Ayan, nagkaloko loko ung widgets ko, tinatamad na ko ayusin... kung sino man makakatulong sa kin kung pano icategorize ung every topic, libre ko kayo. Gus2 ko kasi isunod sunod ung mga entries ko kasi, duh, magkakasunod sila. Ung mga old entries ko kasi di na nababasa, kaya di masundan ung ka emohan ko hayyyyy. Eniweyz, eto na ung karugtong nung weekends kasama si Jane. Ubrang tagal na no? hehehe.
Natuloy na kami papuntang tagaytay. Excited na ko. Ang nagdrive nung revo namin e ung pinsan ko. Nanay ko kasi wala tiwala sa ken, so ayun backseat ako. Katabi ko si Jane, tapos katabi ni Jane ung isa kong pinsan. Dinaanan namin ung isa naming pinsan. Yung bahay nung pinsan ko eh mejo sa loob na ng gubat. Kita ko na mejo di mapakali si Jane
Ako: Ayus ka lang?
Jane: Ok lang. Bat dito tayo dumaan? Kakatakot naman dito
Tinawanan ko lang sya. E kasi madilim dun at walang ilaw mga daan. Tapos di pa sementado ung daan. Bigla nya kong kinurot ng pinong pino
Ako: Arayyyyyy
Nagtinginan mga pinsan ko sa ken. Tapos nagtawanan. Hanggang sa mga kamag anak ko, tinatapakan pa rin nila pagkatao ko. Tadhana ko na nga ata un
Ako: E dadaanan pa natin ung isa naming pinsan eh. Magtiis ka sa dilim
Tinaasan ako ng kilay ni Jane. Nabanggit ko na ba na isa sya sa may pinakamataray na mukha na nakita ko.
Buknoy: Tamang tama, pede na natin ihulog yang si Jane d2 sa madilim na lugar na to
Tawanan sila. Di ako makatawa. Pisil pisil ni Jane ung braso ko. Baka pag tumawa ako, biglang pilipitin yung braso ko.
So ilang minuto pa nakalipas, nakarating na kami sa bahay ng pinsan ko. So ayun chika dun chika d2. Maya maya may naamoy akong mejo sibuyas
Ako: Ano ung amoy sibuyas?
Biglang tumawa ung sinundo naming pinsan.
Lita: E kasi naghihiwa ako ng sibuyas kanina eh, tagal mawala nung amoy hehe
Nagrolling eyes na lang ako sabay tawa hehe.
After mga 30 mins nakarating na rin kami sa Tagaytay. Wow ang lamig. Inalalayan ko si Jane at sabay kami naglakad papuntang Angelino's Pizza. Kakain muna kami.
Grabe ang lamig sa Tagaytay nung gabi. Yung pawis ko na pilit ng pilit lumabas eh ayaw nang magpakita. Ganun kalamig sa Tagaytay. Si Jane, kulang na lang yakapin ako sa sobrang lamig. Ulitin ko? muntik na nya ako yakapin! lol. Tuwing lilingon ako sa kanya, lagi syang nakatingin. E ako makikipagtitigan din, pero biglang iilag din hehehe. Nakipagkwentuhan na lang ako sa iba kong pinsan habang sya eh nakikipagkwentuhan din sa iba kong pinsan.
Maya maya, umorder na kami. Simpleng kain lang, since kakakain lang namin. Pagtingin ko kay Jane, Kita mo na ginaw na ginaw ang loka. Sa awa ko, pinilit kong kunin ung jacket ng utol ko (uu nga pala kasama nga pala ung isa kong utol LOL) at binigay ito kay Jane. Tuwang tuwa ang bata at nakipagkwentuhan na sa ibang kong pinsan. Ganun lang un. Walang ty. Tsk.
Pagkalipas ng ilang minuto dumating na ung pagkain. Paglapag pa lang, kuha na kami agad. Galit galit muna. Parang di magkakakilala. Random akong hahaplusin ni Jane para iparamdam ang malamig nyang kamay. Badtrip, nadedevelop ung incest love ko HAHAHAHA. Nagkayayaan na rin kaming uminom dun. Nakatig 2 bottles lang kami. Mahal mahal ng beer d2 eh. Habang umiinom, napatingin ako sa kanya. Ang ganda nyang tingnan. Pag tumawa sya, pag nagsasalita sya... lahat maganda sa kanya. Magaling rin sya makisama kasi nakakwentuhan nya agad ng mahaba ung mga taong ngaun nya lang nakilala. Kasi naman... bakit kelangang maging magkamag anak kami...
Pagkatapos naming kumain ay dumaan kami sa starbucks para mag take out ng coffee. Gabi na rin kasi eh. Naisip naming sa bahay ng pinsan ko na lang kami mag inom. Nagdrive na kami pauwi and after 3o mins, nasa min na kami. Ang tagal pa namin nakainom dahil wala nang tindahang bukas ng ganung oras. Alam nyo naman sa mga probinsya, mga takot sa aswang ayaw magpagabi. Nangatok pa kami ng tindahan para lang makabili. Tsk. So ayun, after almost 1 hour, natuloy na rin kami uminom. Para ngang mg awala nang gana kasi lahat antok na. Kahit si Jane kita ko na inaantok na eh. So may nag shot nang isa. Maya maya, bigla silang nagtawanan. Tawa ng tawa ung 3 pinsan ko. Tawa rin naman kami. Pero di ko alam pinagtatawanan nila waaaaa. Hanggang sa matapos ung iniinom namin, tawa sila ng tawa. Kala mo mga nakatyongke ang mga loko tsk. So mga 3am, nagpasya na kami umuwi. Si jane sa min matutulog. Habang naglakad kami sabi ni Jane...
Jane: Bat ganito mag inom senyo, walang taga shot.
Abah. Nakuha pang mampula. Sabagay di na namin naisipang may tanggero nga dahil sa lokolkong 3 na tawa ng tawa. Nangyari kasi , kanyahang tagay, kanyahang inom.
Pagdating namin sa bahay, binigyan sya ni Nanay ng kumot at unan. Dun sya matutulog sa bakanteng kwarto.
Jane: Magtotooth brush lang ako ha?
Umoo lang ako at naupo muna sa sala. Almost 15 mins na nakakalipas di pa rin lumalabas sa banyo. 5 beses ba sya magtoothbrush??? Waaa.... Sa tagal nya lumabas e nakatulog na pala ako sa sala. Nagulat na lang ako ng ginigising ako ng kapatid ko. Pagtingin ko sa maybandang kwarto, nakatayo lang dun si Jane at tinitingnan ako. Lumapit muna ako sa kanya para mag goodnight. Habang nag gogoodnyt ako, binigyan nya ako ng isang sobrang tamis na smile. Iyon ang isa sa pinakamagandang nakita ko sa buong buhay ko.
Jane: Good night. Kakatapos lang magnovena habang natutulog ka. Gising ka maaga ha sisimba pa tayo.
Di na ko nakapagsalita. Parang na starstruck ako sa nakita ko. Habang papasok na ko sa kwarto ko ay nakangiti pa rin si Jane sa kin... Sabi ko na nga ba eh. Tinitigan mo ko, ayan naiinlove na ko sa yo! Tsk. Badterp naman.......
Pero kung sabagay, sa sobrang layo nming magkamag anak, naiba na spelling ng surname namin. So.... PWEDE siguro hahaha. Pero di ko muna iniisip un. Ang mahalaga naging masaya si Jane sa pagbisita nya sa min. Naisip ko... Simula pa lang to ng mahaba habang pag uusap namin
Friday, May 16, 2008
Ang weekends kasama si Jane (Part 2)
Posted by Malungkutin at 1:26 AM Friday, May 16, 2008Labels: Ang Love Story ni Malungkutin Book 3
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment