Saturday, March 15, 2008

Emo ako ulit oh?

Saturday, March 15, 2008
ayan pangalawang entry ko sa araw na to. Andaming ideas na pumapasok sa utak ko di ko naman alam kung pano sabihin. Parang naghahalukay ube ung mga naiisip ko sa utak ko. Siguro naguguluhan lang ako sa buhay ko kaya ganun. O sadyang abnormal lang talaga ako

Gulong gulo na talaga ako ngaun. Yung utak ko bineblender na nga d2 sa office, pati sa labas chinachop chop pa. Parang pakiramdam ko, andaming tumutusok sa dibdib ko. Unang una, ung kay Czarina. Di ko alam pero eto unang beses na talagang sumama ng ganito ang loob ko sa isang tao. Pangalawa kay Jamie.... mejo may karayom pa rin sa dibdib eh. hihihih.

Di ko kaya pangatawanan talaga mga sinasabi ko tungkol sa kanya. Kala ko napagod na ko pero nde pa pala. Kahit ilang beses kong ulit ulitin na tama na, na wala namang silbi ang pagpipilit ko, ayoko ap rin eh. Napakaironic nga ng mga bagay bagay eh. Di ba nakwento ko kung gano ako naging masaya dahil nakasama ko sa isang kwarto ang dalawa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko at kung pano ko sila nde pinatulog sa lakas ng hilik ko? Ngaun naman, nakikita ko na pareho na ngaun silang nawawala sa buhay ko. Kung gano ako kasaya nung mga panahong un, ay sya namang kinalungkot ko ngaun. Di ko tatawaging Malungkutin sarili ko kung lagi lang akong nakabungisngis diba? Minsan pinipitk ko na lang ung ilong hanggang sa sumakit para meron akong ibang isipin...

Kung titimbangin mo silang dalawa, mas gugustuhin ko pang makasama si jamie. Si Czarina kasi, naging shock absorber lang ako nun. Si Jamie naman, di ko naramdaman na ganun. Hanggat maaari nga ayaw magsalita nyan eh. Siguraduhin mo lang na tatawa ka sa mga jokes nya, sure magiging ayos ang lahat. Bigla tuloy ako nainggit dun sa gusto ni jamie hehehe. Pero no hard feelings sa kanya. Alam kong alam ni Jamie na gusto ko lang syang sumaya ng lubusan, at kung sa tingin nya dun sya sa lalakeng un sya sasaya, e di go. Pero eto lang sasabhin ko, alam ko mababasa at mababasa mo rin to, wag na wag mong lolokohin si jamie. Ayan nagbabanta na ko. Muntik na kong magpabarang lol.

Kung iisipin naman, ako lang din naman talaga nagpapakomplika ng buhay ko eh. E bakit ba kasi pinipilit ko sarili ko? Minsan nga gusto ko iuntog ulo ko sa pader eh kaso baka mahulog pa ung kakaunting laman ng utak ko, sayang naman. Nde ko kasi maintindihan kung bakit sa tuwing makikita ko ung code names nila, bigla nalang akong sisibatin sa dibdib.Kung may sakit nga lang ako sa puso, matagal na ko inatake. kelan kaya mababalik ung dati? Ung dati namin setup kung san halos lahat pede naming pag usapan? Talaga nga kayang malabo na mangyari un? Sabi nga nya, things change, people change. Siguro nga marami na nga nagbago sa kin, pero nde lang naman siguro ako diba? Sabi ko nga kung di pareho ung effort, useless lang talaga. Ayaw ko na manisi. Ayaw ko na manumbat...

Natawa na lang ako sa sarili ko kasi nga biglang sinabi ko na mabuti pang di na kami magkita. Pagpupunta ko ng park, andun sya. Pagpupunta ko ng swing, andun sya. Parang nagkaroon lang ng invisible wall sa pagitan namin hehehe. Napa what the hell na lang ako. Time na ulit para kainin ang pride.

Pano ko nga ba maaayus ang relasyon namin? Nauubusan ako ng option. Siguro naghahanap lang din ako ng masisisi sa mga nangyari. Ang totoo nyan, bigger part of me ang may kulang. Bigla ko napakinggan ung kantang "kabet". Napaisip tuloy ako. maging kabet na lang kaya nya ko? LOL biro lang.

Gusto ko na lang talaga mabalik sa dati kami... gusto ko na lang bumalik sa panahon na sobrang saya kami. Libre ko ng pizza makakapagbigay ng magandang solusyon sa kin ^_^

0 comments

Boys vs. Girls

Nakikinig ako sa radyo isang araw ng makuha neto ang aking atensyon. Yung topic nila ay tungkol lalake vs. babae. Pero dahil matanda na si malungkutin, di ko na nagawang matandaan ang frequency at title nung show hehe. Napaisip ako, mejo marami nga namang pagkakaiba ang dalawang kasarian. Subukan ko isa isahin ang pagkakaiba ng dalawang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga eksena na pedeng mangyari sa totoong buhay

Case No. 1

Naglalakad ang dalawang magkaibigang lalake. Dahil matalik silang magkaibigan, nag HHWW sila. Holding hands while walking kung di nyo alam hehehe. Bawat daanan nila ibat ibang reaksyon makikita sa mga tao. Pero ang summary ng lahat ng reaksyon ng mga nakakita ay nahahati lamang sa dalawang conclusion:

a.) bakla ang isa sa kanila
b.) bakla sila pareho

Oh diba? bakit pag ang mga babae nagholding hands, parang wala lang. Di mo agad iisiping merong tagilid sa kanilang dalawa. Pero bakit pag dalawang lalake nagholding hands, iisipin agad na confused sa kasarian ang isa? Unfair diba? Di ba pedeng maglakad ng holding hands ang dalawang lalake? Wag nyo kong pag isipan ng masama, kahit ako nandidiri ako pag nakakita ako ng ganun LOL

Case no. 2

Isang dalaga ang namimilipit na dahil gus2 na niya mag wiwi. Pero dahil nasa lugar sya na kung saan pinagkaitan ito ng CR, wala sya magawa kundi maglakad ng maglakad upang makahanap ng CR. Dahil sadyang ang bawat hakbang nya ay nagbabadya ng pagragasa ng baha, napilitan syang mag wiwi sa isang waiting shed. Kadiri diba? Pag nakakita kayo ng ganito, sigurado eto ang mga magiging reaksyon nyo:

a.) Mandidiri
b.) Aabot ang ngiti sa tenga
c.) Makukyuryus at lalapitan pa
d.) Aabot ang ngiti sa tenga

Malamang sa hindi, kung isa kang lalake, alam mo na ang gagawin mo. Yan ang problema sa mga babae. Magkakasakit sila sa bato sa kakapigil ng wiwi nila. Di tulad ng mga lalake, makakita lang ng pader, gulong ng sasakyan, waiting shed o puno pwede na. Pero kahit nagkalat ang CR ng mga lalake, ang nakakapagtaka eh mas malaki ang tyansa na magkasakit sa bato ang mga lalake kesa sa mga babae. Ang weird. Tsk

Case no.3

Isang mag asawa ang gabi gabi na lang nag aaway. Tuwing uuwi si lalake, katakot takot na sermon ang inaabot nya. Parang kung bibilangin mo ung may sense na sinabi ni babae, mabibilang mo lang sa kamay. Si lalake, dahil mautak, naglalagay ng mga bulak sa tenga bago umuwi. Kung may maririnig man syang mga ingay ng asawa nya, minimal na lang. Ano ang pinapatunayan nito?

* Ang mga lalake ay mas matalino kesa sa mga babae
* Mas maingay at mahilig magsalita ang mga babae kesa sa mga lalake

Base sa aking pagsusuri at pagsusurvey, lumalabas na mas malaki ang bilang ng mga lalakeng mas matalino kesa sa mga babae. Mapapatuyan daw ito sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng katawan ng isang lalake. Ang mga lalake raw ay may dalawang ulo upang mag isip. Dito napapatuyan ang kasabihang "two heads are better than 1". Pinilit kong intindihin kung pano nagkadalawang ulo ang mga lalake, pero un ang karaniwang sinasabi nila

Ang mga babae naman, kaya daw maiingay dahil meron daw silang dalawang bibig. Sinubukan kong iexamine ang isang babae pero isa lang nakikita kong bibig. Di ko rin maintindhan kung bakit nila ito nasabi. Minsan tuloy naiisip ko, abnormal ata ako kasi kung ibabase ang katangian ng mga tao base sa nilalaman ng aking pagsusuri, bakit may isang bibig at isang ulo lamang ako?

Case no. 4

Isang mag dyowa ang nagdadate sa isang mamahaling restaurant. Agad tinawag ni lalake ang waiter at umorder. Si babae, order rin. So ayun, pagkatapos nilang kumain tinawag na ni lalake ang waiter para kunin ang "chit". Tiningnan ni lalake ang babae. Naktingin lang sa malayo habang nagtotoothpick. Napailing na lang si lalake dahil sa laki ng bill nila, sya lang ang magbabayad. Ang conclusion, sa tuwing may date, laging lalake lang ang dapat magshoulder ng bill

Mas madalas ganito ang nangyayari sa mga magsyota. Mga lalake kasi mga tanga, ayun, naiisahan sila ng mga babae. Ang saya nga nila eh, nakakabili sila ng mga abubut nila kasi ang laki ng tipid nila. Huwag nyo ko ulit tingnan ng ganyan, kasi isa ako sa mga lalakeng tanga.

Case no. 5

Isang muslim na lalake ang bumisita sa kanyang asawa. Ang sarap ng tanghalian nila dahil nga ngaun lang ulit nakauwi dun ang asawa nya. Bonding bonding sila ng mga anak nya, kasi matagal nga naman sila di nagkita. Isa talaga silang larawan ng isang masayang pamilya. Nang pagsapit ng kinabukasan, muli nang nagpaalam si lalake at sinabing "Ma, dadalawin ko naman si Vivian, ung pangalawa kong asawa, sa kabilang ibayo".

Di sa nakikialam ako sa pangaral ng mga Muslim, pero bakit ang mga lalake ay pedeng mag asawa ng marami? Alam kong naaayun ito sa pangaral ng Koran, pero ang di ko maintindhan eh kung bakit lalaki lang ang pde? Di ba pedeng mag asawa rin ng marami ang mga babae? Unfair din ito

Case no. 6

Nag aaway ang mag syota isang araw. Biglang nagwalk out si babae at nangakong di na kakausapin si lalake. Walk out effect din si lalake dahil sa inis. Pagkalipas lamang ng ilang minuto, parang aso na buntot ng buntot si lalake kay babae. Ginagawa ng lalake ang lahat para wag na magalit si babae. Ano ang konklusyon dito?

Ang mga babae, gus2 lagi silang nilalambing. Gusto nila lagi sila inaaamo. Minsan kahit sila ang mali, dahil lalake ka, kelangang kainin mo ang pride mo. Unfair diba? Di yata alam ng mga babaeng to na may hangganan din ang lahat, at maaaring sa isang pitik lang wala na ung lalake na umaaamo sa kanya. Wag nyo na sabhing may mga instances na baliktad. E point of view ko to eh bakit ba? Subukan nyo kayang mga babae na kayo umamo sa min. Tingnan ko lang kung gano kahaba ang pisi ng pasensya nyo

Alam ko wala ako napatuyan sa mga sinulat ko dahil maaaring:
a.) bangag na ako
b.) Antok na ko
c.) Wala akong kwentang tao
d.) All of the above

Nde ko na nga alam kung ano nga ba mga pinagsusulat ko. Basta! wag sana magalit mga babae sa ken hehehe

0 comments