After almost a month, natutuwa ako sa sarili ko kasi nagmamature na utak ko. nde na ko yung tulad dati na puro emo lang ang alam hehe. Finally, pede ko na sabhin na naka "move on" na ko.
Isang araw biglang nagtext si Czarina sa kin. "Hey" lang ang laman. Rereplyan ko ba or nde? Nagdesisyon na lng ako na wag na lng replyan. What for diba? Natututunan ko nang lumimot bakit ko pa kelangang buhayin. So ayun tinuloy ko na ung alang wentang buhay ko wuhuu.
After 5 days naisipan kong magbrowse ng msgs ko sa phone. scroll down... down. Basa basa ng mga korning quotes at jokes. Bigla akong napatigil sa isa sa mga msgs dun. Czarina.... Naalala ko tuloy ung text nya na "Hey". Di ko alam pumask sa utak at bigla rin akong nagreply ng "Hey". After 5 mins nagreply si Cza.
Czarina: Punta ako jan. wait mo ko ha?
E nagulat ako. Di ko na nagawang magreply. Weh.... ano ba naman tong papasukin ko na naman.... T_T
So after 5 more minutes dumating na sya. Mejo maaliwalas na tingnan mukhan nya, though bakas pa rin naman sa mukha nya ung mga "sakit" na naranasan nya....
Czarina: Wassup??? Kamusta ka na? kamusta na trabaho mo?
Ilang segundo rin akong di nakapagsalita. Gulat siguro? baka. Takot? pede rin. Tuwa? pede rin.
Ako: ayus lang naman! nakaka survive pa naman company namin
Czarina: thats good to hear!
Nagkaroon ng mahaba habang "silencio" sa pagitan naming dalawa. Siguro pareho kaming naghihintay. pareho kami nag iisip ng sasabhin....
Czarina: So galit ka pa ba sa kin?
Ako: Ha? Weh! bat naman ako magagalit sa yo?
Czarina: E di ba nung nag uusap tau sa msn nagagalit ka sa kin...
Ako: ah...
Tungkol dun pala sa msn stat nya na "I love you Leo". Mejo nabadtrip ako at sinabihan syang inconsistent.
Ako: Nde naman ako nagalit mejo nainis lang pero lipas na yun.
Nakatingin lang sa kin si Cza. Nakangiti sya. Wag mo ko dadaanin sa pangiti ngiti mo jan ha! HMP!
Czarina: Alam mo, ok na ko ngaun. Mejo nakukuha ko na mag smile ngaun di tulad dati. although I admit ung pain nde pa rin sya nwawala.
Nakatingin lang ako sa kanya.... pinapakinggan ang bawat sinasabi nya...
Czarina: Ngaun ko lang narerealize how stupid i became. Masyado akong maraming nasaktan na tao. Marami akong pinaiyak...
Wow! talagang wow... it took her almost a month bago na narealize un. Grabe....
Czarina: Si Mark na laging umiiyak para sa ken... Si Leo na hiniwalayan ko.... At si Benny na nasaktan ko ng sobra... ang mga kaibigan kong lagi kong binabalewala.... at ikaw... na nagtyatyagang makinig sa kin despite our past...
Naiyak naman ako dun. Pero wala akong tear ducts eh, so di rin tumulo ung pawis sa mata.
Czarina: Ngaun ko lang narerealize lahat to... that everyone is trying to reach out for me, but i kept my distance...
True... very true...
Czarina: I've been at my limits and really dont know what to do... know what, I've realized how good our God is. He never let me go and destroy my life completely...
Hmmm.... interesting napapalapit na sya kay God? wow talaga...
Czarina: Siguro pumutok lang talaga lahat ng nasa dibdib ko. Ever since Im a child, ung mga frustrations, pains at lahat ng sama ng loob ko naipon lang. Alam mo, few days ago, I met my former professor. Sya lang ang kaisa isang prof na talagang napalapit sa kin. She even told me that "all I can see is a lost girl behind a strong facade". Papakilala kita minsan dun! She's also the one that can make me calm everytime I go berserk. Sya rin ang nagpapakilala sa kin ngaun kay God...
Wala akong masabe... Sobrang natutuwa ako para sa kanya... sobra...
Czarina: Im just not ready to face Him right now. Pero little by little makukuha ko rin siguro kausapin Sya.
Ako: gus2 mo samahan kita sa pagbabalik loob sa kanya?
Ano tong mga sinasabi ko.. nde pa rin ako ready humarap... pero for her sake, and also mine, gagawin ko un...
Czarina: ^_^ (smile ulit). UU nga pala, mag iinquire sa isang spanish school dito. Balak ko kasi umalis papuntang Spain para mag trabaho
There she goes again... pabigla bigla ng desisyon.
Ako: Ha? ano na naman yan at pabigla bigla ka na naman?
Czarina: Nde napagisipan ko na to. Gus2 ko na umalis d2....
Ako: .....
Czarina: Not that I don't want to see you guys. Kaya lang pano ko maheheal all these pain kung titigil lang ako d2? babalik at babalik ang lahat ng sakit if im going to stay here...
Well may punto sya...
Ako: Kung un naman ang sa tingin mo makakaheal sa yo, then go! Alam mo, un lang naman ang gus2 namin. Gus2 naming sumaya ka naman sa buhay mo. Kahit tanungin mo mga lalake mo (sabay tawa)
Czarina: gaga! >.<
Pero nagulat ako ah! nde nya ko sinabunutan, sinampal, sinuntok o sinipa. Napaka calm nya ngaun...
Czarina: Di ko nga alam bat madami nagkakagus2 sa kin. Nde naman ako GF material. Sabi ni mark sa kin, meron daw 'sumthing" sa kin. Ikaw ano ba nagustuhan mo sa kin?
Damn... ano na naman to?
Ako: dunno. Yun din ang gus2 ko sabhin eh. may "weird" aura ka na nang aakit ng mga kalalakihan hehe.
Czarina: ganun? hayzz.... Newayzz meron pa kong request sa yo
OMG! Waaaaa.....
Ako: a-ano un?
nautal ako talaga. pwera biro hehe
Czarina: Enroll tau sa isang spanish school! mura lang naman tuition! sabay tau mag aral.
Ako: Ngak! ano naman gagawin ko dun?
Czarina: e di empre para mag trabaho sa spain! sige naaa... promise?
Ako: Ayoko nga magpromise. Di ba sabi ko sa yo, mga desisyon sa buhay, pinagiisipan yan ng 100x! nde basta basta yan
Czarina: I know. Please think about it soon! please...
Ako: Bigyan mo ko ng mgandang rason bakit kelangan kita samahan?
Czarina: (Nagpause saglit) Wala na ko makakasama dun...
Grabe pang iipit neto waaaa...
Ako: Ok payn sige na...
Czarina: Yey!!! hahaha sabi na eh makukuha kita dun eh haha
Deym ur logic deym ur twisted mind.. hehe
Czarina: Tara na uwi na ko. hatid mo ku
So ayun naglakad kami. Pinipilit pa rin nya ko sumama dun sa spain habang naglalakad kami pauwi. Nakarating kami sa kanto ng street nila... So i guess this is goodbye ulit...
Czarina: hatid mo na kaya ako dun sa min?
Nagulat ako dun. Kasi nde nya ko pinapasama pauwi sa kanila. Karaniwang hanggang kanto lang paghahatid ko sa kanya. Ayoko bigyan ng kulay to. Pero masaya ako ngaun...
Nung paalis sya, ako ang huling lalakeng pinuntahan nya. Nung nandito na sya, ako rin ang unang lalakeng pinuntahan nya (Well, nde daw counted ung mga tropa nyang lalake pati si mark kasi sila ung pumunta dun sa bahay nila ^_^). Coincidence? siguro. Mahal na nya ko? nah.... Kung meron man akong natutunang leksyon sa relasyon namin, un ang wag lagyan ng malisya ang bawat kilos nya. Atleast ngaun alam ko na ok na sya. Time na lng kelangan nya para gumaling. Hindi ko man kaya gamutin lahat ng sakit na naranasan nya, basta I'm just gonna be here during her healing period...
Sunday, September 9, 2007
Ang muling pagkikita ni Malungkutin at Czarina
Posted by Malungkutin at 9:32 PM Sunday, September 9, 2007Labels: Ang love story ni Malungkutin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Deb… Your numbers I personally found just lately were being a tad different… (can’t
try to remember the place I spotted these
individuals.)
Feel free to visit my weblog :: Genital Warts Home Treatment
Post a Comment