Sunday, October 23, 2011

The Waiting Game

Sunday, October 23, 2011
GIRL: Nakipaghiwalay ako sa kanya ngayon. Sabi ko hindi na ko masaya sa piling nya. Hindi man lang nya tinanong kung bakit... Akala ko pipigilan nya ako... pero hindi. Hinayaan nya lang ako lumayo sa kanya. Nang di ko inaasahan, nawala sa kin ang lalakeng hinintay ko habambuhay...

.
.
.

GUY: Nakipaghiwalay sya sa kin ngayon. Sabi nya, di na sya masaya sa piling ko. Sa sobrang sakit ay hindi ko na natanong kung bakit. Gusto ko sya pigilan, pero kung hindi na sya masaya sa kin, wala nang paraan para pigilan sya. Hinayaan ko na lang na lumayo sya sa kin. Nang hindi ko inaasahan, nawala sa kin ang babaeng pinapangarap ko habambuhay....

.
.
.

Give and take nga daw ang isang relationship. Wag kayong maghintayan kasi baka mag end up kayong single. Wag din kayo masyadong paasa at pakipot. Malapit pa namang magpasko, mahirap matulog ng walang kayakap...

2 comments:

Aelala ♥ said...

Minsan kasi,may mga taong, pag may mga ganyang situation, yung MASAKIT na situation, they tend to let go not because they don't love the person anymore but because they know they will be happier in somebody's arms. Pero depende yun sa sitwasyon.
Minsan naman, dumadating ang maling desisyon kaya madalas nawawala pa sa atin ang taong pinapangarap natin.

Madalas aminin na natin, ang mga babae gustong gusto namin na bini beybi kami. Gusto namin lagi kami nilalambing. Pero dapat give and take.

I like this post :)

Malungkutin said...

Salamat po.