Yeah, yeah. Common line ng mga nakikipagbreak. Hindi ko nga ba alam bakit eto ang common gamitin ng mga taong magdaling magsawa. Wala na bang maisip na irarason at yan ang favorite nyong line? Hindi mo ba masabing "E ang takaw takaw mo kasi." O kaya "konti na lang kasi kahawig mo na yung suwelas ng paborito kong chucks." O di kaya "Parang machine gun kasi bunganga mo."
Masakit nga naman kung yun ang sasabihin. Para lang kasing nakakaloko. Pag sinabihan kayong ganyan, tanungin nyo na kung ano ba ang mali sa kanya. Tingnan mo kung makakasagot yan. 9 out of 10 matatagalan sumagot at mag iisip pa yan. (Gumawa pa nga ako ng sarili kong survey haha)
Bakit nga ba nauuwi sa break up ang isang relasyon? Hindi magkasundo ng ugali? Nakakasakal? May mga bwisit na magulang na hinahamak ang pagkatao? Weh?
E kung di ka ba naman isa't kalahati... Kaya nga nagkakaroon ng ligawan diba? Kaya nga may salitang ligawan para makilala nyo ang isa't isa. Kaya nga nagkakaroon ng mga date para maintindihan mo kung bilmoko at bilmokonyan yung nililigawan mo. Kaya nga merong pasundo sundo sa skul para malaman mo kung handa magsakripisyo ang mga lalake. Kaya nga merong madalas nababasted tulad ko dahil sa lintek na ligawan na yan. But that's another issue :)
Kung iisipin mo naman e talagang yan ang mga dahilan kung bakit ka nanliligaw. Ang nakakainis lang kasi e karaniwan din ang pagiging plastik pag umaakyat ng ligaw. E pano ba naman ganito ang setup ng mga lalake:
1. Suot ang pinakabagong polo na bili sa tyangge.
2. Bagong gupit lagi, bagong paligo at laging nakagel.
3. Laging naka Tommy na pabango, minsan Coolwater pag ubos na pabango ni utol.
4. Galante, laging may dalang hopia.
5. Nag aral ng GMRC, napakagalang at napakabait.
6. Nagmumog ng honey, ang tatamis ng lumalabas sa bibig.
7. In connection to # 4, lagi ring may dalang mga pasalubong para sa mga nakababatang kapatid.
E sino bang di maiinlove sa mga ganyan? Kung yung nakikita mong tao e kala mo santo sa sobrang bait. Di magtatagal at sasagutin na sya ng babae. Habang tumatagal:\
1. Laging nakasando na, minsan lumalabas pa ang utong.
2. Long hair na, sa ulo pati sa ilong. May maaamoy ka na rin na kakaiba na karaniwang masakit sa ilong.
3. Baby cologne ang laging amoy nya.
4. Mas madalas mangutang kesa manlibre (o magbayad).
5. Naninigaw na. Akala mo e nakahire ng katulong kung makautos.
6. Lumalaklak ng sili, mura ng mura at kala mo demonyo sa anghang magsalita.
7. Inuutusan pa ang kapatid para bumili ng yosi nya.
Dyan na magsisimula ang break ups. Dyan na sasabihin nung makikipaghiwalay na "It's not you, it's me." na ang ibig sabihin talaga e "It's not you that I love, It's me na nandidiri na sa yo." Bakit nga ba kasi di na lang ipakita sa nililigawan mo ang totoong ikaw? Hindi naman matatago ng pabango at gel ang sarili mong baho. Hindi naman pwedeng habambuhay kang magiging hunyango at isang araw e lalabas din ang tunay mong kulay. Hindi ba mas ok na makita niya kung anong klase kang halimaw ngayon kesa magulat sya na ang tupa palang inaalagaan nya e isang lobo pala?
Sinubukan kong basahin ang mga sinulat ko sa taas. Napakatalinghanga ko hahaha.
Pero seriously diba? Hindi ko naiisip na pagmamahal ang tawag mo dun kundi panloloko lang. Sabi nga nila, kung gusto ka nung tao, kahit ano pang baho ng alipunga mo, mamahalin at mamahalin ka niya. Mas gusto ko pa yung mga tipong Robin Padilla-style ng panliligaw kesa naman para kang orocan na puro kaplastikan lang. Marami ang nauuwi sa hiwalayan dahil sa mga ganitong rason.
Minsan naman, meron talagang mga tao na masasabing hustler sa mga relasyon. May mga lalake/babae na magaling dumiskarte. Yun bang tipong mabulaklak ang mga dila at lahat e kaya mapasagot. Naiinis ako sa mga taong ito. Naiinis ako kasi bakit hindi ko natutunan tong mga to, naiinis ako kasi nagkaroon tuloy ng Malungkutin kasi laging nababasted.
Ito yung mga taong ginagawang katuwaan lang ang pakikipagrelasyon. Ito yung mga taong pinagkaitan ng laruan nung bata kaya hayan, ngayon naglalaro. Kapag nakuha na nya ang/ang mga gusto nya sa taong yun, itatapon nya na to na parang basahan. Dito na rin magsisimula yung mga lines na "It's not you, it's me." na ang meaning naman e "Sorry, it's not you , It's me na nang uto sa yo." Ingat ingat lang kung ganito kayo. Ang karma andyan lang yan. Pinsan nga daw yan ni Kamatayan e. Pareho rin silang biglaan kung dumating. Awuuuu~~~~~
Meron din namang totoo ang naging relasyon. Yung tipo bang talagang nagkainlaban ang dalawa. Yun bang hindi nagpakaplastik, pareho nila tinanggap ang pagkukulang ng isa't isa. Typical love story diba? Pero hindi. Masyado sila nagiging busy sa mga sarili nilang buhay. Unti unti na nawawala yung tamis nila. Nawawala na yung bonding na kelangan para maging pundasyon ng isang relasyon. Dito na papasok ang break up dahil nagfall-out na sila. Ang relasyon na ganito ay parang kandila na dumating na sa dulo at naubos na. Ito yung mga nakakalungkot kasi sayang. Nakakalungkot din kasi sana kahit man lang ganito e nakaranas ako. Sad lang.
Ito ang nakakainis (O nakakatuwa?) na rason ng break ups - Pagiging machine gun.
Sino nga ba ang matutuwa kung ang karelasyon mo e sanay sa pakikibakbakan? Yun bang tipong mga Last Action Hero na hindi nauubusan ng bala at tuloy tuloy lang ang baril? Ang pinagkaiba lang nila e si Schawsde.....neger e sa baril pumuputok. Ito naman ay sa bibig.
Ito yung mga tipong sobrang seloso/selosa. Hindi ko naman sinasabing masama ang magselos. Sabi nga ng mga matatanda, Isa daw itong sign ng pagmamahal sa yo ng isang tao. Pero what the hell man! Kung ito ang iuulam mo sa umaga, tanghali at gabi, never mind na lang pre. Nakakainis ba minsan e makita ka lang na may kausap na babae e raratratin ka na at walang tigil ang putak. Hindi mo lang matext minsan e tatawagan ka pa at saka pagbababarilin ang tenga mo. Yun bang minsan e kabisad mo na lahat ng sasabihin nya - kung gano katgal bubuka ang bibig nya, kung ano lalabas sa bibig nya, ilang exclamation point, ilang period... - Yan. Yan ang authentic na "It's you, yes, IT'S YOU!!!" na rasonn kung bakit nagkakahiwalay. Minsan lang di ko masisi yung mga ganung tao. Siguro lang e sobra lang magmahal yun kaya walang ibang ginagawa kundi pumutak ng pumutak. Makabasag na eardrums na pagmamahal.
Basta ako, ang masasabi ko lang, wala akong pakialam sa mga breakups na yan. Paki ko ba, e hindi pa nga nagiging kami ng nililigawan ko e break na agad kami. Kaya wala talaga ako pakialam.
OO na... BITTER na kung BITTER. >;(