Bakit nga ba merong nuknukan ng yaman at merong sobrang hirap? Lagi ko yan natatanong tuwing mapapadaan ako jan sa may Pasay. Ang daming squatter, ang daming mga pulubi. Ang daming kakalbit sa yo at mag pa-puppy eyes at magsasabing "Kuya kahit konting barya lang." Hindi ka pa makakalayo e may makikita kang sobrang laking bahay. Akala mo e presidente ang nakatira. Hindi kaya sukatin ng 50 tao sa haba ng lote at sa laki ng bahay na nakatirik sa lupang yon. Para ngang sobrang ironic nung lugar. Isang larawan ng marangyang buhay sa gitna ng kahirapan.
Minsan may nakausap ako tungkol sa kahirapan ng buhay. Aktibo sya masyado. Sa sobrang aktibo e para na lang akong nanonood ng tv na hindi pede sumagot sa kanya. (Sige try mo kausapin ang TV mo, now na.) Mahirap daw makapag aral dahil nga kapos sa pera. Minsan pa nga raw kelangan nyang umabsent dahil kahit pamasahe e wala sya. Pero bilib ako sa taong to. Makikita mo ang determinasyon na makapagtapos. Makikita mo sa mga mata nya ang kagustuhang makaahon sa kahirapan.
Yan ang nakakainis na realidad sa ating mga Pilipino. Kung sino pa ang may kagustuhan na umunlad ay sya pa tong nasisilat sa gulong ng buhay. At kung sino pa ang may limpak limpak na salapi, sila pa ung nagkakalat. Totoo diba?
Marami akong kakilala na hindi nakapagtapos na ang common denominator nila ay mapera sila or pamilya nila. Marami akong kakilala na nalulong sa droga na common denominator ulit ay mapera sila. Marami akong kakilala na paeasy easy lang sa buhay dahil.... alam mo na... may common denominator sila.
Siguro dahil kahit kelan ay di nila naranasan ang hirap ng buhay. Wala silang drive or reason kung bakit kelangan nilang makatapos at magkapera dahil nga.. um... Mapera na sila. Kahit ano mabibili mo, kahit pa kaluluwa ng ibang tao. Ganyan ang karaniwang mindset ng mga mayayaman.
Hindi ko naman ginegeneralize pero un ang common. Dapat sisihin nila ang mga pelikula. Kung mapapansin mo, sino ba ang karaniwang kalaban sa mga pelikula? Sino ba ang karaniwang mga pushers, kidnappers at mga big bosses? Di ba ang mga MAYAYAMAN? Kasalanan nila to kung bakit ganito ako mag isip. Namulat ako na may takot kay Paquito (R.I.P) at kung sino sino pang mayayamang kontrabida.
Ang point ko lang, mas nagiging determinado lang ang mga mahihirap na makapagtapos dahil nga sa nararanasan nilang hirap ng buhay. Alam kong may pagkakataon na nagkakabaliktad ang mga situasyon. Alam ko rin na pede nyong sabihin sa kin na kaya nga sila mahihirap dahil kulang sila sa lakas ng loob.
Bakit ba?
E blog ko to at ang laman nito e mga naiisip ko. Kung gusto nyong ibalanse ang mga bagay bagay tulad nito post na to.
Gumawa rin kayo ng sarili nyong blog.
Monday, April 4, 2011
Kahirapan
Posted by Malungkutin at 11:03 AM Monday, April 4, 2011Labels: Malungkutin Chronicles, Seryosong usapan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment