Monday, November 16, 2009

Invisible Man

Monday, November 16, 2009
Napanood ko last weekend ang 2012, at anak ng tokwa, isa na ito sa mga naging paborito ko. Nakakapigil hininga, napapa "eeeeee" nga ako eh. Nakakaiyak daw, pero di naman ako tinamaan. Manhid na ata ako (bitter). Pero pramis, panoorin nyo sa sinehan, wag sa pirated dvd. walang thrill. Ang mga binibili lang na pirated e mga bold at tagalog movies.

Anyways, ndi tungkol sa pagkagunaw ng mundo ang topic ko ngayon. Actually, related pala. Naranasan nyo na bang maging invisible man? Bakit kamo related? E para ka na rin kasi nilamon ng ga-building na baha dahil ndi ka nag eexist. Kumbaga, parang patay ka na rin.

Mahirap ang pakiramdam pag invisible man ka. Sana nga e talagang wala ka jan para kahit pano magagawa mo ang lahat; manilip, magnakaw at kung ano ano pang kasamaan pero hindi. Nakikita ka pa rin ng tao, pero para ka lang tae na parang ayaw ni tingnan man lang.

Sino nga ba ang may gusto maging invisible man? Sino ba ang may gusto na para ka lang utot na dadaan at makakalimutan na maya maya. Sino ba ang may gusto na wala kang makausap kasi pakiramdam mo e wala rin namang makakarinig sa yo. Yung tipo ba kahit ba magbigti ka jan eh maaagnas ka na lang eh di ka pa rin pinapansin. Wala. Siguro kung naging aso tayo o isda na simple lang mag isip, pwede pa. Pero hindi e. Tao tayo. Masakit sa kasin kasin na balewalain ka ng mga tao.

Kung iisipin naman, maraming dahilan kung bakit nagiging invisible man ang tao. Minsan sa katigasan ng ulo, pinipili na lang ng mga tao sa paligid na dedmahin na lang. Minsan makapal ang mukha mo na wala ka naman trabaho eh umaaasa ka pa rin sa magulang mo. Syempre mag gagalit galitan portion sila at di ka na lang papansinin. Meron naman talagang tinamaan ng malas at walang nagmamahal sa kanila. Yun yung mga lehitimong invisible man.

Kahit ano pa man ang mga dahilan, di pa rin masaya maging invisible man. Oo nga, nakakakain ka, nakakatulog ka, nakakagala ka ng walang nakikialam sa yo pero the hell naman. Kahit pano naman makakaramdam ka ng hiya diba? Minsan mag eeffort ka, pero babaliwalain ka lang, ano pa gagawin mo kundi magpatuloy na lang sa pagiging invisible? Kung maghihintay ka naman na pansinin, mas malabo kang makawala sa sumpang iyon.

May mga tao naman na mas pipiliin na lang maging inbisibol...

Minsan kasi ang mga magulang, hindi nila napapansin na nasasaktan na nila ang mga anak nila. Yung iba nga, hindi naman kilala ang anak nila pero kung mapagsabihan nila ang mga anak nila e kala mo close sila. Hindi naman maaalis yung utang na loob eh. Alam naman natin na kung wala sila, wala rin tayo. Sa puntong ito, mas gusto mong maging inbisibol. Minsan nga magtatanong ka ng gagawin, dededmahin ka lang at kala mo eh isang utot lang ang narinig nila.

Ang nakakatawa minsan e pag akala mo eh nalampasan mo na ang invisible man stage. Ayan ok na ang lahat, maayus na ulit. Hindi ka na samang loob na nagkatawang tao. Pero ilang araw lang e babalik na naman sila sa dati na di ka tatantanan hanggang sa maging inbisibol man ka ulit. Sayang lang ang effort.

Ano nga ba ang nararamdaman ng isang true blue invisible man? Huwag mo itanong yan sa mga magulang at baka ikaw e madamay sa listahan ng mga taong ginawa nilang inbisibol men. Hindi nila maiintindihan ang generasyon ito. Ni hindi nga nila nalalaman kung ano nga ba interes ng kanilang mga anak. Kasi nga, singaw ka lang. Wala kang silbi sa mundo.

Naalala ko tuloy nung ako eh inbisibol din sa amin. Pinagalitan ang mga kapatid ko. Mejo natuwa nga ako nun kasi feeling ko kasama ako dun, hindi na ko inbisibol. Nung nagsalita ako na "may ginagawa lang po akong trabaho" ang sagot ba naman eh "Hindi naman ikaw ang kinakausap ko at wala akong pakialam kung may trabaho ka!" Oh yes diba? Pero in fairness naman e kinausap ako, pero wala daw siya pakialam. Ironic.

Ganun lang siguro talaga, magulang sila. Anak ka lang. Wala kang karapatang magalit. Kahit may oras na tama ka, mali ka pa rin. Kung ako nasa kalagayan nila, mas pipiliin kong maging inbisibol na lang. Kesa naman araw araw magtalo dahil hindi nila maintindihan ang kanilang mga anak.

Siguro ulit ulitin mo na lang ito sa utak mo:

Isa akong utot
Isa akong sama ng loob
Nabubuhay ako para hindi pansinin
Nabubuhay ako dahil invisible ako

Congratulations! Welcome sa Malungkutin(aka Invisible) Family

0 comments: