Sunday, October 14, 2007

May pag ibig sa chat?

Sunday, October 14, 2007
Ang mundo ng internet... Ang mundo kung saan ang lahat ng bagay ay pedeng maging posible. Pede kang maging babae, pede kang maging lalake, pede kang maging macho, pede kang maging payat, pede kang maging superhero. Ika nga sa globe, lahat posible.

Nde ako naniniwala na ang isang bagay na galing sa internet ay magkakatotoo sa totoong buhay. Nde pde magkaroon ng TL sa internet. Bah, sino ba naman ang maiinlove sa isang taong nakikita mo lang magchat, nagsesend ng mga ninakaw na pix sa internet at nag iimbento ng kung ano anong drama sa buhay may maikwento lang? Sus, kung ako ang tatanungin, mga walang buhay ang mga taong nagchachaga magchat para lang may masabing may lablayp. Pero syempre ako, kelangan ko magchat. Pisting trabaho kasi nakakatamad hahaha.

Isang araw may nakilala akong babae thru chat. Ok naman sya. Maboka. Maingay. Mapilit hehehe. Empre nde nawala dun ang walang kamatayang "asl?" at ang walang kamatayang reply na "Oic". Nagsimula kaming mag usap ng kung ano anong bagay. Usap kami ng usap. Minsan sa sobrang wala na kaming mapag usapan puro emoticons na lng sinasabi namin.

Isang araw nakapag usap kami ng seryoso. Di ko alam pumasok sa isip ko, pero nagsimula ako mag open sa kanya. Kahit ang totoong katauhan ni malungkutin nasabi ko sa kanya. First time ko nagtiwala sa isang tao na di ko kilala. Nagulat ako ng nagsimula na rin syang mag open sa kin. Kahit ung kasingit singitang sikreto nya, sinabi nya sa kin. Napa "wow" ako. First time ko rin maramdaman ang sinseridad just by reading her texts. Ganito ba ung feeling nung mga nahuhumaling sa chat?

Ilang araw pa ang nagdaan, nagsimula na rin kami magtext. simpleng hello! at quotes lang. Mejo natuwa ako kasi binigay nya number nya sa kin kasi sa iba ayaw nya ibigay. So ayun, tuloy ang chat. Nag chat kami almost everday. Kahit may trabaho ako, nagchacchat pa rin ako. Minsan nga di ko napansin nasa likod ko na pala ang boss ko, sabi lang nya "your girlfriend?" sabi ko "No sir, she's just my friend". Ngumiti lang ung kumag sabay sabing "hmm.. beautiful". Atleast di nagalit hehe.

Isang araw bigla ko na lng akong may naramdamang kakaiba. Dahil sa kanya nakakalimutan ko ung drama ko sa buhay. Dahil sa kanya, nararamdaman kong may totoong tao akong kausap. Mas totoo pa nga sya kesa d2 sa opisina namin, puro plastik ang tao. Dahil din sa kanya naiba ang pananaw ko sa buhay. Sa tingin ko nahuhulog na ko sa kanya.

Pero madami syang problema, alam ko un, pero ayaw lang nya sabhin pa lahat. Alam kong may gus2 syang iba at wala naman akong magagawa dun. Sinubukan kong iopen sa kanya ang aking nararamdaman. Sinabi ko sa kanya na nagsisimula ko na syang magustuhan. Sinabi nya sa kin "Bakit lahat ng taong nakakaalam ng mga sikreto ko, nahuhulog sa kin?". Bah sa kin ba itanong un? Ewan ko nahulog ako sa kanya eh. Siguro dahil na nga sa sincerity kaya ngaun tumitibok ulit puso ko.

Siguro pede nyo na rin ako isama sa mga taong walang buhay. Ngaun naniniwala na ko na pedeng mainlove just thru chat. Nde ako naghihintay ng kung ano pa man sa kanya. Di ko hinihingi na mahalin nya rin ako. Basta ang alam ko mahal ko sya, un ang mahalaga.

Sanay naman ako sa "unconditional love" so siguro pede ko rin gamitin ang ganitong salita para sa kanya...

0 comments: