Saturday, December 8, 2018

Hindi na kita mahal"

Saturday, December 8, 2018
Sa isang relasyon, dalawa lang na mga kataga ang dudurog, kakatay, susunog lulusaw, pipitpit sa puso mo. Una ang mga salitang "its not you, its me". Pesteng mga salita yan. Gawin pa ba tayong tanga?

Ang pangalawa, yung " hindi na kita mahal..."

Durog. Mas durog pa sa dinurog na paminta. Mas durog pa sa mga hinihithit ng mga durugista. Durog. Wasak.

Yan ang mararamdaman mo lalo nat mahal na mahal mo ang tao na iyon. Yung tipong sa kanya na lang umiikot yung mundo mo. Yung tipong itinapon mo na ang lahat ng tao sa paligid para sa kanya. Yung tipong isinuko mo ang lahat lahat, pati nga ang bataan isinuko na. Tapos maririnig mo lang sa kanya ay "hindi nakita mahal" 

Grabehan lang. Pra pa ngang mas masakit pa to sa sakit ng ipin. Mas masakit pa sa pumutok na pigsa. Mas masakit pa nung pukpok ng labaha nung tinuli ako.

Kasi minsan pag nagmahl tayo, nagiging selfish tayo. Minsan hindi natin nararamdaman nasasakal natin ang mga partner natin. Minsan hindi natin alam na marami na pala tayo naisuko parang lang mapasaya sya. Nagiging maramot tayo sa pag unlad ng isang tao individually. Wala e mahal natin e. Ayaw natin ipaagaw ang taong nagpapasaya sa tin.

Minsan din nagiging bulag tayo sa katotohanan. Sabi nga nila pag ang selos pumasok ninoman, hahamakin ang lahat... Literal na hahamakin talaga ang lahat. Nawawala na yung kakayanan nating mag isip... Yung tinatawag na common sense e nililipad ng hangin. Kahit anong paliwanag hindi na magreregister sa utak. Basta ang nasave lang e" TAENA MO MANLOLOKO KAAAA"

Ang saklap lang. Minsan kasi sa kagustuhan mo ng kapayapaan ay susundin mo na lang ang gusto nya. Bawal this, bawal that. Bawal these. Bawal those.  Susubukan mo pero minsan talaga ay nakakalimot tayo. Kasi nga hindi tayo sanay na laging may pulis na pipito na lang pag may nagawang mali. Pero hindi ibig sabihin na ginawa ang isang bagay na ayaw ng parnter mo, hindi mo na mahal ito.  Lalo na kung maliliit na bagay lang naman ito. Ang problema nga lang sa tigreng galit, maliit, malaki isa lang ang galit.

Sa limitadong galaw mo, gusto mo pa rin ipakita at iparamdam na nag iisa lang sya sa buhay mo. Gusto mong sungkitin ang mga bituwin para lang sa kanya. Kahit na ikaw ay binibingkis ng mga kadena ay gusto mo pa ring tumakbo para sa kanya. Gusto mong maging masaya, kahit mahirap, kahit masakit. Kasi mahal mo ang taong ito. Kahiy hindi nya marinig ung puso mo dahil sa nakaloudspeaker nyang damdamin, pilit mo pa rin sinisigaw ang pagmamahal mo sa kanya. Yan daw yung love e. Kulang na lang e sumama ako kay rizal magpabaril na lang sa luneta.

Tapos ang maririnig mo lang sa kanya ay "HINDI NA KITA MAHAL".

Nakakadurog. Nakakalusaw.

Oo may mga pagkakamali siguro tayong ginagawa, intentionally man o hindi. Pero sana bago nyo man lang banggitin yung mga salita na yan, isipin nyo ang hirap ng partner nyo. Yung pagtatyaga nya sa mga tantrums mo. Yung mga sakripisyo nya.. Mga pagod na dinadanas nya mapasaya ka lang. Sana maramdaman nyo yung mga bagay na sayo nya lamang shinashare. Tatandaan mo lagi na ang tao kapag labis ang mga sakripisyo para sa yo ay hindi yan kelan man magagawa kang saktan o ipagpalit. Kasi nga namuhunan na yan e. Namuhunan yan ng sandamakmak na emosyon at pag ibig para humanp ng iba. Bakit tyo mag eexert ng sobra aobra kung wala tayong balak na maganda? Diba? Diba? May mga bagay kasi na minsan hindi na kailangang gawing big deal.

Kaya sana naman hinay hinay sa pagsasabi nyan. Kasi nakakawala ng bait sarili.

Malungkutin na naman tuloy ako.





0 comments

Monday, September 11, 2017

Kapit

Monday, September 11, 2017

"Oo mahal din kita"

Yan na yata ang pinakamasarap na salita na narinig ko sa buong buhay ko. Tila umikot ng doble.. hindi.. triple ang mundo ko nung narinig ko ito. Sabi ko pa sa sarili ko, ako na nga yata ang pinakamasayang tao (o hayop) sa buong mundo.

Akalain mo sa milyong katao sa bansang to, ako pa yung napili mo. Isang napaka ordinaryong tao. Isang invisible man. Yung tipong kahit ako na lang ang pagpipilian, mukang maiitchapuwera pa rin ako. Hindi ako mahihiyang umakyat sa overpass at ipagsigawan ang saya na nararamadaman ko. Mahal kita. Mahal mo ko. Kilig mats.

Mahal. Mahal. Mahal. Anong nangyari?

Lumipas ang mga araw.. mga buwan.. mga taon. Bakit tila ang salitang mahal ay kayhirap nang bigkasin. Bakit ang mga tingin mo ay makakabuo ng yelo sa sobrang lamig? Bakit ang pag aaway ay tumatagal ng dalawa... tatlong araw bago maayos? Bakit ang salitang mahal ay napalitan ng galit?

Ano nga ba ang nangyari?

Sa paglipas ng taon, unti unti tayong naging kampante. Nasanay tayong andito ako.. andyan ka. Nasanay tayong sa huli, tayo pa rin naman.

Sa sobrang nasanay tayo, nagkasawaan tayo.

Naalala ko pa nung unang naging tayo. Hindi natin mabitawan ang kamay ng isat isa. Inaabot tayo ng umaga sa kaka skype kahit na isang bahay lang naman ang pagitan natin. Naalala ko yung saya mo tuwing susunduin kita sa trabaho mo. Naalala ko yung umiyak ka sa tuwa ng sinupresa kita nung birthday mo. Pero parang haggang alaala na lang yata ito..

Naalala ko nung una tayo nag away. Muntik na gumuho ang mundo ko pero kumapit tayo. Kumapit tayo kasi nangibabaw yung pagmamahalan natin. Hanggang sa naulit ng naulit ng naulit ng naulit ang di natin pagkakaunawaan.

Mahal, kumapit ako na may pag asang maaayos natin ulit ang lahat. Anim taon na tayo ngayon pa ba tayo susuko? Kumapit ako sa pangako natin na walang aayaw.. na tayo pa rin hanggang sa huli. Pero mahal, ang sakit sakit na.

Ang sakit sakit na na makita kang gabi na lagi umuwi pero hindi ako ang kasama. Ang sakit na masaya ka kasama ang mga kaibigan mo kesa sa akin. Ang sakit nung nagpaalam ka na pupunta ka lang sa pinsan mo, pero iba ang iyong pinuntahan. Ang sakit nung nalaman ko na lihim ka na palang nagkakagusto sa iba. Ang sakit sakit.

Pero kumapit pa rin ako. Kumapit parin ako nung humhingi ka ng tawad. Kumapit kaai ako sa pangakong tayo pa rin sa huli. Na kahit marami nang nangyari.. mahal pa rin kita. Pero ang tanong ko sa yo.. bakit kelangan mo ulit ulitin??? Bakit kailangan mo kong iputan ng paulit ulit?? At bakit kita pinapatawad kahit paulit ulit din??

Hanggang kelan ba ako kakapit?  Hanggang kelan ako maniniwala sa ating pangako? Mahal kita. Mahal mo ko. Yun lang naman importante diba?

Pero siguro kailangan ko na rin bumitaw. Kailangan ko na rin siguro palayain ka sa pangako natin na tayo pa rin hanggang huli. Hindi ka na masaya, ramdam ko yan matagal na. Kailangan ko na siguro bitawan ang kadena na nagbibigkis sa ting dalawa. Kailangan ko nang tanggapin na hindi na tyo para sa isat isa.

Mahal kita, mahal mo ko pero kelangan na natin putulin ang lubid na kinakapitan natin.

Mahal kita.. mahal mo ko.. paalam sa yo.


0 comments

Monday, August 25, 2014

Relationship Status

Monday, August 25, 2014
Masarap ang feeling ng nagmamahal ano? Yung tipong ok lang kahit ano mangyari sa yo basta mahal mo yung isang tao. Yung tipong kaya mong lumipad sa alapaap kahit walang tulong nung bato o damo.

Ganyan tayo e. Matututo kang maniwala na love will keep us alive. Lagi kang excited gumising para lang magkasama kayo. Makakalimutan mo yung ibang parte ng buhay mo para lang sa mahal mo. Sinasabi nila na magtira ka para sa sarili mo pag nagmamahal ka. Pero ganyan naman lahat ng payo e. Puro ideal words lang pero mahirap i apply sa totoong buhay. Pag nagmahal ka ng tunay kasi isusuko mo lahat yun. Paggising mo sya ang una mong maiisip. Isusubo mo na lang yung pagkain e ibibigay mo pa sa kanya. Natututo kang magtipid para lang may pang date kayo. Kahit wala kang tulog, pupuntahan mo sya para lang magkasama kayo. Ganyan ang pag ibig. Gagawin kang tanga, para lang sumaya ka.

Bibilang ng ilang taon, mapapatunayan mo na worth it naman pala ung mga ginagawa mo. Kumbaga sa mga love team na tulad nina KathNiel, nagclick ang pagsasama nyo. Magiging masaya kayo ng ilang taon. Sabi nga nila e pag umabot kayo ng 2 years, aba may potensyal. Sa loob kasi ng 2 taon, makikilala nyo na ang lahat ng baho nyo. At pag umabot kayong magkasama pa rin, maswerte ka. Kapag umabot naman daw ng 5 taon, mejo sure ka na raw nyan. Kumbaga true love na daw talaga yan. Kakasalin na raw. Wala na raw makakasira nyan kasi malalim na pundasyon. E limang taon na kayong nagmamahalan, nagmumurahan, naghahagisan ng plato, ngayon pa ba naman aayaw? Kaya siguro nga may punto naman nga.

Pero may kaakibat na takot ang pagtagal ng isang relasyon. Aabot kayo sa puntong magkakasawaan kayo. Yung tipong pag gising mo e tropa na agad ang hinahanap mo. Yung pagkain sunod sunod mo nang isusubo.. may bulos pa. Nakasanayan nyo na ang isat isa kaya nawawala na rin yung tinatawag ni optimus prime na spark. Yung away nyo lalo lang lumalala, kasi nga, hindi na kayo natatakot na mawala ang  isat isa. Dadating ka rin sa puntong magtatanong ka na sa sarili mo kung mahal mo pa nga ba yang damuho na yan. Magtatanong ka na kung pagmamahal o panghihinayang na lang ang nararamdaman mo. Minsan may makikilala ka pang iba. Makakahanap ka ng kilig sa ibang tao na hindi mo na maramdaman ngayon.

Ngayon, pano mo masasabing sigurado na ang matagal na pagsasama? Pano mo mababalik ang dati kung tadtad na ng lamat ang relasyon nyo? Bigla ko naisip yung kasabihang "asawa nga nasusulot, jowa pa kaya?". Sa lahat ng kasabihan tungkol sa relasyon, parang ito lang ang mas malapit sa katotohanan.

Ang tanong ngayon, paano naman kung isa lang ang nagsawa?

0 comments

Thursday, August 21, 2014

Lasing sa lablayp

Thursday, August 21, 2014
Matagal tagal ko na rin pala hindi ito nabibisita. Yung mga plano ko isulat, ayun nabulok na lang. Kaya wala rin gano nagbabasa na dito kasi nga naman, ningas kugon lang ako. Puro simula, walang natatapos. Hayaan nyo na lang ako magsimula ulit. Ngayon lang.

E kasi naman itong si Malungkutin aba, bigla na lang sumaya. Lahat ng mga akala ko dati e imposibleng mangyari e nangyari sa kin. Totoo ata nga ata yung mga fairy godmother. Hindi ako sanay sa mga magagandang bagay. Ang alam ko lang, pinagsakluban ako ng langit at lupa. Ang alam ko lang, ginawa ang salitang malungkutin para sa kin.

Bakit nakakaranas ako ng mga makatulo na ihing kilig? Yung mga bulate ko sa tyan, parang sabay sabay nagbobody slam at nagbavibrate sa tyan ko (yun din ata yung tawag nilang butterflies in the tummy). Lahat ng nakikita ko magaganda. Kahit yung tindera na mukhang mangkukulam na binibilhan ko ng pop cola e parang nagiging kamukha ni marian rivera. Nawiwili ako makinig sa mga love song at may pasayaw sayaw pa. Yung kwarto ko na kasama ko lagi nagseselos na kasi bihira na ko tumambay dun. Hay.

Ganito ba ang feeling ng in love?

Lahat ng sama ng  loob ko e parang naflush ko sa inidoro. Nawala na ang bitterness, kahit ampalaya ang kinakain ko ay parang asukal ang nalalasahan ko. Yung pusoo ko na dinaanan ng pison, chinop chop, dineep fried, pinakain sa mga aso ay bigla na lang bumangon galing hukay.

Eto ba feeling nung mga nakikita kong magjowa na gusto ko tirisin dati?

Masarap sa pakiramdam. May rason ka ngayon lagi na ngumiti. Akala ko dati, yung mga muscle ko sa bibig e sa pagkain ko na lang magagamit. Nakakatakot lang sa umpisa kasi hindi mo naman inakala e. Andyan ang takot na bigla na lang matapos yung kaligayahan mo. Tapos maririnig mo pa sa radyo yung kanta ni cookie chua na may lyrics na "ang lahat ay may katapusan". Kasi nasanay ka nang mag isa tapos biglang magkakaroon ka na ng kadamay sa lahat. Hindi mo na kailangang umiyak mag isa. Meron ka nang isang fan na sisigaw sa tuwa. Meron nang bibilib sa mga ginagawa mong kalokohan. Kasi tinanggap ka nya kung ano ka. Tinanggap nya ang pagiging malungkutin ko. Kaya masarap talaga mainlove.

Hindi na po si malungkutin tong nagsusulat. Sorry po sa kakornihan. Lasing lang ako. Lasing sa pagmamahal.

Ayiii...





0 comments

Saturday, May 4, 2013

Ang Hiling sa mga Bituin

Saturday, May 4, 2013
Masarap din palang mag stargazing. Kahit na parang magkakastiff neck ka kakatingala, ewan ko ba, parang gustong gusto kong gawin yun. Minsan hihiga ako dun sa labas para lang tingnan sila.  Marami kasi siguro ako gustong iwish kaya ganun. Wala na kasi yung Wish ko lang kaya hanggang panonood na lang ako sa mga tala. Napapangiti ako tuwing maaalala ko ang mga wish ko na hindi natutupad kahit ilang beses ko na sya hiniling. ...

"You have received a new text message"

Astig no? imaginin mo yan ang message alert ko tapos robot yung boses.  Kausuhan ng transformers e kaya yan ang message alert ko.  Tiningnan ko kung sino yung nagtext. Number lang. Sino kaya tong mokong na to.

"Hi! Kamusta ka na?"

Yun lang ang sabi. hindi man lang nagpakilala. Malay ko ba kung sino. Nireplayan ko sya ng "Hu u?" haha.

"Kainis ka! Si Tina to! che!"

Muntik na mapatapon ang fone ko. Hindi dahil nagulat ako sa text nya, kundi biglang preno ang erpats ko. Papunta kami sa asawa ng kapatid ko.  Lagi sya nagagalit pag kaskasero kami pero samantalang sya, ang layo pa kung makatapak sa preno e wagas. Pero nagulat nga din ako sa text nya. Nireplayan ko sya

"Ui! Kamusta? Napatext ka?"

Parang ang pangit ng text ko. Parang ang pogi ko lang sa text na yan.  Maya maya ay nagreply na sya.

"Ok lang. Hindi ka man lang nagtext sa kin"

Hindi ko pala nasave number nya. Kinuha lang nung kasama nya number ko, pero di ko nakuha number nya.  Sorry sorry ako ng marami kasi nga hindi naman ako mahilig mag text. Sa dami ng heartaches ko wala na ko gana pa makipag usap sa text. Nanay ko nga di ko tinetext e.

Humaba ng humaba ang usapan namin.  Kung san san kami nakarating. Nakakatuwa lang kausap si Tina kasi napaka kalog nya. Weakness ko yun mga pards. Pag sobrang masayahin ang tao, madali akong nahuhulog (at lumalagapak).  Yung image nya nung pumasok sya sa bahay nina Ronnie ang tumatak sa isip ko. Iniimagine ko yun habang magkatext kaming dalawa. Nagugulat nga ang mga kapamilya ko kasi daw nangiti at natawa raw ako mag isa.  Gusto ko  nga sila sagutin na "aba, napapansin nyo pala ako?" pero wag na.  Masisira pa ang magandang mood ko.

Hanggang sa makabalik na kami sa bahay namin ay magkatext pa rin kami ni Tina.  Humiga ako saglit sa mahabang upuan sa labas ng bahay namin.  Iniisip ko kasi si Tina. Napaka assuming ko kasi.  Kaya ako nababasted kasi feeling ko pag mabait ang babae sa kin e gusto ako. Oo gusto. Gustong gawing tropa :(

Binale wala ko na lang yung iniisip ko at tumingin ako sa langit. Ang daming stars.  Ngayon ko lang kasi sila tiningnan ng matagal.  Bigla kong naalala ang mga kwento tungkol sa pagwiwish sa stars. Nang hindi ko namamalayan, nagwiwish na pala ako na sana maging close kami ni Tina.  Gusto ko sya. Yun lang ang alam ko.  Maya maya, biglang may tinanong sya sa kin.

"Kung meron kang gustong isang tao, pero babae ka, sasabihin mo ba to sa kanya?"

Nag aassume na ko.  Pero kasi haller???  Pano naman nya magugustuhan sa isang tulad ko? Gusto kong sabihin na, "Huwag mo na sabihin sa kin, kasi gusto rin naman kita." Pero sa dami ko nang pinagdaanan, pinigilan ko sarili ko. Masasaktan lang ako sa huli.

"Hoy magreply ka tinatanong kita!!"

Biglang bumalik kaluluwa ko. Para kasing lumipad na ito sa kung san nung nabasa ko yung tanong nya.

"Hindi naman na kasi uso ngayon na lalake lang ang nagsasabi e.  Tanggap na ng tao yun."

Ayan siguro naman, hindi na assuming reply ko.

"E pano kung hindi ako gusto nung guy? Parang nakakahiya naman yun"

Sa bawat text nya sa kin ay napapatingala ako sa langit. Hindi ko alam kung ano iaadvice ko, kasi sa bawat tanong nya, hindi ko maiwasan ang mag assume.

"Kesa naman mabuhay ka sa what ifs diba? Kung ako sayo sabihin mo sa kanya kung talagang gusto mo sya. Teka sino ba tong lucky guy na to?"

May pagkabitter ang pagkakasabi ko kasi feeling ko talaga hindi ko pa nasasabi rin sa kanya na gusto ko sya e mukhang masusupalpal na agad ako.  Matagal kami nag negosasyon para lang sabihin kung sino yung lalake.

"Nahihiya ka pa kasi. Huwag ka na kasi magpatumpik tumpik pa. Grab kung grab hehe."

Lumagpas ang mahigit 30 mins, hindi na sya nagreply. Bigla ako kinabahan at paulit ulit kong binasa ang text ko. Mali ba yung pagkakatype ko? Pangit ba dating? Meron ba akong nasabi na nakakainis? Hay Bakit ayaw nya mag reply?

"Ui Tina, galit ka ba? wag ka na magalit. Ang sa kin lang naman kasi, imposibleng hindi ka magustuhan nung lalake. E ako nga sa saglit nating pagkakakilala, nagustuhan na kita. Kaya wag ka matatakot magsabi sa kanya. Sino ba sya?"

Hindi ko namalayan na nagtapat na pala ako sa kanya. Hindi ko sya namalayan hanggang sa binasa ko ulit ang text ko kasi hindi sya nagreply. Pero friendly naman dating ng text ko. Hindi naman nya siguro ako pag isipan ng masama. Pero pano kung bigla sya magbago kasi baka isipin nya malisyoso pala ako? Ilang libong tanong pa ang pumasok sa isip ko, pero hindi ko na isulat kasi baka hindi ko na matapos to.

Maya maya biglang nagreply sya sa kin. Tumingala ulit ako sa langit at nagwish na sana hindi sya galit sa kin sa mga pamimilit ko sa kanya.  Hindi ko pa nga sya gano nakikilala e magkakahiwalay na agad kami. Binuksan ko ang inbox ko at binasa ang message nya. Literal na nahulog ako sa upuan nung nabasa ko ang text nya.

"Ikaw. Ikaw yung gusto ko. Ayan maaya ka na ba??"

Nagtatalon pa ko sa sobrang saya. Gusto ako ni Tina. Gusto ako ni Tina. Gusto ako ni Tina.

"Ako? Talaga? Gusto mo ako?"

"Oo nga ikaw nga. Kung mailang ka sa akin ok lang. Sinunod ko lang naman sinabi mo kasi ayoko magsisi sa huli" sabi nya.

Hindi ako makamove on.  Ngayon lang may nagkagusto sa kin. Ngayon lang may nagtapat sa kin. Ang pogi ko.

"Bakit naman ako maiilang? Di ba sinabi ko sa yo gusto rin kita? Hindi yun gusto na kaibigan. Gusto kita as in gusto, crush, ganun ba? Simula pa lang kasi nung nakita kita, tumibok agad puso ko."

Muli akong tumingala sa langit. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang pinasalamatan ko sila; ang 3 marias, ung scorpio, sagittarius at lahat ng mga bituin sa langit. Naging tulay ko sila para kay Tina.

"Kuh, napaka emo. haha. Bakit hindi mo agad sinabi sa kin na gusto mo ko?"

Napaisip ako sa tanong nya, Oo nga naman bakit nga ba hindi ko kagad sinabi?

"E kasi natatakot ako. Ayoko na kasi magtapat ulit tapos babastedin ako. Sabi ko kasi sa sarili ko, mas ok kung magiging kaibigan ko kesa iwasan ako pag nagtapat ako."

Agad tumunog ang cellphone ko.

"Hindi naman kita ibabasted.  Lumalabas tuloy ako pa nanligaw sa yo. haha"

Ang haba ng hair ko ha. hahaha. Ako pa ang nililigawan ngayon.

"Hindi naman. Mutual kaya tayo kaya walang unang nanligaw. Mas matapang ka lang" sabi ko.

"Ganun din yun ako pa rin nauna. O pano po good night na po. Kita tayo tomorrow ha? night night!!!"

Tumitibok ng malakas ang puso ko sa nabasa kong text.

"Sige po good night. Sige kita tayo tomorrow. excited na ko :)"

Tumibok pa lalo ang puso ko.  Parang yung dormant kong puso e biglang nag erupt. Parang hindi totoo ang nangyayari kasi hindi naman dapat ganito nga.  Nabuhay lang naman ako para maging malungkot. Pero ngayon, hindi ko man alam kung ano patutunguhan nito, wala akong pakialam. Bukas na bukas, magiging masaya na ko ulit.
----------------------------

Lumalamig na. Yung mga tinitingnan kong bituin e unti unti nang kinakain ng mga ulap. Napapangit ako kasi parang sinasabi nila na matutulog na sila kaya kelangan ko nang matulog.  Tama nga naman. Malapit na lumabas ang araw. Kelangan na ulit harapin ang mga bagong araw na dadating.

-------------ITUTULOY-------------

0 comments

Monday, April 29, 2013

Ang Bagong Simula

Monday, April 29, 2013
Ang init. Sa sobrang init, di pa ko nakakapasok sa trabaho ng tuyo ang buhok ko. Pwede na nga ako i-cast sa isang bomba film; lagi kasi ako wet look. Kung anong init ng sikat ng araw e sya namang lamig ng aking puso.

Kelangan ko isingit e. Kelangan ko maging emo XD.

Pero diba? wala naman kasing pinipiling araw ang pagiging emo mo e. Ako ba ilang taon na kong di nakakapagsulat dito kasi akala ko masaya na ko? Akala ko kasi hindi ko na kelangan sumulat dito kasi akala ko kumpleto na yung buhay ko. Kalokohan na ang saya saya ko pero malungkot pa rin isusulat ko.  Pero isang araw e bigla ko na lang naisip bisitahin ulit to. Ang galing nga, kasi naaalala ko pa yung account na to samantalang nasobrahan ako sa pork, sa beans... Ang laki ng memory gap ko. Natuwa pa nga ako at meron pa ring nag cocoment sa mga luma kong post.  Pero nung pag check ko e puro ads lang pala na kesyo ang cool daw ng sinulat ko. Na kesyo ang saya daw basahin nung sinusulat ko.  Puro nga ka emohan to ano masaya dun? Ayan nalungkot na naman ako

Anyways, minsan kasi talaga dumadating nga yung time na nagiging sobrang happy ka.  Akala ko nga pinagsakluban ako ng langit at lupa. Malay ko bang nabuhusan pa rin ako ng swerte.  E nagsimula lang naman sa isang inuman. Isang inuman na hindi ko sukat akalain na magiging simula ng mahaba habang happiness..

*Ring* *Ring*

Malungkutin: Hello? Pare o kamusta? abot pa ba ako sa birthday mo?

Ronnie: Oo pare abot na abot ka pa. Kasisimula pa lang namin. Asan ka na ba?

Malungkutin:  Malapit na ko. Ilang tumbling na lang andyan na ko.

Ronnie: Sige bilisan mo. Mahirap makipag inuman sa mga lasing na haha

Totoo. Ang hirap nga. Pagdating ko dun, ayun kala mo mga baboy na nakawala sa kural. Ang gagaslaw. Ako ang nalalasing sa kanila.  Pero natuwa naman ako makita sila ulit. Ilang taon din akong di umuuwi sa probinsya namin.  Namiss ko lang ang tropa kaya naisipan kong umuwi.

Ronnie: Pareh!!! Pakiss nga hahahaha. Maupo ka jan. Maraming alak

Tropa:  Aba akalain mo buti di ka naligaw hahahaha.

Yun ang pinaka nakakainis na naririnig ko sa tao.  Bukod kasi akala mo mga miyembre ng Glee dahil sabay sabay magsalita e akala mo naman ang tagal ko nawala.

Malungkutin:  Hahaha (tawang naiirita). Nasa maynila lang naman ako e. Para naman kayong mga tanga.

Nagtuloyan ang inuman. Tawa dito. Tawa doon. Kwentuhan ng mga nakaraan. Si Ronnie sumusuka sa may paso. Nakakatuwa sila panoorin malasing haha.  Akala ko masaya na ko nun, nang biglang may narinig akong kumakatok sa pinto nina Ronnie.

Babae: Ronnie! Abot pa ba kami? Lasingan na ba kayo?

Kahit sumuka na e tumayo pa rin sya at binuksan ang pinto. Pagbukas nya, bigla nagslowmo ang paligid ko at napatingin lang ako dun sa babae.  Parang may narinig pa nga akong tugtog na "tut tut tut tutuut... I know this much is true..." Yung kantang True ng Spandau Ballet. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yun... Well, oo di nga totoo yun kasi ringtone pala un nung isa kong tropa na tulog na.  Parang sinakto talaga sa moment

Masayahin yung babae. May kasama itong bakla at pareho silang tawa ng tawa.  Parang napa "Oh no, tumibok na naman ang puso ko." Pinapasok ni Ronnie yung dalawa at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Agad ako kinilala nung bakla pagkaupo pa lang. Kaya lang wala akong pakialam sa kanya kasi sa iba nakatuon ang pansin ko, sa kasama nya.

Nang kakausapin ko na sya e biglang bumalik lahat ng sakit at takot  pag nakakakilala ako ng babae. Naisip ko na hindi ko na siguro kelangang i push to kasi baka maulit na naman yung dati. Nang walang ano ano ay bigla syang lumapit.

Babae: Hi ako si Cristina. Pede mo ko tawaging Tina. Magsalita ka naman dyan kanina ka pa walang imik. Hahaha

Parang napanood ko na to ng ilang ulit ha. Tatapakan din ata nito pagkatao ko.

Malungkutin: Haha pasensha na Tina. Kasi mejo kinakapa ko pa ulit tong mga to. Matagal ko nang di nakikita tong mga to.

Tina:  Oo nga daw e. Ikaw kilala na kita dati pa, pero tahimik ka lang kasi. Tara inuman pa haha

Dahil nga bata pa lang e ulyanin na ko, di ko sya matandaan. Pero siguro makikilala ko rin ito pagdating ng araw. Dumami pa ng dumami ininom namin hanggang sa ilan sa kanila e gumagapang na pauwi.  Pinagtatawan ko sila habang umupo ako sa labas ng bahay nila. Agad akong nilapitan nung kasama ni Tina at hinihingi ang number ko. Pero dahil walang fone etong kasama ni Tina, Yung phone nya ang ginamit para isave ang number ko. Nagkuwentuhan kami ng kaunti hanggang sa nagpasya na ko umuwi. Nag insist sila na ihatid ako sa min.  Natatawa ako kasi para akong babae na kelangan ihatid pa.

Tina: Wag ka na magreklamo basta ihahatid ka namin.

Nang nasa malapit na ko ng bahay ay pinauwi ko na sila.  Nag group hug pa nga kami dahil daw new friend nila ako. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Tinitingnan ko sila pauwi ng lumingon si Tina. Para akong binaril ng mga mata nya kasi napakaganda ng mga mata nya. Napabulong na lang ako sa sarili ko at nasabing "Patay tayo dyan"

---------------- ITUTULOY-----------------------

2 comments

Saturday, July 21, 2012

Rejection ba kamo?

Saturday, July 21, 2012

Oh eto mabalik tayo sa ka emohan at makabagbag damdaming usapan. Masyado ata ako natuwa sa buhay ko nakalimutan ko na bawal nga pala ako sumaya. Chos.

Alam mo ba ang feeling na parang ginagawa mo na ang lahat pero kulang pa rin? Yung tipong kulang na lang e sungkitin mo ng literal ang mga bituin sa langit? Di ba parang sampal sa mukha na para bang napaka useless ng effort mo?

Ganun siguro talaga pag wala kang boses sa puso nya. Kahit anong sigaw at tawag ay hindi nya maririnig ang mga sinasabi mo. Kahit ilang beses mo nang nag rereach out, ilang beses kang kumakayod para sa isang tao, hindi nya marerealize yun. Kasi nga sarado ang utak nya sa yo. Wala syang ibang maririnig at makikita kundi ang sarili nya ang mga hinaing nya sa buhay. Kaya ayun. Mananatili kang invisible man.

Sabi nila ang mga babae daw e gusto lang na pinakikinggan sila. E bakit ba minsan itry ko lang nq pakinggan sya e minasama pa at bakit daw ako walang imik. Para daw akong walang pakialam sa kanya. Duh??!!?! Napakamot ulo na lang ako. Mga babae talaga. Sala sa init sala sa lamig.

Nakakalungkot lang kasi isipin na gusto mo lang naman sya pasiyahin. Gusto mo lang na maalis yung sakit na nararadaman nya. Ggawin ang lahat-magadvice, tumulong at makinig lang. Pero isa lang ang resulta; isang masamang tao ang tingin nya sa yo. Ang pangit pa dito may mga linya pang "pare pareho kayo. Hindi nyo ko maintidihan!" kung makahambing naman e wagas. Hindi nya malalaman na nakakasakit na pala sya kasi nga, again, sarado ang puso nya sa yo. Ang mahalaga sa kanya ang problema nya lang. Period.

Pero in fairness naman naiintindihan ko mga ganitong tao. Mga may saltik sa utak na konting problema lang e akala mo ay pinagsakluban na ng langit at lupa. Mahirap din naman sila tlaga kalamayin ang loob kasi, again and again, sarado ang puso nila. Sabihin mo nga lang na "ok lng yan" e magagalit na sila sa yo at ssbhing insensitive ka.  pag nabadtrip naman sila sa dun sa nag emo, magagalit na naman at sasabhing walang nakakaintindi sa kanila. Diba?

Para sabihin ko sa mga emo jan na tao, hindi lang kayo ang may problema. Hindi lang kayo ang hindi natatanggap sa trabaho. Hindi lang kayo ang nauubusan o nawawalan ng pera. Hindi lang kayo qng namatayan. Hindi lang kayo ang sinumpang magpapasan ng lahat ng problema. Mas ok nga sana kung ganun pero hindi. Hindi rason na hindi mo mabago ang pagiging negative mo. Yung iba nga e kaya bakit ikaw hindi? E parepareho lang naman ang kinakain natin. Ok lang naman kasi ang malungkot pag narereject pero hanggang kelan mo ba dadamdamin ang problema? Till the end of time? Everlasting? Habang may buhay? Forevermore? Magpakailanman?

Pero syempre dahil hindi importante ang mga iniisip at sinasabi ko, wala na namang makikinig sa kin. Sabi nga nila it's easier said than done kaya alam ko namang mahirap maging positive sa buhay. Pero ang mag emo sa isang bagay ng mas matagal pa sa 3 araw? Hindi pa ba naubos ang luha mo sa isang araw? Kaya sana kayong mga may mga problema basahin nyo na lang mga sinulat ko dito.

Kasi kung rejection lang din naman ang pag uusapan, hindi ako bago jan. Kaya nga eto ang pen name ko diba?

Hahaha. *sob* :(

Published with Blogger-droid v2.0.6

5 comments