Nagkaroon ako ng session sa ym last thursday with one of my friend. Pareho kami neto, parehong martir, parehong malungkutin lolz. Almost whole day kaming nag usap ng kung ano ano- lab layp, true to life stories, hang ups at kung ano ano pa. Bigla na lng namin napag usapan ung tungkol sa commercial ng bulak. Para daw akong bulak na un... keep on absorbing even when wet.
Nakwento ko kasi sa kanya ung pagiging martir ko. Nakwento ko sa kanya kung pano ako naging "shock absorber" ni Czarina. Sabi nya nga, isang pm lang daw katapat ko. Ganun ba talaga ako ka martir?
Nung hapong iyon kasi, pinm ako ni Czarina. As usual, problemado na naman sya. Whats new? Anak ng tipaklong, isa nga pala akong bulak...
Czarina: We had another fight. I really hate my father...
Blah blah blah....
Ako: Want to talk later?
Kung di rin naman ako isa't kalahati, tinanong ko pa sya kung gus2 nya makipag usap...
Czarina: Sure sure! I owe you one ulit. Or you owe me one!
I owe you one? ha? ung utak mo ba gumagana pa?
Ako: ako? ha?
Czarina: You owe me one bottle of vodka! We'll need it later.
Ako: vodka? nyak.. nde na natin kelangan ng alak
Czarina: Believe me we'll need one. So kelan tau magkikita?
Ako:Siguro mga 7 paglabas ko ng ofis at pagkatapos kumain.
Czarina: Ok then seeyah later
Nag out na sya. Nak ng tipaklong... Di ko pa rin sya matanggal sa sistema ko?
Pag out ko sa office, nagmadali akong kumain. Kelangan kong matapos agad kumain kasi 10 to 7 na. Nagmadali ako kasi nga ayaw kong paghintayin sya. Sakto 7 pm na. Siguro parating na sya. Nagsindi ako ng isang yosi habang naghihintay sa kanya. after 15 mins, nagsindi ulit ako ng yosi. 7:30 na, so nagsindi ulit ako ng isa. 8:30 na... 8:30 NAAAA!!!! Mga pilipino talaga... sino ba kasi nakaimbento ng Filipino time na yan??? grabe 6 sticks... ang baga ko naghihingalo na...
Maya maya may kumalbit sa kin. Holy cow lolz... si Czarina. Kasama nya ang kaibigan nya.
Czarina: Uy sorry ha? kasi dumaan pa si Jona sa min eh. Sinermonan ako.
T___T.... how sad ang buhay ko...
Ako: Ayus lang... ok lang.... la un... T_T
Niyaya nya ko maglakad kassama si Jona. Wet look kilikili here I come! *Sigh. So habang naglalakad kami, ayun kwentuhan to the max sila. Ako para akong kabayo na may harang sa gilid... diretso lang ang tingin.
Jona: Nakakahiya kay (sa akin). Nde nagsasalita
Czarina: Ayus lang sa kanya yan.
Ako: UU nga ok lang un (*hikbi*)
May nadaanan kaming fishball-an. Hulaan nyo nangyari?
Ako: Manong, magkano ung nakain nung matakaw na babae?
Manong: 5 pesos lang
Czarina: Pabili na rin ako ng sprite pls?
Hahaha!!! Ano ba to. Naging yaya pa nya ko ngaun.
Jona: Oi ano ka ba kapal naman ng mukha mo Czarina.
Tumawa lang si Cza. Nanaja ata. gus2 ko na sya sakalin... So ayun diretso lakad namin. Inabot kami ng isang oras sa paglalakad hanggang naisip nila maupo muna. Kahit papano, nakikisali na rin ako sa usapan nila ni Jona. Mabait si Jona, sa kanya lang nakikinig si Czarina. Nagpapasalamat na nga rin ako at anjan sya, kahit papano may magsesermon kay Cza.
After few more hours, nagyaya na pauwi si Jona. Hinatid namin sya and guess what pagkatapos. Muli kaming naglakad. Daig ko pa ata ung mga may panata papuntang Antipolo.
Czarina: Eto na lng naisip kong paraan para matapos na ang problema ko. Siguro before matapos ang year na to. Papakasal na ko...
Shock! Gulat! Tulala! Speechless! Amf.... amf...
Ako:O.o! Ano ka ba tanga ka ba? Nde yan ang solusyon. Nde mo ba alam na mas lalaki ang problema mo sa gagwin mong yan?
Czarina: Kasi pag kinasal na ko, wala na silang masasabi. wala na silang aasahan sa kin... lalo na ung tatay ko.
Gus2 ko syang murahin talaga...
Ako: Kasi naman kelan mo ba bababaan ang pride mo? Bat di mo subukang ayusin ang problema nyo ng tatay mo?
Czarina: Pride na lng natitira sa pamilya namin. Its hard to explain. Di mo maiintindihan...
Ako: NDE KO NGA TALAGA MAINTINDIHAN ANG PINAGGAGAWA MO! nde maganda yang pride pride na pinapakita mo....
Parang kelangan ko nga talaga ng alak. Nagdidilim paningin ko sa katigasan ng ulo nya....
Czarina: (Mejo nakangiti) Naniniwala ka bang papakasal ako talaga?
Ako: E sinabi eh syempre maniniwala ako.
Czarina: Kaw lang ang naniwala sa sinabi ko. My friends told me that its just not possible.
Ako: Ayaw ko rin sana maniwala... Pero teka sino ba ung lalake?
Tumahimik lang si Czarina. Nde ko tuloy malaman kung totoo sinasabi nya or nde. Pero tumusok un sa dibdib ko. Ansakit sa dibdib na sa kanya ko mismo narinig un. At bakit kasi sa kin pa nya sinabi to? Absorb mo lang malungkutin... absorb mo lang malungkutin...
Czarina: Promise me one thing. Please don't ever leave me alone...
hanggang kelan kaya kakayanin ng shock absorber na to ang lahat ng pinapatong sa kin? Hanggang kelan kayang sipsipin ng bulak na ito ang lahat ng ito? Di ko na kayang magpromise sa kanya. Di ko na kayang ipagsigawan na "Mahal ko ang babaeng ito at lahat ay gagawin ko para sa kanya" Tama ang kaibigan ko. Tigilan ko na ang pagiging shock absorber. Tama na ang pagiging bulak. Salamat sa kaibigan kong iyon, unti unti ko nang natatanggap na di para sa kin tong kalokohan na to.
Saturday, October 13, 2007
Pagiging bulak at shock absorber
Posted by Malungkutin at 10:06 PM Saturday, October 13, 2007Labels: Ang love story ni Malungkutin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment