Naulit ng naulit ang pag uusap namin ni Jamie. Para
ngang tuwing magkikita kami, parang ung mga ginawa
namin, pareho pa rin. Parang ung mga pelikula tuwing
tanghali na paulit ulit mo na lng napapanood. Pero e
sino ba naman ako para magreklamo? Masaya ako sa ganun
bakit ba. Saka mahilig ako manood nung mga pelikula
tuwing tanghali bakit ba?
Jamie: Laro tayo crossword!
Sumimangot lang ako. OO na talo na ko. Taas na nga
dalawa kong kamay eh. Mas magaling ka na. Bat di ka na
lang kaya maglason?
Ako: Sige tara laro tayo
hehehe... Oo na. Isa akong engot. As usual, talo na
naman ako. Pinanganak na talaga akong maging alipin ng
mga babae, so ano magagawa ko? Tiningnan ako ni Jamie.
Ako naman nashy type bigla, lumingon sa kabila. Maya
maya tumawa na naman sya
Jamie: Talo ka na naman hahahahaha
Sabi ko na nga ba eh.... tsk.
Ako: Uu na. sus. magdodota na nga lang ako dun sa shop
Akmang aalis na ko ng bigla nya ko pinigil.
Jamie: Eto naman di mabiro. Kita ko ung sagot mo oh,
sinadya mong palitan hehe.
Sumimangot lang ako.
Jamie: Kwentuhan na lang tayo. Kahit ano basta
magandang pag usapan
Nagpasya kaming umupo dun sa may swing. Ung isang bata
gus2 yata magswing, pinaalis ko. E bakit ba? Yun lang
kaya kong i bully eh hehehe.
Ako: Alam mo bang kakatapos ko lang sa isang heart
ache?
Biglang napatigil sa pag ugoy ng duyan si inay.. ay si
Jamie at biglang napatitig sa kin. Bigla akong
pinawisan ng malagkit hehe.
Jamie: What happened?
So ayun kinuwento ko ang lahat lahat sa kanya. Dapat
nga papabasa ko na lang sa kanya tong blog na to para
di ko na kelangang magkwento. Natutuyo lalamunan ko sa
haba ng kinuwento ko sa kanya. Kasabay nun eh ang mejo
pag wetlook ng aking tear ducts. Kasalanan ni Czarina
to, nabuksan tuloy. Nakwento ko rin sa kanya ung mga
hang ups ko sa buhay. Sa family, sa work, pati ung mga
frustrations ko nakwento ko sa kanya. Yung kapit ko sa
swing mejo napahigpit masyado, kumapit ung mga
kalawang sa kamay ko waaaa..
Jamie: Ganun pala nangyari sa yo.... Im sorry to hear
that ha?
Ako: Hay naku, ok na un. mapakinggan mo lang ako
masaya na ko nun. Atleast nalabas ko lahat. Kasi ung
mga tropa ko, walang alam gawin kundi magdota at
magdota lang. La ako masasabhan sa kanila hehehe.
Muling umugoy sa duyan ni nanay, ay sa swing pala , si
Jamie. Seryoso mukha nya ngaun. Para syang
pinagsakluban ng langit at lupa.
Ako: O bakit naman ganyan mukha mo. Wag mo sabhing
naapektuhan ka sa mga sinasabi ko?
Jamie: Naman... nde may naisip lang ako. Things from
my past...
Ako naman ang tumitig sa kanya. Wow, ang daya di sya
pinagpapawisan lol. Wa epek hehe.
Jamie: May gus2 kasi ako sabhin sa yo about sa kin eh.
Tungkol sa buhay ko...
Tumigil sya sa pagduyan. Mukhang seryoso nga to ah.
Jamie: Kasi alam mo di ko tunay na anak si May. Ang totoo nyan, kapatid ko sya. Ulila na kasi kaming dalawa kaya ayun...
Ako: E bakit nung isang araw mommy tawag nya sayo?
Jamie: Kasi nga ako lang ang nakasama nya since bata sya. Ayun ang tawag na tuloy nya sa kin eh mommy. I was just makin stories tungkol sa tatay nya. Mabait tatay namin, kaya lang… talagang ang hirap tanggapin nung mga nangyari
Nikwento nya sa kin ung nangyari sa kanilang pamilya. Nung una mejo matampuhin pa daw sya. Kasi nga daw, balat sibuyas sya. Ung balat nya kulay sibuyas ^_^. Naging rebelde sya, dahil nga ang feeling daw nya eh parang nde sya minamahal ng mga magulang nya.
Jamie: Bago kami mapadpad d2, galing akong Davao. Sumakay kaming barko nun papuntang manila. Baby pa si May nun kaya walang alam sa mga nangyari. Nung natutulog na kami, bigla na lang ang daming nagsisigawan at nagtatakbuhan…
Tumayo si Jamie at sumandal sa pader malapit sa swing.
Jamie: Nagkakagulo mga tao. Unti unti na palang lumulubog ung barko. Takot na takot kami ng nanay ko. Pero si Tatay, calmado lang sya. Tahimik lang sya habang nakayakap sa ming tatlo ni nanay at ni May. Hinila kami ni Tatay at pinagsuot nung life vest. Isa na lng available nung time na yun, kaya binigay na lang nila sa kin. Iyak na ko ng iyak nun
Pinupunasan na ni Jamie ung mata nya. Bat parang naiiyak din ako waaaaaaa. Nag abot ulit ako ng panyo kay Jamie. Siningahan nya ulit un. Namaaannn…. Peborit kong panyo un T_T
Jamie: Pinasakay na ko ng tatay at nanay ko dun sa bangka na maliit. Inabot din ni nanay sa kin si May nun. Niyakap nila ako ng mahigpit. Gus2 ko sanang tumalon pabalik ng barko pero pinipigilan ako ng mga tao. Sigaw ako ng sigaw “Nanay! Tatay!”. Sinabi sa kin ni Tatay “Ingatan mo si May. Mahal na mahal ko kayo…” Dun ko narealize ang mga mali ko dati. Bakit ba kelangan may mangyari bago mo marealize ang mali mo?
Umupo na naman sya sa swing, iyak na sya ng iyak. Ang likot nya ha? Napaupo tuloy ulit ako sa swing.
Jamie: Pinanood kong lumubog ung barko kasama ung mga magulang ko… Halos mabaliw ako kakaiyak nun. Pero nung tiningnan ko si May, dun ko narealize din ung responsibilidad na kelangan kong gawin para sa kapatid ko. Hanggang ngaun namimiss ko mga magulang ko…
Umugoy ugoy na sya ng swing.
Jamie: Buti nalang at kinupkop kami ng tita ko. Kinupkop kami hanggang sa magkatrabaho ako, at ayun nga hanggang mapadpad kami d2 sa lugar nyo.
Ako: Teka pala, alam ba ni May na kapatid mo sya?
Jamie: Sus oo naman. Nasabi ko na sa kanya dati ung story na to. Un nga lang nasanay syang tawagin akong mommy, so ok lang siguro un.
Napatingin ako sa panyo. Tsk…
Ako: Hmm…. Wag mong sabhing sasauli mo ulit sa kin yang panyong yan ha? Mejo kadiri kasi ngaun, parang ang dami mong sininga
Bigla akong binatukan ng malakas ni Jamie. Masama ba magsabi ng katotohanan waaaa
Jamie: Ay ewan ko sayo! Ang seryoso ko d2 tapos ung panyo pala ang concern mo! Bahala ka jan
Anak ng… waaaaa!
Ako: Oi biro lang waaaA! Nakikinig naman ako eh
Jamie: Basta ewan ko sayo!
Here we go again sa sumpang yan. Tsk para akong tuta na habol ng habol sa kanya hehehe. Pero atleast nakita ko na naman syang ngumingiti. Akalain mo bang pang maalalala mo kaya ang kwento ng buhay nya? May bago na namang target si Malungkutin. Eto na naman ang pangako ko na sasamahan sya hanggang sa Makita ko sya uling masaya.
Monday, November 26, 2007
Ang swing
Posted by Malungkutin at 8:36 PM Monday, November 26, 2007Labels: Ang Love story ni Malungkutin Book 2
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment