Pagkalakas lakas ng ulan naman. Yung mamahalin kong payong ayun nilipad at nabaliktad. Grabe naman kasi. Parang hanggang ngayon eh nakikiramay pa ke Pres Cory ang panahon. Ayaw ko talaga ng ulan. Pramis. Naaalala ko lang ang kilikili kong namamasa pag umuulan
Eniweys, eto na ako. May panibagong trabaho. Panibagong pakikisama. Halos maluko ako dun sa mga koreanong bano. Mabuti naman dito e natututo ako mag ingles ng maayos. Kano eh. Ngayon ko nga lang nalalaman na.. Pota ansama pala ng accent ko. Talagang hanggang ngaun eh sinusumpa ko pa rin ang mga koreano. Kung pede nga lang ako magtayo ng org na mala - "Ako Mismo" gagawin ko. Ako mismo... Ako mismo magtatapon sa mga koreano sa Ilog Pasig.
Ano na nga ba ang nangyari sa kin sa nakalipas ng ilang buwan o taon? Si Czarina ayun loka loka pa rin. Ndi pa rin makamub on dun sa pinagpalit sa ken. Bah, yan ang napapala ng mga manhid at walang pakiramdam. Nakakausap ko pa sha paminsan minsan, pero ndi na tulad ng dati. Nawalan na ko ng amor sa kanya. Parang, ewan ko, siguro eh lumipas na lang talaga ang kung ano man naramdaman ko sa kanya. Last ko narinig eh ibebenta na raw bahay nila.
Si Jamie, ayun matagal ko nang di nakkausap. Nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan nung huli kaming mag usap. Di ko na nga maaalala kung ano napag awayan namin eh. Basta ayun mapride ako, mapride sya. Nawala na lang bigla. Pinipm ko sya minsan kaso mukang binlock na nya ako. Sabi ba naman dati, pinagsisishan daw nya na nakilala nya ako. Ksakit sa kasin kasin nun diba? hehe. Pero kasalanan ko naman eh. Gus2 ko lang siguro madrama, ayun nasobrahan ata.
Si Jane, yun from time to time nakakausap ko pa. Oo sila pa rin nung boylet nyang taga Saudi. Tanggap ko nang ang magkaapelyido e kelanman ndi pedeng magkatuluyan. Ang huli kong balita eh nag exam ulet sya pero nung tiningnan ko ung result wala ulet pangalan nya. Kakalungkot. Nakikita ko sya online, pero di ko magawang kausapin kasi di ko alam kung pano ko sisimulan.
Suma tutal, nakamove on na ko. Ndi pala pedeng habambuhay kang magiging malungkutin. Akala ko dati, sa tuwing magiging shock absorber, bulak, aso, alila e makakahanap ako ng pag ibig. Malaking pagkakamali. Akala ko kelangan ko lang magpursige. Minsan pala kelangan mo lang maghintay, kelangan mo lang pakiramdaman na eto na, eto na yung tinadhana sa yo. Nasobrahan kasi ako sa panonood ng komersial nina Mar at Villar. Akala ko kasi e kelangan "Lalalaban tayo" at kelangan lang ng "Sipag at Tiyaga". Ndi na pala kailangan ng mundo ng mga martir, at mga martir e binabaril lang sa Luneta.
Ndi ko masisisi ang mga katulad kong malungkutin. Alam ko ang pakiramdam ng gagawin mo ang lahat para lang sa isang tao eh wala pa rin. Yung tipong kung kaya lang abutin ang buwan at araw eh ibibigay nya sa taong yun. Yung tipong kung kaya mo lang maging si Superman at gawin ang lahat lahat eh. Pero hindi. Hindi ito panaginip. Isa itong realidad na kailangan nating tanggapin. Masyado na rin akong maraming luha (oh ha), pagod, pawis, baby fats na sinayang sa loob ng maraming taon.
Alam nyo, minsan dumadating ang mga taon iyon sa mga di mo inaasahang panahon. Yung mga tipong tatalon ka na lang sa tulay eh bigla mo makikita sya. Ako nga eh handa na sanang lumaklak ng baygon nung bigla syang dumating sa buhay ko eh. Kung sino sya, sa susunod na lang na kabanata.
Wednesday, August 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment