Sunday, July 13, 2008

Ang simbahan ng Quiapo

Sunday, July 13, 2008
Weh... kamusta sa inyong lahat! hehe. Mejo matagal na naman akong di nakapagsulat... as usual, same reasons ulet. Sarap siguro maging tambay ulet... ung tipong patabaing baboy - kain, tulog, kain, tulog.... tuloy ko na lang ulet ang kwento.

Nagulat ako isang araw ng magtext sa ken si Jane.

Jane: Kinakabahan na ko... ilang days na lang at mag eexam na ko... :(

Nakasched nga pala si Jane kumuha ng nursing board exam nung June 1. Di na sya nagreview center kasi daw mahal at dati kasi kumuha na sya nun... di nga lang pinalad pumasa. E di nagreply ako...

Ako: Sus, sipag sipag mo mag aral, sure papasa ka na nyan. Saka may background ka na dun sa exam na un diba? sure na pasado ka na.

Nag antay ako ng 5 oras, pero di na sya nagreply... ang galing no?

Makalipas ang ilang oras pa ulit, mejo nakalimutan ko na sya, bigla ulit sya nag text.

Jane: Samahan mo naman ako hanapin ung pag eexaman ko sa friday...

Napa "huwaaat?" ako. Miyerkules na nung araw na yun, wala na ko oras magleave waaa...

Ako: Titingnan ko ha? baka di na ko payagang magliv eh. Bakit kasi ngaun mo lang sinabi tsk.

Jane: Ay ganun? Sige ok lang, kahit ako na lang...

E ano pa nga ba magagawa ko? Nagdrama na sya, alangan namang mag inarte rin ako. Bat ba kasi andali ko mabola.

Agad ako nagpaalam sa bossing ko para magliv. Sinabi ko na may aatendan akong kasal, abay ako. Gus2 ko na nga lang sanang sabhing ako ikakasal... ikakasal kay Jane hehehe. Pagkabasa ng bossing ko, mejo sumimangot. Di raw pede kasi wala raw akong kapalit. Kelangan daw may sumalo sa sched ko. Napa shit na lang ako... pinilit ko isa isa para saluhin ako, kaso wala talaga. Buti na lang, ung off sa friday, pumayag. Nagtatalon ang puso ko (astig no?) Agad agad ko tinext si Jane...

Ako: Ok na. Kita tayo friday samahan kita.

Wala pang 5 secs...

Jane: Ayus! Yehey!!!!

Pag ok sa kanya... ambilis magreply. Bakit kaya? (Kunot noo)

After ilang days, nagkita na kami. Dun kami nagtagpo sa taft station ng mrt. Kelangan pa namin kasi pumunta sa PRC para makita ung room nya. Napagpasyahan naming mag lrt na lang. Buti sakto, ung dumaang lrt bus eh ung bago, so malamig. So ayun, sumakay na kami at bababa kami ng carriedo. So ayun, kwentuhan kami. Malapit kami sa pinto at magkaharap kami. Tawa lang kami ng tawa. Prang ung eksena ba nung sumakay kami sa bus na walang pakialam sa mga tao. Maya maya, ayan na nagsisimula na magsikisikan. Pagdaan namin sa isang station (limots ko kung saan T_T), biglang pasok ang maraming pasahero. E ako ung malapit sa pinto sa natulak ako papunta kay Jane. Magkadikit ang katawan namin at halos magdikit na rin mukha namin. Nagkatinginan lang kami ni Jane... ung tipong biglang naparalyze kami at walang kumikilos. Tumagal un ng mga 10 secs (Badtrip... 10 seconds ng kaligayahan) at sabay lang kaming umiwas ng tingin. Nakikita ko na mejo naka letter U ung bibig nya, so siguro smile ata tawag dun? Iniisip ko ng mga oras na yun na sana tumirik ung bus para mapatagal ako sa ganung position... Teka pala, nde malaswa ang iniisip ko ha? badtrip kayo.

So ayun nakarating na kami ng Cariedo. Natapos na ang little fantasy ko. Pagbaba namin dun, nagtanungan lang kami ng "Oh san pagkatapos dito?".

Napanyay lang ako. Sige isip ako ng isip. Naalala ko sabi sa ken na kelangan ko pumunta dun sa underpass papuntang quiapo church at sumakay na lang ng jeep. Nagmagaling pa ko eh. Kumanan kami. Pagpunta namin dun aba... bat parang wala akong nakikitang quiapo church? Tinaasan ako ng kilay ni Jane.

Jane: Alam mo pala ha!

Napapunas na lang ako ng pawis. Tanghaling tapat un. Sobrang init.. huhu

So inikot namin hanggang makarating kami ulit sa ilalim ng lrt station. Hehe. Niyaya ko naman sya dun sa kabilang side. Siguro andun ung quiapo church. So lakad na kami. Napansin ko pabagal ng pabagal ang lakad namin at parami ng parami ang tao.

Ako: Ayun na ung simbahan tara!

Sinubukan ko magmadali maglakad pero ang daming tao. Dun lang ako nakakita ng literal na nagtrapik ang mga tao. Wala man lang lilom na madaanan. Si Jane pawis na pawis na rin... Siguro alam nyo na rin na mas lalo na ko. Naalala ko, friday ngaun, quiapo church day. Napa aw na lang ako. Sinuong ko na lang ang kalsada na puno ng mga nagkalat na tao. Nakahawak na sa balikat ko si Jane. Nung nasa gitna na kami ng paglalakad, hinawakan ko ang kamay nya ang dirediretso na ko ng lakad. Masagasaan na ang masasagasaan. Di ko na matiis. Parang literal na piniprito ako. Ngaun ko hinahanap ung malamig na tubig. Parang gus2 ko ng coke. Tapos kakanta ako ng "Ang sarap dito..."

Makalipas ang mga 10 mins siguro, ayun sa awa ng Diyos, nakarating na kami ng underpass... kabadtrip... Si Jane punas na ng punas ng pawis at nakuha pang ipabitbit sa kin ung dala nyan bag. Ako na raw magdala. Kasuya...

So ayun narating na rin namin ung PRC. After ko magpawis ng mga 5 timba, narating na rin. Pinapanood ko sya habang kinukuha ung room nya. Kahit sobrang pawis kami, di sya nakakasawang tingnan. Tumitingin tingin sya at nag ssmile. Lahat ng pagod ko nawawala kapag ginagawa nya yun. So after nya makuha ung room assignment at kung sang skul. Nagdecide kaming umuwi na. Pagdating namin dun sa isang parang mall na maliit na malapit sa PRC, tahimmik kaming umupo lang. Walang kibuan. Bumili lang ako ng 2 mineral water at naupo ulit.

Jane: Pagod ka?

Ano bang klaseng tanong yan? Gusto ko kutusan si Jane kaso wala na kong lakas hay....

Jane: Maraming salamat talaga sa pagsama mo sa kin dito ha? Kahit pano nakakawala ng kaba pag kasama kita.

Di ko na makuhang matuwa kasi nga pagod na ko. Bigla nya ko kinurot

Jane: Kainis naman to. Nilalambing ka na nga jan ayaw pa. Bahala ka jan.

Akmang tatayo na sana sya ng bigla kong hinawakan kamay nya.

Ako: Ok lang ako. Salamat po. Napagod lang ako kasi sobrang init kanina.

Ngumiti lang sya.

Jane: Sabi na eh. Kelangan pa kasi artehan para lang magsalita ka jan. Tara uwi na tayo, mejo gabi na rin eh.

Gus2 ko pa sana sya makasama pero tama sya, gabi na at pareho kaming pagod. May ibang araw pa naman eh. So after that tiring day, ayun hinatid ko na sya sa kanila. Nagkwentuhan pa kami ng kaunti at nagdecide na rin akong umuwi.

Ako: Sige ingats ka lagi dito ha? Gudlak din sa exam mo.

Jane: Opo! Salamat din po sa pagsama sa ken ha? Sobrang appreciated ko po. Dalaw ka ulit bukas ha?

Ngumiti lang ako. Ang pogi ko no? hahaha. Sobrang sulit ang leave ko... kahit na sobrang pagod, kahit papano nagawa kong pangitiin at patawanin si Jane.

2 comments