Monday, August 25, 2014

Relationship Status

Monday, August 25, 2014
Masarap ang feeling ng nagmamahal ano? Yung tipong ok lang kahit ano mangyari sa yo basta mahal mo yung isang tao. Yung tipong kaya mong lumipad sa alapaap kahit walang tulong nung bato o damo.

Ganyan tayo e. Matututo kang maniwala na love will keep us alive. Lagi kang excited gumising para lang magkasama kayo. Makakalimutan mo yung ibang parte ng buhay mo para lang sa mahal mo. Sinasabi nila na magtira ka para sa sarili mo pag nagmamahal ka. Pero ganyan naman lahat ng payo e. Puro ideal words lang pero mahirap i apply sa totoong buhay. Pag nagmahal ka ng tunay kasi isusuko mo lahat yun. Paggising mo sya ang una mong maiisip. Isusubo mo na lang yung pagkain e ibibigay mo pa sa kanya. Natututo kang magtipid para lang may pang date kayo. Kahit wala kang tulog, pupuntahan mo sya para lang magkasama kayo. Ganyan ang pag ibig. Gagawin kang tanga, para lang sumaya ka.

Bibilang ng ilang taon, mapapatunayan mo na worth it naman pala ung mga ginagawa mo. Kumbaga sa mga love team na tulad nina KathNiel, nagclick ang pagsasama nyo. Magiging masaya kayo ng ilang taon. Sabi nga nila e pag umabot kayo ng 2 years, aba may potensyal. Sa loob kasi ng 2 taon, makikilala nyo na ang lahat ng baho nyo. At pag umabot kayong magkasama pa rin, maswerte ka. Kapag umabot naman daw ng 5 taon, mejo sure ka na raw nyan. Kumbaga true love na daw talaga yan. Kakasalin na raw. Wala na raw makakasira nyan kasi malalim na pundasyon. E limang taon na kayong nagmamahalan, nagmumurahan, naghahagisan ng plato, ngayon pa ba naman aayaw? Kaya siguro nga may punto naman nga.

Pero may kaakibat na takot ang pagtagal ng isang relasyon. Aabot kayo sa puntong magkakasawaan kayo. Yung tipong pag gising mo e tropa na agad ang hinahanap mo. Yung pagkain sunod sunod mo nang isusubo.. may bulos pa. Nakasanayan nyo na ang isat isa kaya nawawala na rin yung tinatawag ni optimus prime na spark. Yung away nyo lalo lang lumalala, kasi nga, hindi na kayo natatakot na mawala ang  isat isa. Dadating ka rin sa puntong magtatanong ka na sa sarili mo kung mahal mo pa nga ba yang damuho na yan. Magtatanong ka na kung pagmamahal o panghihinayang na lang ang nararamdaman mo. Minsan may makikilala ka pang iba. Makakahanap ka ng kilig sa ibang tao na hindi mo na maramdaman ngayon.

Ngayon, pano mo masasabing sigurado na ang matagal na pagsasama? Pano mo mababalik ang dati kung tadtad na ng lamat ang relasyon nyo? Bigla ko naisip yung kasabihang "asawa nga nasusulot, jowa pa kaya?". Sa lahat ng kasabihan tungkol sa relasyon, parang ito lang ang mas malapit sa katotohanan.

Ang tanong ngayon, paano naman kung isa lang ang nagsawa?

0 comments

Thursday, August 21, 2014

Lasing sa lablayp

Thursday, August 21, 2014
Matagal tagal ko na rin pala hindi ito nabibisita. Yung mga plano ko isulat, ayun nabulok na lang. Kaya wala rin gano nagbabasa na dito kasi nga naman, ningas kugon lang ako. Puro simula, walang natatapos. Hayaan nyo na lang ako magsimula ulit. Ngayon lang.

E kasi naman itong si Malungkutin aba, bigla na lang sumaya. Lahat ng mga akala ko dati e imposibleng mangyari e nangyari sa kin. Totoo ata nga ata yung mga fairy godmother. Hindi ako sanay sa mga magagandang bagay. Ang alam ko lang, pinagsakluban ako ng langit at lupa. Ang alam ko lang, ginawa ang salitang malungkutin para sa kin.

Bakit nakakaranas ako ng mga makatulo na ihing kilig? Yung mga bulate ko sa tyan, parang sabay sabay nagbobody slam at nagbavibrate sa tyan ko (yun din ata yung tawag nilang butterflies in the tummy). Lahat ng nakikita ko magaganda. Kahit yung tindera na mukhang mangkukulam na binibilhan ko ng pop cola e parang nagiging kamukha ni marian rivera. Nawiwili ako makinig sa mga love song at may pasayaw sayaw pa. Yung kwarto ko na kasama ko lagi nagseselos na kasi bihira na ko tumambay dun. Hay.

Ganito ba ang feeling ng in love?

Lahat ng sama ng  loob ko e parang naflush ko sa inidoro. Nawala na ang bitterness, kahit ampalaya ang kinakain ko ay parang asukal ang nalalasahan ko. Yung pusoo ko na dinaanan ng pison, chinop chop, dineep fried, pinakain sa mga aso ay bigla na lang bumangon galing hukay.

Eto ba feeling nung mga nakikita kong magjowa na gusto ko tirisin dati?

Masarap sa pakiramdam. May rason ka ngayon lagi na ngumiti. Akala ko dati, yung mga muscle ko sa bibig e sa pagkain ko na lang magagamit. Nakakatakot lang sa umpisa kasi hindi mo naman inakala e. Andyan ang takot na bigla na lang matapos yung kaligayahan mo. Tapos maririnig mo pa sa radyo yung kanta ni cookie chua na may lyrics na "ang lahat ay may katapusan". Kasi nasanay ka nang mag isa tapos biglang magkakaroon ka na ng kadamay sa lahat. Hindi mo na kailangang umiyak mag isa. Meron ka nang isang fan na sisigaw sa tuwa. Meron nang bibilib sa mga ginagawa mong kalokohan. Kasi tinanggap ka nya kung ano ka. Tinanggap nya ang pagiging malungkutin ko. Kaya masarap talaga mainlove.

Hindi na po si malungkutin tong nagsusulat. Sorry po sa kakornihan. Lasing lang ako. Lasing sa pagmamahal.

Ayiii...





0 comments