Monday, May 2, 2011

Breakups part 2

Monday, May 2, 2011
Gaano ba kasakit ang breakups? Katulad din ba to ng mga pagkabasted na parang dinadaanan ng pison ang puso mo? Eto ba ung point ng relasyon nyo na pilit kang naghahanap ng kanta na babagay sa pakikipag break sabay iiyak habang kinakanta ito? Buti nga di pa applicable dito yung karaniwang sinasabi ng matatanda na di ito tulad ng mainit na kanin na pag sinubo at napaso e pede mo isuka. Isuka talaga ang term. Hehehe.

Ang paghihiwalay ay karaniwang desisyon ng parehong kampo. Kumbaga sa gera e sabay nagtaas ng puting bandera habang sinasabing "Tama na! Suko na ako!" Karaniwan kasing hindi magkasundo sa maraming bagay kaya nauuwi sa hiwalayan. Di mo naman masisisi ang dalawa kasi nga masaya naman ang umpisa. Kaya lang nga, habang tumatagal, mas lalo nyo nakikilala ang isa't isa at dito na mararamdaman ang pagkayamot sa kapartner nyo. Dito na lalabas yung mga natatagong baho at kung ano ano pang skin diseases at mag eend up nga ng hiwalayan. Hindi compatible e, di rin naman pedeng ipilit.

Meron din namang one-sided ang break ups. Ito yung mga tipong katulad ng nasulat ko sa unang Breakups na kwento na nagsasabing "it's not you. It's me." Ano nga ba magagawa mo kung talagang ayaw na nung isa sa yo. Buti kung katulad ko kayong lahat - tanga, bobo, uto uto. Pero hindi. Hindi naman lahat malungkutin na tulad ko. Mapapakanta ka na lang ng Hurting Inside ng FOJ dahil nga, syempre, masakit. Mas doble ang sakit nito sa isa kasi ayaw mo pa e. Gusto mo pa magwork out yung relasyon pero wala. Para ka lang tanga na pilit ng pilit sa isang bagay na wala nang saysay.

Naisip ko nga bigla, kaya siguro naimbento ang mga monthsaries kasi sa panahong ito, bihira na lang talaga ang nakakaabot at nakakapagcelebrate ng anniversaries. Para kasing ang hirap na maghanap ng talagang kamatch mo. Buti sana kung lahat e parang yung sa commercial nung Nestle 100 years na simula pagkabata hanggang pagtanda e magkasama sila. Minsan nga naiisip ko pang kwentong barbero na lang yun. Minsan nga mas ok pang mahalin mo na lang barbero mo kasi makikinig un sa lahat ng sasabihin mo. Hindi yan kokontra sa yo basta lagi ka lang magpapagupit sa kanya.

Minsan may nakilala akong lalake. Lagi silang magkaaway ng jowa nya. Pero lamang itong si lalake. Alam nya kasing di sya kayang iwan nung babae. Kaya malakas loob nito maghamon ng hiwalayan kasi alam nyang di kaya nung babae. Nagulat na lang ako isang araw nabalitaan ko na lang na patay na pala yung lalake. Rason? Nagbigti kasi di kinaya nung nakipagbreak na sa kanya ng tuluyan yung babae. Ironic? Very very ironic.

Masakit talaga ang breakup. Ilan lang talaga ang matibay ang dibdib o makapal ang mukha na hindi tinatablan. Biruin mo, magpupuhunan ka ng sangkaterbang emosyon at pagmamahal pero sa huli malulugi ka lang at mapipilitan kang magsara... magsara ng puso. Hindi ko alam kung pano nakakamove on pero sabi nga nila, time heals all wounds. ang problema lang dito hindi mo masasabi kung kelan dadating yung time na yun. Minsan ilang araw lang. Minsan ilang linggo. Minsan buwan... taon.... siglo. Hindi mo malalaman kung kelan mo masasabi na "Ok na ko." Hindi mo malalaman na handa ka na palang umabante sa buhay at kalimutan na kung ano mang sakit ang naranasan mo sa nakaraan. Time heals all wounds daw... pero Time din ang nakakasira ng bait ng isang tao.

Buti na lang si Malungkutin ay isang matatag na tao. E pano ba, wala namang makikipagbreak sa kin kasi nga wala pa namang sumasagot sa kin.

Eto ang pinakaironic na bagay. Eto rin ang pinakamasakit. Huhuhu sad.

2 comments:

Kerengkeng-Kulafu-Kulasa-Kumag said...

Tama. Kaya hindi ko din matanggap ang konsepto ng Monthsaries. Hindi long term ang pagtingin ng mga tao.

Nakikiayon sa iyong pananaw,
- Kumag ng Kabulastugan Blog

Aelala ♥ said...

May mga pagkakataon na kaya ka iniiwan ng taong mahal mo ay dahil hindi talaga sya ang para sayo..
Minsan ang hirap tanggapin kasi akala natin binigay natin ang lahat pero wala paring nangyari. Kung masaktan ka man at umiyak, normal lang yan. If you're being emotional, ok lang yan that's the right way to do it.