Sa wakas meron na ring pumapasok sa utak ko. Palagi na lang kasi ako ganito. May maiisip, pag kaharap na ang monitor at keyboard, nabablanko. Bibili ako sa kanto, may papasok na idea pero pag uwi ko, tinangay na lahat ng hangin. Ganito nga siguro ang mga writers, mental block ang number 1 kalaban.
Pero kahit minsan, di ko inisip na isa akong writer. Kung susuma tutal mo nga lahat ng naisulat ko na, lahat un e base sa katangahan ko sa buhay. Badtrip nga at kelan ko lang narealize na gusto ko pala magsulat, na meron din natutuwa sa mga sinusulat ko kahit pano. E 3rd yr college na ko nun, alangan namang magshift pa ko, syang ang pera.
Pagsusulat.
Eto ang malayang pagpapahayag ng mga saloobin, opinyon o kung ano mang kuro kuro na nais mo sabhin, gamit ang tinta at papel. Pero panahon pa ni kopong kopong yang tinta at papel. Meron na ngayong mga computer. Meron ding mga blog sites na tulad nito na pedeng magsilbing papel mo. Di ka pa manghihinayang sa tinta o magagalit dahil sa pagtatae ng bolpen mo. Malas mo lang kung brownout o di kaya e nasa kaduluduluhan ka ng Pinas na walang kuryente.
Kung iisipin mo, hindi lahat pede maging writer. Merong iba na kala mo laki sa star rice sa galing sa pagsasalita pero subukan mong pasulatin, lusaw na ang monitor kakatitig e wala pang nasusulat. Pagsusulat kasi kelangan gumamit ng utak. Ewan ko ba kung bakit ako nahilig sa pagsusulat e wala naman ako nun. Lagi sinasabi ng mga magulang ko na matalino raw ako. Pero wag sanaying sabhin ito sa mga anak nyo kasi siguradong lalaki silang tamad mag aral.
May kanya kanyang style sa pagsusulat. Merong bibo at kawili wili ang mga sinusulat. Merong nobela at kung ano ano pa. Dito mo makikita kung anong klase ng tao ang nagsusulat. Sa totoo lang ginagamit ko rin minsan na batayan sa paghusga ng tao ang galing o sama nila magsulat. Kasi sabi nga nila, dito mo malalabas ang lahat, kaya nga merong mga diary ang mga girls e.
Minsan lang nakakainis pag nakapasok ka sa isang kumpanya na nangangailangan ng pagsusulat. Dapat e magkakapareho kayo ng style. Ilang beses na ko nakipagtalo noon sa manager at sa boss ko na ganun ang style ko. Pero syempre sila ang nasa posisyon, wala naman ako magagawa. Naaalala ko minsan sinabi pa sa kin nung boss ko na napakahusay raw nung sinulat ko. Lahat sila e puro "thumbs up" ang ginagawa. Pero nung binasa ko ung sinulat ko, wala akong makitang ni isang salita na ginamit ko. lahat binago, kahit ung sense nung sinulat ko binago. Ok lang sana ung mga edited, kasi normal un, pero ang baguhin ang lahat bukod sa title, ibang usapan na yon. Yung katrabaho ko e natuwa para sa kin pero sinabi ko na rin na hindi naman ako nagsulat non, sila na.
Madami akong hinahangaang mga author. Stephen King, Dan Brown at marami pang iba. Sa local lagi ko binabasa pa rin ang mga libro ni Bob Ong. Para ngang sya ata ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Sa totoo lang kasi, ang style ay ndi automatic na nakukuha ng tao. Nanggagaling ito sa ibat ibang libro o sa panahong ito, mga blogs na nababasa ng isang tao. Ndi ka naman magkakagustong gawin ang isang bagay ng wala kang nakikitang may gumagawa nito ng maganda. Kahit ang mga bading, bakit karamihan sa kanila e pagpaparlor ang trabaho? Kasi nakikita ng mga pasibol pa lang na bading na magagaling sila sa ganung "field" kaya ayun ang kanilang nagiging pangarap.
Kung may maipapayo man ako sa mga gustong magsulat, iyon ay ilagay mo sa puso ang pagsusulat. Wag tumulad na pag nagustuhan lang magsusulat. magpractice, at magsulat lamang ng mga bagay na kumportable ka. Kung di ka magaling sa english, wag pilitin at baka yung love story nobela mo e maging comedy. Sa pagboblog naman, di na kelangan ng major editing pero syempre, kelangan mo pa ring basahin ulit ang mga pinopost mo. Higit sa lahat, mahalin mo ang pagsusulat. Kung kelangang katabi mo ang iyong bolpen at papel, gawin mo. Make love to your hobby/profession. hehe.
Tuesday, October 6, 2009
Bakit Nga Ba Ako Nagsusulat?
Posted by Malungkutin at 9:46 PM Tuesday, October 6, 2009Labels: Malungkutin Chronicles
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment