Sa isang relasyon, dalawa lang na mga kataga ang dudurog, kakatay, susunog lulusaw, pipitpit sa puso mo. Una ang mga salitang "its not you, its me". Pesteng mga salita yan. Gawin pa ba tayong tanga?
Ang pangalawa, yung " hindi na kita mahal..."
Durog. Mas durog pa sa dinurog na paminta. Mas durog pa sa mga hinihithit ng mga durugista. Durog. Wasak.
Yan ang mararamdaman mo lalo nat mahal na mahal mo ang tao na iyon. Yung tipong sa kanya na lang umiikot yung mundo mo. Yung tipong itinapon mo na ang lahat ng tao sa paligid para sa kanya. Yung tipong isinuko mo ang lahat lahat, pati nga ang bataan isinuko na. Tapos maririnig mo lang sa kanya ay "hindi nakita mahal"
Grabehan lang. Pra pa ngang mas masakit pa to sa sakit ng ipin. Mas masakit pa sa pumutok na pigsa. Mas masakit pa nung pukpok ng labaha nung tinuli ako.
Kasi minsan pag nagmahl tayo, nagiging selfish tayo. Minsan hindi natin nararamdaman nasasakal natin ang mga partner natin. Minsan hindi natin alam na marami na pala tayo naisuko parang lang mapasaya sya. Nagiging maramot tayo sa pag unlad ng isang tao individually. Wala e mahal natin e. Ayaw natin ipaagaw ang taong nagpapasaya sa tin.
Minsan din nagiging bulag tayo sa katotohanan. Sabi nga nila pag ang selos pumasok ninoman, hahamakin ang lahat... Literal na hahamakin talaga ang lahat. Nawawala na yung kakayanan nating mag isip... Yung tinatawag na common sense e nililipad ng hangin. Kahit anong paliwanag hindi na magreregister sa utak. Basta ang nasave lang e" TAENA MO MANLOLOKO KAAAA"
Ang saklap lang. Minsan kasi sa kagustuhan mo ng kapayapaan ay susundin mo na lang ang gusto nya. Bawal this, bawal that. Bawal these. Bawal those. Susubukan mo pero minsan talaga ay nakakalimot tayo. Kasi nga hindi tayo sanay na laging may pulis na pipito na lang pag may nagawang mali. Pero hindi ibig sabihin na ginawa ang isang bagay na ayaw ng parnter mo, hindi mo na mahal ito. Lalo na kung maliliit na bagay lang naman ito. Ang problema nga lang sa tigreng galit, maliit, malaki isa lang ang galit.
Sa limitadong galaw mo, gusto mo pa rin ipakita at iparamdam na nag iisa lang sya sa buhay mo. Gusto mong sungkitin ang mga bituwin para lang sa kanya. Kahit na ikaw ay binibingkis ng mga kadena ay gusto mo pa ring tumakbo para sa kanya. Gusto mong maging masaya, kahit mahirap, kahit masakit. Kasi mahal mo ang taong ito. Kahiy hindi nya marinig ung puso mo dahil sa nakaloudspeaker nyang damdamin, pilit mo pa rin sinisigaw ang pagmamahal mo sa kanya. Yan daw yung love e. Kulang na lang e sumama ako kay rizal magpabaril na lang sa luneta.
Tapos ang maririnig mo lang sa kanya ay "HINDI NA KITA MAHAL".
Nakakadurog. Nakakalusaw.
Oo may mga pagkakamali siguro tayong ginagawa, intentionally man o hindi. Pero sana bago nyo man lang banggitin yung mga salita na yan, isipin nyo ang hirap ng partner nyo. Yung pagtatyaga nya sa mga tantrums mo. Yung mga sakripisyo nya.. Mga pagod na dinadanas nya mapasaya ka lang. Sana maramdaman nyo yung mga bagay na sayo nya lamang shinashare. Tatandaan mo lagi na ang tao kapag labis ang mga sakripisyo para sa yo ay hindi yan kelan man magagawa kang saktan o ipagpalit. Kasi nga namuhunan na yan e. Namuhunan yan ng sandamakmak na emosyon at pag ibig para humanp ng iba. Bakit tyo mag eexert ng sobra aobra kung wala tayong balak na maganda? Diba? Diba? May mga bagay kasi na minsan hindi na kailangang gawing big deal.
Kaya sana naman hinay hinay sa pagsasabi nyan. Kasi nakakawala ng bait sarili.
Malungkutin na naman tuloy ako.
Saturday, December 8, 2018
Subscribe to:
Posts (Atom)