Friday, January 11, 2008

Christmas kasama si Czarina

Friday, January 11, 2008
abat lumipas ang pasko at bagong taon, di ako nakapagsulat. Pano ba naman ang sarap sarap kumain! Kain lng ng kain! Ang diet ko nasira lol. Delay na delay na tong isusulat ko pero ayus lang... kahit pano dumami pera ko dahil sa 13th month pay ko. Salamat sa inyo mga sinumpang koreano kahit pano natuwa ako sa inyo! hehehehe



Naalala ko tuloy nung pauwi na ko sa province namin last dec 23. Sasama daw kasi sa kin si Czarina para daw makapag unwind sya. Sa min sya magpapasko. Nagdadalawang isip ako kasi kelan lang, nagwala ung erpats nya at may dalang baril kasi inagrabyado ung pinsan ni Czarina. Pinawisan ako ng malagkit nung nagpupumilit sya sumama sa probinsya. Bata pa ko ayaw ko pa mamatayy!!! waaaaaaaa. So dumating na ung 23. Kahit pano, aminin ko man sa nde, natuwa ako kasi gus2 nya pumunta sa min. Yun nga lang may kaba kasi baka malaman ng tatay nya na sa min sya pumunta. Pasko pa naman un. Family day. Ayoko namang mamatay sa araw ng pasko. Neweyz, so ayun tinawagan ko sya.



Ako: anjan po ba si Czarina?



Ate: ah tulog pa eh



So binababa ko muna ung fone. Sabagay 9 am pa lang nun, baka tulog pa nga. Makalipas ang isang oras...



Ako: Gising na po ba si Czarina?



Ate: Ah tulog pa eh



Aba... nde ba answering machine tong sumasagot? Nde na ko nagtanong at sinabi ko na sabhin kay Czarina na tumawag ako. Makalipas ang isang oras pa ulit



Ako: Gising na po ba si Czarina?



Ate: Natutulog pa eh



Ako: Natutulog na naman???



Grabe parang commercial ng shampoo ung dialogue namin lol. Ung sa vaseline ba un? Mejo nasigawan pa ko nung ate nya kasi parang ayaw ko daw maniwala. Ok fine.



Alas dos na ng hapon ng sinubukan ko ulit tawagan si Czarina pero as usual, tulog pa rin daw. Sabi ko na nga ba nde na naman matutuloy eh. Basta nagsabi sya ng mga ganitong bagay, karaniwan nde natutuloy. Ok payn, aalis na ko. Mag eenjoy na lang ako sa province ko.



Dumating ang araw ng 24 at parang nakalimutan ko saglit si Czarina. Nung gabi, nagsimba kami kasama family ko para salubungin ung pasko. Nung matatapos na ung misa biglang may nagtext sa kin.



Czarina: Asan ka na? You left without me? T_T



Napa WTF ako. Sinabi ko na ilang ulit ako tumawag pero parang recorded voicemail ng ate nya ang sumasagot. Muntik na ko mahulog sa kinauupuan ko. The hell....



Maya maya nagtext ulit sya sa kin



Czarina: Dude, I need to get away talaga d2. Galing ako sa mga cousins ko para ayusin ung reunion namin. How do i get there?



Biglang umikot ang paningin ko. Its almost 11 pm. Ang probinsya ko, bagamat malapit, wala ka na masasakyang diretso papunta sa min. Nde 24 hours ang byahe sa min. Anak ng teteng. Bibigyan pa ko ng sakit ng ulo neto. So ayun, natuloy syang magbyahe. Paputol putol ang byahe nya. Mayat maya nagtetext ako to give her direction at kung saan sasakay. After 2 agonizing hours, dumating na sya sa tagaytay at sinundo namin ng utol ko. Asar na asar ako kasi sobrang nagwoworry ako. Pano kung may nangyari sa kanya? Cargo de conciencia ko pa? Pero nung dumating at nagkita na kami... nawala lahat ng inis ko sa kanya. Masaya ako kasi nakarating sya ng safe



Czarina: Congratulate me! nakarating ako d2 sa inyo mag isa.



Natuwa pa ang bruha. tsk



Pagdating sa bahay, aba kala mo artista kami. Lapitan agad mga magulang ako at chinika si Czarina. Kaibigan ko lang sya inay! kaibigan ko lang sya!!!!



Tatay: Kelan pa kayo?



Tinamaan naman ng magaling. nakisali pa tatay ko. Tiningnan ko si Czarina. Baka kasi nahihiya na sya. Ngumingiti lang sya pero alam ko nahihiya na sya. Nung lumayo na ung mga magulang ko, bigla nya ko tinanong



Czarina: Ngayon ka lang nakapagdala ng babae d2 sa inyo no?



Abat ang bruha.... balak pa yata tapakan na naman pagkalalake ko



Ako: E paki mo ba?



Ngumiti lang ng malaki si Czarina. Ung mga dimples nya lumalabas ang cute!!! este... tse! wag mo ko daanin sa dimple mo!



Czarina: Gosh... noche buena pala nakalimutan ko. kaya pala may mga handa kayo dito.



Ako: Kaya nga ayaw kita papuntahin d2 eh. Kasi noche buena. Di ba kayo nagkakasama sama ng family mo?



Tumahimik lang sya. Biglang nawala ung mga cute nyang dimples. Alam ko! Wrong timing tanong ko pero kasi naman eh...



Natapos na kami kumain at natulog na rin mga magulang ko. Nagdecide kami na manood muna ng dvd sa sala namin. So ayun, humiga sya sa sofa namin tapos ako nasa sahig. Pinipilit kong pigilin kung ano man ung nararamdamn ko sa kanya nung gabing yun. Pinasya ko na lang na tingnan ang mukha nya habang seryosong sersyoso sa panonood. Pagkalipas ng ilang oras, nagdecide na kami matulog.



Ako:Matulog ka ng mahimbing!



Czarina: I will thank you very much....



zzzzzzzzzzzzz....



Dece 25, Pasko. Wow ang daming pagkain. Ang dami ring inaanak T_T. Ung dala kong pera naubos dahil sa mga makukulit na mga batang ito. Si Czarina tulog na tulog pa rin. Ayun maghapon ako nagasikaso ng mga bisita, pati bisita ng kapatid ko. Para nga kong GRO, palipat lipat ng table lol. Maya maya pinagising na sa kin si Czarina. Tanghali na daw at pakainin na siya. Umakyat ako sa kwarto para gisingin sya. Nung akmang gigisingin ko na sya napatingin ako sa mukha nya... parang napakapeaceful ng mukha nya. Para syang anghel na natutulog. Kala mo wala syang problema... parang ayaw ko na syang gisingin. Parang gus2 ko na lang tingnan ung mukha nya....



Bigla kong kinalog ung kama lol! Bigla sya napatayo at parang manununtok pa



Czarina: NammmmaaaannnnnN!!!!!!



Ung angelic looks nya naging devilish look lol



Ako: Pinapagising ka na kasi tanghali na no. Kumain ka na dun.



Umupo si Czarina sa upuan at tumingin sa bintana



Czarina: Alam mo ang ganda dito. Bukod sa malamig, parang ang peaceful masyado. I want to live here



Nabilaukan ako sa sinabi nya. Parang ang dating sa kin eh gus2 nyang tumira sa min lol



Ako: Uu naman. Ang saya saya d2 talaga.



Czarina: Di ko alam bat mo pinagpalit ung buhay mo dito sa buhay mo sa manila



E sira pala to eh. Kung di ako nagmanila, di ko sya nakilala, di sya nakarating sa min. Di nya malalaman na nag eexist pala ung lugar namin.



Maya maya pa bumaba na kami para kumain. Ang sarap kumain. Yun kasi uso sa probinsya ko. Pag pasko, dapat lagi kang may handa para sa mga mamaamsko at makikikain. May kare kare (paborito namin ni Czarina), chicken afritada, lasagna weeee at kung ano ano pa. Pagkatapos namin kumain, biglang nagyaya si Czarina para gumla sa lugar namin. Nagpaalam na kami at nagsimula nang maglakad.



Ang lakas ng hangin. Grabe ang lamig. Parang gusto ko syang yakapin lol. Habang naglalakad kami, marami akong nakakasalubong na mga kakilala. Lagi nila tanong "GF mo?". Waaaaa friend ko lang to! friend lang! lol pero kilig daw ako hahahaha. Habang naglalakad kami, napansin ko ung parang bundok na lagi naming pinaglalaruan namin nung bata ako



Ako: jan kami naglalaro dati nung bata ako. Aakyat kami jan tapos sa taas nyan, may mga tanim na mga pinya at kung ano anong prutas. Ninanakaw namin dati ung mga pinya, makopa jan hehehe.



Czarina: hmm.... tara taas tayo.



Nde ko na sya napigilan at tumaas nga kami. Mula dun kita mo ung ibang mga bahay sa baba. Ang sarap ng pakiramdam bumalik ulit dun.



Czarina: Baba ka muna... please....



Napa what? ako.



Ako: Ano naman gagawin mo dito???



Czarina: Basta... please...



Wala na ko nagawa. bumaba ako mula dun at tiningnan kung ano gagawin nya. Parang may sinasabi sya na di ko maintindihan. Maya't maya nya pinupunasan ung mata nya... pero di ko marinig o mabasa ung mga sinasabi nya. Umupo sya saglit at tumingin sa langit. Napansin ko na nakatingin na sya sa akin at nagsimula ulit magsalita. Kainis..... Pagkatapos ng ilang minuto bumaba na rin sya. Nakasmile na sya at parang nde umiyak



Ako: ano ung mga sinasabi mo dun kanina sa taas?



Czarina: Sus wala un. Tara na balik na tayo sa inyo.



Nde ko na nakuhang pilitin pa kung ano man un. Atleast umayos ung hitsura nya pagkatapos nun. Nakasalubong ko bigla ung mga kababata ko dun.



Chris: Oi! kelan ka pa umuwi???? inom tayo!!!!



Grabe. Ngaun lang kami nagkita kita, inuman agad ang sabi. Di man lang mangamusta lol. In short... ayun nagsimula na ko mag inom. imagine, 2pm pa lang, mag iinom na kami lol.....



10 pm nung nagtext pinsan ko. Syet, nakalimutan ko nga pala.... Kasi tuwing christmas gumagala gala kaming lahat magpipinsan sa tagaytay. E ngaun kasi lahat kami taghirap kaya napagpasyahan naming mag inom na lang sa bahay nung isa kong pinsan. Kakatapos ko lang mag inom waaaaa..... Naligo lang ako at niyaya si Czarina papunta dun sa mga pinsan ko. Ay nasabi ko na ba na halos magkakapit bahay lang kami magpipinsan?



Pagkarating namin dun... aba nagsigawan pa. Para akong artista grabe. Ung isa kong pinsan naka mic pa at kumakanta ng pang kasal. Kaibigan ko lang sya waaaaaa



So ayun.. inuman to the max na naman. Kumanta ako ng "Ill be there for you" at inalay pa kay Czarina un lol. Lasing ako e baket ba? Dumating pa ung kaaway ko dun. Kala ko mapapaaway pa ko pero nakipag ayos lang naman pala. Pero di ako naniwala kasi usapang lasing eh. Baka mamaya nyan pag daan ko sa kanila, bigla na lang ako saksakin lol.



So ayun 3am na... Umuwi na kami ni Czarina. Lasing na rin si Czarina lol kasi di nakatanggi sa shot ng pinsan ko. Ay nasabi ko ba na may work ako ng 9am? lol From 2pm - 3am umiinom then gumising ako ng 5am para lumuwas ng manila.... Ang sarap ng feeling lol. Nung pabalik na kami ng manila, parang di kami magkakilala ni Czarina. Kanyahang tulog lol. Ung ulo ko umiikot kasi aircon sinakyan namin waaaaaa.... Hinatid ko muna si Czarina sa kanila. Panay ang pasalamat nya sa kin kasi kahit pano sumaya daw sya. Tiningnan ko ang CP ko. Almost 9 na pala kaya nagmadali ako papasok. Kahit hilong hilo pa ko dumiretso ako sa office. Pagpunta ko dumiretso naman ako sa CR para maghilamos. Ung paningin ko umiikot.... pano kaya ako makakapagtrabaho neto? Makalipas ang ilang minuto... alam nyo ang nangyari????





Bigla akong sumuka XD

0 comments