Sunday, November 25, 2007

Ang crossword puzzle

Sunday, November 25, 2007
Sumunod na araw, muli kami nagkita ni Jamie. Abahh... mukhang mas maaliwalas ang mukha nya.

Jamie: uiiiii! gandang araw sa yo!!!!

Tsk lakas ng dating ko talaga hahahaha

Ako: Ui!! gandang araw din sa yo! kamusta?

Jamie: eto ayus lang. mejo ok naman na.

Ako: Teka pala kumain ka na?

Mdyo nag pouty lips si Jamie. Ang cute tingnan hahaha

Jamie: Di pa nga eh. maya na lang siguro

Ako: Hala, hapon na di ka pa kumakain? Tara ililibre na lng kita ng kakainin.

Jamie: Sus! nde na no ok lang. Saka kumain ako ng sandwich at juice kanina ok na un.

Matigas din ulo neto. Tsk. Ano ba kelangan kong gawin para umayos ang mga taong ganito tsk.

Jamie: Nga pala ilang taon ka na? Di kasi tayo masyado nakapag kilala kahapon kasi diba nga nag drama ako kahapon?

Ako: 23 pa lang ako. ikaw ilang taon ka na?

Biglang nag pouty lips na naman sya. Ay natutuwa talaga akong makitang naka pouty lips sya

Jamie: Ate mo na pala ako eh. mas matanda ako ng ilang taon sa yo.

Ako: Sus ayaw ko nga ng ate. sa utol ko nga di ko tinatawag na kuya un, kaw pa e di naman kita kaano ano.

Bigla syang tumawa ng malakas. Ang cute ng boses nya. Parang si inday badiday hahaha. Biglang may inabot sya sa bag nya.

Jamie: Eto na ung panyo mo. Nilabahan ko na yan so wala na yang sipon.

Ako: *Kamot ulo* sabi ko sa yo na yan eh. Luma na rin yan kaya sa yo na lang

Jamie : *Lumaki mga mata* Oiiii! nde ako poor para limusan mo ng panyo. Tsaka nagtataka ako, lalake ka ba talaga? bakit kulay pink tong panyo mo?

Abaaaaa..... nantatapak din to ng pagkalalake ko ah? abaaaaa

Ako: E bakit ba sa kapatid ko yan. wala na kasi akong malinis na panyo kaya hiniram ko.

Tumayo sya at naglakad lakad ng konti.

Jamie: Alam mo, nde ko alam pero ang gaan ng loob ko sa yo. Parang ang saya saya mo kasama. Kahit kahapon lang tayo nagkakilala, parang pakiramdam ko, dati pa kita kasama

Wow. madrama pala to. emo sessions ba ulet? Naalala ko may dala pala akong crossword puzzle dito sa bag ko.

Ako: Sus, drama mo jan. Maglaro na lang tayo ng crossword puzzle. Madami kang matututunan d2, parang trivia ba?

Jamie: Mahilig ako jan eh. Pabilisan tayo sumagot?

Kinuha ko ung isang copy sa bag ko at ballpen. Umupo kami sa isang mesa sa park at nagsimulang magbilang. 1...2...3... ayun nagstart na kami.

Jamie: hmm... ahh... *sulat sagot*

Ako: hmm... ahhh... *kamot sa ulo*

Makalipas ang ilang minuto, natapos na sya. Kainis bakit ba lahat na lang ng babae gus2 tapakan ang pagkalalake ko???

Jamie: Bleh, Di mo natapos un sa yo.

Ako: E mahirap ung mga tanong dito sa ken kumpara sa yo no.

Inabot ko ung puzzle nya. Nanlake ung mata ko kasi ung mga salita dun eh parang ngaun ko lang narinig. Nakita ko na kinuha nya ung akin at sinagutan

Jamie: Ganito lang pagsagot neto. Kitams?

Tadhana ko na siguro to no? hehehe. Malay ko bang magaling maglaro ng mga ganito tong si Jamie? Susunod nga sa dota ko sya yayayain lolz

Jamie: Ano nga pala pinagkakaabalahan mo? bat parang ang dami mong oras?

Ako: Ah nag oopisina ako. nakaliv ako ng 1 week eh. Nasstress lang akong makita pagmumukha ng boss ko kaya nag liv ako.

Ngumiti si Jamie. Sana nde na mabura un. Mas ok sya tingnan pag ngumingiti sya.

Ako: E ikaw? ano pinagkakaabalahan mo?

Nagbago hitsura ng mukha ni Jamie. Parang biglang nanlumo ang mukha nya

Ako: A... e. ... kalimutan mo na lang ung tanong ko. Nand2 tayo para magsaya. Kung ano man yang problema mo, tatanggalin ko yan hehehe. Tara sagutan pa natin tong puzzle. Pabilisan ulet.

Mejo nangiti si Jamie at sabay kuha dun sa puzzle. Kung ano man ang problema nya, alam ko di pa sya handang sabhin ito. Hintayin ko na lng siguro dumating ung oras na sya na mismo magsabi sa kin nun. Kung meron man ako natutunan sa naging takbo ng kwento namin ni Czarina, un eh iwasang ipilit ang isang bagay. Hayaan ko na lang na ang panahon mismo ang magpasya para sa kin.

Jamie: Tpos na ko! ano ba yan.... ang simple simple lang di mo pa matapos yan

Ako: Ok payn... magaling ka na. sus kala mo magaling ka na nyan?

Jamie: Syempre naman. Hmp! yabang neto

Ako: kaw nga tong mayabang eh! Kala mo kung sinong....

Di pa ko tapos magsalita ng biglang sabi nya...

Jamie: EWAN KO SA YO! *sabay walk out*

toink! bigla akong nanlambot nung sinabi nya un. Ewan ko ba, pero merong mysterious powers ung mga salitang un kasi bigla akong naghabol at nagsorry ng nagsorry. Makalipas ang ilang minuto ng pandededma, bigla nya syang humarap sa kin.

Jamie: May papakilala ako sa yo.

Sa paglalakad namin, nakaabot na pala kami sa isang elementary school malapit sa min. Sino kaya papakilala nya sa kin? Maya maya may batang nagsisisgaw galing sa likod ko.

Bata: Mommy! mommy! mommy!

Paglingon ko kay Jamie, Biglang yumapos ung bata sa kanya. Napa O M G ako. Anak nya ung bata? waaaaaaa may asawa na pala tong si Jamie..... Bigla naman akong nalungkot.

Jamie: Eto nga pala ung anak ko, si May

Ako: Elow May!

Tinaasan lang ako ng kilay ni May. Abah, manang mana sa mommy.

May: Who is he mommy? your boyfriend?

Jamie: No no no. He's just my friend lang. Sinamahan nya lang ako sunduin ka

May: i see.. I don't like him mommy

Kinurot ni Jamie si May... pero ang sakit ng sinabi nya ha? Bagsak agad ako sa anak nya. First impression lasts pa naman.

Nagwave na si Jamie pauwi.

Jamie: Sige seeyah tomorrow na lang ulit ha?

Ako: Sure sure same place same time ulit

Bigla akong napaisip. Dpat ba talagang makipagkita pa k osa kanya? e pano kung malaman ng asawa nya na nakikipagkita ako sa kanya? baka mapaaaway pa ko. Teka sino nga pala ung asawa nya? waaa. di ko natanong. Siguro bukas tanong ko sa kanya. Mahirap na, baka imbes na malungkutin name ko, maging imbalido.

0 comments: