Monday, October 22, 2007

Czarina, ang tunay na Malungkutin

Monday, October 22, 2007
tag-ulan na naman. Ayaw ko ng ulan madami akong naaalala. Ahetyu rain! ahetyu!

Biglang nagtext sa kin si Czarina thru chikka. Wala na nga palang cellphone un.

Czarina: I need to see you today! Gus2 ko lumabas at maglakad lakad man lang

Ayaw ko na sana replyan pero guess what?....

Ako: Sige. see me after an hour

Czarina: Aww.... ok then see yah after an hour

Magrereply pa sana ako kaso naubusan ako ng load. Grabe, ang lakas ko sa globe! Ang lakas ko umubos ng load ng globe!

Humingi ako ng isang oras para makapag isip. Tatagpuin ko ba talaga sya? Nde ba parang mali na tagpuin ko pa sya? Lumipas ang 30 mins.... lumipas ang 1 hour bigla syang dumating. Niyaya nya ko maglakad

Ako: Ayoko maglakad ha! (taas kilay pa un ah!)

Pero guess what ulit?.... Ting ting ting! may tama ka! Naglakad nga kami T__T

Czarina: So how are you now?

Ako: Eto mejo nakaraos na. Nde na ko nalulungkot. Mejo sumasaya na ko

Czarina: Really? That's nice to hear! So who's the girl?

Lakas din ng radar. alam nya agad kung ano sasabhin ko. Sa tagal ba naming magkakilala, nadiscover naming may esp powers kami hehehe.

Ako: Na meet ko sya sa net. She's nice and makes me feel important.

Czarina: Im happy for you...

Ano bang klaseng mukha yan. Biglang lumungkot na namansya

Czarina: How did you do that? How did you get over me...?

Nyay! WTF! Bakit nya tinatanong un? waaaa.....

Czarina: I want to know kasi kung pano ko gagawin mag move on..

Teka bago to ah? di ba ako lang ang may karapatang gumamit ng salitang move on?

Czarina: *Sigh* Maybe its time to tell you something...

WAAAAAAAA.... naku magtatapat ba sya ng pag ibig sa kin? waaaaa! lols feeling ko naman! hehe

Czarina: Remember when I told you about me getting married? Andami kong inoomit na kwento sa yo kasi i don't want to hurt you anymore...

Teka nalilito ako... Concern sya sa akin? sa feelings ko?

Czarina: You remember Leo?... He's the one I'm going to marry

WTF! sya??? sya???? sya?????? waaaaaa. Nawalan ako ng boses...

Czarina: You know naman na he's already married diba? Kahit na alam kong kasal pa sya, I still decided to push this plan...

Czarina: I deleted my friendster because he told me so...

Yeah, naalala kong sinabi nya sa kin na dinelete nya ung friendster nya....

Czarina: He even told me pag nagpakasal kami, kalimutan ko na ang family at mga friends ko... Kahit ayaw ko, I agreed because I love him... Pero sya...

Bigla akong kinabahan ng pagkasabi nya ng Pero sya...

Czarina: Alam mo one time, I was able to decipher his pin code sa phone nya... As I browse the messages, I saw a message of his wife, telling him to go home early. I even read his outbox... he replied that I'm going na... I love you!

Czarina: Niloko nya ko... sinabi nya sa kin na di na sila magkasama sa bahay... na nde na sila in good terms. Pero when I tried to be angry at him, di ko nagawa. Tinanggap ko lahat ng paliwanag nya because i love him. I love him...

Shet... damn shet...

Czarina: I also found out that there is another girl that she's going out with. Pero tinanggap ko ulit lahat un...

Tumutulo na ung luha nya... Kahit anong punas ang gawin ko, tuloy tuloy ang luha nya... Di ako sanay sa ganito. Di ko kayang makakita ng babaeng umiiyak...

Czarina: When I told him bout my past, he just told me "Tapusin na nga lang natin to, maghiwalay na lng tayo." When I needed comfort and hug from him, wala sya... Pero ok lang sa kin kasi nga I love him

Ang kamay ko sumasakit na sa sobrang pagkasarado neto. Halong galit at awa ang nararamdaman ko...

Czarina: Why? why is this happening to me? I just want to love and be loved... but why? I gave everything to him.. even myself... because I love him. Ang sakit sakit.

Humahagulgol na sya. Wala akong magawa. wala akong masabi. Nilagay ko ang ulo nya sa balikat ko at niyakap sya. Dun na sya umiyak ng todo. Damn... Damn... Damn that guy!

Ako: Nasabi mo na ba to kay Jona?

Czarina: ayoko sabihin sa kanya... I don't want to break her heart anymore. Remember when 1 time pumunta ako sa shop kasama sya? She cried a lot when i told her about me getting married. She kept on telling me na nde na ko ung Cza na kilala nya. Lagi nyang sinasabi na ang lahat ng mahal ko, mahal nya wag lang si Leo. Pag nalaman pa nya ang buong story about him, I would surely break her heart...

I can't say anything anymore... Ung natuyo kong tear ducts, nababasa na... may tumutulo na sa tear ducts ko...

Czarina: You know, nde ako to eh. I'm not willing to sacrifice my pride, friends and family just for this stupid love. Pero nung ginawa ko naman un, I did it for the wrong guy... Ang kasalanan ko lang naman eh nagmahal ako... pero bakit ako nasasaktan ng ganito...

Czarina: Sasabhin nyang kalimutan ko lahat para sa kanya... gagawin ko lahat un. I wouldn't accept being a mistress, pero ready akong gawin un para sa kanya....

Dito na tumulo ng tuloy tuloy ang luha ko... Nakikita ko ang sarili ko sa kanya... I know kung gano kasakit ang gawin ang lahat para lang sa wala...

May mga taong tumitingin sa min pero wala na ko pakialam. kailangan ako ni Czarina ngaun... Kailangan nya ng kadamay ngaun...

Bigla ko naisip tuloy, parang mas dapat sa kanya ang pangalang malungkutin. Mas martir pa sya kesa sa kin...

Czarina: Ang drama na natin (sabay ngiti), ang dami pang lamok. puro pantal na ko oh!

Shucks.... nakuha pang magjoke... Joke 3x!!!

Czarina: Libre mo ko ice cream!

Nak ng teteng, papalibre lang ng ice cream iiyak iyak pa hehehe. Kumain kami ng Sundae sa mcdo. 24 hours mcdo sa lugar namin eh.

Czarina: Sarap talaga kumain ng ice cream pagkatapos magdrama.

UU masarap yan. Kahit naman di ka nagdrama basta libre masarap. Pagkatapos naming kumain nagdecide kami maglakad lakad ulit. Parang walang nangyari at kumanta kanta pa kami habang naglalakad. Gus2 ko lang syang pangitiin ulit. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, nagpasya na kaming umuwi, hinatid ko sila sa tapat ng bahay nila.

Czarina: Thanks talaga... thanks. You've done a lot for me.

Ako: Sus anong ty. May utang kang ice cream. IyakiN!!!

Czarina: *taas kilay* Who's the big boy who cried a while ago ha? ha? ha?

Grabe, hanggang ngaun tinatapakan pa rin nya pagkalalake ko.

Hindi nagtagal biglang umulan. Tila nakikisama ang langit sa min.

Czarina: Naaalala mo ung sign na sinasabi ko sa yo dati? Humihingi ako ng sign sa langit na pag umulan, iuurong ko ang plan. It didn't rain that night pero sunod sunod ang ulan pagkatapos nun...

ngaun ko lang naintindihan un. Hiniling nya pala un para sa sarili nya...

Bigla sya lumabas at nagpaulan. Empre nagpaulan na rin ako. Ang sarap pala maligo sa ulan. Parang nililinis nya kung ano mang lungkot meron ka sa katawan. Tumingin ako kay Czarina. Tama ang sabi ng kaibigan ko, kelangan lang nya ay isang totoong kaibigan. Bigla akong natawa

Czarina: Bakit ka tumatawa?

Ako: Kasi atleast may natupad akong promise sayo this day. I managed to heal some of your pains at naging pader mo ko ngaun. Ayus

Czarina: Yeah! and i cant thank you enough for being here with me!

Biglang lumapit sa kin si Czarina. Niyakap nya ko ng mahigpit. After all these years, gus2 ko syang mayakap. Kelangan ko lang palang maging tunay nyang kaibigan para mkasama ko sya.

Czarina: Promise me one thing. Pag naisip ko na nde ko na kaya at bumalik ako sa inyo, Promise me that you will bring me back. Promise me na kahit anong mangyari ibabalik mo ko sa dating Czarina...

Ngumiti lang ako sa kanya. Alam na nya un. Eversince naman sinabi ko na lagi akong and2 sa kanya. Mejo naiba nga lang. I'll be her friend till the end. Kahit anong mangyari, di ko sya pababayaan...

0 comments: