Sunday, November 4, 2007

Ang bakasyon ni Malungkutin

Sunday, November 4, 2007
Umuwi ako last nov.1 sa province namin. At long last nakauwi na rin ako hehehe. oct 31 may pasok pa ko kainis... napilitan ako magpaumaga sa office para makauwi ng madaling araw. Dapat nasa bahay na ko ng umaga, para marami rami naman akong gawin. Habang nasa byahe ako, di ako makatulog nakakainis hehehe. pagdating ko ng bahay, pagsandal ko sa sofa namin, napapikit ako. Pagmulan ng mata ko, 3 na ng hapon lolz. Sana natulog na lang ako sa bahay ko sa manila ganun din pala dapak....

So ayun, pagkagising ko naligo ako, lagay ng wax sa buhok at nag toothbrush. Olrayt! pupunta na ko ng sementeryo. Nang malapit na ko sa sementeryo, nakasalubong ko ung pinsan ko. Nagulat sya na parang nakakita ng mumu. "Buti nde ka naligaw? nakakauwi ka pa pala d2 sa tin". Nak ng tipaklong.... Nde nakakatawa un ah hehehe. Pero sabagay, almost 4 months ata ako di nakatuntong sa probinsya namin, normal lang ang ganun. Pagdating ko sa puntod ng lolo at lola ko, nagtirik ako ng kandila at nagdasal ng konti. Naabutan ko pa ung iba kong pinsan at tito. Alam nyo reaksyon nila? Parehong pareho ng sinabi nung nauna kong pinsan. Natatawa na lang ako sa kanila. Dinalaw ko rin ung kabilang puntod ng mga kamag anak namin. Hulaan nyo rin reaksyon nila? hahaha. tama un nga.

Nakita ko sa sementeryo ung isa kong katropa. Ganun din reaksyon nya hehehe. Naisip ko siguro panahon na para ayusin ko ung mga tampo nila sa kin. Niyaya ko syang mag inom kasama ng ibang tropa namin. Sagot ko lahat. Lahat as in lahat T_T. Ubos ang dinala kong pera hehehe. So ayun nagdesisyon na kaming umuwi ng sabay. Habang naglalakad ako, napaka nostalgic ng dating. Nadaanan namin ung bahay nung ex ko at nakita ko sya. Dedma lang sya hehehe. Marami akong nakasalubong na kakilala. Grabe, kala mo artista o balik bayan ako hehehe. Bati dito, bati dun. Ang sarap pala ng feeling ng umuuwi sa probinsya. So ayun umuwi na ko at hinintay na lang sila dumating sa bahay. Nag online ako saglit para icheck kung online sya. Wala sya so.... oh well....

Maya maya dumating na ung mga katropa ko. Ayun inom kami. 2 case ng red horse at isang generoso. Lahat sila sinasabi na namiss nila ako. Nde ako natouch kasi kadiri sila hahaha. Ang saya ng inuman namin. Sa loob ng mahabang panahon, ngaun lang nagkasama sama ung kumpletong tropa namin. Kahit ung isa na may asawa na, pumunta rin dun. Andami kong catching up na ginawa. Pati ung relasyon ng pinsan ko sa isa naming tropa nde ko nalaman. Andami kong namiss nung umalis ako. Naisip ko bigla na sana, nakasama ko pa sila ng mas matagal. Namiss ko ung samahan namin tulad ng dati.

Nag online na sya at nag pm. Kinuwento ko kung gano ako kasaya kasi nakumpleto na ung tropa namin. Pero parang iba ung pm nya eh... so nagpaalam ako na kausapin ko na lang sya mamaya kasi nga nagkakatuwaan pa kami. Siguro eto ung isang mali na ginawa ko pero ayaw ko mamiss ung chance na makakwentuhan sila lahat....

Nov 2, minulat ko na mata ko. Nagtataka ako bakit ung kanan kong mata nde bumubukas. Kelangan ko pang i buka gamit ng mga daliri ko. Parang ang dami kong muta. Naghilamos na ko at pagtingin ko sa salamin, Napa shet ako. Ang pula ng kanan kong mata waaaaaaaaa.... May sore eyes ako T_T. Bakit kung kelan bakasyon ko saka naman ako nagkaroon neto. Tsk... Maghapon tuloy akong nakulong sa bahay waaaaaaa......

Nung gabi pumunta ako sa tito ko. Bday nya kasi. Pagdating ko dun ang daming tao. Andun lahat ng mga pinsan ko at pati ung ilan kong mga katropa. Lahat sila isa reaksyon hahaha. Ganun ba talaga ako katagal nawala? Maya maya nagpicturan na sila.... nde ako kasama. Andun lang ako sa isang sulok. Nde ko magawang lumapit kasi parang nahihiya ako. Ang saya na ng tropa nila... Naisip ko, un siguro ung price na kelangan kong bayaran para makipagsapalaran sa maynila. Naisip ko rin na kung sana madalas ako umuwi or nde na ko talaga nagtrabaho sa manila, sana isa ako sa nagtatatalon jan sa picturan nila. Niyaya pa ko nung isang pinsan ko na mag inom daw. Sumagot na lang ako ng oo pero dahan dahan akong umalis. Nde na nila ako napansing umalis ehehehe. Parang etchapwera na talaga ako hehehe. Pero ayus lang atlis naging masaya ulit ako kahit saglit lang.

Sabado, parehong mata ko na ang may sore eyes. Kaasar. Bakit ngaun pa... T_T. Andami kong gus2 gawin pero di naman ako makalabas. Hinintay ko na lang sya mag ol pero mukhang di na sya muna mag ool. Nagkasakit sya, kaya naiintindhan ko. Bigla ko syang namiss ng sobra... pero ayaw ko namang pilitin sya mag ol para lang sa kin. Iniwan kong ol ito para kung mag ol man sya, makita nya na ol ako. Nung gabi, bigla syang nag buzz. Kapatid ko nakasagot e suplado un sabi lumalamon daw ako. Kapatid ko un ah? tsk. Nakausap ko sya. Mejo ok na daw sya. Andami kong nitanong pero mukhang ayaw nya magtype. Anong magagawa ko sira ung sound card nung pc ko. Kahit gus2 ko sya kausapin pero hanggang type lang kaya kong gawin nung time na un. Siguro napansin nya na mejo nalungkot ako kaya aun, nagkwento sya ng marami. Kahit ung tungkol sa kanila, nakwento nya. Parang iba lang pakiramdam ko sa mga sinasabi nya... Parang nanlambot pa nga ako sa iba nyang sinabi. Mga bagay na nde ko nagawa.... mga bagay na siguro nde ko na magagawa. Pero nitry ko pa ring maging masaya para sa kanya. Kelangan nyang maging masaya for her sake. Maya maya nag offline na sya. La ako magawa hehehe. Nanood na lang ako ng 1 vs. 100 at kakasa ka ba sa grade 5. Ang tatalino ng mga bata talaga. Daig pa ung mga totoong contestant hehehe. Nde ko na tinapos ung panonood ng pbb kasi mejo la na ko sa mood. pinilit ko na lng matulog...

Linggo, puro muta pa rin mata ko. bakit kaya nde pa gumaling to? tsk. Nagdesisyon kami ng nanay ko na pumunta ng mall. Ayun nilibre ko sila kumain at manood ng sine. Nanood kami ng "Hide and seek". Nung una mejo nagugulat pa ko. Pero nung bandang gitna na, masyadong naging predictable na. Nde na ko natutuwa. Ni nde nga ko natakot. Pano naging rated B un? tsk. Tiningnan ko ung cell ko at may text nya. Naglaro daw sya kasama ung lovey dovey nya. Congrats sa yo. hehehe. Nung nagtext ako sa kanya, di na sya nagreply hehehe. Parang ayaw na nya ko kausap lolx. So ayun naghiwalay na kami ng ermats at mga kapatid ko. Pabalik na ko ng manila, sila naman pabalik na sa bahay. Natutuwa ako kasi marami akong naayus nung bumalik ako sa province...

Eto ako ngaun sa office, nakikinet ng libre hahaha. Nagtext ako sa kanya, sagot lang nya hehehe at smiley na letter u. oh well... siguro naaayus na nila ung lab story nila. parang nde na nya ko kelangan ngaun. Kung dun naman sya liligaya, ayus lang. Atlis alam ko masaya sya. Alam ko ring speechless na sya at wala nang masabi so ok lang talaga. Siguro kakayanin nya na ung araw nya na wala ako, so its better this way... pahabol pala... ung kaopism8 ko may nakitang umuusok sa isang cubicle sa cr. tapos nakita nyang mejo gumalaw ung pinto neto.... waaaaaaaaa.... may multo sa office namin waaaaaaaaaa.....

0 comments: