Friday, February 15, 2008

2x kwento, 2x sakit

Friday, February 15, 2008
wohoooo.... wow! ang tagal kong nde nakapagsulat. Akalain mong marunong pala akong mag busy busihan? Todo kayod ako talaga. Pero ang nakakainis lang, nung minsang tanungin ako ng koreano kung ano ginagawa ko, at mejo namental block ako, ayun sukat ba namang sabhin sa king wala raw akong ginagawa. tsk. Meron bang batas na nagbabawal pumatay ng mga alien? Gus2 ko na tagpasin ulo netong mga koreanong eto. Mga alien naman sila diba? diba??? DIBA?????

Eneweyz, ayun, dumaan ang bagong taon, bertdey ko, at balentayns, lonely is the night pa rin ang drama ko. hehehe. Si Czarina kasi naglahong parang bula, umuwi sa probinsya nila, tapos di na nagparamdam eversince. Tapos na nga siguro role ko sa kanya. Si Jamie naman, lagi kaming nagkikita sa may park, pero parang ang daming nagbago, parang naging malamig na sya (o ako siguro ung naging malamig). Grrr.... kala ko sumasaya na ko dati. Un pala, "Welcome to Malungkutin Land" na naman pala ako hehe. Mas pinili ko magtrabaho (at maglaro ng psp hihihi), kesa makipag sosyalays sa mga tao sa paligid ko. Un pala dahil sa mga sinumpang lahi ng mga boss ko, parang nabalewala. Mukhang makakasulat na ko ng marami after this, kasi balak ko na magresign. Nawawalan na ko ng dangal sa trabahong to. Daig ko pa nga ung mga pokpok sa kanto, mas ubos na ang dangal at puri ko rito. Tsk...

So ayun, kwento ko muna ung tungkol kay Jamie. Nagulat na lang ako ng isang araw kinausap nya ko

Jamie: Kelangan na lang natin siguro tanggapin na things change, people change....

Biglang nanlake mata ko at napakamot ako sa ulo. Ano daw? things change? people change?

Ako: Ano naman sinasabi mo jan? wag ka nga magdrama jan

Jamie: Marami na kasing nagbago... di na nga natin mababalik pa ung dati talaga

Napa waaaa ako.

Ako: Ano ba yan... marami lang akong ginagawa kaya di na ko gano nakakapunta d2 sa park

Tumahimik lang sya. Yun ang nakakainis sa kanya, ayaw nya magsalita, ayaw nya magpaliwanag. Uminit ulo ko ng di ko namamalayan

Ako: Pag ikaw ba may ginagawang iba, nagrereklamo ba ako? Pag nde mo ko kinakausap nagreklamo ba ako? E bakit pag ako, nde lang ako makapunta dito, iisipin mo agad na ganyan. Pinipilit kong ibalik ung dati pero ikaw... ikaw ayaw mo mag effort....

Jamie: ok...

Nagpanting na tenga ko...

Ako: Jan ka magaling. kakausapin mo lang ako pag problemado ka na. Sino nga ba naman ako? isang shock absorber lang naman ako

Mejo kumunot ung kilay ni Jamie. Parang gumigilid na rin ang mga luha sa mata nya. Akmang may sasabhin pa sya ng bigla na lang sya tumalikod at naglakad palayo...

Sinubukan ko pa syang habulin pero ayaw na nya ako kausapin. Tinetext at tinatawagan ko pa sya pero ayaw na rin nya ko kausapin. Sa isip isip ko, napakalaki kong tanga. Dapat alam ko na ung nararamdaman nya pero nagpadala ako sa init ng ulo. Kaw ba naman di kausapin ng ayus, di ba mag iinit ulo mo? Pero naiinis ako sa sarili ko... muntik na sya mawala sa kin... ngaun mukhang mawawala na talaga sya sa kin ng lubusan....

Kanina lang nung papasok ako sa office, naglalakad ako paakyat ng overpass para pumasok. malalate na ko, kelangan ko talaga takbuhin para makarating ako ng tama. Habang naglalakad ako paakyat, napansin kong may babae na nakaholding hands sa isang lalake. Nung titigan ko ung babae... nakanampucha..... si Czarina! at kasama pa nya si Leo!!!! Parang biglang nag slowmo na naman ang paligid ko. Nagkatinginan kami ni Czarina... nabasa ko pa ung sabi ng bibig nya na "Oh shit". Di ko alam kung minumura nya ba ako o bigla lang syang nashock, pero nak ng tokwa, Para akong pinasagasaan sa MRT ng mga oras na yun.... naghahanap nga ako ng puno ng mangga kasi mahangin nun eh, tamang tama sa drama ko ung mga nahuhulog na dahon ng mangga. Nagtakip pa sya ng mukha na parang nagtatago sa ken. E gaga pala sya eh nagkatitigan na kami eh. Biglang nagpaflashback sa kin ung mga moments of cry cry effect nya sa akin. Sa coffee shop... sa kalsada.... nung nagpaulan kami at nagsayaw.... Bigla kong naisip na para san ung mga ginawa nya dati? Para san yung mga luha na ginamit nya? Ayaw ko isipin, pero bakit parang pakiramdam ko pinaglaruan nya lang ako? Parang nde kami magkakilala na dinaanan ang isa't isa. Ni walang hi! walang hello! Mejo masakit un ah... mejo lang... parang sinagasaan lang ako ng tatlong mrt bus ng 3x. Kinain ko ang pride ko para sa kanya. Pero bakit parang wa epek? Nagpapakatanga pa rin sya dun sa Leo nya... Ayaw ko muna sya makausap. I feel betrayed. Wag nya ko subukang kausapin dahil talagang mamumura ko sya....

Parang ang ikli ng sulat ko no? hehehe kasi bigla akong tinamad at may ginagawa pa ko d2 sa bahay ng mga alipin. Mamaya mag iinom ako sino gus2 sumama? hehehe. Leche. Bwisit.... ayoko na maging malungkutin.....

0 comments: