Thursday, September 13, 2007

Martir ka ba talaga Malungkutin?

Thursday, September 13, 2007
Ang bigat ng pakiramdam ko sa opis. Sobrang antok. Sobrang walang ginagawa. Andami ko nang nadownload at napanood d2 sa sobrang walang ginagawa... hayz buhay! kelan ka ba sasaya? hehehe

Biglang may nag "ding dong" sa headset ko. Si Czarina nag ol sa msn. Agad nagmsg sya sa kin...

Czarina: Dude, thats a song.

Napakamot ako ng ulo. ha? ano daw?

Ako: Ha? anong song?

Czarina: the one that you sent me a while ago

Napaisip ako... ahhhhhhh..... ung msg ko sa kanyang galing sa lyrics ng bon jovi na "I'll be there for you". Deym that's 3 days ago pa ah? lolxx

Ako: hehe 3 days ago pa yun ah?

Czarina: waaaa sorry!

Ako: nga pala may kasalanan ka sa kin ah! Ininjan mo ko kahapon!!!!!!!!!!!!!!!!

Czarina: Naubos kasi charge ng fone ko and la load that time. Sorry po talaga

Ako: Nde!

Czarina: waaaa Sorry(x10 atang sorry un)

Ako: Biro lang haha. libre mo na lng akong ice cream para patawarin kita...

Czarina: lolx sure

Mejo mahaba usapan namin kaya isasumarize ko na lng. Ayun masaya naman sya kaya ok na ko. Nagpaalam na ko sa kanya dahil uwian na. We said goodbye to each other tapos umuwi na ko. After a while, nagtext sya.

Czarina:Pauwi na ko. Daan ako jan sa shop ha?

Naisip ko naman, siguro mga 11 or 12 pa dadating un so nagdecide akong maglaro muna nba live. Ung isa kong katropa kasi sobrang angas nilabanan ko nga. Natatawa ako lolx. start ng second quarter score namin 33-4 hahaha. lakas mantrashtalk banban naman pala sa nba lolx. Bigla na lang may tumapik sa likod ko

Czarina: lets go lets go! out ka na.

Amp..... kasisimula ko pa lang T_T. Para akong mabait na alaga na sumunod agad hehe. Gagawin ulit namin ung trip namin. Ang maglakad ng sobrang layo. Ang kili kili ko siguradong wet look na naman hehehe. Nag smoke kami ng nagsmoke habang naglalakad, catching things up between us. Sobrang natuwa ako. Pawis na pawis ako pero natutuwa ako.

Czarina: I officially ended my relationship with Mark. Alam mo lumuhod na talaga ako sa kanya nagmamakaawa. Sinisira nya kasi buhay nya para sa kin. I don't want him to be like that.

Ayoko na magsalita. Parang feeling ko walang lalabas sa bibig kong maganda. Nagsalita lang sya ng nagsalita habang naglalakad kami. Nakikinig lang ako. Mejo light naman usapan namin so i guess ok na sya ng konti. Nagdecide kaming umupo muna. Nasa isang street kami na la gano tao. Sarap siguro magtapat ng love d2 hehe.

Czarina: Lemme ask you a question. please answer this directly

Nyay! Bigla akong kinabahan.

Czarina: Gano kasakit ung nagawa ko sa yo dati?

Ting! lolx... gano kasakit? hahaha.... T_T

Ako: Simula pa lang ng minahal kita, until now nasasaktan ako. Kay mark, benny kay leo... especially kay Leo...

Czarina: Gano kasakit?

heller? ano na naman ba to??? nagiisip ako ng sasabhin.. pinaplano ko bawat sasabhin ko... ayaw ko magkamali ng sagot

Ako: Alam mo ung literal na tinutusok ung dibdib mo ng paulit ulit... ganun kasakit. Alam mo ung gus2 mo isigaw pero di mo magawa? ganun ang naramdaman ko...

Saglit natahimik si Czarina.

Czarina: If it really hurts that bad, why do you have to stand by me? why do you have to do all these things for me? Human's first reaction when hurt is to go away and avoid these pains... its in the human nature. Then why are you still here with me eventhough i hurted you so bad... Please tell me the logic in it...

Wow. ano daw? hehehe. kahit ako nagtataka kung bakit hanggang ngaun and2 pa rin ako kasama sya... Sabi ko nga sa kanya ang pride ko naubos na dahil sa kanya. Ano pa ba dapat kong gawin?

Ako: Ewan ko nga ba... mas malakas siguro nararamdaman kong tuwa kesa sa sakit pag kasama kita...

Czarina: .... Do you know that "love" is also the product of our brain? ang utak din natin ang naguutos sa tin na dapat mahalin mo sya etc etc...

Well true... ang silbi lang naman talaga ng puso eh tumibok para mabuhay...

Ako: Naniniwala ka ba sa unconditional love?

Czarina: well, yes...

Ako: Sa sobrang lakas ng emotion or love na tinuro ng utak sa tin para sa isang tao, nagagawa nyang maendure ang lahat ng sakit na nararanasan nya. Nagagawang utusan ng utak ang tao na mangibabaw ang sinasabi nilang love over pain or even hatred. Ganun ang nangyayari sa kin...

Czarina: .....

Ako: naalala mo nung kumain tau ng pizza tapos dumating si Mark? thats pain no.1 . Nung emextra sa buhay mo ung bespren mo, thats pain no.2 . Tapos nung nag jollibee tau tapos biglang dumating si Benny, thats pain no.3 . Yung latest ung kay Leo, at ung pinakamasakit, ang pain no.4 ko. Pero asan ako ngaun? and2 kasama ka... Sobrang mahal na mahal kita...

Nakatingin lang sa kin si Czarina. Alam kong mejo nag iiba ang ihip ng hangin... Eto na kaya ang hinihintay ko dati pa?

Czarina: Pag naging girlfriend mo ba ako magiging masaya ka na?

Ako: di ko alam. Pero sisiguraduhin kong pag naging boyfriend mo ko, magiging masaya ka...

Gusto kong hawakan ang kamay nya... gusto ko syang halikan... yakapin. Pero pinigil ko muna dahil ayaw kong magtake advantage. Gagawin ko lamang un pag natutunan na nya kong mahalin...

Czarina: Sana umulan...

Napa huh? ako.

Ako: Bakit naman?

Czarina: I'm waiting for this sign. God, sana umulan...

Sign... I never knew what that sign means... para san ung sign na hnahanap nya? Ayaw naman nya sabihin kung ano un. Ayaw ko rin bigyan ng kulay at mag isip kung para san ung sign na un.

Di na dumating ung sign na un kasi nde umulan... Sana umulan....

Lalo lang lumaki ulit ang pagmamahal ko sa kanya. Atleast ngaun na rerealize na nya kung gano ako naging martyr para sa kanya... kung pano ko kinain ang pride ko... kung pano ko ginawang tanga ang sarili ko. I hope this will be the start of something new...

1 comments:

Anonymous said...

Truly when sοmeonе ԁoesn't be aware of after that its up to other visitors that they will help, so here it takes place.

Here is my site - komunikuj.Zive.sk