Saturday, May 4, 2013

Ang Hiling sa mga Bituin

Saturday, May 4, 2013
Masarap din palang mag stargazing. Kahit na parang magkakastiff neck ka kakatingala, ewan ko ba, parang gustong gusto kong gawin yun. Minsan hihiga ako dun sa labas para lang tingnan sila.  Marami kasi siguro ako gustong iwish kaya ganun. Wala na kasi yung Wish ko lang kaya hanggang panonood na lang ako sa mga tala. Napapangiti ako tuwing maaalala ko ang mga wish ko na hindi natutupad kahit ilang beses ko na sya hiniling. ...

"You have received a new text message"

Astig no? imaginin mo yan ang message alert ko tapos robot yung boses.  Kausuhan ng transformers e kaya yan ang message alert ko.  Tiningnan ko kung sino yung nagtext. Number lang. Sino kaya tong mokong na to.

"Hi! Kamusta ka na?"

Yun lang ang sabi. hindi man lang nagpakilala. Malay ko ba kung sino. Nireplayan ko sya ng "Hu u?" haha.

"Kainis ka! Si Tina to! che!"

Muntik na mapatapon ang fone ko. Hindi dahil nagulat ako sa text nya, kundi biglang preno ang erpats ko. Papunta kami sa asawa ng kapatid ko.  Lagi sya nagagalit pag kaskasero kami pero samantalang sya, ang layo pa kung makatapak sa preno e wagas. Pero nagulat nga din ako sa text nya. Nireplayan ko sya

"Ui! Kamusta? Napatext ka?"

Parang ang pangit ng text ko. Parang ang pogi ko lang sa text na yan.  Maya maya ay nagreply na sya.

"Ok lang. Hindi ka man lang nagtext sa kin"

Hindi ko pala nasave number nya. Kinuha lang nung kasama nya number ko, pero di ko nakuha number nya.  Sorry sorry ako ng marami kasi nga hindi naman ako mahilig mag text. Sa dami ng heartaches ko wala na ko gana pa makipag usap sa text. Nanay ko nga di ko tinetext e.

Humaba ng humaba ang usapan namin.  Kung san san kami nakarating. Nakakatuwa lang kausap si Tina kasi napaka kalog nya. Weakness ko yun mga pards. Pag sobrang masayahin ang tao, madali akong nahuhulog (at lumalagapak).  Yung image nya nung pumasok sya sa bahay nina Ronnie ang tumatak sa isip ko. Iniimagine ko yun habang magkatext kaming dalawa. Nagugulat nga ang mga kapamilya ko kasi daw nangiti at natawa raw ako mag isa.  Gusto ko  nga sila sagutin na "aba, napapansin nyo pala ako?" pero wag na.  Masisira pa ang magandang mood ko.

Hanggang sa makabalik na kami sa bahay namin ay magkatext pa rin kami ni Tina.  Humiga ako saglit sa mahabang upuan sa labas ng bahay namin.  Iniisip ko kasi si Tina. Napaka assuming ko kasi.  Kaya ako nababasted kasi feeling ko pag mabait ang babae sa kin e gusto ako. Oo gusto. Gustong gawing tropa :(

Binale wala ko na lang yung iniisip ko at tumingin ako sa langit. Ang daming stars.  Ngayon ko lang kasi sila tiningnan ng matagal.  Bigla kong naalala ang mga kwento tungkol sa pagwiwish sa stars. Nang hindi ko namamalayan, nagwiwish na pala ako na sana maging close kami ni Tina.  Gusto ko sya. Yun lang ang alam ko.  Maya maya, biglang may tinanong sya sa kin.

"Kung meron kang gustong isang tao, pero babae ka, sasabihin mo ba to sa kanya?"

Nag aassume na ko.  Pero kasi haller???  Pano naman nya magugustuhan sa isang tulad ko? Gusto kong sabihin na, "Huwag mo na sabihin sa kin, kasi gusto rin naman kita." Pero sa dami ko nang pinagdaanan, pinigilan ko sarili ko. Masasaktan lang ako sa huli.

"Hoy magreply ka tinatanong kita!!"

Biglang bumalik kaluluwa ko. Para kasing lumipad na ito sa kung san nung nabasa ko yung tanong nya.

"Hindi naman na kasi uso ngayon na lalake lang ang nagsasabi e.  Tanggap na ng tao yun."

Ayan siguro naman, hindi na assuming reply ko.

"E pano kung hindi ako gusto nung guy? Parang nakakahiya naman yun"

Sa bawat text nya sa kin ay napapatingala ako sa langit. Hindi ko alam kung ano iaadvice ko, kasi sa bawat tanong nya, hindi ko maiwasan ang mag assume.

"Kesa naman mabuhay ka sa what ifs diba? Kung ako sayo sabihin mo sa kanya kung talagang gusto mo sya. Teka sino ba tong lucky guy na to?"

May pagkabitter ang pagkakasabi ko kasi feeling ko talaga hindi ko pa nasasabi rin sa kanya na gusto ko sya e mukhang masusupalpal na agad ako.  Matagal kami nag negosasyon para lang sabihin kung sino yung lalake.

"Nahihiya ka pa kasi. Huwag ka na kasi magpatumpik tumpik pa. Grab kung grab hehe."

Lumagpas ang mahigit 30 mins, hindi na sya nagreply. Bigla ako kinabahan at paulit ulit kong binasa ang text ko. Mali ba yung pagkakatype ko? Pangit ba dating? Meron ba akong nasabi na nakakainis? Hay Bakit ayaw nya mag reply?

"Ui Tina, galit ka ba? wag ka na magalit. Ang sa kin lang naman kasi, imposibleng hindi ka magustuhan nung lalake. E ako nga sa saglit nating pagkakakilala, nagustuhan na kita. Kaya wag ka matatakot magsabi sa kanya. Sino ba sya?"

Hindi ko namalayan na nagtapat na pala ako sa kanya. Hindi ko sya namalayan hanggang sa binasa ko ulit ang text ko kasi hindi sya nagreply. Pero friendly naman dating ng text ko. Hindi naman nya siguro ako pag isipan ng masama. Pero pano kung bigla sya magbago kasi baka isipin nya malisyoso pala ako? Ilang libong tanong pa ang pumasok sa isip ko, pero hindi ko na isulat kasi baka hindi ko na matapos to.

Maya maya biglang nagreply sya sa kin. Tumingala ulit ako sa langit at nagwish na sana hindi sya galit sa kin sa mga pamimilit ko sa kanya.  Hindi ko pa nga sya gano nakikilala e magkakahiwalay na agad kami. Binuksan ko ang inbox ko at binasa ang message nya. Literal na nahulog ako sa upuan nung nabasa ko ang text nya.

"Ikaw. Ikaw yung gusto ko. Ayan maaya ka na ba??"

Nagtatalon pa ko sa sobrang saya. Gusto ako ni Tina. Gusto ako ni Tina. Gusto ako ni Tina.

"Ako? Talaga? Gusto mo ako?"

"Oo nga ikaw nga. Kung mailang ka sa akin ok lang. Sinunod ko lang naman sinabi mo kasi ayoko magsisi sa huli" sabi nya.

Hindi ako makamove on.  Ngayon lang may nagkagusto sa kin. Ngayon lang may nagtapat sa kin. Ang pogi ko.

"Bakit naman ako maiilang? Di ba sinabi ko sa yo gusto rin kita? Hindi yun gusto na kaibigan. Gusto kita as in gusto, crush, ganun ba? Simula pa lang kasi nung nakita kita, tumibok agad puso ko."

Muli akong tumingala sa langit. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang pinasalamatan ko sila; ang 3 marias, ung scorpio, sagittarius at lahat ng mga bituin sa langit. Naging tulay ko sila para kay Tina.

"Kuh, napaka emo. haha. Bakit hindi mo agad sinabi sa kin na gusto mo ko?"

Napaisip ako sa tanong nya, Oo nga naman bakit nga ba hindi ko kagad sinabi?

"E kasi natatakot ako. Ayoko na kasi magtapat ulit tapos babastedin ako. Sabi ko kasi sa sarili ko, mas ok kung magiging kaibigan ko kesa iwasan ako pag nagtapat ako."

Agad tumunog ang cellphone ko.

"Hindi naman kita ibabasted.  Lumalabas tuloy ako pa nanligaw sa yo. haha"

Ang haba ng hair ko ha. hahaha. Ako pa ang nililigawan ngayon.

"Hindi naman. Mutual kaya tayo kaya walang unang nanligaw. Mas matapang ka lang" sabi ko.

"Ganun din yun ako pa rin nauna. O pano po good night na po. Kita tayo tomorrow ha? night night!!!"

Tumitibok ng malakas ang puso ko sa nabasa kong text.

"Sige po good night. Sige kita tayo tomorrow. excited na ko :)"

Tumibok pa lalo ang puso ko.  Parang yung dormant kong puso e biglang nag erupt. Parang hindi totoo ang nangyayari kasi hindi naman dapat ganito nga.  Nabuhay lang naman ako para maging malungkot. Pero ngayon, hindi ko man alam kung ano patutunguhan nito, wala akong pakialam. Bukas na bukas, magiging masaya na ko ulit.
----------------------------

Lumalamig na. Yung mga tinitingnan kong bituin e unti unti nang kinakain ng mga ulap. Napapangit ako kasi parang sinasabi nila na matutulog na sila kaya kelangan ko nang matulog.  Tama nga naman. Malapit na lumabas ang araw. Kelangan na ulit harapin ang mga bagong araw na dadating.

-------------ITUTULOY-------------

0 comments