As usual bida na naman si Big Brother sa blog na ito. Kasi naman, wala nang ibang mapanood sa ganung oras, so no choice (nagpapalusot pa).
Ang galing ng mga twist sa show na yun. Sa totoo lang ngayon lang kasi ako natutuwa sa show na yun. Ang daming lessons na pedeng matutunan. Para ka lang nanonood ng Super Book na favorite ko panoorin, lalo na pag mahal na araw dati.
Tiwala.
Eto ang salitang mahirap bigkasin. Kasabay kasi ng pagsasabi mo nito ay ang pangamba na mawala rin ito. Kapag ikaw naman ang bibigyan nito, para itong magsisilbing kadena o alarm na pipigil o gigising sa utak mo na panghawakan mo ang salitang ito. Ganyan kabigat ang salitang ito.
Kung iisipin mo, isa lang itong noun na makikita mo sa kahit anong pinoy diksyunaryo. Kung walang makitang ganung diksyunaryo, inglesin mo na lang at hanapin sa English dictionary. Kung wala eh translate mo sa hapon.... o sa intsik....
Bakit nga ba napakalaking bagay ng salitang ito?
Kapag nagbigay ka ng tiwala sa isang tao, para mo na ring binibigay sa taong iyon ang buo mong sarili. Kumbaga, yung paborito mong tapsilog eh ibibigay mo na lang sa ibang tao. Kalakip ng salitang iyon ang prinsipyo ng nagbigay nito at nakaselyo sa emosyonal na paniniwala. Kung kaya mong punitin ang prinsipyo at paniniwala ng taong nagbigay ng tiwala sa yo, astig ka. As in astig, ang kapal ng mukha mo.
Bakit nga ba nawawala ito?
Napakaraming dahilan ng pagkawala ng tiwala. Sa sobrang dami, kulang pa ang isang buong page nito. Kung pagkakabit kabitin mo, magkakaroon lang ng 3 rason kung bakit nangyayari ito:
1. Pangungulila
2. Kagipitan
3. Sadya lang makapal ang mukha
Naku, yan ang pinaka unang paliwanag ng mga lalake kung bakit sila nagkakasala. Laging "lalake lang ako, may pangangailangan." Aminin man natin o ndi, nangyayari rin naman ito sa mga babae.. yun nga lang mas talamak sa mga lalake. Kawawa yung mga nag iibang bansa na bilang mo sa daliri kung ilang beses lang makauwi sa Pinas. Kita mo yung nagsumbong kay kuya Eddie, nagulat sha ng nadagdagan ang anak nila.
Nakakatakot pa naman pag tiwala na ang mawala. Parang nagiging mga adik ang nasa paligid mo at laging tamang hinala. Kahit gumawa tayo ng tama, pero dahil nawala na ang tiwala, wala na. Parang salamin lang sya na pag nabasag e di na pedeng buuin pa tulad ng dati. Parang tali na pag napatid na ay di mo na mababalik sa totoong hitsura. Nakabuhol na lamang ito, na tila nagbabadya lagi ng pagkaputol.
Bagamat nawala na ang tiwala na binigay mo sa iba, hindi nangangahulugan na kelangan eh mabuhay ka nang ganun. May mga taong nagsisisi sa pagkasira ng tiwala, kaya wag natin isarado ang utak at hayaan itong bukas sa pagbabago. Kaakbay ng pagtitiwala ang pagpapatawad, ika nga ni big brother. Kapag natutunan na nating magpatawad, matututo na ulit tayong magtiwala.
Isa pang kailangan sa pagbibigay ng tiwala ay ang pagtanggap. Alam ko na naisulat ko sa huli kong blog na mahirap ito, lalo na't ng nagtapon ng pagseselos ang langit ay isang drum ang dala mo pero requirements ito. Kumbaga sa math, ganito ang magiging equation nya:
Trust = Forgiveness + Acceptance
wherein
Trust = Love
and
Love = intimate moments... basta lam nyo na kung san tutungo ang intimate moments.
Pero syempre ang mga sinabi ko e mga ideals lang. Nasa sa yo yun kung pano mo iaapply. Kung lahat e kayang gawin yun, e di sana wala nang nagsusuicide at pumapatay ng dahil lang sa pagkabasag ng tiwala.
Wednesday, October 14, 2009
Pagtitiwala
Posted by Malungkutin at 8:22 AM Wednesday, October 14, 2009Labels: Malungkutin Chronicles
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment