Monday, November 16, 2009

Invisible Man

Monday, November 16, 2009
Napanood ko last weekend ang 2012, at anak ng tokwa, isa na ito sa mga naging paborito ko. Nakakapigil hininga, napapa "eeeeee" nga ako eh. Nakakaiyak daw, pero di naman ako tinamaan. Manhid na ata ako (bitter). Pero pramis, panoorin nyo sa sinehan, wag sa pirated dvd. walang thrill. Ang mga binibili lang na pirated e mga bold at tagalog movies.

Anyways, ndi tungkol sa pagkagunaw ng mundo ang topic ko ngayon. Actually, related pala. Naranasan nyo na bang maging invisible man? Bakit kamo related? E para ka na rin kasi nilamon ng ga-building na baha dahil ndi ka nag eexist. Kumbaga, parang patay ka na rin.

Mahirap ang pakiramdam pag invisible man ka. Sana nga e talagang wala ka jan para kahit pano magagawa mo ang lahat; manilip, magnakaw at kung ano ano pang kasamaan pero hindi. Nakikita ka pa rin ng tao, pero para ka lang tae na parang ayaw ni tingnan man lang.

Sino nga ba ang may gusto maging invisible man? Sino ba ang may gusto na para ka lang utot na dadaan at makakalimutan na maya maya. Sino ba ang may gusto na wala kang makausap kasi pakiramdam mo e wala rin namang makakarinig sa yo. Yung tipo ba kahit ba magbigti ka jan eh maaagnas ka na lang eh di ka pa rin pinapansin. Wala. Siguro kung naging aso tayo o isda na simple lang mag isip, pwede pa. Pero hindi e. Tao tayo. Masakit sa kasin kasin na balewalain ka ng mga tao.

Kung iisipin naman, maraming dahilan kung bakit nagiging invisible man ang tao. Minsan sa katigasan ng ulo, pinipili na lang ng mga tao sa paligid na dedmahin na lang. Minsan makapal ang mukha mo na wala ka naman trabaho eh umaaasa ka pa rin sa magulang mo. Syempre mag gagalit galitan portion sila at di ka na lang papansinin. Meron naman talagang tinamaan ng malas at walang nagmamahal sa kanila. Yun yung mga lehitimong invisible man.

Kahit ano pa man ang mga dahilan, di pa rin masaya maging invisible man. Oo nga, nakakakain ka, nakakatulog ka, nakakagala ka ng walang nakikialam sa yo pero the hell naman. Kahit pano naman makakaramdam ka ng hiya diba? Minsan mag eeffort ka, pero babaliwalain ka lang, ano pa gagawin mo kundi magpatuloy na lang sa pagiging invisible? Kung maghihintay ka naman na pansinin, mas malabo kang makawala sa sumpang iyon.

May mga tao naman na mas pipiliin na lang maging inbisibol...

Minsan kasi ang mga magulang, hindi nila napapansin na nasasaktan na nila ang mga anak nila. Yung iba nga, hindi naman kilala ang anak nila pero kung mapagsabihan nila ang mga anak nila e kala mo close sila. Hindi naman maaalis yung utang na loob eh. Alam naman natin na kung wala sila, wala rin tayo. Sa puntong ito, mas gusto mong maging inbisibol. Minsan nga magtatanong ka ng gagawin, dededmahin ka lang at kala mo eh isang utot lang ang narinig nila.

Ang nakakatawa minsan e pag akala mo eh nalampasan mo na ang invisible man stage. Ayan ok na ang lahat, maayus na ulit. Hindi ka na samang loob na nagkatawang tao. Pero ilang araw lang e babalik na naman sila sa dati na di ka tatantanan hanggang sa maging inbisibol man ka ulit. Sayang lang ang effort.

Ano nga ba ang nararamdaman ng isang true blue invisible man? Huwag mo itanong yan sa mga magulang at baka ikaw e madamay sa listahan ng mga taong ginawa nilang inbisibol men. Hindi nila maiintindihan ang generasyon ito. Ni hindi nga nila nalalaman kung ano nga ba interes ng kanilang mga anak. Kasi nga, singaw ka lang. Wala kang silbi sa mundo.

Naalala ko tuloy nung ako eh inbisibol din sa amin. Pinagalitan ang mga kapatid ko. Mejo natuwa nga ako nun kasi feeling ko kasama ako dun, hindi na ko inbisibol. Nung nagsalita ako na "may ginagawa lang po akong trabaho" ang sagot ba naman eh "Hindi naman ikaw ang kinakausap ko at wala akong pakialam kung may trabaho ka!" Oh yes diba? Pero in fairness naman e kinausap ako, pero wala daw siya pakialam. Ironic.

Ganun lang siguro talaga, magulang sila. Anak ka lang. Wala kang karapatang magalit. Kahit may oras na tama ka, mali ka pa rin. Kung ako nasa kalagayan nila, mas pipiliin kong maging inbisibol na lang. Kesa naman araw araw magtalo dahil hindi nila maintindihan ang kanilang mga anak.

Siguro ulit ulitin mo na lang ito sa utak mo:

Isa akong utot
Isa akong sama ng loob
Nabubuhay ako para hindi pansinin
Nabubuhay ako dahil invisible ako

Congratulations! Welcome sa Malungkutin(aka Invisible) Family

2 comments

Wednesday, October 14, 2009

Pagtitiwala

Wednesday, October 14, 2009
As usual bida na naman si Big Brother sa blog na ito. Kasi naman, wala nang ibang mapanood sa ganung oras, so no choice (nagpapalusot pa).

Ang galing ng mga twist sa show na yun. Sa totoo lang ngayon lang kasi ako natutuwa sa show na yun. Ang daming lessons na pedeng matutunan. Para ka lang nanonood ng Super Book na favorite ko panoorin, lalo na pag mahal na araw dati.

Tiwala.

Eto ang salitang mahirap bigkasin. Kasabay kasi ng pagsasabi mo nito ay ang pangamba na mawala rin ito. Kapag ikaw naman ang bibigyan nito, para itong magsisilbing kadena o alarm na pipigil o gigising sa utak mo na panghawakan mo ang salitang ito. Ganyan kabigat ang salitang ito.

Kung iisipin mo, isa lang itong noun na makikita mo sa kahit anong pinoy diksyunaryo. Kung walang makitang ganung diksyunaryo, inglesin mo na lang at hanapin sa English dictionary. Kung wala eh translate mo sa hapon.... o sa intsik....

Bakit nga ba napakalaking bagay ng salitang ito?

Kapag nagbigay ka ng tiwala sa isang tao, para mo na ring binibigay sa taong iyon ang buo mong sarili. Kumbaga, yung paborito mong tapsilog eh ibibigay mo na lang sa ibang tao. Kalakip ng salitang iyon ang prinsipyo ng nagbigay nito at nakaselyo sa emosyonal na paniniwala. Kung kaya mong punitin ang prinsipyo at paniniwala ng taong nagbigay ng tiwala sa yo, astig ka. As in astig, ang kapal ng mukha mo.

Bakit nga ba nawawala ito?

Napakaraming dahilan ng pagkawala ng tiwala. Sa sobrang dami, kulang pa ang isang buong page nito. Kung pagkakabit kabitin mo, magkakaroon lang ng 3 rason kung bakit nangyayari ito:

1. Pangungulila
2. Kagipitan
3. Sadya lang makapal ang mukha

Naku, yan ang pinaka unang paliwanag ng mga lalake kung bakit sila nagkakasala. Laging "lalake lang ako, may pangangailangan." Aminin man natin o ndi, nangyayari rin naman ito sa mga babae.. yun nga lang mas talamak sa mga lalake. Kawawa yung mga nag iibang bansa na bilang mo sa daliri kung ilang beses lang makauwi sa Pinas. Kita mo yung nagsumbong kay kuya Eddie, nagulat sha ng nadagdagan ang anak nila.

Nakakatakot pa naman pag tiwala na ang mawala. Parang nagiging mga adik ang nasa paligid mo at laging tamang hinala. Kahit gumawa tayo ng tama, pero dahil nawala na ang tiwala, wala na. Parang salamin lang sya na pag nabasag e di na pedeng buuin pa tulad ng dati. Parang tali na pag napatid na ay di mo na mababalik sa totoong hitsura. Nakabuhol na lamang ito, na tila nagbabadya lagi ng pagkaputol.

Bagamat nawala na ang tiwala na binigay mo sa iba, hindi nangangahulugan na kelangan eh mabuhay ka nang ganun. May mga taong nagsisisi sa pagkasira ng tiwala, kaya wag natin isarado ang utak at hayaan itong bukas sa pagbabago. Kaakbay ng pagtitiwala ang pagpapatawad, ika nga ni big brother. Kapag natutunan na nating magpatawad, matututo na ulit tayong magtiwala.

Isa pang kailangan sa pagbibigay ng tiwala ay ang pagtanggap. Alam ko na naisulat ko sa huli kong blog na mahirap ito, lalo na't ng nagtapon ng pagseselos ang langit ay isang drum ang dala mo pero requirements ito. Kumbaga sa math, ganito ang magiging equation nya:

Trust = Forgiveness + Acceptance

wherein

Trust = Love

and

Love = intimate moments... basta lam nyo na kung san tutungo ang intimate moments.

Pero syempre ang mga sinabi ko e mga ideals lang. Nasa sa yo yun kung pano mo iaapply. Kung lahat e kayang gawin yun, e di sana wala nang nagsusuicide at pumapatay ng dahil lang sa pagkabasag ng tiwala.

0 comments

Tuesday, October 13, 2009

Nakaraan Ba ang Problema?

Tuesday, October 13, 2009
Sabi nila, pag mahal mo ang isang tao, kaya mong tanggapin lahat lahat - ultimo di nya pagsisipilyo, di pag chachani ng buhok sa kili-kili o paghilik na parang nakamegaphone, lahat yan keri lang. Pero ganun nga lang ba un kadali?

Nanonood ako kanina ng PBB at meron dung mag asawang pumasok at isa pang lalake. Ang ginawa ni kuya eh kunwari ang mag asawa ay ung babae at ung isang lalake na kasabay nila pumasok. Inisip ko na madali lang yun. Ano ba yung magkunwari ka lang na parang di kayo magkakilala, habang yung di mo kilalang lalake ang hahawak sa kamay ng asawa mo... hahalik... yayakap... TEKA! amp moments yun ah.

Napaisip ako ng saglit habang pinapanood ko yun. Kahit na di ako gano naniniwala sa mga drama nyang mga reality tv shows na yan, parang napatanong ako sa sarili ko.. ang hirap siguro makita ang mahal mong may kalampungang iba. Kahit ba laro laro lang ito, nakakapraning.

E pano naman kung yung nakaraan ng mahal mo ang humahalukay ng utak mo?

Accept the past, sabi nga nila. Kasama raw ang past, present at future ng isang taong mamahalin mo. Pero ganun lang ba ito kadali gawin? Hindi ko alam kung anong pampamahid ang iniinom ng iba, pero di ko makita ang point na magawa ito. Sabi nga ni Kimmy, the point is pointless. Maiisip mo pa rin yung maaari nilang ginawa or ginagawa bago ka dumating sa buhay nila.

Oo, alam ko namang mali ang pag iisip na iyon. Mas nauna sila sa buhay ng mahal mo, kaya wa say tayo dun. Ang point ko lang eh, di mo naman maiiwasang masaktan diba? Kahit ulit ulitin mo sa kokote mo na "ok lang yun" o kaya "tapos na yun", Andyan pa rin ung kibot sa mga varicose veins mo na nagsasabing "Prrrrtttt.... Time out, masakit." Pero andyan na yan eh, isa syang package deal na pang TV shopping na may "but wait there's more" na selyo.

Ang masakit pa dyan eh kung lahat ng nauna sa yo eh nasa paligid mo lang. Yun bang tipong kaharap lang ng bahay ng gf mo ang ex nya. Yun bang tipong katropa mo pa ito. Yun bang tipong minsan e nakukuha pang manghingi sa yo ng sigarilyo. Minsan nakakainuman mo pa ito (o sila). Kaya mo bang lunukin ito lahat at sabhing DARNA... este... wala yan?

The more kasi na nakikita mo ang nakaraan nya, the more na nagpupumilit yang takot at selos na pumasok sa bunbunan mo. At the more na makikita mo ang mga ito, the more mo rin maiisip at minsan matratrauma sa mga maaaring nangyari sa kanila. Pano pa kung alam mo mismo ang mga nangyari, yari ka. Kung nahilo kayo sa dami ng paulit ulit na salita, skip to the next paragraph.

Maaaring sabihin nyo na napakababaw nitong mga sinasabi ko pero nangyayari ito. Siguro nga merong mga taong dedma lang sa ganitong mga set up. Taas dalawang kamay ko sa yo at everyone, join me, "Congratulations!!!".... isa kang ulirang lalake.

Hindi naman masama sabihin ang nararamdaman mo sa iyong gelpren. Hindi kabaklaan ang pag amin na nagseselos ka, o di kaya ay di ka komportable sa setup o sitwasyon nyo. Wag magpaka feeling macho na kunwari di apektado sa mga nakikita. Sana lang pag nagsabi na ang mga lalake sa mga babae ng mga bagay na ito eh pakinggan naman. Minsan kasi ang nangyayari eh nagagalit din sila at pilit sinasabing wala na daw, wala na daw. Ano ba alam nyo sa nararamdaman naming mga malulungkutin? Hindi nyo ba alam na the more nyo kinakausap ang nakaraan nyo, mas lalo lang nag shoshortcircuit ang lohika ng tao?

Friends lang daw sila. Yan ang numero unong rason ng mahal mo. Yan din ang numero unong rason kung bakit natututo magselos ang mga kabataang tulad ko. Lalo na kung alam mong masakit malaman ang nakaraan, talaga wow pare, bigat. Pero ginusto mo yan eh. Kung ayaw mo ng ganitong setup, breakin mo. Ganun lang kasimple yun.........




.......kaya ayaw kong nakikipagkaibigan sa mga ex eh.

0 comments

Tuesday, October 6, 2009

Bakit Nga Ba Ako Nagsusulat?

Tuesday, October 6, 2009
Sa wakas meron na ring pumapasok sa utak ko. Palagi na lang kasi ako ganito. May maiisip, pag kaharap na ang monitor at keyboard, nabablanko. Bibili ako sa kanto, may papasok na idea pero pag uwi ko, tinangay na lahat ng hangin. Ganito nga siguro ang mga writers, mental block ang number 1 kalaban.

Pero kahit minsan, di ko inisip na isa akong writer. Kung susuma tutal mo nga lahat ng naisulat ko na, lahat un e base sa katangahan ko sa buhay. Badtrip nga at kelan ko lang narealize na gusto ko pala magsulat, na meron din natutuwa sa mga sinusulat ko kahit pano. E 3rd yr college na ko nun, alangan namang magshift pa ko, syang ang pera.

Pagsusulat.

Eto ang malayang pagpapahayag ng mga saloobin, opinyon o kung ano mang kuro kuro na nais mo sabhin, gamit ang tinta at papel. Pero panahon pa ni kopong kopong yang tinta at papel. Meron na ngayong mga computer. Meron ding mga blog sites na tulad nito na pedeng magsilbing papel mo. Di ka pa manghihinayang sa tinta o magagalit dahil sa pagtatae ng bolpen mo. Malas mo lang kung brownout o di kaya e nasa kaduluduluhan ka ng Pinas na walang kuryente.

Kung iisipin mo, hindi lahat pede maging writer. Merong iba na kala mo laki sa star rice sa galing sa pagsasalita pero subukan mong pasulatin, lusaw na ang monitor kakatitig e wala pang nasusulat. Pagsusulat kasi kelangan gumamit ng utak. Ewan ko ba kung bakit ako nahilig sa pagsusulat e wala naman ako nun. Lagi sinasabi ng mga magulang ko na matalino raw ako. Pero wag sanaying sabhin ito sa mga anak nyo kasi siguradong lalaki silang tamad mag aral.

May kanya kanyang style sa pagsusulat. Merong bibo at kawili wili ang mga sinusulat. Merong nobela at kung ano ano pa. Dito mo makikita kung anong klase ng tao ang nagsusulat. Sa totoo lang ginagamit ko rin minsan na batayan sa paghusga ng tao ang galing o sama nila magsulat. Kasi sabi nga nila, dito mo malalabas ang lahat, kaya nga merong mga diary ang mga girls e.

Minsan lang nakakainis pag nakapasok ka sa isang kumpanya na nangangailangan ng pagsusulat. Dapat e magkakapareho kayo ng style. Ilang beses na ko nakipagtalo noon sa manager at sa boss ko na ganun ang style ko. Pero syempre sila ang nasa posisyon, wala naman ako magagawa. Naaalala ko minsan sinabi pa sa kin nung boss ko na napakahusay raw nung sinulat ko. Lahat sila e puro "thumbs up" ang ginagawa. Pero nung binasa ko ung sinulat ko, wala akong makitang ni isang salita na ginamit ko. lahat binago, kahit ung sense nung sinulat ko binago. Ok lang sana ung mga edited, kasi normal un, pero ang baguhin ang lahat bukod sa title, ibang usapan na yon. Yung katrabaho ko e natuwa para sa kin pero sinabi ko na rin na hindi naman ako nagsulat non, sila na.

Madami akong hinahangaang mga author. Stephen King, Dan Brown at marami pang iba. Sa local lagi ko binabasa pa rin ang mga libro ni Bob Ong. Para ngang sya ata ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Sa totoo lang kasi, ang style ay ndi automatic na nakukuha ng tao. Nanggagaling ito sa ibat ibang libro o sa panahong ito, mga blogs na nababasa ng isang tao. Ndi ka naman magkakagustong gawin ang isang bagay ng wala kang nakikitang may gumagawa nito ng maganda. Kahit ang mga bading, bakit karamihan sa kanila e pagpaparlor ang trabaho? Kasi nakikita ng mga pasibol pa lang na bading na magagaling sila sa ganung "field" kaya ayun ang kanilang nagiging pangarap.

Kung may maipapayo man ako sa mga gustong magsulat, iyon ay ilagay mo sa puso ang pagsusulat. Wag tumulad na pag nagustuhan lang magsusulat. magpractice, at magsulat lamang ng mga bagay na kumportable ka. Kung di ka magaling sa english, wag pilitin at baka yung love story nobela mo e maging comedy. Sa pagboblog naman, di na kelangan ng major editing pero syempre, kelangan mo pa ring basahin ulit ang mga pinopost mo. Higit sa lahat, mahalin mo ang pagsusulat. Kung kelangang katabi mo ang iyong bolpen at papel, gawin mo. Make love to your hobby/profession. hehe.

0 comments

Thursday, August 13, 2009

Wait lang daw

Thursday, August 13, 2009
Hay pag ibig...

Sabi nila pag tinamaan ka nito, hahamakin mo ang lahat masunod ka lang. Handa kang magsakripisyo para sa taong iyon. Magagawa mo ang mga bagay na di mo nagagawa. Ang bawat pag gising mo eh parang commercial ni Marian at sasabihing "beautiful". Yung tipong kung normal lang sa taong abutin ang mga bituin sa langit eh susungkutin mo... Ganyan daw ang pag ibig.

Nagtataka naman ako bakit hindi applicable sa ken yan.

Sabi naman ng iba, mas masaya maging single. Magagawa mo lahat ng gusto mo. Makakapunta ka sa Sogo ng walang iniisip na may makakahuli sa yo bukod s ermats mo. Makakakain ka pa ng walang kahati. Ang motto nga nila eh "Single by choice" pero meron din namang "single by destiny". Tinadhana raw na maging single kahit pa gusto magkasyota.

Kung hindi dahil kay Bangs Garcia, di ka na magpapantasya.. este... mangangarap na magkaroon ng gelpren. Maiinis ka lang. Maghihintay ka. Walang dadating. Hindi mo hintayin. Talagang hindi dadating. No choice diba? Minsan talaga eh kalupit ng tadhana. Nang nagsabog ng kamalasan eh sinalo mo lahat.

Hindi naman natin kailangang hanapin talaga ang pag - ibig. Kusa sya dumarating. Kung hindi sya dumating, malas lang. Isa ka sa mga sinumpang tao na tatanda at mamamatay na binata. Ganyan lang naman talaga ang buhay, may malas may swerte. Syempre meron ding mga tanga at bobo.

Ako aminado ako na naging tanga at aso ako dati. Kala ko kasi madadaan sa paghahanap ang pag ibig eh. Kelangan ko pa ng 3 kabanata sa buhay ko para maisip ko yun. Pero naiintindihan ko kayo. Alam ko ang feeling ng nahuhumaling ng bulag. Ramdam ko kayo. Di ko kayo pababayaan. Lalaban tayo.... (eto nakukuha ko kakapanood ng tv)

Kaya sa mga naghahanap pa rin ng pag ibig jan, wag mangharas at antayin ang tamang panahon. Wag mangrape, wag maninilip. Ang pag-ibig hindi yan parang santol na basta mo na sinusungkit sa kapitbahay nyo. Magtutbras at maligo ka rin kung pwede, makakadagdag pogi points yun. At higit sa lahat....




.....wag pagpantasyahan si Bangs.
......

0 comments

Wednesday, August 5, 2009

Ang buod

Wednesday, August 5, 2009
Pagkalakas lakas ng ulan naman. Yung mamahalin kong payong ayun nilipad at nabaliktad. Grabe naman kasi. Parang hanggang ngayon eh nakikiramay pa ke Pres Cory ang panahon. Ayaw ko talaga ng ulan. Pramis. Naaalala ko lang ang kilikili kong namamasa pag umuulan

Eniweys, eto na ako. May panibagong trabaho. Panibagong pakikisama. Halos maluko ako dun sa mga koreanong bano. Mabuti naman dito e natututo ako mag ingles ng maayos. Kano eh. Ngayon ko nga lang nalalaman na.. Pota ansama pala ng accent ko. Talagang hanggang ngaun eh sinusumpa ko pa rin ang mga koreano. Kung pede nga lang ako magtayo ng org na mala - "Ako Mismo" gagawin ko. Ako mismo... Ako mismo magtatapon sa mga koreano sa Ilog Pasig.

Ano na nga ba ang nangyari sa kin sa nakalipas ng ilang buwan o taon? Si Czarina ayun loka loka pa rin. Ndi pa rin makamub on dun sa pinagpalit sa ken. Bah, yan ang napapala ng mga manhid at walang pakiramdam. Nakakausap ko pa sha paminsan minsan, pero ndi na tulad ng dati. Nawalan na ko ng amor sa kanya. Parang, ewan ko, siguro eh lumipas na lang talaga ang kung ano man naramdaman ko sa kanya. Last ko narinig eh ibebenta na raw bahay nila.

Si Jamie, ayun matagal ko nang di nakkausap. Nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan nung huli kaming mag usap. Di ko na nga maaalala kung ano napag awayan namin eh. Basta ayun mapride ako, mapride sya. Nawala na lang bigla. Pinipm ko sya minsan kaso mukang binlock na nya ako. Sabi ba naman dati, pinagsisishan daw nya na nakilala nya ako. Ksakit sa kasin kasin nun diba? hehe. Pero kasalanan ko naman eh. Gus2 ko lang siguro madrama, ayun nasobrahan ata.

Si Jane, yun from time to time nakakausap ko pa. Oo sila pa rin nung boylet nyang taga Saudi. Tanggap ko nang ang magkaapelyido e kelanman ndi pedeng magkatuluyan. Ang huli kong balita eh nag exam ulet sya pero nung tiningnan ko ung result wala ulet pangalan nya. Kakalungkot. Nakikita ko sya online, pero di ko magawang kausapin kasi di ko alam kung pano ko sisimulan.

Suma tutal, nakamove on na ko. Ndi pala pedeng habambuhay kang magiging malungkutin. Akala ko dati, sa tuwing magiging shock absorber, bulak, aso, alila e makakahanap ako ng pag ibig. Malaking pagkakamali. Akala ko kelangan ko lang magpursige. Minsan pala kelangan mo lang maghintay, kelangan mo lang pakiramdaman na eto na, eto na yung tinadhana sa yo. Nasobrahan kasi ako sa panonood ng komersial nina Mar at Villar. Akala ko kasi e kelangan "Lalalaban tayo" at kelangan lang ng "Sipag at Tiyaga". Ndi na pala kailangan ng mundo ng mga martir, at mga martir e binabaril lang sa Luneta.

Ndi ko masisisi ang mga katulad kong malungkutin. Alam ko ang pakiramdam ng gagawin mo ang lahat para lang sa isang tao eh wala pa rin. Yung tipong kung kaya lang abutin ang buwan at araw eh ibibigay nya sa taong yun. Yung tipong kung kaya mo lang maging si Superman at gawin ang lahat lahat eh. Pero hindi. Hindi ito panaginip. Isa itong realidad na kailangan nating tanggapin. Masyado na rin akong maraming luha (oh ha), pagod, pawis, baby fats na sinayang sa loob ng maraming taon.

Alam nyo, minsan dumadating ang mga taon iyon sa mga di mo inaasahang panahon. Yung mga tipong tatalon ka na lang sa tulay eh bigla mo makikita sya. Ako nga eh handa na sanang lumaklak ng baygon nung bigla syang dumating sa buhay ko eh. Kung sino sya, sa susunod na lang na kabanata.

0 comments

Monday, July 13, 2009

Pagbabalik ni Malungkutin

Monday, July 13, 2009
Akalain nyong buhay pa pala tong blog na to? Pasensha na at matagal nawala. Halos isang taon din yun no? Yung ending nga nung huli kong kabastedan eh nalimutan ko na sa tagal. Nawalan kasi ako ng interes sa internet at sa pagbablog. Nagsasayang ako ng kuryente at utak para lamang magsulat ng mga bagay na pinagtatawanan lang sa tunay na buhay. Mga bagay na di naman kelangang mangyari e nangyayari kasi duwag lang o kaya literal na para lang may maisulat

Siguro ganun ako nung sinimulan ko magsulat neto.

Para kasing ang sarap maglabas ng sama ng loob dito sa sayber ispeys. Pati kabastedan, ang sarap isulat diba? Buti nga at nauso ang Anonymous at pen names kaya kahit papano, ndi ka mababaon ng buhay sa kahihiyan sakaling mabasa ito ng mga kakilala ko.

In peyrnes naman sa mga kakilala kong pinabasa ko neto, natuwa naman. Imbes na pagtawanan ako eh natuwa lang. Marunong daw pala ako magsulat. Haller, 7 yrs old pa lang ako, marunong na kaya ako?

So eto ang recap ng mga nangyari sa blog ko.
1. Binasted ni girl #1
2. Binasted ni girl # 2
3. Binasted ni girl #3

Di ko na nalagyan ng proper ending yung 2 huli, pasensha na. Kasi akalain nyo, sumaya na rin ako! Naisip ko nga kung tutuloy ko pa to kasi meron nang nagmahal sa ken. Ndi na ko emo. Ndi na ko naglalaslas ng pulso. Ndi na ko nagbibigti.

Gus2 ko sana baguhin ang tema neto, pero ndi ko alam kung pano. Siguro ako lang yung taong nakakapagsulat lang base sa nararamdaman. Siguro sisimulan ko sa totoong recap ng bawat isa sa kanila. Aftermath ika nga. Tapos ikwento ko na rin ung ups and downs namin ng pinakamamahal ko... kung pano ko sya nakilala at pano nya pinatulan ang bulak na katulad ko. Wag rin kalimutan ang mga sariling saloobin tungkol sa mga isyu ngaun. hehe. Amp, parang napakaseryoso ko na ngayon.

Welcome me back, sa mga dumadaan daan pa, sa mga dadaan pa at sa mga mapipilitang dumaan ulit. Cheers!

0 comments