Wednesday, October 14, 2009

Pagtitiwala

Wednesday, October 14, 2009
As usual bida na naman si Big Brother sa blog na ito. Kasi naman, wala nang ibang mapanood sa ganung oras, so no choice (nagpapalusot pa).

Ang galing ng mga twist sa show na yun. Sa totoo lang ngayon lang kasi ako natutuwa sa show na yun. Ang daming lessons na pedeng matutunan. Para ka lang nanonood ng Super Book na favorite ko panoorin, lalo na pag mahal na araw dati.

Tiwala.

Eto ang salitang mahirap bigkasin. Kasabay kasi ng pagsasabi mo nito ay ang pangamba na mawala rin ito. Kapag ikaw naman ang bibigyan nito, para itong magsisilbing kadena o alarm na pipigil o gigising sa utak mo na panghawakan mo ang salitang ito. Ganyan kabigat ang salitang ito.

Kung iisipin mo, isa lang itong noun na makikita mo sa kahit anong pinoy diksyunaryo. Kung walang makitang ganung diksyunaryo, inglesin mo na lang at hanapin sa English dictionary. Kung wala eh translate mo sa hapon.... o sa intsik....

Bakit nga ba napakalaking bagay ng salitang ito?

Kapag nagbigay ka ng tiwala sa isang tao, para mo na ring binibigay sa taong iyon ang buo mong sarili. Kumbaga, yung paborito mong tapsilog eh ibibigay mo na lang sa ibang tao. Kalakip ng salitang iyon ang prinsipyo ng nagbigay nito at nakaselyo sa emosyonal na paniniwala. Kung kaya mong punitin ang prinsipyo at paniniwala ng taong nagbigay ng tiwala sa yo, astig ka. As in astig, ang kapal ng mukha mo.

Bakit nga ba nawawala ito?

Napakaraming dahilan ng pagkawala ng tiwala. Sa sobrang dami, kulang pa ang isang buong page nito. Kung pagkakabit kabitin mo, magkakaroon lang ng 3 rason kung bakit nangyayari ito:

1. Pangungulila
2. Kagipitan
3. Sadya lang makapal ang mukha

Naku, yan ang pinaka unang paliwanag ng mga lalake kung bakit sila nagkakasala. Laging "lalake lang ako, may pangangailangan." Aminin man natin o ndi, nangyayari rin naman ito sa mga babae.. yun nga lang mas talamak sa mga lalake. Kawawa yung mga nag iibang bansa na bilang mo sa daliri kung ilang beses lang makauwi sa Pinas. Kita mo yung nagsumbong kay kuya Eddie, nagulat sha ng nadagdagan ang anak nila.

Nakakatakot pa naman pag tiwala na ang mawala. Parang nagiging mga adik ang nasa paligid mo at laging tamang hinala. Kahit gumawa tayo ng tama, pero dahil nawala na ang tiwala, wala na. Parang salamin lang sya na pag nabasag e di na pedeng buuin pa tulad ng dati. Parang tali na pag napatid na ay di mo na mababalik sa totoong hitsura. Nakabuhol na lamang ito, na tila nagbabadya lagi ng pagkaputol.

Bagamat nawala na ang tiwala na binigay mo sa iba, hindi nangangahulugan na kelangan eh mabuhay ka nang ganun. May mga taong nagsisisi sa pagkasira ng tiwala, kaya wag natin isarado ang utak at hayaan itong bukas sa pagbabago. Kaakbay ng pagtitiwala ang pagpapatawad, ika nga ni big brother. Kapag natutunan na nating magpatawad, matututo na ulit tayong magtiwala.

Isa pang kailangan sa pagbibigay ng tiwala ay ang pagtanggap. Alam ko na naisulat ko sa huli kong blog na mahirap ito, lalo na't ng nagtapon ng pagseselos ang langit ay isang drum ang dala mo pero requirements ito. Kumbaga sa math, ganito ang magiging equation nya:

Trust = Forgiveness + Acceptance

wherein

Trust = Love

and

Love = intimate moments... basta lam nyo na kung san tutungo ang intimate moments.

Pero syempre ang mga sinabi ko e mga ideals lang. Nasa sa yo yun kung pano mo iaapply. Kung lahat e kayang gawin yun, e di sana wala nang nagsusuicide at pumapatay ng dahil lang sa pagkabasag ng tiwala.

0 comments

Tuesday, October 13, 2009

Nakaraan Ba ang Problema?

Tuesday, October 13, 2009
Sabi nila, pag mahal mo ang isang tao, kaya mong tanggapin lahat lahat - ultimo di nya pagsisipilyo, di pag chachani ng buhok sa kili-kili o paghilik na parang nakamegaphone, lahat yan keri lang. Pero ganun nga lang ba un kadali?

Nanonood ako kanina ng PBB at meron dung mag asawang pumasok at isa pang lalake. Ang ginawa ni kuya eh kunwari ang mag asawa ay ung babae at ung isang lalake na kasabay nila pumasok. Inisip ko na madali lang yun. Ano ba yung magkunwari ka lang na parang di kayo magkakilala, habang yung di mo kilalang lalake ang hahawak sa kamay ng asawa mo... hahalik... yayakap... TEKA! amp moments yun ah.

Napaisip ako ng saglit habang pinapanood ko yun. Kahit na di ako gano naniniwala sa mga drama nyang mga reality tv shows na yan, parang napatanong ako sa sarili ko.. ang hirap siguro makita ang mahal mong may kalampungang iba. Kahit ba laro laro lang ito, nakakapraning.

E pano naman kung yung nakaraan ng mahal mo ang humahalukay ng utak mo?

Accept the past, sabi nga nila. Kasama raw ang past, present at future ng isang taong mamahalin mo. Pero ganun lang ba ito kadali gawin? Hindi ko alam kung anong pampamahid ang iniinom ng iba, pero di ko makita ang point na magawa ito. Sabi nga ni Kimmy, the point is pointless. Maiisip mo pa rin yung maaari nilang ginawa or ginagawa bago ka dumating sa buhay nila.

Oo, alam ko namang mali ang pag iisip na iyon. Mas nauna sila sa buhay ng mahal mo, kaya wa say tayo dun. Ang point ko lang eh, di mo naman maiiwasang masaktan diba? Kahit ulit ulitin mo sa kokote mo na "ok lang yun" o kaya "tapos na yun", Andyan pa rin ung kibot sa mga varicose veins mo na nagsasabing "Prrrrtttt.... Time out, masakit." Pero andyan na yan eh, isa syang package deal na pang TV shopping na may "but wait there's more" na selyo.

Ang masakit pa dyan eh kung lahat ng nauna sa yo eh nasa paligid mo lang. Yun bang tipong kaharap lang ng bahay ng gf mo ang ex nya. Yun bang tipong katropa mo pa ito. Yun bang tipong minsan e nakukuha pang manghingi sa yo ng sigarilyo. Minsan nakakainuman mo pa ito (o sila). Kaya mo bang lunukin ito lahat at sabhing DARNA... este... wala yan?

The more kasi na nakikita mo ang nakaraan nya, the more na nagpupumilit yang takot at selos na pumasok sa bunbunan mo. At the more na makikita mo ang mga ito, the more mo rin maiisip at minsan matratrauma sa mga maaaring nangyari sa kanila. Pano pa kung alam mo mismo ang mga nangyari, yari ka. Kung nahilo kayo sa dami ng paulit ulit na salita, skip to the next paragraph.

Maaaring sabihin nyo na napakababaw nitong mga sinasabi ko pero nangyayari ito. Siguro nga merong mga taong dedma lang sa ganitong mga set up. Taas dalawang kamay ko sa yo at everyone, join me, "Congratulations!!!".... isa kang ulirang lalake.

Hindi naman masama sabihin ang nararamdaman mo sa iyong gelpren. Hindi kabaklaan ang pag amin na nagseselos ka, o di kaya ay di ka komportable sa setup o sitwasyon nyo. Wag magpaka feeling macho na kunwari di apektado sa mga nakikita. Sana lang pag nagsabi na ang mga lalake sa mga babae ng mga bagay na ito eh pakinggan naman. Minsan kasi ang nangyayari eh nagagalit din sila at pilit sinasabing wala na daw, wala na daw. Ano ba alam nyo sa nararamdaman naming mga malulungkutin? Hindi nyo ba alam na the more nyo kinakausap ang nakaraan nyo, mas lalo lang nag shoshortcircuit ang lohika ng tao?

Friends lang daw sila. Yan ang numero unong rason ng mahal mo. Yan din ang numero unong rason kung bakit natututo magselos ang mga kabataang tulad ko. Lalo na kung alam mong masakit malaman ang nakaraan, talaga wow pare, bigat. Pero ginusto mo yan eh. Kung ayaw mo ng ganitong setup, breakin mo. Ganun lang kasimple yun.........




.......kaya ayaw kong nakikipagkaibigan sa mga ex eh.

0 comments

Tuesday, October 6, 2009

Bakit Nga Ba Ako Nagsusulat?

Tuesday, October 6, 2009
Sa wakas meron na ring pumapasok sa utak ko. Palagi na lang kasi ako ganito. May maiisip, pag kaharap na ang monitor at keyboard, nabablanko. Bibili ako sa kanto, may papasok na idea pero pag uwi ko, tinangay na lahat ng hangin. Ganito nga siguro ang mga writers, mental block ang number 1 kalaban.

Pero kahit minsan, di ko inisip na isa akong writer. Kung susuma tutal mo nga lahat ng naisulat ko na, lahat un e base sa katangahan ko sa buhay. Badtrip nga at kelan ko lang narealize na gusto ko pala magsulat, na meron din natutuwa sa mga sinusulat ko kahit pano. E 3rd yr college na ko nun, alangan namang magshift pa ko, syang ang pera.

Pagsusulat.

Eto ang malayang pagpapahayag ng mga saloobin, opinyon o kung ano mang kuro kuro na nais mo sabhin, gamit ang tinta at papel. Pero panahon pa ni kopong kopong yang tinta at papel. Meron na ngayong mga computer. Meron ding mga blog sites na tulad nito na pedeng magsilbing papel mo. Di ka pa manghihinayang sa tinta o magagalit dahil sa pagtatae ng bolpen mo. Malas mo lang kung brownout o di kaya e nasa kaduluduluhan ka ng Pinas na walang kuryente.

Kung iisipin mo, hindi lahat pede maging writer. Merong iba na kala mo laki sa star rice sa galing sa pagsasalita pero subukan mong pasulatin, lusaw na ang monitor kakatitig e wala pang nasusulat. Pagsusulat kasi kelangan gumamit ng utak. Ewan ko ba kung bakit ako nahilig sa pagsusulat e wala naman ako nun. Lagi sinasabi ng mga magulang ko na matalino raw ako. Pero wag sanaying sabhin ito sa mga anak nyo kasi siguradong lalaki silang tamad mag aral.

May kanya kanyang style sa pagsusulat. Merong bibo at kawili wili ang mga sinusulat. Merong nobela at kung ano ano pa. Dito mo makikita kung anong klase ng tao ang nagsusulat. Sa totoo lang ginagamit ko rin minsan na batayan sa paghusga ng tao ang galing o sama nila magsulat. Kasi sabi nga nila, dito mo malalabas ang lahat, kaya nga merong mga diary ang mga girls e.

Minsan lang nakakainis pag nakapasok ka sa isang kumpanya na nangangailangan ng pagsusulat. Dapat e magkakapareho kayo ng style. Ilang beses na ko nakipagtalo noon sa manager at sa boss ko na ganun ang style ko. Pero syempre sila ang nasa posisyon, wala naman ako magagawa. Naaalala ko minsan sinabi pa sa kin nung boss ko na napakahusay raw nung sinulat ko. Lahat sila e puro "thumbs up" ang ginagawa. Pero nung binasa ko ung sinulat ko, wala akong makitang ni isang salita na ginamit ko. lahat binago, kahit ung sense nung sinulat ko binago. Ok lang sana ung mga edited, kasi normal un, pero ang baguhin ang lahat bukod sa title, ibang usapan na yon. Yung katrabaho ko e natuwa para sa kin pero sinabi ko na rin na hindi naman ako nagsulat non, sila na.

Madami akong hinahangaang mga author. Stephen King, Dan Brown at marami pang iba. Sa local lagi ko binabasa pa rin ang mga libro ni Bob Ong. Para ngang sya ata ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Sa totoo lang kasi, ang style ay ndi automatic na nakukuha ng tao. Nanggagaling ito sa ibat ibang libro o sa panahong ito, mga blogs na nababasa ng isang tao. Ndi ka naman magkakagustong gawin ang isang bagay ng wala kang nakikitang may gumagawa nito ng maganda. Kahit ang mga bading, bakit karamihan sa kanila e pagpaparlor ang trabaho? Kasi nakikita ng mga pasibol pa lang na bading na magagaling sila sa ganung "field" kaya ayun ang kanilang nagiging pangarap.

Kung may maipapayo man ako sa mga gustong magsulat, iyon ay ilagay mo sa puso ang pagsusulat. Wag tumulad na pag nagustuhan lang magsusulat. magpractice, at magsulat lamang ng mga bagay na kumportable ka. Kung di ka magaling sa english, wag pilitin at baka yung love story nobela mo e maging comedy. Sa pagboblog naman, di na kelangan ng major editing pero syempre, kelangan mo pa ring basahin ulit ang mga pinopost mo. Higit sa lahat, mahalin mo ang pagsusulat. Kung kelangang katabi mo ang iyong bolpen at papel, gawin mo. Make love to your hobby/profession. hehe.

0 comments