Whew... ang init. Sa sobrang init pede na mag swimming mga bacteria sa kilikili ko. Ano bang klase init to. Mas matagal na ko sa opisina kesa sa labas dahil sa sobrang init. Yung mga koreano nga d2, kala masyado ako masipag kasi di ako agad umuuwi eh. Ang di nila alam, di ko lang matiis sa labas kaya and2 lang ako. Yung isa nga tinatapik tapik pa ko sa ulo, nakasmile at nagsasalita ng di ko maintindhang salita. Duh? YFC ka ba? Yuck Feeling Close ka ba??? Hay....
Netong sabado lang pauwi ako ng probinsya namin. Almost 1 month na ko di umuuwi sa min. Ano na kayang bago dun? Naalala ko last time na umuwi ako, bagong pintura ung house namin. Nagulat ako kasi sobrang tingkad nung kulay at masakit sa mata. Sabi ko sa nanay ko "Bat naman ganitong kulay ang kinulay nu sa bahay?" Sabi naman ni nanay "E bakit ba? anong pakialam mo? Di ka naman tagarito" TOINKS hehehe. Napa "oo nga" na lang ako. Astig ermats ko no? Pero labs na labs ko yan hehe.
Habang nag eempake ako ng gamit, biglang may nagtext sa kin. Hmmm... Jane?
Jane: Pauwi ka ba ngaun? Wag ka na lang umuwi. Kita na lang tayo.
Si Jane nga pala eh ung uber duper sobrang layo kong kamag anak. Sa sobrang layo, naiba na spelling ng apelyido namin. Tatay ko kasi ang hilig gumawa ng mga family tree, kalain mong mahanap pa ung mga kamag anak na ganun na kalayo hehe.
Ako: Sumama ka na lang sa kin. Punta tayo sa probinsya ko para makilala mo mga kamag anak natin.
After 20 secs...
Jane: Di ba nakakahiya?
In fairness, sa lahat ng mga nakatext ko, isa sya sa pinakamabilis magreply...
Ako: Sus, di naman uso sa yo ang hiya eh hehehe.
After 10 secs...
Jane: Tse!
Para paikliin ang usapan namin sa text, ayun, natuloy din ung pagkikita namin. After 3 failed naming pagkikita dapat, ngaun lang natuloy. Last time kasi, dapat magkikita kami. E pisting SMART to (Uu, nagsmart ako) 8pm ko na nareceive. 4pm sya last nagtext. Mukhang nagalit pa nga kasi di raw ako nagrereply. Kasalanan ko ba un? Sabagay, ginawa lang ako para akuin lahat ng kasalanan hahaha. Galit na ko sa globe, ngaun nagsisimula na ko magalit sa smart... tsk
So ayun, natuloy kami pauwi sa min. Ang kulit din nya kasama. Tawanan na lang kami ng tawanan. Buong two hours ng byahe hagikgikan lang kami ng hagikgikan. No dull moments, sobra saya. Sira ulo rin sya, pinagtitripan nya ung mama na tumitingin sa kanya. Pag tumitingin sa kanya, nagtatago ng mukha hehehe. Palibhasa kasi may hitsura, nag aangas na. Napag usapan namin kung pano ko sya ipapakilala sa nanay ko at mga "kamag anak" namin.
Jane: Sabhin mo gf mo ko! Sabhin mo magiging asawa mo ko
Di ko alam kung matutuwa ako sa sinabi nya. Ok ka lang?
Ako: Sige sige! Ano kaya magiging reaksyon ni nanay pag nalaman un.
Tawa lang kami ng tawa hanggang makarating na kami sa province ko. Pag babanamin ng bus, nakita ko ung kakilala kong tricycle driver... correction... yung manyakis kong kakilala na tricycle driver
Enet: Sakay na sa kin. Ganda kasama mo ah
Ako: >.<
Naghintay pa ang loko. Nagyoyosi kasi ako, sabi ko mamaya pa kami sasakay. Manyakis talaga. So sumakay na kami. Tinanong ako ni Jane kung san banda sa min
Ako: Basta... ung pinaka kakaibang kulay na bahay, un na ung amin.
Biglang nagflashback sa kin ung sinabi ko sa nanay ko na di ko type ung kulay ng bahay hehehe. Pagkarating namin, Tumawa lang sya.
Jane: haha! uu nga kakaiba nga kulay. Litaw na litaw!
Pagpasok ng bahay, nagmano na ko sa nanay ko at dumiretso dun sa pamangkin kong cute. Nakalimutan ko na ipakilala si Jane.
Nanay: Nde mo man lang ba papakilala sa min yang kasama mo?
Napa shet ako. Uu nga pala. Si Jane nakangiti sa kin na parang naiinis na di mo maintindihan.
Ako: Nay, si Jane nga pala. Jane nanay ko, eto nga pala mga kapatid ko.
Mejo di ko alam sasabhin ko. Di ko alam kung itutuloy ko sabhin ung plano namin
Ako: Nay, kilala mo na ba sya?
Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko kasi baka nakita na sya ni nanay thru tatay.
Nanay: Eh nde pa nga eh
Ako: Sya nga pala ung malayong kamag anak natin
Di ko alam nangyari, pero di ko nagawang masabi na gf ko sya hahaha. Pinitik ako sa tenga ni Jane.
Jane: Naku, kung totoong gf mo ko, nagalit na dapat ako sa yo. Ni di mo pinakilala ako ng tama hmp!
Ok payn. Eh ano magagawa ko, Bhira pa sa pagtubo ng buhok sa ulo ng erpats ko ang times na nagdala ako ng babae sa bahay at papakilala ko na gf ko. Nalait pa nya ko tuloy na di raw ako pedeng bf material lol.
So ayun, wento dito wento dun. Kain meryenda, inom softdrinks, pahinga konti... Maya maya niyaya ko na sya pumunta dun sa mga kamag anak namin
Jane: Tuloy na lang natin sa mga kamag anak natin ung plano natin
Di ko alam kung bakit ba gus2ng gus2 nya ganun ipakilala ko sa kanya. Ano ba plano mo tita???
So ayun, pumunta kami dun sa bahay ng mga tita at tito ko. Pagdating ko dun sa isa kong tita, nagmano ako at pinakilala ko sya. E maya maya, umextra ung isa kong pinsan at sinabi "Ah sya ba yung kamag anak natin?"
Toinks. Panira trip naman si Buknoy. Nagulat din si Jane kasi kilala pala sya dun lol. Epic failure! Owning! Pero sarap sana ng feeling kung napakilala ko talaga sya as my gf hehehe. Tumambay kami dun habang hinihintay ang iba pa naming kamag anak. Lagi kami nagtititigan ni Jane at lagi ko sya tinatanong kung ok lang sya. Yun ngang.... ay teka.... nagtititigan?? Siguro dahil mas nauna ako maging close sa kanya, kaya sa kin lang nakatuon atensyon nya. Pero gawd, ayaw ko ng nakikipagtitigan. Naiinlab ako pag tinitingnan ako ng ganun hahaha. Incest to incest wag!!!!
Inabot na kami ng 8, di pa rin dumadating ung iba kong pinsan. Pupunta kasi kami tagaytay, igagala ko sya dun. Sa tagal nila, dun na kami naghapunan sa mga pinsan ko. Mga 10 na dumating ung iba, pero di pa kami nakumpleto. Yung iba kasi galing outing lang, tulog. Parang mga 8 lang kami. So mga 10+pm, pumunta na kami ng tagaytay.
(to be continued....)
Monday, April 28, 2008
Ang weekends kasama si Jane (Part 1)
Posted by Malungkutin at 4:18 PM Monday, April 28, 2008Labels: Ang Love Story ni Malungkutin Book 3 0 comments
Sunday, April 13, 2008
Ending ng Book 1
Posted by Malungkutin at 2:51 AM Sunday, April 13, 2008
Natatawa ako, bat ngaun ko lang naisipang lagyan ng ending ang book 1? LOL. Parang last year ko pa to sinimulang gawin, pero di ko pa nalalagyan ng ending. Siguro kelangan nga lang talagang may mangyaring isang "major" "super" "out of this world" "breathtaking" "supercalifragalistic...ewan" event sa pagitan namin ni Czarina. E bakit ba, gusto ko pa rin maghintay dati eh... may magagawa ba kau?
So, ayun nga, nakwento ko sa last kong entry ung pampelikula naming eksena. Pag naiisip ko un, di ko alam kung magagalit ba ako or dedma lang. E kaw ba namang lokohin ng ganun ano mafefeel mo? Oo na alam ko, bitter ako. E bakit ba, bitter nga ako eh, read my lips, B-I-T-T-E-R! Simula nung nangyari un, Mga 2 or 3 times na sya nag ppm sa kin sa msn. Lagi sya nag sosorry achuchu.... lagi ko namang sagot, "Nangyari na eh, pero don't bother explaining it to me anymore, I won't listen anyways" oh diba, ingles! lumalabas ang aking "proficiency" in english pag naiinis ako. Karaniwan kasi, nagagamit ko lang ung "proficient" pag gumagawa ako ng resume. Empre kelangang magyabang na 100 ang grade mo sa english para matanggap ka! Eniweys, ayun, nakakainis diba? Feeling ba nya, pag nagsorry sya ok na lahat? Kung lahat madadala sa sorry, wala nang mga pulis. Tsk
Isang beses nakita ko pa sya naglalakad sa tapat ng shop namin. Alam ko nakita nya ako kasi biglang napatitig sya sa kasama nyang lalake (na nde ko namukhaan kasi bulag ako sa gabi) at bumilis lakad nya. Halow? feeling nya tatawagin ko sya? or siguro nahihiya na ang makapal nyang peys sa kin hehehe. Angas ko hihihi. Sabi nga nung kasama ko nun "Si Czarina un diba?" Kibit balikat lang ako. The hell I care, kahit sa hell pa sila pumunta wala na ko paki. Bitter na bitter no? LOL
Isang beses ulit, kumain kaming magtotropa sa chowking (sa same chowking outlet kung san sya unang umiyak sa ken hehehe). Bah pang movie ulet eksena namin. Nasa sulok sina Czarina at Leo kumakain din LOL. Napansin ito ng mga tropa ko at sinabi sa kin. Kibit balikat ulit ako. Uu nga pala, alam na ng mga hinayupak kong mga tropa ung nangyari at akalain mong may silbi rin pala tong mga to hehehe. Dami nila inadvice sa kin na natawa lang ako kasi di ako sanay na ganun sila hehehe. Bigla nagsalita ung isa "Abangan na sa labas yan". Mga abnoy talaga, naghahanap pa ng away hehehe. Alam kong naririnig nina Czarina at Leo un, kasi nakakunot na noo nung Leo hahaha. E ako naman kibit balikat lang. Si Leo nga pala daw, blackbelter daw. Sabi ko na lang sa sarili ko "So?!??!??!???!!?". May magagawa ba ang blackbelter sa 10 na tao? Sa pelikula lang nangyayari ung natatalo ng bida ang mga 30+ na tao ng mag isa lang sya LOL. Maya maya, dali dali silang umalis. Humirit pa ung isa "tara sundan na yan". Loko talaga. Kita ko si Czarina paiyak na.... mejo lumalambot puso ko hahaha. Pero nde na, never mind na lang heheh
Last time, nagpm ulit sya sa kin. Wala na kong gana kausapin sya. Sinabi ko na lang sa kanya ito: Sana di na magkagulo yang relasyon nyo. Sana wag dumating ung araw na tatakbo ka ulit sa kin kasi wala ka nang tatakbuhan d2. Oh diba? Yan na ata ang pinaka emo na sinabi ko sa buhay ko. Pero sa totoo lang, gus2 ko masira ung buhay nya ulit. Mali nga un pero gus2 kong tumakbo sya sa kin tapos dededmahin ko lang. Revenge ba tawag dun? Gus2 ko kasi makita nya kung gano kasakit ung ginawa nya sa ken. Bah, sya kaya yung padaanan ko ng pison, ng mrt, pabagsakan ng RCBC, Panaain ng sunod sunod at ibitin ng pabaliktad? Ewan ko lang kung matuwa pa sya.
Tama na siguro yung mga nagawa ko para sa kanya. Ginawa ko na lahat para sa kanya, pero di ko na siguro talaga kayang ayusin pa. Kelangan ko na rin mag move on kasi ilang taon na rin na umikot sa kanya buhay ko. Ilang taon na rin na pinagmukha kong tanga sarili ko (biglang flashback ung mga sayaw namin sa ulan, ung pananabunot nya sa kin sa harap ng maraming tao, ung pagwawala nya pag nalasing sya... yung... pag iyak nya sa balikat ko....) Mejo nawawala na rin ung bitterness ko sa kanya, totoo to. Nde na nga ako galit sa ginawa nya, pero talagang nagsawa na lang talaga ako. Siguro eto na nga talaga ang ending naming dalawa. Nde nga lang sya happy ending na tulad ng mga napapanood ko, pero ganun talaga eh. Di kami nag end as lovers or friends man lang hehehe. Ang lungkot no? At least, di ko na need palitan pangalan ng blog ko kasi, Malungkutin is here to stay LOL.

Labels: Ang love story ni Malungkutin, Kwentong Kanto, Seryosong usapan 0 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)