Friday, November 30, 2007

Ang pagtatapat sa library

Friday, November 30, 2007
Mahigit isang linggo na ng huli kong nakita si Jamie. Siguro nga ganun na lang talaga un. Kiningailangan nya ng comfort, so binigay ko naman un sa kanya. Nde na rin ako nagagawi sa park... sa swing. Simula nung matapos ung bakasyon ko, tambak ang mga trabaho. Balik alila na naman ako sa mga koreano. Malapit ko na talaga iboycott ang jamppong.

Walang araw na nde ko sya inisip. Kainis naman. Mejo apektado ako pero di ko alam kung bakit. Acquintance lang kami. Siguro pareho lang kami natuwa sa paglalaro ng larong yon kaya nagkasundo kami. Mejo tumigil na ko sa pagbili ng crossword. Wala na yatang silbi pa. Araw araw akong dumadaan sa park na yon at umuupo sa swing. Nagbabakasakali ako na makita ko sya at magtapat na rin. Pero sa loob ng isang lingo, ni bakas nya di ko makita. Yung school ni May nde ko na naaabutang bukas kasi nga nasa trabaho ako. Kainis talaga...

Isang araw nagpasya akong maglakad na lang pauwi. Mejo nawala na sa isip ko si Jamie dahil mejo natanggap ko na. Sakto napadaan ako sa isang library malapit sa min. Kahit ganito hitsura ko, mahilig din naman ako magbasa. Nagtataka lang ako, bigla kong nagustuhan magpunta sa library. E ang binabasa ko lang naman eh FHM at Maxim. Habang naghhanap ako ng magandang fiction books, parang may napansin akong babae na nagbabasa sa isa sa mga tables dun. Napa "shit" ako. Si Jamie! Tumayo ako sa likod nya.

Ako: Bakit bigla kang nawala? bakit ni nde mo man sinabi sa kin na wala ka nang balak makipagkita?

Mejo nagulat si Jamie. Napahagis ung crossword na sinasagutan nya. Grabe naglalaro pa rin pala sya nun?

Jamie: Pasensya na... kasi meron akong mga problema ngaun. Nahihirapan ako ngaun. Ayaw ko naman mag alala ka at ayaw ko na rin na pati ikaw e mamoblema sa problema ko.

Ako: E handa naman ako makinig sus. Alam mo namang and2 lang ako para sa yo eh. E ano ba problema mo?

Jamie: Alam ko alam mo na yung tungkol kay William. Kasi nakita ko ung reaksyon mo nung nasulat ko ung name na yun. Nabanggit din sa kin ni Mylene nung pagkatapos nyo mag usap. Andun ako... kaya lang nde na ko lumapit. Balak ko na rin sabhin sa yo.

Sumisikip dibdib ko lol. Nde pa nga ko nagtatapat basted na hehehe T_T

Jamie: Si William kasi... siya ang nagpasaya ulit sa kin dati nung nalulungkot ako. Naging masaya ung mga time na kasama ko sya. Alam mo kung ano rin ang libangan namin nun? Ang paglalaro nitong... crossword puzzle...

Unti unti ko nang naiintindihan... kung bakit naging malapit s ya sa kin...

Jamie: Dati bibili pa kami ng dyaryo ni Will tapos sasagutan namin pareho. Sa mga simpleng bagay, napapasaya nya ko. Basta kumpleto araw ko pag nakakasama ko sya. Pero isang araw, bigla sya nagpaalam sa kin na pupunta sya ng ibang bansa. Kelangan nya daw muna ayusin ang buhay nya... kung sakali daw magkakatuluyan kami, wala daw mangyayari.

Nde ako makapgsalita. Yung mga words parang naipon lahat sa lalamunan ko.

Jamie: Sinubukan kong pigilan sya pero nung nagsimula na sya magsalita, nde ko na nagawa pang kumontra. Ayaw ko kasi ng diskusyon. Basta naisip ko na lang na makuntento na lang kung anong patutunguhan ng relasyon namin. Alam mo sabi nya sa kin "Mag ingat ka d2. Ingat ka sa mga manloloko d2 ha? Basta ikaw lang ang nandito *turo sa dibdib*".

Nde ko alam kung matatawa ako o maiiyak ako. Ang gandang coincidence neto....

Jamie: Nung nakilala kita, kala ko magiging ayos na ang lahat. Kasi nagagawa mo kong pasayahin. Mejo nakakalimutan ko na nga sya eh. Pero isang araw bigla syang tumawag sa kin. Biglang bumalik ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Dun ko naisip na umiwas sa yo. Kasi nagiging malapit ka na sa kin, ayaw ko namang lokohin ka at paasahin... don't get me wrong pero i really like you a lot. Siguro nga may feelings ako sa yo, pero nde ko talaga alam. Mahal ko pa rin talaga si Will

Tsuk! Tsuk! tsuk! alam ko na kung bakit. Nabanggit siguro ni Mylene na balak ko sya ligawan. wow. Sarap pakinggan ng mga bagay na to. hahaha. nababaliw na ata ako

Jamie: Ngaun kuntento na kami sa ganitong setup. Long Distance love affair nga daw tawag nila. Naalala mo nung sinabi ko sa yo na lalapitan kita dati pero kausap mo si Mylene?

Ako: yep

Jamie: Kasi balak ko sabhin ito agad lahat sa yo. Ayaw ko rin kasi mawala ka. Parte ka na ng buhay ko. Sabhin na nating napakaselfish ko, pero ganun talaga... sorry talaga

Bumuntung hininga ako. Kainis. Buti na lang, manhid na ako ng kaunti kaya konting kirot na lang. Mga 200 saksak ng icepick lang ung katumbas na sakit.

Ako: Basted na pala agad talaga ako hahaha. Oh well...

Jamie: Nabanggit kasi sa kin ni Mylene na... un nga...

Ako: Bweno sanay naman ako maging shock absorber eh. Alam mo naman ung kwento ko kay Czarina diba? Siguro magiging shock absorber mo na lang ako.

Jamie: Naman eh. Wag ka namang ganyan

Ako: Sus ayus lang ako. Nde naman ako mawawala and2 lang naman ako naghihintay sa yo eh. Oh pano, kelangan ko na umalis maaga pa ung pasok ko bukas eh. Usap na lang tayo bukas

Jamie: Ok. Ingats pauwi

Lumabas na ko mula sa library. At nagsimula maglakad pauwi. Napadaan ako sa may park. Nagpasya akong umupo muna sa swing. Nde ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko. Kasabay ng kalugmukan ko ang paglakas ng hangin. Ung mga basura nagliliparan sa mukha ko kaya nagpasya na ko tumayo at umuwi na lang. Nag napadaan ako sa mga puno ng mangga, sunod sunod na pagbagsak ng mga dahon nito. Ang drama ng setting no? Bigla kong natanong sa sarili ko, bakit nga ba kung sino pa ung nagmamahal, sya pa ang nde makuhang mahalin? Bakit kung sino pa ung handang tumayo sa tabi mo, sya pang binabale wala? Nde ko talaga makuha ung logic ng ganun. Kibit balikat na lang akong naglakad pauwi. Nadaanan ko rin ung shop na nilalaruan ko pero wala na kong gana maglaro. Gus2 ko na lang umuwi. Sigurado namang bukas, ok na ulit ako. Sigurado naman akong mabubuhay pa rin ako bukas...

0 comments: