Magandang alon!
Dapat last week pa ko magsusulat, pero akalain mo tinatablan pala ako ulit ng sakit. Kasi naman hiling pa ko ng hiling na magkasakit ako, ayun tinrankaso ako. Di bale, ang sexy ko ngaun, pumayat ako dahil sa sakit haha.
2 days bago mag exam si Jane, nagtext sya sa kin
Jane: Jan na nga lang ako makikitulog. Ang layo ng bahay ko sa pag eexaman ko. hehehe. Joke lang.
Sus, If I know gus2 mo lng talaga na ialok ko na sa min sya matulog. Style nya mejo bulok na
Ako: Sige ok lang dito ka na lang matulog. Mahihirapan ka pa gumising
Jane: Ok lang ba? Ok lang ba kay Alvin? Baka naman makaabala ako dun sa boarding house nyo?
Si Alvin nga pala ung kasama ko sa kwarto. Di ko pa nakakausap si Alvin, pero oo agad ako. E syempre makikitulog daw sa min eh hehehe.
Ako: Ok na un. Basta bukas, sunduin na kita jan senyo. D2 ka na matulog.
Jane: Yehey! sige salamat! salamat ng marami!
Kung di ba ako sang kalahati... si Alvin kasi mejo masungit. Pag nasa bahay un, gus2 nya sya lang kasi matutulog daw sya. Ayaw nya ng maingay o may ibang tao. Katakot takot na panunulsol ang ginawa ko mapapayag ko lang sya. Grabe daig pa namin ang mmda at motorista sa kotongan at suhulan...
Kinabukasan, sinundo ko na sya. Mga 7 na kami nakarating sa min. Nagreview sya ng mga isang oras habang ako nakahiga lang sa kama ko at nakikinig ng music. Maya maya bigla nya ko pinitik sa tenga
Jane: Tara kwentuhan muna tayo. Ngaun lang ulit tayo nagkasolo eh.
Ngumiti ako. Pero ung tenga ko... ung tenga ko... UNG TENGA KO ANG SAKIT WAAAAAA
Naupo kami sa lamesa habang nagkukuwentuhan kami. Tawa kami dito tawa dun. Ang saya saya ko nung araw na yun. Tinutulungan ko rin sya magreview review. Maya maya..
Ako: CR lang muna ako ha, wait lang ha?
Nagwiwi lang ako at nagyosi ng mga 5 mins bago pumasok. Pagpasok ko ng kwarto, ang damuha, tulog na agad. halos 5 mins lang ako nawala, tulog na agad. Grabe pala to hehe.
Habang natutulog sya, pinagmasdan ko ang mukha nya. Ang tgal kong nakatingin lang sa mukha nya. Parang anghel lang sya pag natutulog. Di mo akalaing may sungay at buntot din. Maya maya, nagpasya na rin ako matulog. Sana ngaung gabi, mapanaginipan ko sya (hahaha sumosobra na ata emo mga sinusulat ko lolz).
Kinabukasan, exam day. Hinatid ko si Jane sa sakayan ng taxi. Ayaw nya magpahatid dun sa pag eexaman nya, ayaw daw nya ng may iniisip pang ibang tao. Bweno sige. Bahala sya. Pagkaalis nya ay naligo na ko, at natulog na lang ulit. Pagkarating nya ng gabi, ayun todo kwento na naman. Kala mo di nag exam. Ok lang naman daw ung exam, di pa gano kahirap. Biniro ko pa nga na kakasabi nya ng madali, babagsak sya. Tinaasan nya ko ng kilay. Omaygulay, daig pa nya acido sa pagtunaw. Niyaya ko na lang sya kumain sa jolibee para di magalit. Ngaun ko lang sya nakasama ng mahaba haba simula ng nakilala ko sya. Ang iniisip ko lang e para sa kinabukasan. May pasok na ko bukas....
Kinabukasn part two, last day ng exam nya. Nag good bye kami at ginoodluck ko sya. Ako naman dumiretso na ko ng trabaho. Sabi ko sa kanya na hintayin nya ko makauwi para ako na maghatid sa kanya pabalik sa kanila. Pagdating ng tanghali, nagtext sya sa kin..
Jane: Uy... salamat sa pag ampon mo sa kin ha? Nagkita nga pala kami ni Tommy dito sa robinsons. Sa kanya na lang ako papahatid. Salamat ng marami!
Bigla kumulo ung giniginaw sa aircon kong dugo. Matapos ng lahat ng sakripisyong ginawa ko sa kanya, ung isang request ko lang hintayin ako para ihatid sya, binalewala lang nya. Ang sakit kaya sa bunbunan isipin non? Di ko sya nireplayan sa inis... pero sya na rin ang nagtext ulit.
Jane: bat di ka na nagreply? Galit ka ba?
Bat kaya mga babae di nag iisip? Dapat ba ako matuwa sa sinabi nya?
Ako: Kasi naman feeling ko binabalewala mo ako eh... ung mga ginagawa ko ngaun para sa yo. Sabi ko namang hintayin mo na ko at ako na maghahatid. Isang text lang sa yo nyang ex mo..
Ex nya nga pala ung Tommy. How sweet.
Mejo matagal sya sumagot, malamang nag iisip pa ng dahilan.
Jane: E kasi ang sama na rin ng pakiramdam ko, kaya nung nag alok sya umok na ko. Wag mo namang isipin na wala kang halaga sa kin... mali ung iniisip mo. Saka papahatid lang ako... Sa lahat ng dapat ko pahalagahan.. ikaw po un. Sorry kung un ung iniisip mo..
Ok. Apologies accepted. Ganun lang un. Nabola na agad ako.. Di lang ako isat kalahati..... samput kalahating one fourth.... ganun ako katanga hehe. Pero atlis naman nakauwi sya ng maayus, di nga lang sa paraan na gusto ko. Napatingin na lang ako sa langit at nagwikang "Not again" hehe
Saturday, August 9, 2008
Exam day
Posted by Malungkutin at 1:08 PM Saturday, August 9, 2008Labels: Ang Love Story ni Malungkutin Book 3
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment