Akalain nyong buhay pa pala tong blog na to? Pasensha na at matagal nawala. Halos isang taon din yun no? Yung ending nga nung huli kong kabastedan eh nalimutan ko na sa tagal. Nawalan kasi ako ng interes sa internet at sa pagbablog. Nagsasayang ako ng kuryente at utak para lamang magsulat ng mga bagay na pinagtatawanan lang sa tunay na buhay. Mga bagay na di naman kelangang mangyari e nangyayari kasi duwag lang o kaya literal na para lang may maisulat
Siguro ganun ako nung sinimulan ko magsulat neto.
Para kasing ang sarap maglabas ng sama ng loob dito sa sayber ispeys. Pati kabastedan, ang sarap isulat diba? Buti nga at nauso ang Anonymous at pen names kaya kahit papano, ndi ka mababaon ng buhay sa kahihiyan sakaling mabasa ito ng mga kakilala ko.
In peyrnes naman sa mga kakilala kong pinabasa ko neto, natuwa naman. Imbes na pagtawanan ako eh natuwa lang. Marunong daw pala ako magsulat. Haller, 7 yrs old pa lang ako, marunong na kaya ako?
So eto ang recap ng mga nangyari sa blog ko.
1. Binasted ni girl #1
2. Binasted ni girl # 2
3. Binasted ni girl #3
Di ko na nalagyan ng proper ending yung 2 huli, pasensha na. Kasi akalain nyo, sumaya na rin ako! Naisip ko nga kung tutuloy ko pa to kasi meron nang nagmahal sa ken. Ndi na ko emo. Ndi na ko naglalaslas ng pulso. Ndi na ko nagbibigti.
Gus2 ko sana baguhin ang tema neto, pero ndi ko alam kung pano. Siguro ako lang yung taong nakakapagsulat lang base sa nararamdaman. Siguro sisimulan ko sa totoong recap ng bawat isa sa kanila. Aftermath ika nga. Tapos ikwento ko na rin ung ups and downs namin ng pinakamamahal ko... kung pano ko sya nakilala at pano nya pinatulan ang bulak na katulad ko. Wag rin kalimutan ang mga sariling saloobin tungkol sa mga isyu ngaun. hehe. Amp, parang napakaseryoso ko na ngayon.
Welcome me back, sa mga dumadaan daan pa, sa mga dadaan pa at sa mga mapipilitang dumaan ulit. Cheers!
Monday, July 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment