Mabilis na dumaan ang araw, halos 2 buwan na rin pala ang lumipas. Pagkatapos ng mangyari ang mga bagay sa pagitan namin ni Jane, unti unti na kong nawawalan ng amor sa kanya. Tanggap ko na mas gus2 nya ung ofw nyang mejo ex at "pinsan" lamang ang lagay ko sa kanya. Baket ko naman ipipilit ulit ang di pede diba? pang ilang episode na ba to sa lablayp ko? Napansin nyo ba na halos parepareho ang tema? Kasi tanga ako... capital T A N G A... tanga...
Isang araw nagmsg si Jane sa kin sa ym.
Jane: Kamusta na pare?
Wow Pare na tawag nya sa ken. Indi na pinsan -.-
Ako: Ayus lang naman, eto ganun pa rin busy busy pa rin. Kaw kamusta na?
Jane: Ok lang din!
Humaba ang usapan namin. Parang updating ng mga nangyari sa min makalipas ang dalawang buwan. Sumbatan dito, sumbatan dun... Naisip ko nga kung ano pa sense ng pag uusap na yun. "Whatever" na lang ako.
Jane: Uu nga pala... lumabas na daw ung result nung exam namin... pede mo bang icheck para sa kin?
Syempre, makakatanggi ba ako? Isa ako sa mga excited sa resulta.
Ako: Sige sige, pm ko sa yo mamaya ang resulta
So punta agad ako dun sa tinginan ng resulta sa net. Pumunta ako dun sa mga top notcher. Bah malay mo, mataba utak ni Jane, baka nasa top notcher. Searching... Searching.... Searching.... Siguro nakatatlong balik balik ako, wala ako nakita. Siguro andun sya sa ibang mga nakapasa. Click ko ung link. Searching... searching... searching... searching... sear... nak ng teteng! Di ko mahanap ang pangalan nya! Mga 10 times ko nirefresh refresh baka kako late lang nalagay name nya. Kahit ung apelyido ko, hinanap ko na dun kasi baka un ung spelling na nailagay nya... pero wala talaga...
Eto ngaun ang problema ko... Pano ko sasabhin??? Kung ano ano inisip ko pero di ko alam sasabhin. Di ko alam kung pano ku sisimulan.... Maya maya nagpm na ulit sya
Jane: Bat ang tagal mo naman maghanap. Ano resulta?
Gumana ang aking super fast thinking!
Ako: Ah... sensya di ko pa natitingnan, dami kasi ginagawa d2 eh. Teka mag meeting lang kami ha? tingnan ko mamaya.. (sabay pindot ng away status)
Jane: Ok...
Isip ako ng isip kung pano ko sasabhin. Magsinungaling ba ako? Mag offline na lang ako? waaaa.... after 1 hr, saka ko lang napagdesisyunan na sabhin na lang na bagsak sya.
Ako: Jane...
Jane: Ow? Tapos na meeting nyo? nakita mo na?
Ako: Uu eh, nakita ko na ung resulta?
Jane: Ano resulta?
Siguro mga 5 minutes din akong di nakapagtype. Pede rin palang maging speechless sa chat! Nung napansin nya akong di nagtatype..
Jane: Bagsak ako no?...
Ako: Uu... di ko makita pangalan mo
Parang biglang naramdaman ko ung sakit nung pagkasabi ko nun..
Jane: Ganun ba? salamat ha....
Pagkatype nya nun bigla syang nag offline. Anak ng tipaklong... ang hirap naman ng lagay ko. Napagpasyahan kong puntahan sya para makausap. Hinintay ko ang 6pm at nagmadali na ko pumunta sa kanila. Pagkarating ko sa kanila, nakita ko si Jane nakaupo sa sulok... kita mo lungkot sa mata nya.
Ako: Jane... ok ka lang ba?
Parang di sya nagulat sa pagdating ko. Parang wala lang. Parang utot lang na dumaan.
Jane: Nung pagkasabi ko sa yo na icheck ung site... nakita mo na agad no? Di mo lang alam kung pano sasabhin kasi ayaw mo ko masaktan, tama ba?
Tumango lang ako, speechless na naman ako..
Jane: Alam mo pare... ang sakit sakit sa dibdib. Alam mo, nung nalaman ko na wala pangalan ko dun.. parang sasabog ang dibdib ko. Ang sakit
Ako: Ok lang un, may next time pa naman eh
Mejo tinaasan ako ng kilay ni Jane
Jane: Ayoko na... tanggap ko na nde ako matalino... na bobo ako..
Mejo nabadtrip ako sa sinabi nya. Haler! walang taong bobo! kung meron man ako yun!
Ako: Ano ka ba? bat ganyan sinasabi mo! Minalas ka lang siguro kasi ung mga inaral mo eh di lumabas. Yun lang un.. malas.
Jane: Malas ba ung 3 times sunod sunod kang bumagsak? Sabhin mo nga sa kin kung kamalasan ba tawag dun?
Nagulat ako dun. Parang bigla kong natitigan si Valentina at naging bato ako.
Ako: Pero di naman ibig sabhin nun eh bobo ka na...
Tumahimik na lang sya. Habang nakatingin sa malayo.
Jane: Nde ko na alam ang gagawin ko. Sabhin mo sa kin.. anong gagawin ko?
Bigla na lang isa isang tumulo ung mga luha nya. Nakupo... mas di ko alam ang gagawin ko waaaa. Di ko alam gagawin sa mga babaeng umiiyak. Sinubukan ko syang akapin. Bahala na kung magagalit sya o nde. Nung pagkasandal ng mukha nya sa balikat ko... Nagtuloy tuloy na ung iyak nya. Nararamdaman kong nababasa ang balikat ko sa pinaghalong luha, laway at sipon. Parang tumigil ang paligid sa ming dalawa. Parang lahat ng dumadaan eh slow motion... slow motion na lahat eh nakatitig sa min. Naisip ko nga na nde slow motion un eh. Napapatigil lang sila kasi baka kala nila pinapaiyak ko si Jane. So ayun, maya maya ay natigil na ang pag iyak nya.
Jane: Huwag mo ko iiwan ha? Salamat at and2 ka...
Ting ting ting! Mali nga pero, biglang taba puso ko.
Ako: Nde ako ang pinakamagaling mag advice. Di rin ako pinakamagaling magpaayus ng pakiramdam. Mas lalong wala akong kwentang magpasaya ng taong nalulungkot ngaun... Pero lagi ako andito. Kahit anong mangyari and2 ako.
Oh diba? parang si Piolo Pascual at Sam Milby... este Angel Locsin lang no?
Jane: No.. no.. Ang laki ng natulong mo sa kin pare. Yung and2 ka lang para maiyakan ko... malaking bagay na yun. Maraming maraming salamat talaga.
Bigla akong nakaisip ng idea.
Ako: Alam ko na, treat kita bukas! Punta tayong Trinoma. Di pa tayo nakakapunta dun diba?
Napangiti si Jane.
Jane: Ay, totoo yan? Sige punta tayo bukas dun. Maraming maraming salamat talaga pare.
Tumambay pa ko ng ilang minuto at nagpasya na ko umalis. Nagpaalam na ko at umuwi na sa min. Habang nasa byahe kinikilig pa rin ako. Parang natutuwa pa ko sa nangyayari. Pero isang bagay lang ang nasisiguro ko, kelangan ko sya mapasaya bukas para mawala na ung problema nya
Saturday, August 16, 2008
Ang resulta ng exam ni Jane
Posted by Malungkutin at 12:49 PM Saturday, August 16, 2008Labels: Ang Love Story ni Malungkutin Book 3
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
aba ayus to ah
Post a Comment