matagal ko ring nde nabisita tong blog ko. Mejo naging bc sa totoong buhay. Malay ko bang magiging bc ako, Kainis tong mga koreanong to dapat dito nilulunod sa ilog pasig eh... tsk
Bago ako naging bc, binalak kong gumawa ng book 2 ng love story ni Malungkutin. Pero sa indi sinasadyang pagkakataon, biglang nawalan ng gana magsulat si malungkutin. Di ko alam pero, ganun talaga siguro.... Kaya ko lang sumulat based sa experience. Sabi nga sa kin ng kaibigan ko, ako ung tipo ng writer na kumukuha lang ng masusulat based sa mga naging experience ko, nde ko kayang magsulat na based lang sa mga ideas. Siguro nga tama sya, kasi lahat ng sinulat ko d2 ay based sa karanasan ko. Meron siguro iilan pero mabibilang mo lang sa isang kamay.
Sinulat ko ang buhay ni Malungkutin para magkaroon ako ng medium para irelease kung ano mang problema, heartache or kung ano pa mang ka ek ekan sa buhay. Sinubukan kong sumulat ng isang blog na nakakaaliw, na kahit seryoso ang sinusulat ko, may sisingit na punchline. Sa totoo lang, ang bawat entry na sinulat ko ay tumatagal lamang ng halos 15-20 mins bago ko matapos. Marami nga itong typo errors kasi nde ko na ineeedit kung ano ang sinulat ko. Pero...
What the hell... wala itong kinalaman sa isusulat ko ngaun
Merong kasi akong nakilala isang babae habang naglalakad lakad ako sa park. Maganda sya. Talagang mapapa "wow" ka sa kanya. Mapapansin mo na lang na parang imbalido ung bibig mo kasi basta na lang tutulo ung laway mo. Napaisip si malungkutin. Nagus2han ko ang babaeng to pero sobrang ganda nya kasi. Nagbago bigla isip ko ng maalala ko ung sabi ni Jay sa kin. "Ang magaganda ay para sa mga panget" Chedeng!!! Nabuhayan ako ng loob. Maganda sya, pangit ako! Opposite attracts nga daw eh. Langit sya, lupa ako. O diba Cholo ikaw ba yan? Sinubukan ko syang kilalanin...
Ako: Hi miss ako si malungkutin. whats yours?
Babae: *taas kilay*
Nyay! ayun.... basted agad hahaha. Mali lang siguro approach ko. Tsk mukha kasing akong manyakis tapos ganun pa approach ko. Siguro bukas kausapin ko sya ng maayos. Simulan ko sa friendship. Yan ang talent ko, makipagkaibigan. Sa totoo lang, lahat ng babae yan lang gus2 sa kin, kaibigan (ang saklap).
Makalipas ang ilang araw, naglakad ulit ako sa may park malapit sa min. Naging gawain ko na un pagkatapos ng mga nangyari sa min ni Czarina. Naglakad lakad pa ko ng biglang poof! biglang umikot ang paningin ko. Takte tong mga naglalaro ng basketball ginawang ring ang ulo! Nagsorry naman sila sa kin kaya ayus na un, pero umiikot paningin ko talaga. Nagpasya akong maupo sa isa sa mga bench dun. Peste namang buhay to... Maya maya napalingon ako sa bandang kaliwa ko. Nakita ko ulit ung babae na nakita ko nung isang araw. Mejo malungkot sya. Nakikita ko pa ngang mejo wet look ung mata nya. Nag isip ulit ako...
Ako: Hmm.... lalapitan ko ba to o nde...
Tsk na buhay to, teka, napapadalas ang pakikipag usap ko sa sarili ngaun ah? waaaaaaa. eneweyz, nagpasya akong lumapit sa kanya. Inabot ko ung panyo ko sa kanya. Tumingin sa kin ung babae. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Natatakot kasi ako baka bigla na naman nya ko taasan ng kilay. Nagulat ako ng bigla nyang inabot ung panyo ko. Huwaw! a miracle! a miracle indeed! Nagulat ako ng bigla syang nagsalita
Babae: Alam mo, ang hirap pala ng sobrang taas ng expectations ng tao sa yo no? Kapag nde mo nagawa ito, magiging frustrations mo ito sa buhay.
Nagpasya akong umupo sa tabi nya. Here we go again, the absorbing man is here!
Babae: Why cant just everyone leave me alone? The more expectations from me, the more na naaawa ako sa sarili ko.... Tao lang ako, di ako isang superhero na kayang gawin ang lahat ng expectations nila sa kin...
Seryoso akong nakikinig sa kanya ng bigla syang tumawa. Anak ng... mukhang nakawalang pasyente to sa mental
Babae: Pasensya ka na ha? Napilitan ka pa tuloy makinig sa kwento ko. And sorry rin kahapon ha? Napagtaasan kita ng kilay mejo wala ako sa mood kahapon kasi depressed ako. Mabilis kasi magbago mood ko
Ako: (mejo tulala pa rin) hmmm... ok lang hehehe. sanay naman akong iniirapan ng mga babae
Babae: Ganun? hahaha
Mas maganda sya tingnan pag tumatawa sya....
Babae: UU nga pala ako si Jamie. Elow *malungkutin*!
Ako: Aba naalala mo pala pangalan ko?
Jamie: Syempre naman, matandain naman ako no. O eto panyo mo, salamat ha?
Ako: Nde, sa yo na yan. May uhog mo na eh, babalik mo pa sa kin.
Tumawa ng malakas si Jamie. Sabay batok sa kin
Jamie: Tingin ko magkakasundo tayo. *Ngiti ng ubod ng laki*
Nakupo.... Czarina 2 ba ito? Oh well, gusto ko rin naman syang maging kaibigan. kaibigan ha? nde ka-ibigan hehehe.
Jamie: So seeyah tomorrow? Same time? same place?
Ako: Ay sure....
Mukhang mabubuhayan na naman ng dugo itong si malungkutin hehehe. Hmm... Sa huli nagdesisyon akong maging Book 2 na itong entry na ito hehehe.
Sunday, November 25, 2007
Bagong umaga, bagong istorya
Posted by Malungkutin at 4:40 AM Sunday, November 25, 2007Labels: Ang Love story ni Malungkutin Book 2
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment