Wohoo! Ayan tag ulan na. Grabe si bagyong frank, ang lakas ng ulan. Halos maghapon walang charge ang cellphone ko dahil sa bwiset na brown out na yan. Malamang nainis na si Jane dahil nga di ko nareplayan ung text nya. Kakaroon lang ng kuryente, so.... bahala na kung isumpa nya ako oh nde ^^. Tuloy ko na lang story ko about kay Jane...
So after ng bakasyon namin sa province namin, naulit pa ang pagkikita namin. Mas napadalas din ang pagtetext namin. Ung all text na niloload ko nauubos sa isang araw lang. Minsan nga kalahating araw lang eh. Ung inbox ko, puro Jane... Jane... Jane... ang laman. Di ko alam.. parang feel ko isave eh, bakit ba? "Special" sya eh, bakit ba?
Madalas ako pumunta sa kanila ngaun. Halos araw araw nagbabyahe ako ng malayo para lang makasama sya. Masaya kasi kasama si Jane, sya yung tipo ng tao na di nauubusan ng sasabhin. Ung tipo ng tao na di ka bibigyan ng chance para magkwento hehe. Kinokompliment namin ang isat isa - Makwento sya, Handa ako makinig. Ang saya no? Nakatropa ko na rin ung mga kasama nya sa bahay. Lahat sila natutuwa sa ken hehe. Kaya lang ganito lagi entra nya pag ipapakilala ako
Jane: Meet mo si [malungkutin], pinsan ko!
Di ko naman sya pinsang totoo, bat ba un pakilala nya? Parang pinapatay nya na agad ung kung ano mang pag asa meron ako. Strike 1 ako dun.. Lagi nya rin kinukuwento yung tungkol sa ex-boyfriend nya na nasa ibang bansa. Ang kwento nya eh ex, pero ang dating eh cool off lang. So, Strike 2 na ko dun. Bigla bigla na lang din sya magkukuwento nung young looking current bf nya na mejo break sila na mejo inis sya na mejo dedma na sya na mejo ewan ko sa kanila. Akala daw nya kasi un na ung mr right guy for her, kasi after magbreak nila nung bf nyang nasa ibang bansa na, un na ung pumalit. E ang kaso, after naging sila na, parang nawala sya sa priority nung lalake. Sabagay kakainis nga naman un. Pero bat ko sinusulat pa to? Kasi un ang strike 3 ko....
Minsan nagkakuwentuhan kami about sa posibilidad na magkarelasyon kami. Biruan ba.. (Pero di biro para sa ken T____T)
Jane: Di kaya tayo pede maging item? Unang una magkaapelyido tayo
Ako: Iba spelling kaya? Kita mo nga. Check mo nga kung magkapareho nga ba!
Jane: Kahit na! Ganun pa rin un! Saka iba magiging dating nyan pagdating sa mga matatanda.
Kamot lang ako ulo... sabagay, mga matatanda kasi... bat kelangan nila mag isip matanda!
Jane: Isa pa, ayoko na magkaroon ng relasyon na galing sa pagiging magkaibigan. Nasisira lang kasi kaya ayaw ko na.
Ako:Nyek. Nde ba mas magandang dun magsimula kasi makikilala mo na ng lubusan ung tao?
Jane: Ah basta, ayoko!
Para nya kong binabasted ng di naman ako nanliligaw. Ano ba kasalanan ko???
Ako:Ok fine, Watever (sabay sign ng "W" gamit mga daliri). Natawa na lang din sya.
Jane: Alam mo kung ano isa sa mga gusto ko sa yo, napapatawa mo ko. Astig ka talaga pinsan!
Andun na ung moment eh.... bigla nyang dadalihan ng "pinsan" hahaha. Hahahayyy.....T_T
So nagkuwentuhan na lang kami ng nagkuwentuhan. Napatingin sya sa ukay ukay sa tabi ng boarding house nila...
Jane: Ay ang cute nung bag oh... check natin lika!
Bigla nya ko hinila. Muntik pa ko tumaob dun sa kalsada kasi naipit ung paa ko dun sa gutter nila. Kainis. Sabunutan ko na sana eh.
Sa loob, nicheck nya ung bag na nakasabit dun sa display. Tumingin tingin na rin ako nung mga polo dun, baka may matipuhan ako. Maya maya, tinawag na ko ni Jane.
Jane: Ano mas maganda? etong blue or etong pink?
Pinasukat ko pareho sa kanya, e mas bagay sa kanya ang pink, so sabi ko ung PINK.
Jane: Di ko type tong kulay na to eh, mas gus2 ko kasi ung color blue...
Napa what??? na lang ako, tatanungin mo ko kung ano maganda, tapos ngaun blue rin pala kukunin nya. Kalorkey naman sya. Tumingin na lang ako ng mga polo ulet at hinayaan na syang bumili. Pag tinanong pa nya ako, pipitikin ko talaga ilong nya. Nung palabas na kami, napansin ko ung binili nyang bag...
Ako: Bat pink tong binili mo? kala ko ba gus2 mo ung blue?
Jane: E sabi mo mas maganda tong pink eh, so etong pink na lang binili ko
Tumaba naman bigla puso ko dun. Aba my opinion counts pala talga? hehe. Bagay naman talaga sa kanya eh. Nung dumating nga ung isang kasama nya, naiinggit kasi ang cute daw nung bag. Ganun ako kagaling pumili hihihih.
So after that umupo ulit kami. Kwentuhan at kung ano ano pa. Maya maya, napansin ko na may Angel's burger na malapit sa kanila. Niyaya ko syang kumain dun kasi nagugutom na ko.
Jane: Ay ayaw ko nga jan. Parang kakatakot kasi ang story about sa Angel's burger na yan eh...
Ang Angel's Burger nga pala eh ung isang burger stand na bigla na lang nagsulputan sa buong bansa. Isa itong Buy 1 Take 1 burger stand. Di ko alam pano dumami to, pero masarap naman mga burger nila.
Jane: Kasi ganito isipin mo ha? Magkano karne ngaun? Magkano tinapay ngaun? Magkano mga catsup at mayo ngaun? Kung iisipin mo, pano sila kikita kung buy 1 take 1? e ang mura nung burger nila oh? Ano kikitain nila?
Napakamot na lang ulit ako sa ulo ko
Ako: E sa ganun eh, bakit mo pa ba iniisip yang mga ganyan. Mas ok nga yan mura.
Tinaasan ako ng kilay ni Jane. Bigla akong natakot
Jane: Kase may mga kasamang karton yan! kaya mura yan may kasamang karton mga patty nyan!!!
Nagulat naman ako sa sinabi nun. Nyek? Pede ba un? Pero dahil sa sobrang seryoso ng mukha nya, napaniwala naman ako bigla
Ako: Talaga? Nyay, e madalas ako kumain sa ganyan dati. Naku puro karton na chan ko.
Nagulat ulit ako ng bigla syang tumawa ng malakas.
Jane: Hehehe. Joke lang. Naisip lang namin yun na baka un ang dahilan at kung bakit mura tinda nila
Natahimik na lang ako habang tawa pa rin sya ng tawa. Gus2 ko sya pitikin sa ilong at tusukin ang mata. Parang nung hinatid ko sya one time. Nagbibiruan kami sa bus ng tumawa sya ng malakas. Tinginan mga tao, tapos bigla akong kinurot. Empre napasigaw rin ako kase masakit. Mas napahiya ako kasi sumigaw ako.... Natahimik na lang ako habang nakatingin sa kanya. Ang bruha tinatawanan pa ko habang ako eh natutunaw na sa kahihiyan tsk....
So ayun, after 3 hours ng pagtambay sa kanila, naisipan ko nang umuwi. Kapagod din ung araw araw kong pagpunta sa kanila hehe. Habang paalis ako, nakangiti pa rin sya sa kin habang nagbabye. Pano ka ba naman di maiinlab sa ganung tao? Habang naglalakad ako, tinawag nya ako at sumigaw "Maraming salamat sa lahat ha? Natutuwa naman ako kasi nakilala kita! Ingat ka PINSAN!!!!!'
Ang hilig nya manira ng moment talaga no? Pero ok lang. Nagwave na lang din ako at umuwi na. Siguro, balang araw makikita nya rin na ok rin naman kung maging kami hehehe.
Sunday, June 22, 2008
Ang pagbisita at ang Angel's Burger
Posted by Malungkutin at 2:03 AM Sunday, June 22, 2008Labels: Ang Love Story ni Malungkutin Book 3
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment