Kelangan ko isingit e. Kelangan ko maging emo XD.
Pero diba? wala naman kasing pinipiling araw ang pagiging emo mo e. Ako ba ilang taon na kong di nakakapagsulat dito kasi akala ko masaya na ko? Akala ko kasi hindi ko na kelangan sumulat dito kasi akala ko kumpleto na yung buhay ko. Kalokohan na ang saya saya ko pero malungkot pa rin isusulat ko. Pero isang araw e bigla ko na lang naisip bisitahin ulit to. Ang galing nga, kasi naaalala ko pa yung account na to samantalang nasobrahan ako sa pork, sa beans... Ang laki ng memory gap ko. Natuwa pa nga ako at meron pa ring nag cocoment sa mga luma kong post. Pero nung pag check ko e puro ads lang pala na kesyo ang cool daw ng sinulat ko. Na kesyo ang saya daw basahin nung sinusulat ko. Puro nga ka emohan to ano masaya dun? Ayan nalungkot na naman ako
Anyways, minsan kasi talaga dumadating nga yung time na nagiging sobrang happy ka. Akala ko nga pinagsakluban ako ng langit at lupa. Malay ko bang nabuhusan pa rin ako ng swerte. E nagsimula lang naman sa isang inuman. Isang inuman na hindi ko sukat akalain na magiging simula ng mahaba habang happiness..
*Ring* *Ring*
Malungkutin: Hello? Pare o kamusta? abot pa ba ako sa birthday mo?
Ronnie: Oo pare abot na abot ka pa. Kasisimula pa lang namin. Asan ka na ba?
Malungkutin: Malapit na ko. Ilang tumbling na lang andyan na ko.
Ronnie: Sige bilisan mo. Mahirap makipag inuman sa mga lasing na haha
Totoo. Ang hirap nga. Pagdating ko dun, ayun kala mo mga baboy na nakawala sa kural. Ang gagaslaw. Ako ang nalalasing sa kanila. Pero natuwa naman ako makita sila ulit. Ilang taon din akong di umuuwi sa probinsya namin. Namiss ko lang ang tropa kaya naisipan kong umuwi.
Ronnie: Pareh!!! Pakiss nga hahahaha. Maupo ka jan. Maraming alak
Tropa: Aba akalain mo buti di ka naligaw hahahaha.
Yun ang pinaka nakakainis na naririnig ko sa tao. Bukod kasi akala mo mga miyembre ng Glee dahil sabay sabay magsalita e akala mo naman ang tagal ko nawala.
Malungkutin: Hahaha (tawang naiirita). Nasa maynila lang naman ako e. Para naman kayong mga tanga.
Nagtuloyan ang inuman. Tawa dito. Tawa doon. Kwentuhan ng mga nakaraan. Si Ronnie sumusuka sa may paso. Nakakatuwa sila panoorin malasing haha. Akala ko masaya na ko nun, nang biglang may narinig akong kumakatok sa pinto nina Ronnie.
Babae: Ronnie! Abot pa ba kami? Lasingan na ba kayo?
Kahit sumuka na e tumayo pa rin sya at binuksan ang pinto. Pagbukas nya, bigla nagslowmo ang paligid ko at napatingin lang ako dun sa babae. Parang may narinig pa nga akong tugtog na "tut tut tut tutuut... I know this much is true..." Yung kantang True ng Spandau Ballet. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yun... Well, oo di nga totoo yun kasi ringtone pala un nung isa kong tropa na tulog na. Parang sinakto talaga sa moment
Masayahin yung babae. May kasama itong bakla at pareho silang tawa ng tawa. Parang napa "Oh no, tumibok na naman ang puso ko." Pinapasok ni Ronnie yung dalawa at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Agad ako kinilala nung bakla pagkaupo pa lang. Kaya lang wala akong pakialam sa kanya kasi sa iba nakatuon ang pansin ko, sa kasama nya.
Nang kakausapin ko na sya e biglang bumalik lahat ng sakit at takot pag nakakakilala ako ng babae. Naisip ko na hindi ko na siguro kelangang i push to kasi baka maulit na naman yung dati. Nang walang ano ano ay bigla syang lumapit.
Babae: Hi ako si Cristina. Pede mo ko tawaging Tina. Magsalita ka naman dyan kanina ka pa walang imik. Hahaha
Parang napanood ko na to ng ilang ulit ha. Tatapakan din ata nito pagkatao ko.
Malungkutin: Haha pasensha na Tina. Kasi mejo kinakapa ko pa ulit tong mga to. Matagal ko nang di nakikita tong mga to.
Tina: Oo nga daw e. Ikaw kilala na kita dati pa, pero tahimik ka lang kasi. Tara inuman pa haha
Dahil nga bata pa lang e ulyanin na ko, di ko sya matandaan. Pero siguro makikilala ko rin ito pagdating ng araw. Dumami pa ng dumami ininom namin hanggang sa ilan sa kanila e gumagapang na pauwi. Pinagtatawan ko sila habang umupo ako sa labas ng bahay nila. Agad akong nilapitan nung kasama ni Tina at hinihingi ang number ko. Pero dahil walang fone etong kasama ni Tina, Yung phone nya ang ginamit para isave ang number ko. Nagkuwentuhan kami ng kaunti hanggang sa nagpasya na ko umuwi. Nag insist sila na ihatid ako sa min. Natatawa ako kasi para akong babae na kelangan ihatid pa.
Tina: Wag ka na magreklamo basta ihahatid ka namin.
Nang nasa malapit na ko ng bahay ay pinauwi ko na sila. Nag group hug pa nga kami dahil daw new friend nila ako. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Tinitingnan ko sila pauwi ng lumingon si Tina. Para akong binaril ng mga mata nya kasi napakaganda ng mga mata nya. Napabulong na lang ako sa sarili ko at nasabing "Patay tayo dyan"
---------------- ITUTULOY-----------------------