Saturday, September 29, 2007

"Emo" moments sa MOA

Saturday, September 29, 2007
Ilang araw nang umuulan. Bat ba parang sinasadya ng langit na umulan ngaun? Nung humihingi kami ng ulan para sa "sign" na un nde umulan. Tapos ngaun parang walang tigil naman. Tsk. Naisip ko na lng siguro nakikiramay sa kin ang langit. Pwede rin na naiiyak ang langit sa kakatawa sa pagka "emo" ko. ^_^

Pero ang sarap naman kasi magpaka emo. Sa banyo pag nagbabawas or naliligo ako, emo songs ang kinakanta ko. Bago ako matulog, emo songs pinapakinggan ko. Pag sa office, emo songs pinapakinggan ko. Move on! move on! lolss.... ginagago ko lang sarili ko.

Mag 1 month na ulet kami di nagkikita ni Czarina. Nde ko na sya macontact kasi nawala daw fone nya. Di ko naman alam kung totoo un at ayaw ko rin namang puntahan sila sa bahay. Pag kinukwentuhan ko si Jay tungkol sa drama ng buhay ko, nagkwekwento rin sya. AMF... dapat ako pakinggan nya kasi ako problemado. Kelangan ko pa rin ba makinig sa drama ng iba??? hayy

Nakakapag usap naman kami ni Cza sa msn. Lately, nakwento nya na bumabalik na naman pagkaadik nya sa online games. Sinasabi ko na lng sa kanya lagi na "TC", ingats! pero marami akong gus2 sabhin.... marami akong gus2ng ipakita

Lately nagkaroon ako ng maraming problema. Problema sa pamilya... problema trabaho... at kung ano ano pang problema. Halos 3 days akong walang makwentuhan... halos 3 days ko kinikimkim lahat. Bigla kong naisip si Czarina. Gus2 ko syang makausap...

Ako: *Nagdidial ng fone* amf sana nasa bahay sya..

Isang babae ang nagsalita. ang sabi "The phone you're dialing is currently busy". Nak ng tinapa. Bakit bc? Tinext ko sya pero bigla kong naisip na wala na nga daw pala sa kanya ung phone nya. So nagsayang pa ko ng piso grr... Sinubukan ko syang contactin kahit sa msn pero nde ko sya nakikita...

Bigla na lng akong umupo sa upuan. Bat parang pakiramdam ko wala akong mahingahan ngaun? OO anjan ung mga sinumpa kong mga katropa. Pero nde ko feel mag open sa kanila. Mas gugus2hin kong magsolo na lang kesa kausapin ang mga autistic kong mga kaibigan.

Bigla kong naisip, bakit pag sya ang problemado sa buhay, I made sure na anjan ako sa tabi nya. Kahit na gus2 nyang magsolo, andun ako. E ako ayaw ko magsolo ngaun bakit nde ko sya makita? Bakit nde nya ko damayan? Nakakainis isipin na ginawa ko ang lahat para sa kanya pero pag ako wala na...

Nde ako nanunumbat sa kanya, pero diba? it harts.. it harts u know?

Isang araw biglang nag pm si Czarina sa kin

Czarina: Bakit anong problema? Sorry ngaun ko lang nabasa

Siguro nabasa nya ung iniwan kong msg sa kanya...

Ako: Ah wala... problemado lang ako at gus2 kita sana makausap pero dont worry, I managed to deal with my problems alone

Czarina: Waaaa! I didn't know talaga ngaun ko lang nabasa. Besides you didn't contact me.

What the.... hin...di... kita... kinontact?????

Ako: Ilang araw na ko tumatawag sa inyo pero laging bc fone nyo. Ung cell mo naman sabi mo nawala. Di ka rin nag ool sa msn. Nde pa ba contact tawag dun?

Natahimik sya. Well it's better na tumahimik na sya.

Ako: Alam mo kasi naisip ko lang bakit pag ikaw may problema anjan ako. Pro bat pag ako na.. naiiwan na ko sa ere. Ikaw lang ba anak ng Diyos?

Nagsorry na lang sya ng nagsorry. Tapos niyaya nya ko makipagkita later that night.

Ako: Don't worry. Diba sabi ko i dealt with it na. Ok na un no need to comfort me.

Pero sa loob loob ko sana magpumilit sya waaaaaaa...

Czarina: well, ok then. just take good care of yourself...

Naloko na. Nak ng.... Gus2 kita sakalin at i uppercut T___T.

Later that night., nagpasya akong magpunta sa MOA (Mall of Asia astig no?) Nagpunta ako magisa para ba mag unwind. Naghahanap ako ng malapit na parke d2 sa makati pero wala akong makita. Puro building, basura at taong grasa ang nakikita ko kaya sa MOA na lng ako nagpunta. Naglakad lakad, nagsight seeing (ng mga chix lolx) at kumain ako... ng mag isa dun. Nung gabi...

Babae sa mic: Good evening shoppers. There will be a fireworks display at 7 pm. Good evening and enjoy shopping!"

6 pm na pala... Siguro panoorin ko na lng tong fireworks display na to. Minsan naisip ko kung pede sumabit dun sa paputok. Para dalhin na ko sa langit.

Nagpasya akong umupo. umaambon ambon at mejo malakas ang hangin. tamang tama sa emo moments ko! hehehe. Nagpasya akong pumunta dun banda sa likod ng moa. Magyoyosi muna ako para makapag isip isip naman ako. Habang nagyoyosi ako napatingin ako sa parang overpass. bawat poste, may mga magshota o mag asawa na nakatambay. Lintik na buhay to. Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? da pak....

Puwesto ako sa lugar na wala ganong tao. Un nga lang nakakatakot baka machambahan ako ng holdaper. Pero naisip ko, kung hoholdapin man ako, isasama ko na ung puso ko para wala na kong maramdaman (hahaha pinakacorning sinabi ko hahaha)

Pagkatapos ng ilang minuto, bigla na lng may pumutok sa langit. Fireworks display na. Pinanood ko ung makukulay na paputok sa langit. Ung ale na malapit sa kin napatalon sa gulat. Pinagalitan pa ko nung ale kasi pinagtawanan ko daw T_T. Dumami ung nakita kong mga walang kasama na nanonood ng fireworks. Siguro parepareho kaming mga problemado. May nakita pa akong babae na parang lumuluha habang pinapanood ung paputok...

Muli akong tumingin sa mga makukulay na paputok sa langit. Kelan kaya magiging makulay din ang buhay ni malungkutin? Maya maya tumigil na ang putukan...

WTF! wala pang 5 minutes un ah! deym... kala ko panaman mahaba hehehe. sabagay mahal ang mga ganyang paputok. Can't afford na siguro lalo na kung every week sila nagpapaputok.

So ayun nagpasya na kong umuwi. kahit pano nakatulong ung "emo" moments ko sa MOA. Ayoko na ring magpakamartir para sa babaeng yun. Move on! Move on! sabi nga sa kin ni Jay. Siguro un na nga lang gagawin ko. Tama na talaga ang pagiging emo ni malungkutin. Siguro papalitan ko na ang pangalan ko... Masayahin na hehe

0 comments: