Mejo sosyal kami ngaun. Starbucks trip namin. Medyo nakakahiya nga ako kasi dun kami sa greenbelt nagpunta, tapos suot ko t-shirt at shorts lang. ung sandals ko mejo maputik pa. Sabagay paki ba nila. Di ko naman sinabing tingnan nila ako diba? hehe
Ako: So ano na naman nangyari? Sure ka bang nde ka lang lowbatt at makikipagpalit sa kin ng cell?
Czarina: (Mejo natawa) Tingin mo sa kin? user?
Well... Medyo...
Czarina: kasi naiinis ako dun sa mga empleyado ko... Ang TATANGA!!! ang simple simple ng pinapagawa ko nde pa magawa ng maayos... ako pa lahat gumagawa... (sabay sipsip sa straw sa kanyang peppermint achuchuchu flavor na frap nya)
Naging general manager nga pala si Cza sa isang company d2 sa pinas. Simula nung umalis sya sa min nagtrabaho na sya dun, kaya lang mejo hassle kasi bago lang ung company na un. Tsk. Napakahaggard na nya tingnan.
Czarina: Alam mo gus2 ko nang umiyak talaga... pero ayaw ko na tuyong tuyo na ko...
Naalala ko tuloy ung una ko syang nakitang umiyak. Nung time na nagdesisyon akong maging "pader" nya.
(flashback....)
Ilang buwan din nakalipas nung huli naming pag uusap. Naisip kong mali ang ginawa ko. Nagsisisi ako bat kelangan ko pa sya iwasan. Siguro hanggang dun na lng talaga kami.
Isang araw biglang may nagtext. Pag tingin ko sa cell ko:
"San ka? kita tau mamaya sa jollibee. Urgent lang po. Di naman tau mag uusap ng matagal eh - Cza"
Nagulat ako. yung talgang gulat na as in nanlake talaga mga mata ko. After few months ng di namn nag uusap nagtext sya bigla. Sya pa naunang kumontak sa kin. Talagang hanggang ngaun gus2 nya tapakan pagkalalake ko hehe.
"Sige malapit na rin naman ako mag out d2 sa opis. Text na lng kita"
Kala nyo nagkita kami? nakalimutan ko pumunta... nakatulog na ko sa bahay.. paggising ko saka ko lang naalala. Shet. Baka isumpa na nya ko neto. Nagmadali ako lumabas para magload. ung unli ko naubos na kasi. Habang patakbo, saktong nakasalubong ko sya.
Alam nyo ung tipong pang sine na parang biglang tumigil ung paligid? tapos ung tipong umiikot ung kamera sa ming dalawa? parang naging ganun ang setting namin. Bigla kaming napatigil. Empre, nilaksan ko na loob kong lapitan sya.
Ako: I-Im.. sorry kanina ha? chak sorry dati dun sa....
Bigla nya ko sinuntok sa balikat ko. Anak ng pating... Sa payat nyang yon nde ko alam kung pano sya nakasuntok ng ganung kalakas. halos mamilipit ako sa sakit. Tapos ung mga tao sa paligid parang lahat nakatingin sa kin. Parang lahat pinagtatawanan ako. Nde ko na mabilang kung ilang beses nya na ko pinahiya sa madlang people. Sigh...
Czarina: Dahil pinaghintay mo ko libre mo ko sa chowking.
Grabe. Ang mamahal ng trip neto sa buhay. Ano ako mayaman?
Ako: S-sige... tra na...
Diba la rin naman ako nagawa?
Ayan nakaorder na kami. Ung wallet ko naghihingalo na. Sigh...
Ako: umm... Cza... sana kalimutan na natin ung mga nangyari dati. Kasi...
Czarina: Ano ka ba? kakausapin ba kita d2 kung di pa tayo ok? Kalimutan na natin un noh!
Mejo iba ngiti nya ngaun. Alam ko problemado na naman sya.
Ako: May problema ka no?
Czarina: hmm... Mejo nga. pano mo nalaman?
Tumahik lang ako. Sa tagal ko na sya kilala, matatago pa ba nya sa kin un?
Czarina: Kasi sa office. Parang feeling ko, ginagawa ko na lahat pero bakit parang kulang pa rin? Im giving my best pero bakit kulang pa rin? Tapos sa bahay nag away na naman kami ng tatay ko. Alam mo parang lahat ng problema na lng ako ang sumasalo. (sabay subo ng halo halo).
Sinubukan kong magbigay ng advices. Kahit medyo asiwa pa ko kasi ngaun lang kami nag usap (which is weird kasi ilang tao ba ang nakakapag usap ulit ng ganito pagkatapos magkatampuhan diba?). Tahimik na nakikinig si Cza sa mga sinasabi ko tapos biglang pinikit nya ung mga mata nya. Pagmulat nya biglang may tumulong luha sa mga mata nya.
Napa "oh shet" ako sa loob loob ko.Nde ako ready sa ganitong sitwasyon. Alam nyo ung luha na nde mo gus2 lumabas pero biglang lumabas sa sobrang bigat ng iniisp? Ganun ung lumabas sa mga mata nya. Eto ang unang beses kong nakitang lumuha si Cza. Speechless ako... Wala na ko masabi or maisip na advice. Dun ko bigla nasabi yung nakalagay sa mga entries ko.. Biglang akong nagdecide na gus2 kong hilumin lahat ng problema nya. Ayoko na sya makitang umiiyak ng dahil sa problema. Gus2 kong humati sa mga problema nya.
(end of flashback)
Ako: Wag ka mag alala and2 ako! Sabi ko hati tau sa lahat lahat diba? Tulungan na lng kita sa mga trabaho mo!
Czarina: (Mejo ngumingiti na) Sira! Pero sige tulungan mo ko ha? Kahit anong matutulong mo ok na un.
Mas ok na nga siguro dumamay na lng, kesa magbigay ng mga solusyon na di naman talaga nakakagaang ng pakiramdam.
Czarina: Alam mo bang si Mark...
Damn... bat naman napasok ang pangalan nung lalakeng un dito? yang Mark na yan nga pala yung ex nya na mukhang nde naman nya ex.
Ako: Tara na uwi na tayo late na oh. May pasok pa tayo tom
Nde na nya natapos ung kwento nya tungkol dun sa Mark na un. Nde ko rin naman papakinggan bahala sya. Gus2 nyo malaman kung bakit ako galit dun? Sa susunod na lng iisipin ko pa eh
(To be continued...)
0 comments:
Post a Comment