa kung san nung nabasa ko yung tanong nya.

"Hindi naman na kasi uso ngayon na lalake lang ang nagsasabi e. Tanggap na ng tao yun."

Ayan siguro naman, hindi na assuming reply ko.

"E pano kung hindi ako gusto nung guy? Parang nakakahiya naman yun"

Sa bawat text nya sa kin ay napapatingala ako sa langit. Hindi ko alam kung ano iaadvice ko, kasi sa bawat tanong nya, hindi ko maiwasan ang mag assume.

"Kesa naman mabuhay ka sa what ifs diba? Kung ako sayo sabihin mo sa kanya kung talagang gusto mo sya. Teka sino ba tong lucky guy na to?"

May pagkabitter ang pagkakasabi ko kasi feeling ko talaga hindi ko pa nasasabi rin sa kanya na gusto ko sya e mukhang masusupalpal na agad ako. Matagal kami nag negosasyon para lang sabihin kung sino yung lalake.

"Nahihiya ka pa kasi. Huwag ka na kasi magpatumpik tumpik pa. Grab kung grab hehe."

Lumagpas ang mahigit 30 mins, hindi na sya nagreply. Bigla ako kinabahan at paulit ulit kong binasa ang text ko. Mali ba yung pagkakatype ko? Pangit ba dating? Meron ba akong nasabi na nakakainis? Hay Bakit ayaw nya mag reply?

"Ui Tina, galit ka ba? wag ka na magalit. Ang sa kin lang naman kasi, imposibleng hindi ka magustuhan nung lalake. E ako nga sa saglit nating pagkakakilala, nagustuhan na kita. Kaya wag ka matatakot magsabi sa kanya. Sino ba sya?"

Hindi ko namalayan na nagtapat na pala ako sa kanya. Hindi ko sya namalayan hanggang sa binasa ko ulit ang text ko kasi hindi sya nagreply. Pero friendly naman dating ng text ko. Hindi naman nya siguro ako pag isipan ng masama. Pero pano kung bigla sya magbago kasi baka isipin nya malisyoso pala ako? Ilang libong tanong pa ang pumasok sa isip ko, pero hindi ko na isulat kasi baka hindi ko na matapos to.

Maya maya biglang nagreply sya sa kin. Tumingala ulit ako sa langit at nagwish na sana hindi sya galit sa kin sa mga pamimilit ko sa kanya. Hindi ko pa nga sya gano nakikilala e magkakahiwalay na agad kami. Binuksan ko ang inbox ko at binasa ang message nya. Literal na nahulog ako sa upuan nung nabasa ko ang text nya.

"Ikaw. Ikaw yung gusto ko. Ayan maaya ka na ba??"

Nagtatalon pa ko sa sobrang saya. Gusto ako ni Tina. Gusto ako ni Tina. Gusto ako ni Tina.

"Ako? Talaga? Gusto mo ako?"

"Oo nga ikaw nga. Kung mailang ka sa akin ok lang. Sinunod ko lang naman sinabi mo kasi ayoko magsisi sa huli" sabi nya.

Hindi ako makamove on. Ngayon lang may nagkagusto sa kin. Ngayon lang may nagtapat sa kin. Ang pogi ko.

"Bakit naman ako maiilang? Di ba sinabi ko sa yo gusto rin kita? Hindi yun gusto na kaibigan. Gusto kita as in gusto, crush, ganun ba? Simula pa lang kasi nung nakita kita, tumibok agad puso ko."

Muli akong tumingala sa langit. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang pinasalamatan ko sila; ang 3 marias, ung scorpio, sagittarius at lahat ng mga bituin sa langit. Naging tulay ko sila para kay Tina.

"Kuh, napaka emo. haha. Bakit hindi mo agad sinabi sa kin na gusto mo ko?"

Napaisip ako sa tanong nya, Oo nga naman bakit nga ba hindi ko kagad sinabi?

"E kasi natatakot ako. Ayoko na kasi magtapat ulit tapos babastedin ako. Sabi ko kasi sa sarili ko, mas ok kung magiging kaibigan ko kesa iwasan ako pag nagtapat ako."

Agad tumunog ang cellphone ko.

"Hindi naman kita ibabasted. Lumalabas tuloy ako pa nanligaw sa yo. haha"

Ang haba ng hair ko ha. hahaha. Ako pa ang nililigawan ngayon.

"Hindi naman. Mutual kaya tayo kaya walang unang nanligaw. Mas matapang ka lang" sabi ko.

"Ganun din yun ako pa rin nauna. O pano po good night na po. Kita tayo tomorrow ha? night night!!!"

Tumitibok ng malakas ang puso ko sa nabasa kong text.

"Sige po good night. Sige kita tayo tomorrow. excited na ko :)"

Tumibok pa lalo ang puso ko. Parang yung dormant kong puso e biglang nag erupt. Parang hindi totoo ang nangyayari kasi hindi naman dapat ganito nga. Nabuhay lang naman ako para maging malungkot. Pero ngayon, hindi ko man alam kung ano patutunguhan nito, wala akong pakialam. Bukas na bukas, magiging masaya na ko ulit.

Lumalamig na. Yung mga tinitingnan kong bituin e unti unti nang kinakain ng mga ulap. Napapangit ako kasi parang sinasabi nila na matutulog na sila kaya kelangan ko nang matulog. Tama nga naman. Malapit na lumabas ang araw. Kelangan na ulit harapin ang mga bagong araw na dadating.

-------------ITUTULOY-------------

Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-2490044172827077902013-04-29T00:51:00.000-07:002013-04-29T00:51:26.523-07:00Ang Bagong SimulaAng init. Sa sobrang init, di pa ko nakakapasok sa trabaho ng tuyo ang buhok ko. Pwede na nga ako i-cast sa isang bomba film; lagi kasi ako wet look. Kung anong init ng sikat ng araw e sya namang lamig ng aking puso.

Kelangan ko isingit e. Kelangan ko maging emo XD.

Pero diba? wala naman kasing pinipiling araw ang pagiging emo mo e. Ako ba ilang taon na kong di nakakapagsulat dito kasi akala ko masaya na ko? Akala ko kasi hindi ko na kelangan sumulat dito kasi akala ko kumpleto na yung buhay ko. Kalokohan na ang saya saya ko pero malungkot pa rin isusulat ko. Pero isang araw e bigla ko na lang naisip bisitahin ulit to. Ang galing nga, kasi naaalala ko pa yung account na to samantalang nasobrahan ako sa pork, sa beans... Ang laki ng memory gap ko. Natuwa pa nga ako at meron pa ring nag cocoment sa mga luma kong post. Pero nung pag check ko e puro ads lang pala na kesyo ang cool daw ng sinulat ko. Na kesyo ang saya daw basahin nung sinusulat ko. Puro nga ka emohan to ano masaya dun? Ayan nalungkot na naman ako

Anyways, minsan kasi talaga dumadating nga yung time na nagiging sobrang happy ka. Akala ko nga pinagsakluban ako ng langit at lupa. Malay ko bang nabuhusan pa rin ako ng swerte. E nagsimula lang naman sa isang inuman. Isang inuman na hindi ko sukat akalain na magiging simula ng mahaba habang happiness..

*Ring* *Ring*

Malungkutin: Hello? Pare o kamusta? abot pa ba ako sa birthday mo?

Ronnie: Oo pare abot na abot ka pa. Kasisimula pa lang namin. Asan ka na ba?

Malungkutin:  Malapit na ko. Ilang tumbling na lang andyan na ko.

Ronnie: Sige bilisan mo. Mahirap makipag inuman sa mga lasing na haha

Totoo. Ang hirap nga. Pagdating ko dun, ayun kala mo mga baboy na nakawala sa kural. Ang gagaslaw. Ako ang nalalasing sa kanila. Pero natuwa naman ako makita sila ulit. Ilang taon din akong di umuuwi sa probinsya namin. Namiss ko lang ang tropa kaya naisipan kong umuwi.

Ronnie: Pareh!!! Pakiss nga hahahaha. Maupo ka jan. Maraming alak

Tropa:  Aba akalain mo buti di ka naligaw hahahaha.

Yun ang pinaka nakakainis na naririnig ko sa tao. Bukod kasi akala mo mga miyembre ng Glee dahil sabay sabay magsalita e akala mo naman ang tagal ko nawala.

Malungkutin:  Hahaha (tawang naiirita). Nasa maynila lang naman ako e. Para naman kayong mga tanga.

Nagtuloyan ang inuman. Tawa dito. Tawa doon. Kwentuhan ng mga nakaraan. Si Ronnie sumusuka sa may paso. Nakakatuwa sila panoorin malasing haha. Akala ko masaya na ko nun, nang biglang may narinig akong kumakatok sa pinto nina Ronnie.

Babae: Ronnie! Abot pa ba kami? Lasingan na ba kayo?

Kahit sumuka na e tumayo pa rin sya at binuksan ang pinto. Pagbukas nya, bigla nagslowmo ang paligid ko at napatingin lang ako dun sa babae. Parang may narinig pa nga akong tugtog na "tut tut tut tutuut... I know this much is true..." Yung kantang True ng Spandau Ballet. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yun... Well, oo di nga totoo yun kasi ringtone pala un nung isa kong tropa na tulog na. Parang sinakto talaga sa moment

Masayahin yung babae. May kasama itong bakla at pareho silang tawa ng tawa. Parang napa "Oh no, tumibok na naman ang puso ko." Pinapasok ni Ronnie yung dalawa at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Agad ako kinilala nung bakla pagkaupo pa lang. Kaya lang wala akong pakialam sa kanya kasi sa iba nakatuon ang pansin ko, sa kasama nya.

Nang kakausapin ko na sya e biglang bumalik lahat ng sakit at takot pag nakakakilala ako ng babae. Naisip ko na hindi ko na siguro kelangang i push to kasi baka maulit na naman yung dati. Nang walang ano ano ay bigla syang lumapit.

Babae: Hi ako si Cristina. Pede mo ko tawaging Tina. Magsalita ka naman dyan kanina ka pa walang imik. Hahaha

Parang napanood ko na to ng ilang ulit ha. Tatapakan din ata nito pagkatao ko.

Malungkutin: Haha pasensha na Tina. Kasi mejo kinakapa ko pa ulit tong mga to. Matagal ko nang di nakikita tong mga to.

Tina:  Oo nga daw e. Ikaw kilala na kita dati pa, pero tahimik ka lang kasi. Tara inuman pa haha

Dahil nga bata pa lang e ulyanin na ko, di ko sya matandaan. Pero siguro makikilala ko rin ito pagdating ng araw. Dumami pa ng dumami ininom namin hanggang sa ilan sa kanila e gumagapang na pauwi. Pinagtatawan ko sila habang umupo ako sa labas ng bahay nila. Agad akong nilapitan nung kasama ni Tina at hinihingi ang number ko. Pero dahil walang fone etong kasama ni Tina, Yung phone nya ang ginamit para isave ang number ko. Nagkuwentuhan kami ng kaunti hanggang sa nagpasya na ko umuwi. Nag insist sila na ihatid ako sa min. Natatawa ako kasi para akong babae na kelangan ihatid pa.

Tina: Wag ka na magreklamo basta ihahatid ka namin.

Nang nasa malapit na ko ng bahay ay pinauwi ko na sila. Nag group hug pa nga kami dahil daw new friend nila ako. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Tinitingnan ko sila pauwi ng lumingon si Tina. Para akong binaril ng mga mata nya kasi napakaganda ng mga mata nya. Napabulong na lang ako sa sarili ko at nasabing "Patay tayo dyan"

---------------- ITUTULOY-----------------------

Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-46918026948553760972012-07-21T23:18:00.001-07:002012-07-21T23:21:09.195-07:00Rejection ba kamo?

Oh eto mabalik tayo sa ka emohan at makabagbag damdaming usapan. Masyado ata ako natuwa sa buhay ko nakalimutan ko na bawal nga pala ako sumaya. Chos.

Alam mo ba ang feeling na parang ginagawa mo na ang lahat pero kulang pa rin? Yung tipong kulang na lang e sungkitin mo ng literal ang mga bituin sa langit? Di ba parang sampal sa mukha na para bang napaka useless ng effort mo?

Ganun siguro talaga pag wala kang boses sa puso nya. Kahit anong sigaw at tawag ay hindi nya maririnig ang mga sinasabi mo. Kahit ilang beses mo nang nag rereach out, ilang beses kang kumakayod para sa isang tao, hindi nya marerealize yun. Kasi nga sarado ang utak nya sa yo. Wala syang ibang maririnig at makikita kundi ang sarili nya ang mga hinaing nya sa buhay. Kaya ayun. Mananatili kang invisible man.

Sabi nila ang mga babae daw e gusto lang na pinakikinggan sila. E bakit ba minsan itry ko lang nq pakinggan sya e minasama pa at bakit daw ako walang imik. Para daw akong walang pakialam sa kanya. Duh??!!?! Napakamot ulo na lang ako. Mga babae talaga. Sala sa init sala sa lamig.

Nakakalungkot lang kasi isipin na gusto mo lang naman sya pasiyahin. Gusto mo lang na maalis yung sakit na nararadaman nya. Ggawin ang lahat-magadvice, tumulong at makinig lang. Pero isa lang ang resulta; isang masamang tao ang tingin nya sa yo. Ang pangit pa dito may mga linya pang "pare pareho kayo. Hindi nyo ko maintidihan!" kung makahambing naman e wagas. Hindi nya malalaman na nakakasakit na pala sya kasi nga, again, sarado ang puso nya sa yo. Ang mahalaga sa kanya ang problema nya lang. Period.

Pero in fairness naman naiintindihan ko mga ganitong tao. Mga may saltik sa utak na konting problema lang e akala mo ay pinagsakluban na ng langit at lupa. Mahirap din naman sila tlaga kalamayin ang loob kasi, again and again, sarado ang puso nila. Sabihin mo nga lang na "ok lng yan" e magagalit na sila sa yo at ssbhing insensitive ka.  pag nabadtrip naman sila sa dun sa nag emo, magagalit na naman at sasabhing walang nakakaintindi sa kanila. Diba?

Para sabihin ko sa mga emo jan na tao, hindi lang kayo ang may problema. Hindi lang kayo ang hindi natatanggap sa trabaho. Hindi lang kayo ang nauubusan o nawawalan ng pera. Hindi lang kayo qng namatayan. Hindi lang kayo ang sinumpang magpapasan ng lahat ng problema. Mas ok nga sana kung ganun pero hindi. Hindi rason na hindi mo mabago ang pagiging negative mo. Yung iba nga e kaya bakit ikaw hindi? E parepareho lang naman ang kinakain natin. Ok lang naman kasi ang malungkot pag narereject pero hanggang kelan mo ba dadamdamin ang problema? Till the end of time? Everlasting? Habang may buhay? Forevermore? Magpakailanman?

Pero syempre dahil hindi importante ang mga iniisip at sinasabi ko, wala na namang makikinig sa kin. Sabi nga nila it's easier said than done kaya alam ko namang mahirap maging positive sa buhay. Pero ang mag emo sa isang bagay ng mas matagal pa sa 3 araw? Hindi pa ba naubos ang luha mo sa isang araw? Kaya sana kayong mga may mga problema basahin nyo na lang mga sinulat ko dito.

Kasi kung rejection lang din naman ang pag uusapan, hindi ako bago jan. Kaya nga eto ang pen name ko diba?

Hahaha. *sob* :(

Published with Blogger-droid v2.0.6
Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com5tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-85056048987407322222012-07-21T01:21:00.001-07:002012-07-21T01:21:11.555-07:00Bagyo na naman
Tag ulan. Baha. Traffic. Basang medyas. Basang damit... Pantalon... Brief....

Nakakainis ang tag ulan pag nasa maynila ka. Nagmimistulang waterworld ang kamaynilaan tuwing uulan ng malakas. Pero kung sa dagat e mga isda makikita mo, dito kakaiba. Mga patay na daga, ipis, basura at minsan may makikita ka pang diaper na bagong tapon. Nice diba?

Ang pinaka masaya kapag bumabagyo e yung pauwi ka na galing trabaho, school o kung saan man kayo pumunta. Isang malaking adventure ang dadaanan mo sigurado. Para ka lang si dora na may mapa ng mga obstacle na dadaanan. Kelangan magaling ka sa mga detour kasi siguradong wala kang diretsong madadaanan. Bakit kasi nagbabaha pa e. Buti sana kung nakapaa lang tyo kaso pano mga nakasapatos? Bawat tapak mo e may tubig na mapipiga. Hassle di ba?

Nakakainis din ang mga sasakyan pag tag ulan. Hindi ka na makasakay dahil sa dami ng tao, dadaan pa ng walang modong driver ang baha at syempre, paliliguan ka ng tubig kanal. Ayos diba?

Ang pinaka nakikinabang lqng naman sa bagyo e yung mga gumagawa ng tulay o kahit anong sasakyan para makatawid ang mga tao. Kung araw araw bumabagyo sigurado mga milyonaryo tong mga to.

At amp. Ang trapik. Jusko haha. Nakakadalawang pelikula nq ang bus e di pa ko nakakauwi. Nkakapanibago tuloy at hindi ka emohan ang nakasulat dito. Parang hindi tuloy ako. Eto epekto ng trapik. Nakakapagsulat ng kaunting reklamo habang stuck sa trapik gamit ang cellphone ko.

Bigtime na ang papa mo. Haha.

Published with Blogger-droid v2.0.6
Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-86594324105041245162011-10-28T10:30:00.000-07:002011-10-28T11:50:04.868-07:00Forbidden Love?

"E ano nga ba ang pakialam ko kung magalit sila? E sa mahal ko e, paki ba nila!"

Yan. Eksakli. Yan ang mga madalas na linya ng mga taong pumapasok sa bawal na pag ibig. E bakit nga ba? E ano nga ba ang alam ng mga impokritong tao tungkol sa pag ibig? Naranasan na ba nilang may kahati sa atensyon? Naranasan na ba nilang umagaw ng mga nakaw na sandali? Naranasan na ba nilang mag date habang katext nung isa ung jowa nya? Wala. Wala silang alam. Ang hirap kaya nun diba? Kung tutuusin, mas bilib pa ko sa kabit, kasi nagagawa nyang isakripsyo lahat para dun sa isang taong yun. Hindi lahat kaya isuko ang pride ang makuntento sa hating pag-ibig. Pede na nga syang barilin sa Luneta. Isa syang bayani.

Ang hindi ko lang maintindihan, sa dinami dami ng tao naman kasi na magugustuhan mo, e yun pang may kadena na sa leeg. Ilang bilyon ba ang mga tao? Anong probability na sa ilang bilyong tao na meron ang planetang ito, sya pa ang napili mo? Ang weird. Destiny? No way. Kahit kelan hindi ko matatanggap na dahil sinabi ng kalangitan, dahil nagtugma ang mga zodiac sign nyo, dahil nagpantay pantay ang mga planeta, dahil may falling star, ibig sabihin ay meant to be kayo. Ano kayo mga hayop? Na kahit sino na lang pwede?

Sabi ng iba, gusto nila ng challenge... ng thrill kaya nila nagagawa yun. Pwde ka namang tumalon sa hinulugang taktak o kaya mag slide mula Tagaytay papuntang Taal. Yun, napakachallenging nun. Anong thrill ang mapapala mo sa pagiging isang kabet? Yung thrill na baka mahuli? Yung challenge na kaya mong agawin ang isang taong taken na?

Ganyan daw kasi tayong mga tao - marupok. Mas inuuna ng tao ang puso kesa sa utak. Bakit nga ba ganun e ang silbi lang naman nga ng puso ay magbomba ng dugo para mabuhay tayo. Bakit pilit nating binibigyan ng ibang trabaho ang puso natin? Huwag na natin antayin na mastress ang puso natin at magpasa ng resignation letter.

Karaniwan, inililink ng mga tao (a.k.a. mga babae ang bawal na pag ibig sa mga lalake. Mga lalake raw ang madalas gumawa ng ganito. Mga lalake raw ang dapat sisihin kung bakit nauso ang salitang "Kabet". Oo normal sa lalake ang magkagusto sa iba. Narinig ko nga dati na ang mga lalake raw ay likas na polygamous. Pero wala namang magiging manyak, ma-EL na lalake kung walang malanding babae, diba? Wala namang mangyayari kung hindi mo titingnan o ieentertain yung thought na "Ui, pwede to ah?". Dito magsisimula ang walang katapusang turuan na wala naman talagang makakapagsabi kung sino ang nauna. Hindi kayo (mga babae) papayag sa sinabi ko diba?

Sa huli wala rin naman ako magagawa. Ano nga naman ba ang karapatan kong magsermon e wala naman akong alam sa mga ganyang bagay. Makukuha ko pa bang mangaliwa, e kahit nga kanan wala ako.....

.... Oo pinilit ko lang ipasok ang bitterness ko.

Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com6tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-89794070713648180612011-10-23T19:22:00.000-07:002011-10-23T19:34:45.259-07:00The Waiting GameGIRL: Nakipaghiwalay ako sa kanya ngayon. Sabi ko hindi na ko masaya sa piling nya. Hindi man lang nya tinanong kung bakit... Akala ko pipigilan nya ako... pero hindi. Hinayaan nya lang ako lumayo sa kanya. Nang di ko inaasahan, nawala sa kin ang lalakeng hinintay ko habambuhay...

GUY: Nakipaghiwalay sya sa kin ngayon. Sabi nya, di na sya masaya sa piling ko. Sa sobrang sakit ay hindi ko na natanong kung bakit. Gusto ko sya pigilan, pero kung hindi na sya masaya sa kin, wala nang paraan para pigilan sya. Hinayaan ko na lang na lumayo sya sa kin. Nang hindi ko inaasahan, nawala sa kin ang babaeng pinapangarap ko habambuhay....

Give and take nga daw ang isang relationship. Wag kayong maghintayan kasi baka mag end up kayong single. Wag din kayo masyadong paasa at pakipot. Malapit pa namang magpasko, mahirap matulog ng walang kayakap...
Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-62928656792479372192011-05-16T09:18:00.000-07:002011-05-16T10:03:53.326-07:00Ako na ang bitterHeto na naman ako. Nakatunganga sa maliit na monitor. Nag iisip ng masusulat. May naisip ako isulat kagabi tungkol sa boxing, pero dahil kahit ako e inaantok sa sinusulat ko, hindi ko na tinuloy. Erase. Erase. Erase.

Minsan nga naiisip ko kung bakit ba ako naging ganito katamad. May mga bagay akong nagagawa, pero hindi to the point na halos lahat e maiimpress ko. Hindi kasi ako yung tipo na mabait. Hindi ako yung tipong masipag. Hindi ako yung tipo na laging nagtataas ng kamay tuwing recitation. In short isa akong pako. Isang malaking pako.

Minsan nga naiisip kong wag na lang umuwi sa bahay. Kapag kasi nasa bahay ako, feeling ko wala akong kwenta. Sabi nga daw, border lang ako. Isipin mo yun? Sa mismong sarili bahay, sariling pamilya, ang tingin sa yo e border lang? Hindi ko naman sila masisi kasi nga lagi lang akong nakatapat sa monitor. Kapag mejo tinatamad na ay matutulog. Pagdating ng hapon pag nagbabalak nang magtago si araw, lalabas na ko. Yan ang daily routine ko. Gumising - Kumain - Magcomputer - Matulog - Gumising - Kumain - Matulog - Gumising - Labas - Inom - Matulog - Gumising. Parang napakabusy ng araw ko no?

Kasi nga naman, isa akong pako. Sana man lang e pukpukin ako ng magkasilbi naman. Pano ba ko kikilos kung natutulog pa ko? Pano ko ba malalaman kung anong gagawin kung walang magsasabi. Hindi ba border nga lang ako? Sana man lang e sabihan ako na " Hoy, gising na. Baka gusto mo itry mag gupit ng damo. Masaya daw yun." Hindi naman lahat e katulad nyo na masipag. Kapag hindi ka nakagawa ng kahit ano sa maghapon, magiging invisible man ka na parang wala silang nakikita. Sa huli, ako pa ang lalabas na nagmamataas at nagmamatigas. Ako pa ang masama at walang kwentang tao. Yan ang natatak sa isip ko simula bata pa ko.

Yeah. Yeah. Bago pa kayo magreact, alam kong walang tama sa mga sinabi ko sa taas. Random hinagpis lang yan. Nakakalungkot lang kasi isipin na para nga lang akong border. Kelan ko nga ba huling naramdaman na naging proud sa kin ang mga tao sa paligid ko? Kelan ko nga ba huling naramdaman na sinusuportahan ako sa mga desisyon ko? Alam kong may mga times na oo pero mas lamang kasi ang hindi kaya wala ako maalala. Masusunod ang mga desisyon ko pero alam kong puro nakakunot ang noo at naglalabasan ang mga varicose veins sa binti. Ni hindi nga nila alam ang gusto ko, ang hilig ko, ang kagustuhan kong magsulat. Ni hindi nga nila alam na ako pala si Malungkutin.

Hindi ako matalino. Hindi ako gwapo. Lalong hindi rin malakas karisma ko. Pinagsakluban nga ata talaga ako ng langit at lupa. Hindi ako yung tipong magiging paborito lalo na kung may choice. Kahit nga siguro ako na lang ang option, mag ka-call a friend pa sila. Siguro nga kaya sila ganun ay dahil nadisappoint ko sila ng maraming maraming beses. Kaya ayan, kahit siguro manghingi lang ng pamasahe e pag iisipan pa ng masama.

Akala ko, pag paulit ulit mong mararanasan ang isang bagay, masasanay ka at magiging immune. Bakit naman ang lintik na ako e hindi pa rin makamove on? Katakot takot na hiya at pagdodown sa sarili ang nararanasan ko araw araw. Minsan nga gusto ko laging may mga pagtitipon, outing reunions... kasi parang nagbabalik lahat sa dati na parang importante ka. Pero makaraan lang ang ilang araw, balik na naman sa dati. Kalorkey haha.

Kapag gumagawa ako ng paraan para magkalapit lapit, hindi ko ba alam bakit laging hindi natutuloy. Mag iipon ako para mailabas sila pero pagdating ng mismong araw, aba may lakad. Nakakalungkot isipin na bakit nga ba mag eeffort pa ko e wala rin namang silbi. Bakit kelangan mong subukan na magbago e simula pa lang wala na silang tiwala sa yo. Kesa naman nga makipagaway pa ko, mas pinipili kong magkulong na lang sa kwarto. Atlis kahit pano, sa loob ng apat na sulok ng kwarto na to, nagagawa kong maging boss ng sarili kong lugar. Nagagawa kong magsulat. Nagagawa kong tumawa, umiyak, magalit ng walang sino mang manghuhusga. Sa loob ng kwartong to, nabubuhay ang mga pangarap na hindi ko kayang gawin sa labas. Dito ako ang bida. Ako ang center of attraction. Ako ang pinakamaaasahan. Saksi ang kwarto ko sa lahat ng saya, sakit, luha at kung ano ano pang pakiramdam na maaari kong maramdaman. Mabuti pa ang kwartong to. Alam nya lahat tungkol sa kin. Alam nya kung gano kahirap ang pinagdadaanan ko.

Pero ok na rin yun. Wala naman din akong magagawa. Andito na tayo e. Ganito na siguro ang guhit ng palad ko. Masaya na kong nakakapagsulat ulit. Masaya na ko na kahit papano naman, meron din pala akong ibang alam gawin bukod sa kumain at matulog. Siguro ilang panahon pa kelangan ko para ganap kong matanggap na isa lang akong hangin na hindi na dapat pinapansin. Kelangan kong tanggapin na ako si Malungkutin - sa isip, sa salita, at sa gawa
Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com9tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-9733222706549122402011-05-02T09:38:00.000-07:002011-05-02T10:27:55.674-07:00Breakups part 2Gaano ba kasakit ang breakups? Katulad din ba to ng mga pagkabasted na parang dinadaanan ng pison ang puso mo? Eto ba ung point ng relasyon nyo na pilit kang naghahanap ng kanta na babagay sa pakikipag break sabay iiyak habang kinakanta ito? Buti nga di pa applicable dito yung karaniwang sinasabi ng matatanda na di ito tulad ng mainit na kanin na pag sinubo at napaso e pede mo isuka. Isuka talaga ang term. Hehehe.

Ang paghihiwalay ay karaniwang desisyon ng parehong kampo. Kumbaga sa gera e sabay nagtaas ng puting bandera habang sinasabing "Tama na! Suko na ako!" Karaniwan kasing hindi magkasundo sa maraming bagay kaya nauuwi sa hiwalayan. Di mo naman masisisi ang dalawa kasi nga masaya naman ang umpisa. Kaya lang nga, habang tumatagal, mas lalo nyo nakikilala ang isa't isa at dito na mararamdaman ang pagkayamot sa kapartner nyo. Dito na lalabas yung mga natatagong baho at kung ano ano pang skin diseases at mag eend up nga ng hiwalayan. Hindi compatible e, di rin naman pedeng ipilit.

Meron din namang one-sided ang break ups. Ito yung mga tipong katulad ng nasulat ko sa unang Breakups na kwento na nagsasabing "it's not you. It's me." Ano nga ba magagawa mo kung talagang ayaw na nung isa sa yo. Buti kung katulad ko kayong lahat - tanga, bobo, uto uto. Pero hindi. Hindi naman lahat malungkutin na tulad ko. Mapapakanta ka na lang ng Hurting Inside ng FOJ dahil nga, syempre, masakit. Mas doble ang sakit nito sa isa kasi ayaw mo pa e. Gusto mo pa magwork out yung relasyon pero wala. Para ka lang tanga na pilit ng pilit sa isang bagay na wala nang saysay.

Naisip ko nga bigla, kaya siguro naimbento ang mga monthsaries kasi sa panahong ito, bihira na lang talaga ang nakakaabot at nakakapagcelebrate ng anniversaries. Para kasing ang hirap na maghanap ng talagang kamatch mo. Buti sana kung lahat e parang yung sa commercial nung Nestle 100 years na simula pagkabata hanggang pagtanda e magkasama sila. Minsan nga naiisip ko pang kwentong barbero na lang yun. Minsan nga mas ok pang mahalin mo na lang barbero mo kasi makikinig un sa lahat ng sasabihin mo. Hindi yan kokontra sa yo basta lagi ka lang magpapagupit sa kanya.

Minsan may nakilala akong lalake. Lagi silang magkaaway ng jowa nya. Pero lamang itong si lalake. Alam nya kasing di sya kayang iwan nung babae. Kaya malakas loob nito maghamon ng hiwalayan kasi alam nyang di kaya nung babae. Nagulat na lang ako isang araw nabalitaan ko na lang na patay na pala yung lalake. Rason? Nagbigti kasi di kinaya nung nakipagbreak na sa kanya ng tuluyan yung babae. Ironic? Very very ironic.

Masakit talaga ang breakup. Ilan lang talaga ang matibay ang dibdib o makapal ang mukha na hindi tinatablan. Biruin mo, magpupuhunan ka ng sangkaterbang emosyon at pagmamahal pero sa huli malulugi ka lang at mapipilitan kang magsara... magsara ng puso. Hindi ko alam kung pano nakakamove on pero sabi nga nila, time heals all wounds. ang problema lang dito hindi mo masasabi kung kelan dadating yung time na yun. Minsan ilang araw lang. Minsan ilang linggo. Minsan buwan... taon.... siglo. Hindi mo malalaman kung kelan mo masasabi na "Ok na ko." Hindi mo malalaman na handa ka na palang umabante sa buhay at kalimutan na kung ano mang sakit ang naranasan mo sa nakaraan. Time heals all wounds daw... pero Time din ang nakakasira ng bait ng isang tao.

Buti na lang si Malungkutin ay isang matatag na tao. E pano ba, wala namang makikipagbreak sa kin kasi nga wala pa namang sumasagot sa kin.

Eto ang pinakaironic na bagay. Eto rin ang pinakamasakit. Huhuhu sad.
Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-73301235597867552132011-04-11T07:52:00.001-07:002011-04-11T09:13:09.096-07:00Breakups"It's not you, it's me"

Yeah, yeah. Common line ng mga nakikipagbreak. Hindi ko nga ba alam bakit eto ang common gamitin ng mga taong magdaling magsawa. Wala na bang maisip na irarason at yan ang favorite nyong line? Hindi mo ba masabing "E ang takaw takaw mo kasi." O kaya "konti na lang kasi kahawig mo na yung suwelas ng paborito kong chucks." O di kaya "Parang machine gun kasi bunganga mo."

Masakit nga naman kung yun ang sasabihin. Para lang kasing nakakaloko. Pag sinabihan kayong ganyan, tanungin nyo na kung ano ba ang mali sa kanya. Tingnan mo kung makakasagot yan. 9 out of 10 matatagalan sumagot at mag iisip pa yan. (Gumawa pa nga ako ng sarili kong survey haha)

Bakit nga ba nauuwi sa break up ang isang relasyon? Hindi magkasundo ng ugali? Nakakasakal? May mga bwisit na magulang na hinahamak ang pagkatao? Weh?

E kung di ka ba naman isa't kalahati... Kaya nga nagkakaroon ng ligawan diba? Kaya nga may salitang ligawan para makilala nyo ang isa't isa. Kaya nga nagkakaroon ng mga date para maintindihan mo kung bilmoko at bilmokonyan yung nililigawan mo. Kaya nga merong pasundo sundo sa skul para malaman mo kung handa magsakripisyo ang mga lalake. Kaya nga merong madalas nababasted tulad ko dahil sa lintek na ligawan na yan. But that's another issue :)

Kung iisipin mo naman e talagang yan ang mga dahilan kung bakit ka nanliligaw. Ang nakakainis lang kasi e karaniwan din ang pagiging plastik pag umaakyat ng ligaw. E pano ba naman ganito ang setup ng mga lalake:

1. Suot ang pinakabagong polo na bili sa tyangge.

2. Bagong gupit lagi, bagong paligo at laging nakagel.

3. Laging naka Tommy na pabango, minsan Coolwater pag ubos na pabango ni utol.

4. Galante, laging may dalang hopia.

5. Nag aral ng GMRC, napakagalang at napakabait.

6. Nagmumog ng honey, ang tatamis ng lumalabas sa bibig.

7. In connection to # 4, lagi ring may dalang mga pasalubong para sa mga nakababatang kapatid.

E sino bang di maiinlove sa mga ganyan? Kung yung nakikita mong tao e kala mo santo sa sobrang bait. Di magtatagal at sasagutin na sya ng babae. Habang tumatagal:\

1. Laging nakasando na, minsan lumalabas pa ang utong.

2. Long hair na, sa ulo pati sa ilong. May maaamoy ka na rin na kakaiba na karaniwang masakit sa ilong.

3. Baby cologne ang laging amoy nya.

4. Mas madalas mangutang kesa manlibre (o magbayad).

5. Naninigaw na. Akala mo e nakahire ng katulong kung makautos.

6. Lumalaklak ng sili, mura ng mura at kala mo demonyo sa anghang magsalita.

7. Inuutusan pa ang kapatid para bumili ng yosi nya.

Dyan na magsisimula ang break ups. Dyan na sasabihin nung makikipaghiwalay na "It's not you, it's me." na ang ibig sabihin talaga e "It's not you that I love, It's me na nandidiri na sa yo." Bakit nga ba kasi di na lang ipakita sa nililigawan mo ang totoong ikaw? Hindi naman matatago ng pabango at gel ang sarili mong baho. Hindi naman pwedeng habambuhay kang magiging hunyango at isang araw e lalabas din ang tunay mong kulay. Hindi ba mas ok na makita niya kung anong klase kang halimaw ngayon kesa magulat sya na ang tupa palang inaalagaan nya e isang lobo pala?

Sinubukan kong basahin ang mga sinulat ko sa taas. Napakatalinghanga ko hahaha.

Pero seriously diba? Hindi ko naiisip na pagmamahal ang tawag mo dun kundi panloloko lang. Sabi nga nila, kung gusto ka nung tao, kahit ano pang baho ng alipunga mo, mamahalin at mamahalin ka niya. Mas gusto ko pa yung mga tipong Robin Padilla-style ng panliligaw kesa naman para kang orocan na puro kaplastikan lang. Marami ang nauuwi sa hiwalayan dahil sa mga ganitong rason.

Minsan naman, meron talagang mga tao na masasabing hustler sa mga relasyon. May mga lalake/babae na magaling dumiskarte. Yun bang tipong mabulaklak ang mga dila at lahat e kaya mapasagot. Naiinis ako sa mga taong ito. Naiinis ako kasi bakit hindi ko natutunan tong mga to, naiinis ako kasi nagkaroon tuloy ng Malungkutin kasi laging nababasted.

Ito yung mga taong ginagawang katuwaan lang ang pakikipagrelasyon. Ito yung mga taong pinagkaitan ng laruan nung bata kaya hayan, ngayon naglalaro. Kapag nakuha na nya ang/ang mga gusto nya sa taong yun, itatapon nya na to na parang basahan. Dito na rin magsisimula yung mga lines na "It's not you, it's me." na ang meaning naman e "Sorry, it's not you , It's me na nang uto sa yo." Ingat ingat lang kung ganito kayo. Ang karma andyan lang yan. Pinsan nga daw yan ni Kamatayan e. Pareho rin silang biglaan kung dumating. Awuuuu~~~~~

Meron din namang totoo ang naging relasyon. Yung tipo bang talagang nagkainlaban ang dalawa. Yun bang hindi nagpakaplastik, pareho nila tinanggap ang pagkukulang ng isa't isa. Typical love story diba? Pero hindi. Masyado sila nagiging busy sa mga sarili nilang buhay. Unti unti na nawawala yung tamis nila. Nawawala na yung bonding na kelangan para maging pundasyon ng isang relasyon. Dito na papasok ang break up dahil nagfall-out na sila. Ang relasyon na ganito ay parang kandila na dumating na sa dulo at naubos na. Ito yung mga nakakalungkot kasi sayang. Nakakalungkot din kasi sana kahit man lang ganito e nakaranas ako. Sad lang.

Ito ang nakakainis (O nakakatuwa?) na rason ng break ups - Pagiging machine gun.

Sino nga ba ang matutuwa kung ang karelasyon mo e sanay sa pakikibakbakan? Yun bang tipong mga Last Action Hero na hindi nauubusan ng bala at tuloy tuloy lang ang baril? Ang pinagkaiba lang nila e si Schawsde.....neger e sa baril pumuputok. Ito naman ay sa bibig.

Ito yung mga tipong sobrang seloso/selosa. Hindi ko naman sinasabing masama ang magselos. Sabi nga ng mga matatanda, Isa daw itong sign ng pagmamahal sa yo ng isang tao. Pero what the hell man! Kung ito ang iuulam mo sa umaga, tanghali at gabi, never mind na lang pre. Nakakainis ba minsan e makita ka lang na may kausap na babae e raratratin ka na at walang tigil ang putak. Hindi mo lang matext minsan e tatawagan ka pa at saka pagbababarilin ang tenga mo. Yun bang minsan e kabisad mo na lahat ng sasabihin nya - kung gano katgal bubuka ang bibig nya, kung ano lalabas sa bibig nya, ilang exclamation point, ilang period... - Yan. Yan ang authentic na "It's you, yes, IT'S YOU!!!" na rasonn kung bakit nagkakahiwalay. Minsan lang di ko masisi yung mga ganung tao. Siguro lang e sobra lang magmahal yun kaya walang ibang ginagawa kundi pumutak ng pumutak. Makabasag na eardrums na pagmamahal.

Basta ako, ang masasabi ko lang, wala akong pakialam sa mga breakups na yan. Paki ko ba, e hindi pa nga nagiging kami ng nililigawan ko e break na agad kami. Kaya wala talaga ako pakialam.

OO na... BITTER na kung BITTER. >;(

Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-27615688939244679012011-04-04T11:03:00.000-07:002011-04-04T20:45:49.883-07:00KahirapanBakit nga ba merong nuknukan ng yaman at merong sobrang hirap? Lagi ko yan natatanong tuwing mapapadaan ako jan sa may Pasay. Ang daming squatter, ang daming mga pulubi. Ang daming kakalbit sa yo at mag pa-puppy eyes at magsasabing "Kuya kahit konting barya lang." Hindi ka pa makakalayo e may makikita kang sobrang laking bahay. Akala mo e presidente ang nakatira. Hindi kaya sukatin ng 50 tao sa haba ng lote at sa laki ng bahay na nakatirik sa lupang yon. Para ngang sobrang ironic nung lugar. Isang larawan ng marangyang buhay sa gitna ng kahirapan.

Minsan may nakausap ako tungkol sa kahirapan ng buhay. Aktibo sya masyado. Sa sobrang aktibo e para na lang akong nanonood ng tv na hindi pede sumagot sa kanya. (Sige try mo kausapin ang TV mo, now na.) Mahirap daw makapag aral dahil nga kapos sa pera. Minsan pa nga raw kelangan nyang umabsent dahil kahit pamasahe e wala sya. Pero bilib ako sa taong to. Makikita mo ang determinasyon na makapagtapos. Makikita mo sa mga mata nya ang kagustuhang makaahon sa kahirapan.

Yan ang nakakainis na realidad sa ating mga Pilipino. Kung sino pa ang may kagustuhan na umunlad ay sya pa tong nasisilat sa gulong ng buhay. At kung sino pa ang may limpak limpak na salapi, sila pa ung nagkakalat. Totoo diba?

Marami akong kakilala na hindi nakapagtapos na ang common denominator nila ay mapera sila or pamilya nila. Marami akong kakilala na nalulong sa droga na common denominator ulit ay mapera sila. Marami akong kakilala na paeasy easy lang sa buhay dahil.... alam mo na... may common denominator sila.

Siguro dahil kahit kelan ay di nila naranasan ang hirap ng buhay. Wala silang drive or reason kung bakit kelangan nilang makatapos at magkapera dahil nga.. um... Mapera na sila. Kahit ano mabibili mo, kahit pa kaluluwa ng ibang tao. Ganyan ang karaniwang mindset ng mga mayayaman.

Hindi ko naman ginegeneralize pero un ang common. Dapat sisihin nila ang mga pelikula. Kung mapapansin mo, sino ba ang karaniwang kalaban sa mga pelikula? Sino ba ang karaniwang mga pushers, kidnappers at mga big bosses? Di ba ang mga MAYAYAMAN? Kasalanan nila to kung bakit ganito ako mag isip. Namulat ako na may takot kay Paquito (R.I.P) at kung sino sino pang mayayamang kontrabida.

Ang point ko lang, mas nagiging determinado lang ang mga mahihirap na makapagtapos dahil nga sa nararanasan nilang hirap ng buhay. Alam kong may pagkakataon na nagkakabaliktad ang mga situasyon. Alam ko rin na pede nyong sabihin sa kin na kaya nga sila mahihirap dahil kulang sila sa lakas ng loob.

Bakit ba?

E blog ko to at ang laman nito e mga naiisip ko. Kung gusto nyong ibalanse ang mga bagay bagay tulad nito post na to.

Gumawa rin kayo ng sarili nyong blog.Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-26630789354276830602011-01-30T09:50:00.001-08:002011-01-30T10:19:57.662-08:00StressNatry nyo na bang mastress ng sobra sobra sa buhay? Yung tipong mitsa na lang ang kulang e pede ka nang gamitin bilang paputok sa bagong taon? Yung tipong pinagsakluban ka ng langit at lupa.

I did. Naks.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako naiistress. Happy-go-lucky naman ako. Wala akong pakialam sa ibang tao basta wag lang din akong pakikialaman. Minsan nga, tinawag akong kabayo kasi nga naman daw, pag naglalakad ako e diretso lang ang tingin na parang may takip ang mga gilid ng mga mata. Op kors nasisira lang ang concentration pag may bebot nang nakasalubong. Para akong sa exorcist na umiikot ang ulo kakahabol ng tingin.

Eniweys, nakakainis mastress. Papasok ka sa umaga, di ka pa man nakakaupo e katakot takot nang sakit ng ulo ang makukuha mo. May mga katrabahong maiingay... may mga katrabahong kalikot ng kalikot.. meron ding ikot ng ikot. Ang nakakainis pa e yung mga tipong napakakukulit na kala mo e mga grade 1 lang at tuwang tuwa sa paglalaro. Nak ng teteng, alas 7 pa lang ng umaga, nasisira na agad ang araw mo. Minsan nga e gusto ko hagisin ng mug sa bunganga. Naisip ko lang e sa hirap ng buhay ngayon, dadagdag pa sa gastusin ang pagpapabunot sa mga nasirang ngipin dahil sa binato kong mug.

Isang araw naisipan kong magdala ng ipod. Sosyal. Pag upo ko pa lang ay nakasalpak na sa mga tenga ko ang mamahaling headset ko. Olrayt, may padrums drums pa ko sa hangin habang pinapakinggan ang Awit ng Kabataan with matching papikit pikit pa. Pagmulat ng mata ko napansin ko na parang lahat sila e tahimik at nakatingin lahat sa kin. Bakit wala na kayong maburyong na tao kaya lahat kayo natahimik? Naisip ko na tagumpay ito para laban sa mga kampon ni shalala. Napatingin ako sa isa kong katrabaho. Ngumunguso sya sa likod ko. Pagtingin ko sa likod e bigla akong napatalon sa upuan ko. Ampota may dragoooooonnnn!!!!! Mga 10 segundo ko narealize na boss ko pala ang nakita ko at galit na galit na dahil kanina pa pala nya ko tinatawag. Katakot takot na mura ang inabot ko. Akala ko pa naman e makakatanggal stress ang pakikinig ng music habang nagtatrabaho. Yun pala, mas madodoble lang ang stress na mararanasan ko. Simula nun, pinagbawal na ang pagsusuot ng headset sa trabaho.

Sa hapon, jan mo mararanasan ang tugatog ng stress. Sa mga ganitong oras kasi papasok ang mga deadlines, last minute meetings, revisions... lahat ng pedeng gumulo sa magulo mo nang utak, anjan lahat. Ang sakit sa ulo na nagkukumahog kang matapos ang isang bagay e itatapon lang sa mukha mo at sisigaw na "DO IT AGAIN!!!!". Dito lumakas pa lalo ang paninigarilyo ko. Maya't maya ako nagyoyosi. Nakakatanggal daw kasi ng stress yun pero bakit parang masakit na ata ang baga ko e lalo pa ata ako nasstress???

Sa wakas tapos na ang araw mo. Sa wakas, makakapagpahinga ka na at matatanggal ang stress sa araw na ito. Pero pag akyat ko ng MRT... lintik na iyan. Daig pa ang Ligo sardines sa dami ng tao. Grabe. Yung ugat ko noo e naglalabasan dahil sa pagkayamot. Ok lang sana na siksikan e. Ang di kasi maganda sa ganyan e ang halo halong amoy na malalanghap mo pag nakipagsiksikan ka. Minsan matatyambahan ka pa ng mga ulupong na mandurukot at yung payslip na pambigay sana ke misis e matatangay pa. Masisigawan ka pa at iisiping may kulasisi ka dahil wala kang maiabot na pera. Lintik na buhay to. Stresssssss.....

Pagktpos ng mga halos 3 oras na pagbabyahe, makakarating na ko sa bahay. Diretso kama ako at excited na nagtanggal ng mga sapatos. Hayy.... ang sarap mahiga ng kama. Hindi pa ko nakakalimang minutong nakahiga e biglang magdadatingan ang barkada. Dahil pinanganak ata ako na may sumpang hindi pedeng tumanggi, ayun napainom na nga. Inabot na ng madaling araw bago natapos ang inuman. Ok na rin kasi kahit kaunti e natuwa naman ako kakapanood ng mga katropa kong mayayabang sa inuman e puro naman sukahan. Tawa ako ng tawa ng tumingin ako sa relo. Omaygas, alas 5 na ng madaling araw!!!!

Para akong nahulasan bigla at dali dali akong tumakbo ng CR. Parang limang minuto lang ako naligo dahil malalate na ko. Hindi na ko pede malate kasi at magkakamemo na dahil sa dami na ng late. Takbo ako. Nagulat ako ng di gaano madaming tao ang MRT. Akala ko pa nung una e meron na namang bomb scare kaya takot ang mga tao sumakay. Natuwa naman ako kahit pano e di ko na kelangang makipagsikiskan.

Ang aga ko dumating. 6:30 pa lang. Dali dali akong pumasok ng opisina. Kahit may hang over e pinagdasal ko na lang na sana e di ako gano mastress. Pagpasok ko e parang gulat na gulat ang gwardiya. "Ser bat andito kayo?" ang gulat na tanong nya. Ngumiti lang ako at nagdirediretso. Nang nakakasampung tapak pa lang ako mula sa gwardiya, biglang umakyat ang dugo sa ulo ko. Para akong hihimatayin.....

..... Sabado na pala. Walang pasok.

Muntik na kong mag breakdown sa sobrang stress.
Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com22tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-53220952065842513892010-12-27T10:55:00.000-08:002010-12-27T11:58:39.414-08:00Si Mac at si MicahFeeling ko kasi kelangan ko isulat to kaya ako nagawi dito. Namiss ko namang magsulat at mag ubos ng oras para lang magkwento sa inyo na hindi ko lang alam kung talagang binabasa nyo ito. <insert>

Isang araw kasi habang nakatambay ako at nagsusunog ng baga (atay na ata yung nasusunog kasi wala na ata akong baga), may napansin ko si Mac na parang masayang masaya. Tinawag ko pa nga sya nun, pero di nya ko pinansin. Nilakasan ko pa nga ang sigaw pero wala, parang nasobrahan sa linis ng tenga at nabasag na ang eardrums. Sinundan ko ng tingin si Mac at dahang dahang pinagmasdan kung ano nga bang nangyayari dito. Hindi mapakali itong si Mac. Parang excited na excited na paikot ikot sa kalsada. Naisip ko, "parang ganito ako nung naloloko pa ko sa mga babae ah" At ayun nga, dahil napilit kong irelate ang sarili ko sa kanya, nagkatotoo nga.

Mula sa di kalayuang mula sa kinatatayuan ni Mac, may lumabas mula sa pintuan ni Mang Ador. May bago palang nakatira sa matandang tindero ng mga gulay. Maputi ito. Mukang hindi marumi. Sya ang tipong siguradong kalolokohan ni Mac. Natawa ako sa sarili ko. Para akong nanonood ng pelikula ni Dolphy at Zsa Zsa. parang gusto ko pa atang kiligin dahil tumatayo ang mga balahibo ko. Napagtanto ko lang na di ako kinikilig sa dalawa, kinikilig ako kasi unti unti nang pumapatak ang wiwi ko sa brief ko.

Anyways, moving on, Dali-daling lumapit itong si Mac sa bagong "border" ni Mang Ador. May dala itong bagay na di ko makita dahil sa likot nitong si Mac. Nakita ko na sinubo nung babae ang dala ni Mac, so inisip ko na lang na kendi o kung ano mang pagkain ang dala nito. Di ko na pinaglaanan ng pansin kung ano man nga iyon dahil nakita kong tila kinikilig din itong pinagbigyan. Aba, magaling dumiskarte itong si Mac. Pogi points agad.

Lumipas ang ilang araw at muli akong napatambay dun kina Mac. Aba, napapadalas na ito kina Mang Ador. Maya maya ay napansin kong parating na si Mang Ador. "Mang Ador, sino yung bagong nakatira sa inyo?" tanong ko, "Ahh yun ba? si Micah yun." sagot ni Mang Ador. Nabanggit ko sa kanya ang pagtambay lagi ni Mac sa kanila. Napakibit balikat na lamang ito at tila nagsalubong ang kilay. Naku, bad shot ata itong si Mac. Paano ba naman, halos 24 hours ata tumatambay tong si Mac doon. Pag nakikita naman si Mang Ador e karipas na ng takbo na parang takot na takot. Sino nga ba matutuwa dun diba?

Kinabukasan, muli na naman akong napatambay. Oo, ako na ang professional.. professional tambay. Aba mukang masayang masaya ang dalawa. Nakikita ko pang naghahabulan, nagsisigawan. Mukang sinagot na si Mac. Ambilis, pero siguro matagal na sila, ngayon ko lang napapansin. Kitang kita mo ang tuwa sa mga mata ni Mac. Nakikita ko na syang nagpapagulong gulong sa kalsada. eto namang si Micah e hindi ko maintindihan at bakit parang tuwang tuwa syang nakikita si Mac na gumugulong gulong. Naisip ko na lang, e ako nga halos sirain ko buhay ko dahil sa pag-ibig, so wala akong karapatang manghusga. Ganyan daw kasi ang pag-ibig. Bubulagin ka sa umpisa tapos gagawin kang retarded sa huli.

Hindi pa nagtatagal ang Precious Hearts love story nila ay napansin kong biglaang bumukas ang pintuan nina Mang Ador. Napansin ko rin na may hawak na itong pamalo. Sumigaw ito na tila may built in na megaphone at minura si Mac. Kitang kita ko ang takot sa mata ni Mac kaya bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Natapunan pa ko ng toyo dahil kumakain ako ng siomai ng mga oras na iyon. Kaya ayon. Basa. Basa ng toyo.

Hindi ko alam kung kelangan ko bang rumesbak at tulungan si Mac. Mukang nagdidilim na kasi talaga ang paningin nitong si Mang Ador. Baka mamaya ay sa akin pa ibaling ang galit. Kasalanan din naman ni Mac, e lintik naman sa ingay. May pagkawar freak pa.

Nung umaga daw kasi, nakita ni Mac na kausap ni Micah ang isa pang "border" ni Mang Ador na si Jojo. May pagkaseloso kasi tong si Mac. Hindi lang basta bakod ang ginagawa nito sa mga babaeng nakakarelasyon nya, Kundi nilalagyan pa 15 feet tall na wall, barb wire sa paligid at meron ding electric fence. Kaya ng makita nyang magkausap ang dalawa e agad agad nitong sinugod si Jojo. Nagsimula ang away nila at nagpagulong gulong sila sa kalsada. Todo sigaw naman si Micah upang pigilan ang mga mapupusok na mga ito. Naglabasan na ang mga tao dahil nga sa ma eskandalong ingay na ginagawa ng away nila. Napigil lamang ang gulo ng lumabas na si Mang Ador at hinabol si Mac. Karipas ng takbo si Mac. Lumingon pa ito kay Jojo na tila sinasabing " Hindi pa tapos ang laban, bukas di ka na sisikatan ng araw". Kaya di ko masisisi kung bakit ganon na lang ang galit ni Mang Ador.

Nagdesisyon akong hayaan na lang tutal mukang nirarayuma na rin itong si Mang Ador at akala mo e pato na itong maglakad. Naisip ko kasi na hindi naman mahahabol nito si Mac. Pwera na lang kung meron syang mga gadgets ni batman. Wala itong kawala.

Tuwing uuwi ako galing Maynila, lagi akong tumatambay malapit kina Mac at pinapanood ko ang umuusbong nilang relasyon. Siguro meron lang bitterness kasi ako e inabot ng ilang dekada bago nakakita ng mamahalin (but that's another issue!). Natutuwa na rin ako kasi kahit papano, masaya na si Mac.

Lumipas ang halos isang Linggo, Naisipan ko ulit tumambay sa favorite kong tambayan. Kamusta na kaya sina Mac at Micah? Parang naexcite ako tulad ng pagkaexcite ko sa pelikula ni Popoy at Basha. Iniisip kong siguro e nakatambay na naman ito kina Mang Ador at paulit ulit na nag iingay doon. Nang nasa ilang metro bago ako makarating sa tambayan ko, napansin kong merong nakatayo sa harap ng bahay nina Mang Ador. Nang mejo malapit na ko (sige na ulit... ako na ang malabo ang mata) napansin kong si Mac. Pero di tulad ng inaasahan ko, parang napakalungkot ng mga muka nya. Parang siya sinandwich ng Langit at Lupa. Sinubukan ko syang tawagin, pero di na sya lumilingon. Ano kaya ang naging problema? LQ kaya? hindi ko kasi nakikita si Micah.

Maya maya, biglang may nagsalita sa likod ko. Muntik ko na maibuhos ang kapeng iniinom ko sa mukha nya. "Pinaalis na kasi ung Micah jan. Hindi na kasi matiis ni Mang Ador kaya pinalayo na ito dito. Alam mo bang 2 araw na sya?" wika ng mama.

Nagulat ako sa narinig ko pero mas nagulat ako kung paano nya nabasa ang naiisip ko. Nag rereading aloud ba ako at kahit nanay ko e maririnig ang sinasabi ko? Sumagi sa isip ko na baka multo yun pero iniba ko na lang iniisip ko. Pero mabalik tayo, nagulat ako sa narinig ko. Broken hearted pala itong si Mac. Walang magawa ito kundi panoorin ang pagbukas ng pituan ni Mang Ador. Nagbabaka sakaling si Micah na ang lumabas. Nakikita ko ring paminsan minsang titingala itong si Mac na tila nagdadasal ng himala. Medyo nalungkot naman ako dun.

Ang sakit isipin na malalayo sa yo ang minamahal mo. Mas masakit kung di mo naman maintindidhan kung bakit kayo pinaglayo, kung bakit kelangang mawala ang minamahal mo. Naniniwala kasi akong ang totoong pag-ibig e minsan lang dumating. Ni hindi pa nga umuusbong yung punla nila e nagkahiwalay na agad.

Ilang araw pa ulit akong dumaan dun pero andun pa rin sya. Gusto ko na syang lapitan at kausapin pero natakot ako na baka hindi ako maintindihan. Pinili ko na lang na tahimik na makiramay sa paghihiwalay nilang dalawa. Gusto ko rin sanang tanungin kung san pinadala si Micah, pero naisip ko na di ako dapat makialam. Wala ako sa lugar at wala akong karapatang manghimasok. Nagdecide ako na mag inom na lang at makiramdam sa mga mangyayari.

Makaraan ang halos 2 linggo pa ulit, napadaan na naman ako sa all time favorite tambayan ko. Hindi ko na nakikita si Mac. Wala na yung masayahing si Mac na walang pakialam kung kukutyain sya ng mga tao sa paligid nya. Wala syang pakialam basta ang alam lang nya ay nagmamahal sya. Nakita ko sa mga mata nya yung sparkle(juice? :D) sa mga mata nito.

Sakto naman habang napatigil ako dahil bumili ng sigarilyo sa tindahan. Sakto, dumaan ang may ari ng bahay na tinitirahan ni Mac. Naitanong ko sa kanya kung asan na si Mac. "Wala na si Mac, binenta ko na kasi parang nasisira na ang ulo at lagi na lang nag iingay. Ilang aso na ang muntik mapatay nyan. Siguro e talagang nainlab dun sa aso ni Mang Ador kaya ayun kesa maluko at mangagat pa e binenta ko na. Ang alam ko e yung si Micah e binenta na rin nung pinagbigyan ni Mang Ador. OK na rin yun atleast tumahimik tong lugar namin at wala nang tahol ng tahol"

Hmmm.... di ko ba nabanggit na mga aso ang kinukwento ko? Mga askals. Mah bad.

Pero in fairness, nakakaawa lang yung nangyari sa kanila. Parang naging against all odds sila, yun nga lang, nauwi sa tragedy ang love story nila. Nakakalungkot isipin na oo, meron ngang nangyaring kakaibang pag-iibigan sa pagitan nina Mac at Micah. Hanggang ngayon iniisip ko sila. Siguro ngayon isa na lang silang asuzena. Pinupulutan ng mga lasing.

Tsk tsk tsk.... Namiss ko bigla si Mac.
</insert>Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-84476463116535930762010-08-15T10:23:00.000-07:002010-08-15T11:15:33.046-07:00Trial and ErrorNaniniwala ba kayo sa soul mate? Naniniwala ba kayong merong isang taong nakatadhanang makakasama mo habambuhay? Totoo bang merong true love na minsan mo lang mararanasan sa buhay mo? Totoo bang pag nahanap mo na ang nararapat sa yo e makakaranas ka ng habambuhay na kaligayan?

Ang masasabi ko lang ay...... kanya kanyang paniniwala lang yan (Kala nyo siguro magsasabi ako ng "Bullshit ndi totoo yan" o kaya "&^&$^%!~@! walang ganyan mga #*()&&*#, muntik na pero never kong gagawin yun hee).

Kung ako kasi tatanungin, hindi ko mapilit ulit ang sarili ko na isiping "Oo, eto ay isang match made in heaven!". Hindi ko mapilit ang sarili ko na totoong merong isang nilalang na nakareserve para sa yo na pag nakita mo e pede mo nang i-take out. Minsan kong pinaniwala ang sarili sa kwento ng mga matatanda tungkol sa soul mates at kung pano ito kusang dumadating. E sa dami ba namang katangahang nangyari sa buhay ko tungkol sa letseng pag ibig na yan, matagal ko na isinuko ang paniniwala tungkol sa ganyan.

E pano ba naman, bigla mong mararanasan yung mga kakaibang settings tungkol sa "soulmate". Yung mga tipong pang pelikula na mayaman ang lalake, mahirap si babae. O di kaya yung tipong biglang nagkita ang lalake at babae sa isang lugar. O di kaya e bumibili ka ng softdrinks sa kanto e biglang makikita mo ang pangarap ng buhay mo. Aakalain mong siya na nga yung nararapat sa yo. Pero malalaman mong di ka nya type, may boyfriend na pala, kamag anak mo pala... yun bang tipong malabo pa sa sabaw ng pusit na maging kayo. Oo naranasan ko lahat yan. Sa kakapilit ko sa utak ko na paniwalaan ang sabi sabi ng matatanda, ayun muntik na ko umiyak habang tumatawa sa isang sulok.

Kung sasabihin naman ng iba na hindi ko pa lang nakikita talaga yung soul mate ko. Kumbaga, yung mga babaeng dumaan sa buhay ko e di totoong soul mate kundi "soul fling" lang. Mas naniniwala kasi ako na ang isang relasyon (lahat ng uri ng relasyon) ay isang trial and error lang. Lahat ng relasyon ay isang trial and error, walang exemption. Mapa artista ka, senador, alien o kahit ano ka pa man, hindi ka sasantuhin.

Naniniwala kasi ako na ang mga dumaan (as in literal na dumaan lang... mga letse...) na babae sa buhay ko e produkto ng method na yun. Tinry namin (OO NA, SIGE AKO LANG ANG NAGTRY) pero hindi nagclick lahat. Parang yung mga materyales na ginamit ko e galing lang sa divisoria. Hindi ko nakuha ang tamang formula parang mabuo yung relasyon. Tingnan mo nga sina Kris at James. Di ba akala ng karamihan e eto na yung tamang lalake para kay Kris. Pero in the end, nagfail pa rin ung relasyon nila.

Kung tatanungin mo naman ako kung ano ba ang tamang formula, hindi ko rin alam. Mahirap din masabi kung tama nga ba ang blending kahit umabot na ng lagpas 10 years ang relasyon. Yan ang mahirap pag ginagawa mo ang method na yan; araw araw nyong gagawin ang trial and error. Araw araw nyo tetestingin ang relasyon nyo.

Pero bumibilib ako dun sa mga taong pilit tinatama ang relasyon kahit sobrang sira na. Yun bang tipong pilit ineedit yung formula para tumama. Yun tipong try and try pa rin kahit lagpas langit na ang error. Kung ihahambing sila sa isang classroom, sila yung mga tipong kahit di matatalino e pilit pa ring nagrereview para lang makapasa.

Hindi rin ako naniniwalang minsan ka lang iibig ng tunay sa buhay mo. Bakit naman sina Dolphy at Ramon Revilla, wag mo sabihin sa king minsan lang silang nagmahal ng tunay? Naniniwala naman ako na minahal nila ang mga naging babae nila. Hindi mo naman masusukat ang pagmamahal. Hindi mo pwedeng basta na lang sabihing "Ah si Lucring? 40% ko lang yan minahal". Ang ginagawa kasi ng mga taong sukatan e kung ilang beses sila nag away kumpara sa dati nyang babae. O kung sino ang mas palengkera e yun ang less love mo. Sa totoo lang lahat ng minahal mo sa buhay, lahat yan tunay. Iba iba nga lang ang paraan mo ng pagmamahal sa taong yun.

Kaya kayo, wag nyo nang isipin kung bagay ba kayo o hindi. Try and try lang. Wala namang mawawla kung mag tatrial and error ka tulad ng mga matatapang na taong nagmamahal sa buong mundo. Malay mo isang araw makakita ka ng tamang formula tulad ko.

.....yiheiiiiii TULAD KO!!! heheMalungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-10767430653697459322010-06-25T03:36:00.000-07:002010-06-25T04:56:31.039-07:00Average Joenormal adj. 1 ang mga regular na, average, dati,
run-of-the-mill, ordinaryo, unibersal, pangkalahatan, karaniwan,
tipikal, ayos lang

Average.... ordinaryo.... karaniwan....

Marami sa tin na ganito ang description sa halos lahat na bagay. Kapag tinanong mo kung maganda ang pelikula, ang karaniwang sagot ay " ayos lang.." Kapag tinanong kung madali ba ang exam, ang sagot ay "ayus lang". Pag tinanong ka kung pogi ang boylet ni babae ang sagot e "Mabait" (Although malayo sa normal ung sagot, pero yun kasi lagi ang ordinaryong sagot ng mga tao).

Ganyan tayo. Ganyan ako. Isang normal na tao na may normal na buhay na may normal na pamilya na may normal na pangarap. Wala ka itulak kabigin sa kin. Isa akong napaaaaaaka normal na tao...

Na sa sobrang normal e nakakainis na....

Hindi kasi ako katulad nina John Lloyd na gwapo. Hindi kasing macho ni Derek Ramsay (Lamang lang sya ng mga.... 30 paligo). Di rin ako kasing galing kumanta tulad ni Jovit ng Pilipinas Got Talent. Hindi rin ako kasing galing ni Caguioa sa basketball. In short... wala akong talent. Kumbaga, isa akong jack of all trades... pero master of none. Pero diba atleast nagagawa mo ang maraming bagay. Yun nga lang, wala kang fans kasi NORMAL ka lang. Hindi nag eexcel, hindi nag sstand out.

Bata pa lang ako alam kong nakasulat na sa gulong ng palad na magiging isang saling pusa ako sa buhay. Nung elementary ako, out of 30, pang 20 ako. Nung highschool, out of 42 pang 31 ako. Nung college ako, hindi ko na nabilang kasi marami kami, pero nasa bandang gitna ako. Aba... nung nagkatrabaho ako, nung nakita ko ang ranking ng performance namin, out of 52, pang 27 ako. Oh diba? San ka pa? Nung nagtapon ng katalinuhan, kagandahan at lahat ng kung ano ano pang maganda e parang half sleep ata ako.

Di ko nga alam bat ganito ang naging buhay ko. Dati lagi ko sinasabi na magiging presidente ako ng Pilipinas. Eh pano ako magiging presidente e kahit man lang escort sa class officer e hindi ako makuha? Napakaplain, napakasimple. Wala akong katangian na mapapa WOW ang mga tao. Kahit nga sa pagsusulat, masasabi ko pa ring average lang din ako. Hindi ako makapagsulat ng english kasi inaabot ako ng isang oras para lang maisulat ang gusto ko sabihin. Pag tagalog naman, puro ka jejehan ang nasusulat ko sa katamaran ko magtype. Pano ba aaasenso ang mga taong average lang? Wala. Mag uubos ka ng 12 oras sa trabaho mo e kulang pa rin ang sasahurin mo.

Yan naman ang realidad ng buhay e. Mga matatalent, winner. Mga average, Loser. Kahit sa larangan ng pag ibig e. Ano pipiliin mo? Yung gwapo o yung normal lang (like, mabait?). Wag impokrito syempre mas mapapa first look ka sa may itsura at hindi sa hitsura pa.

Naalala ko tuloy nung high school student pa ko. Gusto ko maging js king. E kaso wala e. Kahit anong plastic surgery ata ang gawin ko sa mukha e wala talaga. In the end, ni isang babae e wala ako naisayaw. It hurts diba? /Wrist.

Pero in fairness naman, may mga advantages din naman ang pagiging plain or normal e. Hindi ka mahoholdap kasi iisipin nila wala ka namang pera. Hindi ka makukuyog ng mga tao, kasi hindi ka naman pansinin. Bago ka pag isipan ng masama ng mga tao, yun munang mga mukang halang ang bituka ang iinvestigahan. Hindi ka mapapagod pag may liga kayo kasi hindi ka na mapapansin ng coach mo para paglaruin ka. Pwede ka rin magkasyota, yun e kung totoong merong taong naghahanap ng "simpleng" magiging kapartner (Kung meron man, takte, jackpot yun pre). Oh diba napakarami?

Ikaw? Gusto mo bang maging average joe lang? Gusto mo bang matulad sa kin na parang hatsing lang na pagkatapos kang i hatsing e pupunasan ka lang ng tissue? Ayaw mo? Pwes simulan mo nang magka ADHD at magpakabibo. Sumisip sa Boss at gawin ang lahat para mag stand out.

At habang ginagawa mo yan, nawa e hindi ka patulan ng mga tao sa paligid sa pagiging pampam. Ayt~Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-76190226248820710642010-06-18T10:51:00.000-07:002010-06-18T12:07:51.335-07:00Nang Matutong Manligaw si EbaReporter: Kung ikaw ay prutas ano ka at bakit?
Malungkutin: Manga! Kasi parang manga, seasonal lang din ako... seasonal magsulat.

Ahihihihihi.....

Uu korni, alam ko na yan at wala ako pakialam. Lumipas ang ilang buwan, ngayon ko lang ulit ito nabisita. Nagdaan na ang mga bagyo, ang nuknukan ng init na summer, ang "automated" daw na eleksyon at ang paghihiwalay nina Zanjoe at Mariel, ngayon ko lang naisip na aba, meron nga pala akong hobby nung panahon ni kopong kopong.

Napaisip lang kasi ako. Talaga bang mahirap magtapat ng pag-ibig? Ako kasi bias, magiging malungkutin ba ako kung ganun lang kadali yun. E bakit yung iba, nagkakasyota ng sandamakmak? Yung tipong buhok sa ulo ang ginagamit na pambilang ng mga gelpren. Life is unfair talaga.

Pero pano naman kung babae ang gustong magtapat? Keribels lang ba ito?

Sa panahon na ito kasi di na uso ang Maria Clara. Yung mga manang ngayon e nagiging tagapag alaga na lang ng mga pamangkin o minsan e apo sa kapatid. Wala na tayo sa panahon na kelangan ang lalake ang mag da moves. Wala na rin yung tipong mambubulahaw ka para lang mangharana. Kung meron mang mga lalakeng dinadaan sa kanta ang panliligaw, ang paborito ng mga kabataang lalakeng panligaw e S2pid Luv. O aminin, maraming jejemon at mga batang nakapatong lang sa ulo ang cap. Pero no offense sa mga ganun pumorma, pero karamihan e ganun ang style talaga.

Pano nga ba tatanggapin ng mga lalake ang panliligaw or pag amin ng isang babae sa nararamdaman nya? Meron pa bang martir ngayon at sasabhing "Eww... Turn off naman nanliligaw sa lalake... ewwww"? Hindi ba mas tataas pa nga dapat ang pogi points mo to the highest level pag napunta ka sa ganitong sitwasyon? E ano nga ba ang mapapatunayan mo kung ligawan ka man ng babae? Pride? Susme, ang mga mapapride ngayon e binabaril na sa Luneta.

Kung mga matatanda naman ang tatanungin mo, siguradong isang malaking "X" ang ibibigay sa yo (bilang babae). Katakot takot na flashback ang ipamumuka sa yo kung pano niligawan sya ng lolo mo at kung bakit dapat e mag ala Maria Clara ka. Baka nga tanungin ka pa kung nahawakan na ba ang kamay mo at sampalin ka na lang habang sinasabing "ILANG BUWAN NA ANG LAMAN NG CHAN MO??!?!?" Minsan nga natatawa na lang ako. Bakit ang laki ng pagkakaiba ng noon at ngayon. Kibit balikat na lang ako. Ayoko naman din mamuhay sa panahon ng hapon.

Pero ako sa totoo lang, taas kamay ako sa mga babaeng nagagawa ang mga ganitong bagay. Ika nga e No guts! No glory! Kung kaya mong sumakay sa rumaragasang ilog kahit na alam mong kahit anong oras e pwede kang mahulog o mauntog sa mga bato, go lang. Basta wag ka lang aaray kapag nakita mong tatamaan ka na pero di ka pa rin umilag. Hindi ko kasi alam ang pakiramdam ng babae pag nababasted kaya wala ako sa lugar para sabhing "Madami pang lalake jan".

Kasi naman kayong mga babae, kung san san pa kayo tumitingin e andito lang naman ako. Alam ko ang pakiramdam ng nababasted kaya di ko na kayo babasted-in.....

.......tAAAma!Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-85276608528450002602010-01-27T07:23:00.000-08:002010-01-27T08:17:47.972-08:00Pelikula, PelikulaAng sarap tumunganga diba? 30 mins na ko nakatunganga dito sa screen, pinipilit ang sarili magsulat kasi ito yung pinipilit ko sa utak ko... gusto ko ang pagsusulat. Pero bakit ba tuwing gusto ko na eh ayun, gone with the wind ang mga laman ng utak ko. Parang ang dami kong gusto isulat pero, sa tuwing pipindot na ako dito sa keyboard, puro ..... ang lumalabas.

Pano ba naman ako gaganahan magsulat. Walang nangyayaring exciting sa buhay ko. Walang gumuguhong building sa tuwing mababasted ako. Walang lupang bumubuka tuwing pipiliin ng gusto ko yung mayaman at pangit kong karibal. Ang marami lang sa akin ngayon ay oras... oras na hindi ko alam gamitin dahil nga nuknukan ako ng tamad.

Simula ng natutunan kong maging monghe sa bahay namin, parang wala nang saysay buhay ko. Buti na nga lang at hindi ako suicidal baka wala nang nagsusulat nito ngayon. Mahiwa nga lang ako ng kutsilyo habang nag gagayat ng sibuyas, takbo na ko sa nanay ko dahil takot ako sa dugo.

Sino ba ang hindi takot sa dugo? Ok, may nars at doktor. E nak ng tokwa, mga propesyonal yan, syempre kahit sino e masasanay pag naging ganyan ka. Wag mo i eexample sa kin ang mga mamamatay tao. Takot din yang mga yan, nakasanayan lang din. Yung mga tulad nung sa Saw o kaya yung mga serial killer sa pelikula, meron naman yan pinaghugutan kung bakit sila nagkaganun. Kaya wag ka na mag isip pa kasi walang taong hindi takot (o natakot kahit isang beses) sa dugo.

Pero pagdating naman sa mga pelikula o palabas, masasabi kong walang kakutob kutob ko itong tinatangkilik. Pano ba naman, alam mo na ang mangyayari. Handa na sarili mo sa makikita mong juice na kulay dugo. Ganito kasi lagi ang settings: May isang grupo ng magkakaibigan. Maliligaw sila. May makikitang nakakatakot na bahay. Dahil utos nga ni direk, papasukin nila. Isa isa silang mamamatay. Ang ending, magkakatuluyan yung dalawang bida na mortal na magkaaway sa umpisa at sila lang makakaligtas. Minsan bago pa dumating ang ending e may sex scene pa sila. O diba panalo? Ilang pelikula na bang ganito ang tema ang nabuhay ang lahat at wala man lang napatay yung killer? Wala. Kaya kahit minsan, hindi na ko nathrill sa ganyang mga pelikula.

Yan ang uso sa Amerika. Yan ang tinatangkilik nila. Pero sa tin meron ding ganyang "cliche" o mga recycled ideas. Manood ka ng mga action movies. Yung mga tipong Robin Padilla o Bong Revilla. Ganito setting: Mabait na tao si [insert bida name]. Mamumurder ang pamilya at mapagkakamalang killer si bida. Magtatago si bida. Yung mastermind, huhuntingin si bida. Magkakaroon ng car chase. Sasabog ang mga kotseng mga panahon pa ni kopong kopong. Mauubos ni bida ang lahat ng kalaban. Magkakaroon ng last dialogue ang bida at mastermind na karaniwang title ng pelikula. Mapapatay ni bida si mastermind. Dadating ang mga pulis, senyales ng ending ng pelikula.

O di ba mas panalo tayo? maaksyon na, madrama pa.

Sasabihin ng iba, yan yung mga makalumang pelikula. Di na uso yan. Hep hep hep. Jan kayo nagkakamali!

Kanina lang (o kahapon ba?) bigla akong napatawa habang nanonood ako ng May Bukas Pa. Mejo nadadala na ako nung palabas ng biglang nasa scene na ni Tonton G. aka Mario at kinakausap yung mga tao na nagkakagulo dahil sa di ko na maalalang kadahilanan. Nung susugod na mga tao, sinubukang pigilin nina Mario at ng mga pari ang mga tao. Siguro mga 10 seconds after, saka nagdatingan ang 4 na pulis. O diba grand entrance. Kung sa totoong buhay yun, siguradong patay na ang mga pulis na yun. Parang 4 vs 100 ang drama nung palabas, mapipigil ba sila nun. Idagdag mo pa na ang chief ng mga pulis dun e parang bakla. Sus.

Pero sa totoo lang, bilib na bilib ako sa mga scriptwriter ng mga Pelikulang Pilipino. Hindi ko alam kung san sila pumupulot ng mga salitang ginagamit nila sa scripts at nagagawan nila ng magandang linya ang mga bida tulad nito:

<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/BffCNt_3r2o&hl=en_US&fs=1&"><param name="allowFullScreen" value="true"><param name="allowscriptaccess" value="always"><embed src="http://www.youtube.com/v/BffCNt_3r2o&hl=en_US&fs=1&" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

Yan ang linyang nagpasikat kay Mark Lapid. Sa sobrang benta ng linya nyang yan e nagsulputan ang kung ano ano parodies sa youtube. Ganyan kagaling ang pinoy. Dahil jan saludo ako! Sila ang inspirasyon ko ngayon sa pagsusulat. [Insert sarcasm here]

Malay nyo, ako na ang susunod na gagawa ng pinakasikat na one liner sa buong pinas, pati na rin sa buong mundo! [Insert sarcasm here again]Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-23889743726098899082010-01-18T20:49:00.000-08:002010-01-19T00:31:47.462-08:00Under ConstructionDahil feeling ko masyado nang baduy ang layout na ginagamit ko, sinusubukan ko ngayon eto ayusin. Wait lang dahil di ko mabalik ung mga dati kong widgets wah

EDIT: Mahirap pala magdesign ng blog. ppffftt.... Pero ayan gamit ang kakaunti kong kaalaman sa pag eedit ng pictures, meron na kaunting kinalabasan.. hindi ko nga lang alam kung maganda.

Still under constructionMalungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com5tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-22805820450408335042010-01-14T06:55:00.000-08:002010-01-14T07:53:38.970-08:00Ang BarkadaAng bilis lumipas ng panahon. 2010 na, kalain mo dumighay ka lang ng kaunti, tapos na pala ang taon. Ni indi ko nga naramdaman na nagpalit na pala ang taon. Kakahintay ko kasi ng bagong taon eh ayun, nakatulog. Kaya pala madalas ako antukin nitong mga nakaraang mga araw. Isang taon pala akong laging tulog.

Sa bilis ng panahon ay marami na ring nagbago. Yung pantalon mo na skinny jeans ay nagiging balabal na lang sa leeg mo kasi yung hita mo e pang dalawang butas na ng pantalon. Yung mga damit mo e pinapamana mo na lang sa mga kapatid o anak mo, at ang lagi mong katwiran eh papasko mo na ito sa kanila. Sapul ba? Bang!

Naalala mo ba yung mga panahon na naglalaro tayo ng piko, tumbang preso at kung ano ano pang mga larong kalye? Yung mga panahong ang mga kuko natin eh pede nang taniman ng kamote sa kaitiiman? Yun bang panahon na kulay green na ang mga uhog natin dahil tamad tayong punasan o suminga? Nakakamiss talaga ang nakaraan.

Naalala ko tuloy nung high school pa ko. Unang beses ko humithit ng usok. Buti sana kung yosi nga ito pero yung tangkay ng bayabas ang una kong natikman. Totoo, dyan ako natuto. Leche nga eh, dahil dun ayan, puro butas na ang baga ko.

Nakakamiss din yung kulitan at asaran ng barkada. Para kasing ang saya saya lagi ng buhay pag sila lagi mong kasama. Parang nakakalimutan mo lahat - yung pagpapaluhod sa yo ng nanay mo sa munggo, sa pagsasako sa yo dahil sa kakulitan mo... ganun kasaya. Minsan nga nasasabi natin na mas mahal pa natin sila kesa sa mga magulang natin. Kasi nga, sila yung nakakaintindi sa kalokohan natin, sila yung tipo na nasasakyan ang trip natin. Ang barkada ang parang bumubuo sa kalahati ng buhay natin (Sabay patugtog ng San na nga Ba ang Barkada ng APO, parang mali pa ata title)

Kaya lang dumadating talaga ang time na nagbabago ang lahat. Syempre, hindi naman tayo pede maging bata na lang habambuhay. Anjan na yung time na tatanda tayo... makakakilala ng ibang tao... matututo na ang buhay pala e hindi lang puro laro ang kasiyahan. Malalaman natin na meron din palang ibang tao na pede natin makasama. Malalaman natin na kelangan mo ring magbanat ng buto para may makain na pansarili.

Lilipas ang panahon, maghihiwalay hiwalay rin ang landas ng barkada. Merong makakahanap ng magandang trabaho sa ibang lugar at doon na mabubuo ang buhay. Meron naman makakakita ng bagong environment na feel nya eh masaya sya dun. Meron naman magkakagalit at hindi na magkakausap. Dun mo marerealize at matatanong sa sarili na "ano nga ba ang nangyari?"

Kasi nga pag bata, wala tayo alam gawin kundi magsaya. Wala tayo pakialam kung ito bang taong ito eh sensitive o kaya e tsismosa. Kasi nagiging "comfort zone" natin ang barkada. Hindi man natin ito napapansin pero kahit gano kayaman man o kahirap, katalino o kabobo, lahat nagkakaroon ng pantay na wavelength.

Ngayong tumatanda tayo, dyan natin narerealize ang mali ng bawat isa. Habang natututo tayo sa buhay, nalalaman natin na may mali sa mga nangyayari. Natututo tayong umiwas, o ang mas masaklap, magsawalangkibo. Dahil sa mga rason na ito e unti unti nagkakalamat ang akala natin na solid na tropahan.

Kapag dumating ka na sa stage na unti unti na nawawala ang barkada, dito mo maramramdaman ang panghihinayang. Mararamdaman mo na ang samahan na binuo mo ng matagal na panahon e mawawala lang dahil sa lintik na kasabihang "walang permanente sa mundo, kahit ang barkada nyo". Kahit ano pang effort ang gawin mo upang subukan i mighty bond ang basag na tropahan, wala na. Para ka na lang kumakain ng hotdog na walang ketchup. Masaklap diba?

Ang sarap sana dumating yung panahon na bigla na lang natin makakalimutan ang mga naging pagbabago at magsama sama ulit tulad nung mga bata pa tayo. Yun tipo bang matatanggap natin ang pagkakaiba ng isa't isa. Yun bang mapagtatawanan natin ulit ang pinakamaliit na bagay. Yun bang mawawala ang paghuhusga sa isat isa at matutunan natin mahalin sila ng walang tanong tanong. Sana isang araw, bigla na lang magsulputan ang bawat isa sa barkada na nag hi high five sa isat isa.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat diba? Kampay pa!Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-42968386139712843632009-11-16T17:27:00.000-08:002009-11-16T17:58:50.476-08:00Invisible ManNapanood ko last weekend ang 2012, at anak ng tokwa, isa na ito sa mga naging paborito ko. Nakakapigil hininga, napapa "eeeeee" nga ako eh. Nakakaiyak daw, pero di naman ako tinamaan. Manhid na ata ako (bitter). Pero pramis, panoorin nyo sa sinehan, wag sa pirated dvd. walang thrill. Ang mga binibili lang na pirated e mga bold at tagalog movies.

Anyways, ndi tungkol sa pagkagunaw ng mundo ang topic ko ngayon. Actually, related pala. Naranasan nyo na bang maging invisible man? Bakit kamo related? E para ka na rin kasi nilamon ng ga-building na baha dahil ndi ka nag eexist. Kumbaga, parang patay ka na rin.

Mahirap ang pakiramdam pag invisible man ka. Sana nga e talagang wala ka jan para kahit pano magagawa mo ang lahat; manilip, magnakaw at kung ano ano pang kasamaan pero hindi. Nakikita ka pa rin ng tao, pero para ka lang tae na parang ayaw ni tingnan man lang.

Sino nga ba ang may gusto maging invisible man? Sino ba ang may gusto na para ka lang utot na dadaan at makakalimutan na maya maya. Sino ba ang may gusto na wala kang makausap kasi pakiramdam mo e wala rin namang makakarinig sa yo. Yung tipo ba kahit ba magbigti ka jan eh maaagnas ka na lang eh di ka pa rin pinapansin. Wala. Siguro kung naging aso tayo o isda na simple lang mag isip, pwede pa. Pero hindi e. Tao tayo. Masakit sa kasin kasin na balewalain ka ng mga tao.

Kung iisipin naman, maraming dahilan kung bakit nagiging invisible man ang tao. Minsan sa katigasan ng ulo, pinipili na lang ng mga tao sa paligid na dedmahin na lang. Minsan makapal ang mukha mo na wala ka naman trabaho eh umaaasa ka pa rin sa magulang mo. Syempre mag gagalit galitan portion sila at di ka na lang papansinin. Meron naman talagang tinamaan ng malas at walang nagmamahal sa kanila. Yun yung mga lehitimong invisible man.

Kahit ano pa man ang mga dahilan, di pa rin masaya maging invisible man. Oo nga, nakakakain ka, nakakatulog ka, nakakagala ka ng walang nakikialam sa yo pero the hell naman. Kahit pano naman makakaramdam ka ng hiya diba? Minsan mag eeffort ka, pero babaliwalain ka lang, ano pa gagawin mo kundi magpatuloy na lang sa pagiging invisible? Kung maghihintay ka naman na pansinin, mas malabo kang makawala sa sumpang iyon.

May mga tao naman na mas pipiliin na lang maging inbisibol...

Minsan kasi ang mga magulang, hindi nila napapansin na nasasaktan na nila ang mga anak nila. Yung iba nga, hindi naman kilala ang anak nila pero kung mapagsabihan nila ang mga anak nila e kala mo close sila. Hindi naman maaalis yung utang na loob eh. Alam naman natin na kung wala sila, wala rin tayo. Sa puntong ito, mas gusto mong maging inbisibol. Minsan nga magtatanong ka ng gagawin, dededmahin ka lang at kala mo eh isang utot lang ang narinig nila.

Ang nakakatawa minsan e pag akala mo eh nalampasan mo na ang invisible man stage. Ayan ok na ang lahat, maayus na ulit. Hindi ka na samang loob na nagkatawang tao. Pero ilang araw lang e babalik na naman sila sa dati na di ka tatantanan hanggang sa maging inbisibol man ka ulit. Sayang lang ang effort.

Ano nga ba ang nararamdaman ng isang true blue invisible man? Huwag mo itanong yan sa mga magulang at baka ikaw e madamay sa listahan ng mga taong ginawa nilang inbisibol men. Hindi nila maiintindihan ang generasyon ito. Ni hindi nga nila nalalaman kung ano nga ba interes ng kanilang mga anak. Kasi nga, singaw ka lang. Wala kang silbi sa mundo.

Naalala ko tuloy nung ako eh inbisibol din sa amin. Pinagalitan ang mga kapatid ko. Mejo natuwa nga ako nun kasi feeling ko kasama ako dun, hindi na ko inbisibol. Nung nagsalita ako na "may ginagawa lang po akong trabaho" ang sagot ba naman eh "Hindi naman ikaw ang kinakausap ko at wala akong pakialam kung may trabaho ka!" Oh yes diba? Pero in fairness naman e kinausap ako, pero wala daw siya pakialam. Ironic.

Ganun lang siguro talaga, magulang sila. Anak ka lang. Wala kang karapatang magalit. Kahit may oras na tama ka, mali ka pa rin. Kung ako nasa kalagayan nila, mas pipiliin kong maging inbisibol na lang. Kesa naman araw araw magtalo dahil hindi nila maintindihan ang kanilang mga anak.

Siguro ulit ulitin mo na lang ito sa utak mo:

Isa akong utot
Isa akong sama ng loob
Nabubuhay ako para hindi pansinin
Nabubuhay ako dahil invisible ako

Congratulations! Welcome sa Malungkutin(aka Invisible) FamilyMalungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-6507348418170076202009-10-14T08:22:00.001-07:002009-10-14T09:26:50.898-07:00PagtitiwalaAs usual bida na naman si Big Brother sa blog na ito. Kasi naman, wala nang ibang mapanood sa ganung oras, so no choice (nagpapalusot pa).

Ang galing ng mga twist sa show na yun. Sa totoo lang ngayon lang kasi ako natutuwa sa show na yun. Ang daming lessons na pedeng matutunan. Para ka lang nanonood ng Super Book na favorite ko panoorin, lalo na pag mahal na araw dati.

Tiwala.

Eto ang salitang mahirap bigkasin. Kasabay kasi ng pagsasabi mo nito ay ang pangamba na mawala rin ito. Kapag ikaw naman ang bibigyan nito, para itong magsisilbing kadena o alarm na pipigil o gigising sa utak mo na panghawakan mo ang salitang ito. Ganyan kabigat ang salitang ito.

Kung iisipin mo, isa lang itong noun na makikita mo sa kahit anong pinoy diksyunaryo. Kung walang makitang ganung diksyunaryo, inglesin mo na lang at hanapin sa English dictionary. Kung wala eh translate mo sa hapon.... o sa intsik....

Bakit nga ba napakalaking bagay ng salitang ito?

Kapag nagbigay ka ng tiwala sa isang tao, para mo na ring binibigay sa taong iyon ang buo mong sarili. Kumbaga, yung paborito mong tapsilog eh ibibigay mo na lang sa ibang tao. Kalakip ng salitang iyon ang prinsipyo ng nagbigay nito at nakaselyo sa emosyonal na paniniwala. Kung kaya mong punitin ang prinsipyo at paniniwala ng taong nagbigay ng tiwala sa yo, astig ka. As in astig, ang kapal ng mukha mo.

Bakit nga ba nawawala ito?

Napakaraming dahilan ng pagkawala ng tiwala. Sa sobrang dami, kulang pa ang isang buong page nito. Kung pagkakabit kabitin mo, magkakaroon lang ng 3 rason kung bakit nangyayari ito:

1. Pangungulila
2. Kagipitan
3. Sadya lang makapal ang mukha

Naku, yan ang pinaka unang paliwanag ng mga lalake kung bakit sila nagkakasala. Laging "lalake lang ako, may pangangailangan." Aminin man natin o ndi, nangyayari rin naman ito sa mga babae.. yun nga lang mas talamak sa mga lalake. Kawawa yung mga nag iibang bansa na bilang mo sa daliri kung ilang beses lang makauwi sa Pinas. Kita mo yung nagsumbong kay kuya Eddie, nagulat sha ng nadagdagan ang anak nila.

Nakakatakot pa naman pag tiwala na ang mawala. Parang nagiging mga adik ang nasa paligid mo at laging tamang hinala. Kahit gumawa tayo ng tama, pero dahil nawala na ang tiwala, wala na. Parang salamin lang sya na pag nabasag e di na pedeng buuin pa tulad ng dati. Parang tali na pag napatid na ay di mo na mababalik sa totoong hitsura. Nakabuhol na lamang ito, na tila nagbabadya lagi ng pagkaputol.

Bagamat nawala na ang tiwala na binigay mo sa iba, hindi nangangahulugan na kelangan eh mabuhay ka nang ganun. May mga taong nagsisisi sa pagkasira ng tiwala, kaya wag natin isarado ang utak at hayaan itong bukas sa pagbabago. Kaakbay ng pagtitiwala ang pagpapatawad, ika nga ni big brother. Kapag natutunan na nating magpatawad, matututo na ulit tayong magtiwala.

Isa pang kailangan sa pagbibigay ng tiwala ay ang pagtanggap. Alam ko na naisulat ko sa huli kong blog na mahirap ito, lalo na't ng nagtapon ng pagseselos ang langit ay isang drum ang dala mo pero requirements ito. Kumbaga sa math, ganito ang magiging equation nya:

Trust = Forgiveness + Acceptance

wherein

Trust = Love

and

Love = intimate moments... basta lam nyo na kung san tutungo ang intimate moments.

Pero syempre ang mga sinabi ko e mga ideals lang. Nasa sa yo yun kung pano mo iaapply. Kung lahat e kayang gawin yun, e di sana wala nang nagsusuicide at pumapatay ng dahil lang sa pagkabasag ng tiwala.Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-4313179360072257344.post-70100854505879010762009-10-13T09:31:00.000-07:002009-10-13T10:18:27.347-07:00Nakaraan Ba ang Problema?Sabi nila, pag mahal mo ang isang tao, kaya mong tanggapin lahat lahat - ultimo di nya pagsisipilyo, di pag chachani ng buhok sa kili-kili o paghilik na parang nakamegaphone, lahat yan keri lang. Pero ganun nga lang ba un kadali?

Nanonood ako kanina ng PBB at meron dung mag asawang pumasok at isa pang lalake. Ang ginawa ni kuya eh kunwari ang mag asawa ay ung babae at ung isang lalake na kasabay nila pumasok. Inisip ko na madali lang yun. Ano ba yung magkunwari ka lang na parang di kayo magkakilala, habang yung di mo kilalang lalake ang hahawak sa kamay ng asawa mo... hahalik... yayakap... TEKA! amp moments yun ah.

Napaisip ako ng saglit habang pinapanood ko yun. Kahit na di ako gano naniniwala sa mga drama nyang mga reality tv shows na yan, parang napatanong ako sa sarili ko.. ang hirap siguro makita ang mahal mong may kalampungang iba. Kahit ba laro laro lang ito, nakakapraning.

E pano naman kung yung nakaraan ng mahal mo ang humahalukay ng utak mo?

Accept the past, sabi nga nila. Kasama raw ang past, present at future ng isang taong mamahalin mo. Pero ganun lang ba ito kadali gawin? Hindi ko alam kung anong pampamahid ang iniinom ng iba, pero di ko makita ang point na magawa ito. Sabi nga ni Kimmy, the point is pointless. Maiisip mo pa rin yung maaari nilang ginawa or ginagawa bago ka dumating sa buhay nila.

Oo, alam ko namang mali ang pag iisip na iyon. Mas nauna sila sa buhay ng mahal mo, kaya wa say tayo dun. Ang point ko lang eh, di mo naman maiiwasang masaktan diba? Kahit ulit ulitin mo sa kokote mo na "ok lang yun" o kaya "tapos na yun", Andyan pa rin ung kibot sa mga varicose veins mo na nagsasabing "Prrrrtttt.... Time out, masakit." Pero andyan na yan eh, isa syang package deal na pang TV shopping na may "but wait there's more" na selyo.

Ang masakit pa dyan eh kung lahat ng nauna sa yo eh nasa paligid mo lang. Yun bang tipong kaharap lang ng bahay ng gf mo ang ex nya. Yun bang tipong katropa mo pa ito. Yun bang tipong minsan e nakukuha pang manghingi sa yo ng sigarilyo. Minsan nakakainuman mo pa ito (o sila). Kaya mo bang lunukin ito lahat at sabhing DARNA... este... wala yan?

The more kasi na nakikita mo ang nakaraan nya, the more na nagpupumilit yang takot at selos na pumasok sa bunbunan mo. At the more na makikita mo ang mga ito, the more mo rin maiisip at minsan matratrauma sa mga maaaring nangyari sa kanila. Pano pa kung alam mo mismo ang mga nangyari, yari ka. Kung nahilo kayo sa dami ng paulit ulit na salita, skip to the next paragraph.

Maaaring sabihin nyo na napakababaw nitong mga sinasabi ko pero nangyayari ito. Siguro nga merong mga taong dedma lang sa ganitong mga set up. Taas dalawang kamay ko sa yo at everyone, join me, "Congratulations!!!".... isa kang ulirang lalake.

Hindi naman masama sabihin ang nararamdaman mo sa iyong gelpren. Hindi kabaklaan ang pag amin na nagseselos ka, o di kaya ay di ka komportable sa setup o sitwasyon nyo. Wag magpaka feeling macho na kunwari di apektado sa mga nakikita. Sana lang pag nagsabi na ang mga lalake sa mga babae ng mga bagay na ito eh pakinggan naman. Minsan kasi ang nangyayari eh nagagalit din sila at pilit sinasabing wala na daw, wala na daw. Ano ba alam nyo sa nararamdaman naming mga malulungkutin? Hindi nyo ba alam na the more nyo kinakausap ang nakaraan nyo, mas lalo lang nag shoshortcircuit ang lohika ng tao?

Friends lang daw sila. Yan ang numero unong rason ng mahal mo. Yan din ang numero unong rason kung bakit natututo magselos ang mga kabataang tulad ko. Lalo na kung alam mong masakit malaman ang nakaraan, talaga wow pare, bigat. Pero ginusto mo yan eh. Kung ayaw mo ng ganitong setup, breakin mo. Ganun lang kasimple yun.........

.......kaya ayaw kong nakikipagkaibigan sa mga ex eh.Malungkutinhttp://www.blogger.com/profile/00438955899286452382noreply@blogger.com0