Saturday, July 21, 2012

Bagyo na naman

Saturday, July 21, 2012

Tag ulan. Baha. Traffic. Basang medyas. Basang damit... Pantalon... Brief....

Nakakainis ang tag ulan pag nasa maynila ka. Nagmimistulang waterworld ang kamaynilaan tuwing uulan ng malakas. Pero kung sa dagat e mga isda makikita mo, dito kakaiba. Mga patay na daga, ipis, basura at minsan may makikita ka pang diaper na bagong tapon. Nice diba?

Ang pinaka masaya kapag bumabagyo e yung pauwi ka na galing trabaho, school o kung saan man kayo pumunta. Isang malaking adventure ang dadaanan mo sigurado. Para ka lang si dora na may mapa ng mga obstacle na dadaanan. Kelangan magaling ka sa mga detour kasi siguradong wala kang diretsong madadaanan. Bakit kasi nagbabaha pa e. Buti sana kung nakapaa lang tyo kaso pano mga nakasapatos? Bawat tapak mo e may tubig na mapipiga. Hassle di ba?

Nakakainis din ang mga sasakyan pag tag ulan. Hindi ka na makasakay dahil sa dami ng tao, dadaan pa ng walang modong driver ang baha at syempre, paliliguan ka ng tubig kanal. Ayos diba?

Ang pinaka nakikinabang lqng naman sa bagyo e yung mga gumagawa ng tulay o kahit anong sasakyan para makatawid ang mga tao. Kung araw araw bumabagyo sigurado mga milyonaryo tong mga to.

At amp. Ang trapik. Jusko haha. Nakakadalawang pelikula nq ang bus e di pa ko nakakauwi. Nkakapanibago tuloy at hindi ka emohan ang nakasulat dito. Parang hindi tuloy ako. Eto epekto ng trapik. Nakakapagsulat ng kaunting reklamo habang stuck sa trapik gamit ang cellphone ko.

Bigtime na ang papa mo. Haha.

Published with Blogger-droid v2.0.6

0 comments: